HINDI mapakali si Kristen sa loob ng kaniyang kuwarto habang tinititigan ang isang papel kung saan nakalagay ang halaga ng kaniyang babayarang tuition fee sa school: 300,000, at kapag hindi siya nakabayad within one week ay maaari na siyang ma-expelled.
Ngayon ay nagsisisi na siya, na dapat ay nag-apply na siya ng scholarship last year, eh di sana baka hindi pa siya namroblema ngayon kung saan na kukuha ng pambayad sa tuition fee. Paano kasi mas inuna pa niya ang pride niya, at umasa siya na magbibigay pa ang kaniyang tiyuhin na siyang nagpapaaral sa kaniya. Pero last year pa ito hindi na nagparamdam at hindi na rin siya pinapadalhan ng pera, nang tawagan niya ang number nito ay hindi na makontak pa. Hindi na niya alam kung bakit ito hindi na nagparamdam sa kaniya, samantalang dati ay every week siyang pinapadalhan ng pera.
Ngayon ay masasabi niyang mahirap talaga kapag wala nang mga magulang. Pareho na kasing namatay ang kaniyang parents sa car accident five years ago, highschool pa lang siya. At mula nang mawala ang kaniyang mga magulang ay ang tiyuhin na niya na kapatid ng kaniyang mommy ang magpapaaral sa kaniya, in-spoil siya nito sa lahat dahil wala naman itong ibang pamilya, wala pang asawa at anak. Pero ngayon ay hindi na niya alam kung saan na ito hanapin dahil hindi naman niya alam kung saan talaga ang address nito, tanging pangalan lang nito ang alam niya.
Naubos na rin niya ng benta ang kaniyang mga alahas last year at pati na ang mga mamahaling gamit ng kaniyang yumaong magulang ay naubos na niya ng benta. Ngayon ay bahay na lang at lupa ng mga ito ang natira, pero ayaw naman niyang ibenta dahil baka wala nang matira pa sa kaniya, at baka magalit pa ang kaniyang mga magulang sa kabilang buhay kung pati bahay ng mga ito ay ibebenta niya.
“Ano, sasali ka ba o hindi?” tanong sa kaniya ni Thalia nang puntahan siya nito sa kaniyang inuupahang apartment para alukin kung gusto ba niyang sumali sa Secret VIP book nito kung tawagin; sa Secret VIP book nito ay puro mga virgin lang daw ang nilalagay na edad 18 hanggang 25, dapat maganda at sexy. Then mamimili lang ang client sa mga litrato ng mga babaeng nasa list kung saan nakalagay rin ang bawat presyo kung magkano ba ang isang gabing serbisyo sa kama, kumbaga isang beses lang sumali sa Secret VIP book. Then 20% naman ang magiging hati ng club since VIP customer ng club ang magiging client.
Si Thalia ay dalawang taon na niyang kaibigan at nagtatrabaho ito sa isang club bilang singer. Katulad niya ay pumapasok din ito ng college, pero magkaiba ang school nila, dahil ito ay pumapasok sa public school, habang siya naman ay sa private dahil iyon ang kagustuhan ng kaniyang tiyuhin sapagka’t nag-iisang pamangkin lang daw siya, kaya dapat sa pinakamamahaling paaralan siya mag-aral. Pero ngayon ay nawala naman ito nang hindi man lang paalam.
Ngayon tuloy ay pati ang pang upa niya pinuproblema na rin niya lalo na't malapit na rin ang due date, at fifteen thousand ang monthly rent, dahil lumipat na siya sa mas mura, kumpara sa inuupahan niya dati na 30k ang monthly rent. Pero ayos na rin naman ang apartment niya ngayon, hindi gaano kalakihan katulad sa dati niyang inupahan, pero kasya naman ang mga gamit niya. Kailangan niya rin kasing magrenta ng apartment dahil malayo ang bahay ng kaniyang mga yumaong magulang, nasa Cavite pa, at nasa Laguna naman siya pumapasok.
“Hoy, Kristen, ano ba! Nakikinig ka ba sa akin! Isasali ba kita o hindi?” nakasimangot na tanong muli ni Thalia sa kaniya habang nakaupo ito sa kama niya at pinapanood siya sa kaniyang palakad-lakad sa loob ng kuwarto dahil lang sa hindi mapakali sa kakaisip kung saan na siya kukuha ng pera.
“N-natatakot ako, Thalia, paano kung may makakilala sa akin? Paano kung malaman ng school?”
“Oh god, Kristen!” Napaikot na ang mata ni Thalia sa kaniya. “Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na walang makakaalam kundi ’yong magiging client mo lang, dahil kapag napili ka na ay aalisin din namin agad ang picture mo sa list para hindi ka na makita pa ng iba!”
Napahinto na si Kristen sa palakad-lakad at humarap na sa kaibigan. Sandali siyang napatitig dito, hanggang sa napabuga na lang ng hangin at napilitang pumayag.
“Sige, ilagay mo na ’yong picture ko, pero ’yong medyo blurry ang piliin mo para hindi ako masyadong makilala.”
Agad namang tumango si Thalia. “Copy. So, ilan naman ang ilalagay kong price?”
“Uhm, how about 300k, may papatol kaya?” she asked, biting her lower lip.
“I think, masyadong mataas. Babaan mo na lang,” Thalia suggested.
