SUNDAY, walang pasok, kaya naman nilabhan na ni Kristen ang kaniyang mga natitirang damit dahil wala na siyang masuot pa. Pakanta-kanta na siya habang nililinis ang kaniyang mga natitirang sapatos. Kahit papaano ay gumaan na ang loob niya dahil sa pagdating ni Cadmus kagabi; dahil sa kakulitan nito ay nabawasan ng kalahati ang kaniyang problema. Umuwi rin naman ito agad matapos nilang mag-dinner dahil itinaboy rin niya. Medyo nahiya pa nga siya dahil para siyang tinanggihan nito nang ialok niya muli ang kaniyang sarili. Sinagot ba naman siya ng next time na lang dahil wala raw itong gana. Pero bago naman umalis ay iniwanan siya ng 27k na tanging laman lang ng wallet nito, binigay lahat sa kaniya at bahala na raw siya kung kailan niya mababayaran. Nakakapagtaka man ang desisyon nito, pe