KRISTEN stretched as she exited the laboratory, feeling the tension in her neck from staring into the microscope during the hematological test earlier.
Dumiretso na lang siya sa library para makapagpahinga, dahil maaga pa naman para umuwi.
Pagpadating niya sa loob ng tahimik na llibrary ay agad siyang kumuha ng isang medical book at naupo sa may table.
Tahimik siyang nagbabasa nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kaniyang phone na nasa loob ng bulsa ng kaniyang suot na white coat.
Isang text message ang dumating galing sa kaniyang best friend na si Thalia.
From Thalia: Beshy! Nakapag-set na ako ng appointment para sa ’yo. Makikipagkita ka na kay client 1 tomorrow night at exactly 10 PM. Sa LM Hotel.
Bigla siyang napahinto nang mabasa ang mensahe. Sumibol na naman ang kaba sa dibdib niya at biglang napalunok.
Nakatitig lang siya sa text message nang biglang may naupo sa kaniyang tabi at sumilip sa kaniyang hawak na phone. Para naman siyang agad na natauhan na mabilis na iniwas ang kaniyang kamay.
“Oh, what's that, huh?” pilyong tanong sa kaniya ni Cedric na siyang sumilip. Nakasuot din ito ng white coat katulad niya.
“Ano ka ba, nakakagulat ka naman!” Sinamaan niya ito ng tingin at ibinulsa na lang muli ang kaniyang phone.
Ngumiti naman si Cedric at pinakita sa kaniya ang dala nitong snacks. “For you!” Isang milk drink at sandwich.
Napangiti na si Kristen at mabilis na inagaw sa kamay ni Cedric ang snacks.
“Thank you. Tamang-tama gutom na ako.” Agad niyang binuksan ang sandwich at kumain.
Napangiti naman si Cedric. “Naghanap ako sa 'yo, akala ko umuwi ka na nang hindi man lang nagpapaalam sa akin.”
Hindi na mapigilan ni Kristen ang mapairap. “Kailangan bang magpaalam muna ako sa ’yo bago umuwi? Ano ka, tatay ko?”
Natawa si Cedric. “I'm your best friend. Best friend s***h driver,” ngisi nito at ginulo-gulo pa ang buhok niya. “Hatid na kita pauwi.”
“Okay, pero mamaya na lang. Magbabasa muna ako,” pagpayag na lang niya at muli nang dinampot ang book.
Habang tahimik na nagbabasa ay pinagmamasdan naman siya ni Cedric na parang aliw na aliw titigan siya. Hanggang sa tumayo ito at pumunta sa kaniyang likuran, hinawakan ang kaniyang buhok at inayos ang pagkakatali. Hinayaan naman niya ito at hindi pinansin, dahil bilang mag-aapat na taon nang mag-best friend ay sanay na sanay na siya sa kilos nito.
Cedric has been her classmate and best friend since her first year of college. They are both taking the Bachelor of Science in Medical Technology (BSMT) course.
Si Cedric ang klase ng kaibigan na overprotective at medyo makulit, pero seryoso naman kapag iba ang kaharap. Nag-iisa lang niya itong kaibigang lalaki since first year college. May mga nakipagkaibigan din naman ibang lalaki sa kaniya, pero ’di rin nagtagal ang mga ito at lumayo rin sa kaniya na para bang may nakakahawa siyang sakit. Hindi niya maintindihan kung bakit, naisip na lang niya na siguro ay nilayuan na siya dahil hindi naman sila magkasing-yaman. Si Cedric lang talaga ang tumagal sa kaniya at hindi nawawala sa tabi niya, tuwing break time ay ito lagi ang kasama niya kumain, o kahit sa lahat ng school activities, hindi sila nagkakahilay dahil palaging nasa iisang team lang sila.
“Nga pala, balak kong mag-aral na sa ibang bansa kapag na-complete ko na ang bachelor's degree ko dito. Would you like to come with me?” tanong ni Cedric sa kaniya nang muli na itong maupo sa kaniyang tabi.
“I can't afford to study abroad,” tanging sagot lang niya habang nanatili pa rin ang tingin sa binabasang libro.
“I’m willing to pay your expenses.”
“It would be good if it was your own money; maybe I would agree. Pero pera ng parents mo? Duh! Ano na lang ang iisipin nila sa akin, aber?” She chuckled.
“Just don't mind them. My parents are nice; you don't have to worry about them. Matutuwa pa 'yon kapag nalaman nila na magkakaroon na sila ng daughter-in-law.”
“Ewan ko sa 'yo, Ced. Just please stop talking to me, hindi ako makapag-focus sa pagbabasa.”
Tumahimik naman ito at buntonghininga na lang sumandal sa upuan. Hindi na siya inistorbo pa sa pagbabasa.
May thirty minutes din silang nanatili sa loob ng library room bago naisipan nang lumabas.
“Maaari mo ba akong hintayin?” tanong sa kaniya ni Cedric habang pababa na sila ng building.
“What do you mean?”
