SATURDAY na, pero may pasok pa rin si Kristen. Gayunpaman ay binabagabag na siya para sa gagawin niya mamaya, dahil mamayang gabi ay makikipagkita na siya sa client niya at ibibigay na ang sarili niya para sa pera. Pero hindi pa siya handa, ni hindi nga niya alam kung kaya ba niyang akitin ito kapag nagkita na sila. Wala pa siya masyadong experience kahit sa halik man lang. Oo, nahalikan na rin naman siya ni Cedric dati sa labi, pero saglit lang, hindi man lang siya nakatugon dahil sa gulat no'n, katunayan nga ay nasampal pa niya si Cedric pagkatapos. Kaya mula no’n ay hindi na umulit pa na halikan siya, tamang sa pisngi na lang.
Pero ngayon, kailangan na kailangan niya nang magkaroon muna ng experience; bago man lang siya makipagkita sa client, dapat ay marunong man lang siya humalik.
Kaya naman sa pagkadesidedo niyang magkaroon muna ng kissing experience ay niyaya niya agad si Cedric sa kotse nito. Pagkapasok sa loob ay tinapangan na niya ang sarili niya at walang sabi-sabi nang hinawakan ang ulo nito paharap sa kaniya bago agad na sinalubong ng halik ang labi.
Para namang nanigas si Cedric sa gulat. Nanlaki ang mga mata at hindi ito agad nakagalaw. Kaya bumitaw din siya agad at ngumiti na, klase ng ngiti na may halong awkward, pero tinapangan pa rin niya ang sarili.
“Ano, okay ba ang halik ko?” she asked with a smile.
Napakurap na si Cedric. “W-why did you kiss me?” tanong na kumawala sa labi nito at parang gulat pa rin ang ekspresyon. “Oh wait…” he paused, hanggang sa bigla nang nagliwanag ang guwapong mukha nito at kumislap na ang mga mata nang tila may mapagtanto. “Ibig bang sabihin ba nito ay pinapayagan mo na akong manligaw sa 'yo, or tayo na agad?”
Natawa na si Kristen. “Hindi, ’no! Hinalikan lang kita kasi need ko ng experience!”
Cedric blinked in disbelief. “Experience for what?” Nangunot na ang noo nito.
Napakagat naman si Kristen sa labi. “Uhm, ano kasi . . . b-balak kong mag-audition bilang artista!”
“What?!” Cedric's eyes widened in shock.
“Yes,” she nodded, and her smile returned. “So, puwede ba akong mag-practice with you?”
Nagsalubong pa lalo ang mga kilay ni Cedric sa kaniya. “Mag-aartista ka? May hahalikan kang lalaki sa audition pa lang?” tila hindi makapaniwala na nitong tanong na parang hindi agad nagustuhan ang kaniyang balak.
Kunwari ay natawa naman si Kristen at hinampas ang braso ng kaibigan. “Ano ka ba, wala naman. Pero just in case, at least marunong na akong humalik, ’di ba? So ano, puwede mo ba akong tulungan?”
Finally, a playful smile appeared on Cedric's lips “My pleasure to help you,” sagot nito at kumindat pa sa kaniya, pero sa isang iglap muli rin nagsalubong ang mga kilay at bumalik sa pagiging seryoso. “But wait, ayaw mo na maging doctor? Mas gusto mo nang mag-artista?”
“Uhm . . .” Kristen bit her lower lip. No, she can't tell him the truth; kailangan pa rin niyang magsinungaling. “Pinag-iisipan ko pa.”
“No, huwag kang mag-artista,” mabilis nang pag-iling ni Cedric sa kaniya. “I'm a jealous man, ayokong makitang may ibang lalaking humahalik sa ’yo.”
Hindi na mapigilan ni Kristen ang mapairap. “Kung makapagsalita ka naman akala mo'y boyfriend kita.”
“Yes, hindi mo pa nga ako boyfriend sa ngayon. But soon, magiging akin ka rin naman. I will be your husband someday, pangako ko sa ’yo ’yan!” sagot ni Cedric na parang may halong inis na sa boses.
“Gosh! Nakakakilabot ’yang salita mo, parang nagiging tunog obsess!” pagsimangot na lang ni Kristen.
Tiningnan pa siya ng masama ni Cedric. Pero kalaunan ay unti-unti na rin bumalik ang pilyong ngiti nito. “Come here, I will teach you how to kiss.” Hinawakan na siya nito sa braso. “Basta huwag mo akong sasampalin, ha?”
Kristen nodded. “I promise.”
Kaya naman hinila na siya ni Cedric sa baywang at pinaupo sa kandungan nito. Nakangiti naman niyang niyapos ang mga braso sa leeg nito. Hanggang sa sabay na nilang sinalubong ang labi ng isa’t isa at pinikit ang kanilang mga mata.
Marahan lang sa una ang paghalik sa kaniya ni Cedric, sinabayan naman niya ito; nang sipsipin nito ang kaniyang labi ay gano'n din ang ginawa niya, sinisipsip din niya ang labi nito.
