CHAPTER 4

2702 Words
NANG maihatid na si Kristen sa apartment ay hindi naman umalis si Cedric, bagkus ay sumama ito papasok sa loob ng kaniyang unit. “Ano pa ba ang kailangan mo at sumama ka pa talaga hanggang dito sa loob?” Kristen complained. “Pakape lang ako, maaga pa naman para umuwi, wala rin naman akong gagawin sa bahay,” dahilan ni Cedric at naupo agad ito sa couch pagkapasok sa loob. Parang hindi na makapaniwala si Kristen at agad na tumaas ang isang kilay. “Wala bang kape sa inyo at kailangan pa talaga dito sa akin?” “Tsk. Stop complaining. Ipagtimpla mo na lang ako, bayad mo sa paghatid sa akin.” Kristen couldn't help but chuckle. “Wow ha, so naniningil ka na pala ngayon sa paghatid sa akin?” “Yes.” Cedric smirked. “Now bring me a coffee,” utos nito at sumandal sa couch na akala mo’y boss. Napailing na lang si Kristen, wala nang nagawa kundi pumasok sa kaniyang maliit na kitchen at nagtimpla nga ng kape para sa kaibigan. Pero bagbalik sa living area ay nanlaki na lang bigla ang mga mata niya nang makitang binuksan ni Cedric ang paper bag kung saan nakalagay ang binili niyang condom kanina sa store. “No! Don't open it!” malakas niyang sigaw at mabilis na tumakbo, dahilan para magkandapon na ang dala niyang mainit na kape. Pero saktong paglapag niya ng dalang kape sa table ay nabuksan na ni Cedric ang paper bag at nailabas na nito ang condom. “What the heck, Kristen! What is this? Ba’t ka bumili nito?” malakas na bulalas ni Cedric na gulat na gulat nang makita ang condom. Hindi makapaniwala na siya nitong tiningnan. Kristen swallowed nervously. “Hindi sa akin ’yan, inutos lang sa akin ng kaibigan kong si Thalia!” Akmang aagawin na sana niya ang condom sa kamay ni Cedric pero mabilis naman nitong iniwas. “Are you sure hindi sa ’yo ’to? Baka naman may lalaki ka na pala nang hindi ko alam, ha?” Sumeryoso bigla ang tingin nito sa kaniya, klase ng tingin na para bang may pagbabanta na. “Wala 'no!” Mabilis na niyang inagaw ang condom sa kamay nito, at nakuha naman niya. “Tsaka kung may lalaki man ako, ano naman 'yon sa ’yo? Am I not allowed to have a relationship with another man?” Cedric's eyes widened, and he suddenly stood up. “Are you f*****g serious?! Then what about us?!” he yelled. Kristen just sighed. Heto na naman ang kaibigan niya, umaandar na naman ang pagkaseloso na akala mo'y boyfriend niya kahit magkaibigan lang naman sila. Pero dapat masanay na siya, because Cedric is always like this, sobrang seloso nito, at malakas din itong makabakod sa kaniya. Kinikilabutan na rin siya minsan at naiinis, pero hindi siya makaiwas dito lalo na't ayaw siya nito tantanan, lagi itong nakadikit sa kaniya sa school, katunayan ay magkatabi pa sila ng upuan sa loob ng classroom. “Come on, Ced. I'm just kidding. Wala akong lalaki, huwag kang over react diyan. Besides, kung sakaling magkaroon man ako ng boyfriend, ipapakilala ko naman sa ’yo para makilatis mo.” Cedric's jaw clenched. “Don't you dare, Kristen” he warned her seriously. Napabuga na lang ng hangin si Kristen at napailing bago naupo na sa couch, dahil alam niyang talo siya kung makikipagtalo pa. “Magkape ka na nga lang,” tangi na lang niyang nasabi. “Sigurado ka na sa kaibigan mo ’yang condom?” panigurado pa rin ni Cedric na parang hindi pa rin kumbinsido. “Yes,” Kristen answered, rolling her eyes again. “Bakit ikaw ang inutusan niyang bumili—” “Because she's busy!” She glared at him. Nainis na siya. Ilang sandali pang napatitig sa kaniya si Cedric ng seryoso bago ito muli nang naupo. “Alright. I trust you.” Tanging pag-iling na lang ang nagawa ni Kristen at pagbuntonghininga. Binuhay na lang niya ang TV para makaiwas na sa usapang condom. Tumahimik naman si Cedric, pero