“Pagkatapos kong mag-aral abroad. Mahihintay mo ba ako?”
“My goal is to achieve my dreams, not to date a man,” she directly answered.
Napasimangot naman si Cedric sa kaniyang sagot, pero ngumiti pa rin ito at inakbayan na siya. “Of course, I know. And I am willing to support you wholeheartedly in pursuing your dreams. But please, just let me be your man.”
“You're already my man; you're my best friend, remember?”
“Yeah. But hopefully, magkaroon na ng level, from best friend to boyfriend sana.”
Kristen just chuckled. “Dream on, boy.”
Napangisi lang si Cedric. “Alright. Pangangarapin muna kita sa ngayon. I'm willing to wait naman. Pasasaan ba't sa akin ka pa rin babagsak.”
“Ewan ko sa 'yo. Manahimik ka na nga.” Siniko niya si Cedric na kinangiti lang nito.
Dumiretso na sila sa parking lot kung saan naroon naka-park ang sports car ni Cedric. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Pero bago pa siya makapasok ay bigla na lang may bumangga sa balikat ni Cedric na kinautog ng dibdib nito sa kaniyang braso.
“Oops!” paghinto naman ng lalaking bumangga at lumingon. “Sorry, man, I didn't see you,” ngisi nito na parang may pang-aasar pa. Kasama pa nito ang isang babae na nakasuot ng nursing uniform.
Nangunot naman ang noo ni Kristen nang makilala ang lalaki—na walang iba kundi si Cadmus Dimitriou, ang casanova campus mula sa BSBA department. Madalas niya itong makita na may kasamang babae, at sikat din ito sa mga babae sa BSMT department, kaya kilalang-kilala na niya ito.
“Ipa-check-up mo ang mata mo!” inis na sagot ni Cedric na parang naasar dahil sa pagbangga.
Napahinto naman si Cadmus sa pagbukas nito sa pinto ng kotse nito at tumaas ang kilay. “Ang yabang talaga ng mga BSMT, ’no?” ngisi nitong sabi sa kasamang babae pero nasa kanila ang tingin.
“You’re right,” maarte naman sagot ng babae na humawak pa sa braso nito.
Mabilis na lang pinigilan ni Kristen sa braso ang kaibigan. “Hey, huwag mo nang patulan. Let's go, umuwi na tayo.”
Umigting na lang ang panga ni Cedric at sumama ang tingin kay Cadmus. Hindi na ito pumatol pa at pinagbuksan na lang siya ng pinto ng kotse.
Pero nang akmang papasok na siya ay siyang pagtawag naman sa pangalan niya.
“Ms. Kristen Rodriguez!”
Napahinto si Kristen at napalingon sa lalaking bumangga sa kanila. Napangisi naman ito sa kaniya nang lingunin niya.
“Puwede ba akong magpa-check-up ng mata sa ’yo?” Cadmus asked her, flashing a playful smile.
“I'm just a MedTech student, not an ophthalmologist,” irap na lang sagot ni Kristen na may halong inis bago pumasok na sa loob ng kotse.
“Hmm. Sungit naman ni beauty!” ismid pa ni Cadmus na may pilyong ngiti at binuksan na rin nito ang pinto ng red Ferrari nito sa babaeng kasama. “Kapag magaganda ba, talagang masusungit?”
“That's not true. Ako nga maganda, pero hindi naman masungit,” sagot pa ng babae bago pumasok ng kotse.
Napairap na lang si Kristen. Pumasok na rin si Cedric at pinaandar na nito ang kotse. Pero saktong umandar din ang kabila at inunahan sila, dahil mabilis itong humarurot agad, munting bumangga sa kanila.
Cedric's grip on the steering wheel tightened in frustration. “May araw ka rin sa akin,” he just muttered as his jaw clenched before driving away the car.
“Huwag mo nang patulan pa ang lalaking ’yon. Mapapa-trouble ka lang do’n,” pagpapakalma na lang ni Kristen sa kaibigan. She knows Cedric very well, masyadong mainitin ang ulo nito at madaling pumatol kapag may nanghahamon ng away.
“Bakit alam ng lalaking ’yon ang pangalan mo?” Cedric asked her as he drove.
“I don't know.” She shrugged. ”But I know him. Sino ba ang hindi nakakakilala sa kaniya, eh babaero ’yon ng campus. Halos lahat yata ng babae sa department natin ay naging girlfriend na niya.”
“At least, hindi ka pumatol.”
“He's not my type.” Kristen rolled her eyes.
Napangiti na si Cedric. “That's great. Dapat ako lang ang type mo.”
“Hindi rin kita type, ’no.”
Napasimangot na ito. “Then sinong type mo?”
“I don't know.” Kristen shrugged and just looked at the window.
Bumalik naman ang ngiti sa labi ni Cedric sa kaniyang sagot. “Mas mabuti nang wala kung hindi lang naman ako.”
Napailing na lang si Kristen. “Ewan ko sa ’yo. Magmaneho ka na nga lang.”