Hanggang sa lumalim na nang lumalim ang kanilang halikan, pero kalaunan ay kinapos na ng hininga si Kristen, kaya siya na ang naunang bumitaw. Para namang nabitin pa si Cedric nang imulat na nito ang mata at hahabulin pa sana ang labi niya pero mabilis na niya itong pinigilan sa balikat.
“Teka, ba’t parang napaka-expert mo yatang humalik? Ilang babae na ba ang nahalikan mo?” salubong ang mga kilay na niyang tanong sa kaibigan.
Napangiti naman si Cedric. “Ikaw pa lang,” sagot nito sa kaniya na medyo natawa pa.
“Liar!” She punched his chest. “Babaero ka yata kapag outside school!”
“Hindi nga. Ikaw lang ang babae ko. Come here, tuturuan pa kita; hindi ka pa magaling humalik.” Muli na nitong hinila ang ulo niya at sinalubong na siya ng halik.
Muli ay naghalikan sila. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang halikan ay parang may bigla na lang naramdaman si Kristen na matigas na bagay sa kaniyang kinauupuan, para siyang tinutusok nito. Ramdam na ramdam niya dahil nakasuot lang naman siya ng white slacks at gano'n din si Cedric.
Nanlaki na ang mga mata ni Kristen nang mapagtanto kung ano ’yong tumigas. Hanggang sa hindi na siya nakatiis pa at malakas nang itinulak sa dibdib si Cedric.
“Oh my god, I feel it! Ang bastos mo!” malakas na niyang paghampas sa braso nito habang nanlalaki ang mga mata na tila hindi makapaniwala.
Natawa naman si Cedric. “Sorry, I'm just a man,” sagot nito at ayaw pa sana siyang paalisin sa kandungan nito, pero sinapak na niya ang braso at mabilis na bumalik sa upuan.
“Pakihatid na nga lang ako sa drugstore, may bibilhin pa pala ako.”
Napatikhim na lang si Cedric. “Alright,” tangi na lang sagot nito nang may ngiti sa labi at pinatakbo na ang kotse palabas ng university.
Wala na silang imikan pa sa biyahe, dahil parang nagkaroon na ng awkward sa pagitan nilang dalawa. Kunwari ay binaling na lang ni Kristen ang tingin sa bintana at napatingin-tingin na lang sa labas.
Nang huminto na ang kotse malapit sa isang drugstore ay bumaba na si Kristen.
“Huwag mo na akong hintayin pa. Magta-taxi na lang ako pauwi.”
“No, ihahatid kita. Pagabi na oh, marami pa namang manyakis na taxi driver, baka mamaya bastosin ka pa,” Cedric insisted.
“Okay, just wait for me here. Bibili lang ako.” Mabilis na siyang tumakbo patawid sa kabilang highway.
Pagkapasok ng drugstore ay para siyang nakahinga ng maluwag. Pinilig na lang niya ang kaniyang ulo para kalimutan ang nangyaring halikan kanina. Hinanap na lang niya ang kaniyang bibilhin. Nang makita ang mga naka-display na condom ay agad siyang pumili at kumuha na ng isang box. Ngunit pagharap niya ay bigla na lang siyang bumangga sa katawan ng isang tao, dahil may lalaki pala na nakatayo sa likuran niya.
Nahulog naman ang hawak niyang box ng condom dahil sa pagbangga niya sa lalaki. Pero bago pa niya mapulot ay naunahan na siya nito at inabot na lang sa kaniya.
“Thank you—” nahinto siya bigla sa pagpapasalamat sana nang pag-angat niya ng tingin dito ay bumungad sa kaniya ang guwapong mukha ng isang lalaki.
Namilog ang kaniyang mata sa gulat at nahigit pa ang kaniyang paghinga.
Her heart fluttered with surprise upon realizing that it was none other than Callum Lambert, her long-term crush and the campus heartthrob from the Architecture department. Kilala ito sa pagiging tahimik lang kahit sikat sa mga babae sa buong campus; kung si Cadmus Dimitriou sikat sa pagiging playboy, ito naman si Callum ay sikat sa pagiging heartthrob at serious type, hindi namamansin ng mga babaeng nagpapansin dito.
“Uhm, this is not for me. Inutos lang sa akin ng friend ko,” usal ni Kristen na parang hindi na alam kung paano magpaliwanag sa condom na hawak.
Ngunit hindi man lang siya sinagot ni Callum at tinalikuran lang siya nito dahil pumunta na ito sa kabilang banda para pumili ng bibilhin naman nito.
Medyo napahiya naman siya at napatingin na lang sa hawak niyang condom. Parang gusto na lang niyang lumubog sa hiya at inis.
“Oh, bakit nakabusangot ka? May umaway ba sa ’yo sa loob?” tanong sa kaniya ni Cedric nang makabalik na siya sa kotse nito.
“Wala lang 'to, sige na ihatid mo na ako pauwi,” simangot niyang sagot at binaling na lang ang tingin sa bintana. Pero nakita niya si Callum na kakalabas lang ng drugstore at pumasok na sa black sports car nito.
“Tsk. Suplado.” Napairap na lang siya.