Napasimangot na si Kristen. “Pero akala ko ba mga mayayaman ang pumupunta sa club na 'yan?”
Thalia rolled her eyes. “Oo, mamayaman nga. Pero isipin mo na lang mas marami pang sexy sa 'yo at maganda, then mababa lang ang price nila. So sa tingin mo, sino ang unang mapipili? Mas maganda ikaw ang mapili ng first client, para hindi na makita pa ng iba ang picture mo at hindi ka makilala kung ’yon ang kinakatakot mo.”
Napaisip naman si Kristen. Talagang wala na siyang ibang choice. Kailangan na niyang kumapit sa patalim para magkapera, tutal ga-graduate na rin naman siya this year.
“Sige, ilagay mo na lang 150k. Piliin mo ’yong pinakamaganda kong picture, ’yong sexy at malinaw. Para mapili ako agad ng lalaking aalukin mo.”
Umarko na ang kilay ni Thalia sa kaniya at napangisi na. “Oh, akala ko ba mas gusto mo ng blurry?”
Kristen rolled her eyes. “Nagbago na ang isip ko. Basta gawin mo na lang ang makakaya mo para mapili ako agad. Pero ayoko ng matanda, ha.” Nilakihan niya ng mata si Thalia.
Natawa naman ito. “Ayaw mo ng matanda? Eh paano 'yan halos lahat ng customer ay nasa edad 30 na pataas.”
“Ah basta huwag lang tataas sa 30 ang edad. Hindi ko yata masikmura kapag matanda na.”
Thalia smiled and nodded. “Alright, I got it! Akong bahala sa ’yo! Aabangan ko lahat ng bawat pasok client at iaalok kita sa mas bata at mayaman. Pero oo nga pala, puro mayayaman naman ang pumupunta sa club namin. Sige, ilalagay kita with 180k price, para hindi na mabawasan ang 150k na magiging hati sa club.”
“Ikaw ang bahala. Basta tawagan mo na lang ako kung may pumili na sa akin.”
Thalia nodded and stood up. “Alright. Magse-set naman ako ng appointment para sa inyong dalawa kapag napili ka na. Magkikita lang kayo sa hotel, or puwede rin sa place niya. Pero siyempre sisiguradohin muna natin ang safety mo. Then kapag kayo na lang dalawa, ikaw na ang bahala kung paano mo siya pagsilbihan. Basta galingan mo lang para makuha mo agad ang 100k. At malay mo rin, dagdagan pa niya kapag nagustuhan ang performance mo.”
“Akong bahala. Puwede naman akong manood ng porn para mas lalong matuto pa.”
“Good idea. Sige, aalis na muna ako. Tawagan na lang kita kapag okay na.”
Umalis na si Thalia matapos ang kanilang pag-uusap.
Kinuha naman ni Kristen ang kaniyang phone at nag-browse sa porn site. Nanonood siya ng porn. Pero habang nanonood ay hindi niya mapigilan ang mag-init nang mag-react ang kaniyang katawan. Hindi na lang niya pinansin at nag-focus pa rin siya sa ginagawa ng nasa video.
Nang sumapit ang alas onse ng gabi ay nagising siya mula sa pagkakatulog nang marinig ang pag-ring ng kaniyang phone. Nang makitang si Thalia ang tumawag ay agad niya itong sinagot.
“Kristen, good news!” masayang bungad agad nito sa kaniya. “Nakahanap na ako ng client! And guess what? Sobrang guwapo niya at batang-bata pa! Tingin ko ay magkasing edad lang kayo, girl!
Sa narinig ay bigla nang bumalikwas ng bangon si Kristen. “Pumayag ba sa 150k?”
“Yes, girl! Pero di ba 300k ang need mo? So ayon, pinakita ko pa sa isang handsome guy ang pic mo. And guess what he said? Nakahanda raw siya magbayad kahit magkano basta ikaw!” pagtili na ni Thalia sa kabilang linya. “Girl! Na-love at first sight yata si guy sa picture mo!”
Parang biglang nawala ang antok ni Kristen at napalunok na. “D-dalawa talaga? Baka hindi ko kayanin, Thalia. Alam mo namang wala pa akong karanasan sa kama—”
“Don’t worry, girl, hindi naman sabay ’no! Ni hindi nga magkakilala ang client na inalok ko, pero parehong guwapo! As in! Ganito na lang ang gawin natin, makipagkita ka muna doon sa nauna, then sa susunod na gabi ay saka ka naman makipagkita sa isa pa.”
Natigilan si Kristen at hindi agad nakasagot. Bigla na siyang dinambol ng kaba. Pero wala naman siyang choice, dahil hindi naman puwede na 150k lang, eh 300k ang kailangan niyang bayaran sa school, then pambayad niya pa sa upa, iniisip niya pa kung saan siya kukuha.
“P-pero ’di ba virgin ang lahat ng nakalagay sa Secret VIP book niyo? Paano na ’yong second guy?”
Sandali naman natahimik si Thalia sa kabilang linya. “Oo nga, ’no? Pero, uhm . . . tingin ko okay lang naman, ibudol mo na lang siguro. Wala na rin naman ’yan magagawa kapag naipasok na, kaysa naman mabitin, siyempre mas pipiliin no’n na magpatuloy. Basta galingan mo na lang ang performance mo, diskarte lang ba. Baliwin mo agad sa unang halik!”