pinagmasdan pa rin siya nito kahit hindi na siya nakatingin dito. Lumipas ang ilang sandali, wala silang imikan. Hanggang sa binasag na ni Cedric ang katahimikan. “Kristen, wanna practice with me again for the kiss?” “Shut up. Just drink your coffee and leave after you're done,” inis niyang sagot dito. Cedric chuckled. “Alright. Pero sana huwag ka nang mag-artista, baka masira lang ang career mo in the future. Maging modelo ka na lang if you want, I will help you. May kilala akong agency, puwede kitang ipasok sa kaniya, siguradong matatanggap ka agad since maganda ka naman at sexy.” “Oo na, hindi na ako mag-aartista, so please just shut your mouth and drink your coffee. Lumalalim na ang gabi oh, kaya bilisan mo na at umuwi ka na,” irap na sagot ni Kristen pero pinanatili na ang tingin sa TV. Natahimik na si Cedric at kunwari ay nagkape na lang ito. Pero halos isang oras na ang lumipas ay hindi pa rin ito natatapos. Nang pasimpleng mapatingin si Kristen sa kaniyang wristwatch ay 07:45 PM na. Siguradong darating na si Thalia maya maya para sunduin siya. Dapat nakaligo na siya at nakaayos na pagdating nito, dahil saktong 10 PM ang usapan. “Hindi ka pa ba tapos?” inip na niyang tanong kay Cedric. “Hindi pa, medyo mainit pa kasi,” sagot nito at kunwari inihip-ihipan pa ang loob ng baso ng kape. “Mainit?” Tila hindi na makapaniwala si Kristen at tumingin na muli nang nakasimangot na. “Eh halos isang oras na ang nakalipas, baka nga kasing lamig na ’yan ng yelo.” Cedric just shrugged. Kaya naman tumayo na si Kristen at agad na kinapa ang baso ng kape. “See? Ang lamig na pala.” “Mainit pa ’to, sensitive pa naman ang dila ko, baka mapaso,” sagot ni Cedric na parang ayaw pa talaga magpatalo. Tiningnan naman niya ito ng masama, pero nginitian lang siya. Napaikot na lang ang mata ni Kristen. “Hays, ewan ko sa ’yo. Diyan ka na nga muna, maliligo lang ako. Basta ubusin mo na ’yan at umuwi ka na.” “Yes, ma'am!” Kaya naman pumasok na lang si Kristen sa kaniyang room at naligo na nga sa loob ng kaniyang bathroom. Akala niya uuwi na si Cedric pagkatapos nito magkape. Pero paglabas niya ng bathroom tapis lang ang puting tuwalya, agad siyang napahinto nang makita si Cedric na nasa taas na ng kaniyang kama at nakasandal pa sa headboard nito. “Oh my god, Ced. What are you doing here? Bakit hindi ka pa umuuwi?” Pero ngumiti lang ito sa kaniya. “Ano kaya kung dito na lang muna ako magpalipas ng gabi?” Nanlaki naman ang mga mata ni Kristen at mabilis na umiling. “No way! Hindi ka puwede rito 'no! You're a man, and I'm a woman. Ano na lang ang iisipin ng iba sa atin?” “So what? Isipin nila ang gusto nilang isipin, wala akong pakialam.” Tila hindi makapaniwala si Kristen sa narinig na sagot. “Ikaw walang pakialam. Ako meron!” “Kahit sa baba lang ako, hindi naman ako tatabi sa ’yo,” pamimilipit pa rin ni Cedric sa kaniya. “No!” Hindi na nakatiis pa si Kristen at mabilis nang lumapit sa kama. Agad na niyang hinawakan ang braso ng kaibigan at malakas na itong hinila pababa. “Umuwi ka na! Ngayon na!” Natawa naman si Cedric, pero imbes na magpahila ay mas lalo itong nagpabigat. “Kiss me first, then I'll leave,” pilyo pa nitong sabi sa kaniya. “What the heck, Ced! Come on, leave now! Malalim na ang gabi oh!” Napapadyak na siya sa inis habang hila ang braso nito, nakalimutan na nakatapis lang siya ng tuwalya. Basta nagulat na lang siya nang maramdaman ang pagbaklas nito sa kaniyang katawan. Nanlaki ang kaniyang mata, pero bago pa tuluyang malaglag ang tuwalya ay agad na siyang nahila ni Cedric pahiga sa kama at mabilis nitong napigilan ang kaniyang tuwalya. Napakurap naman siya, at kahit papaano ay nakahinga ng maluwag. “Oops! Muntik na,” ngisi pa ni Cedric at inayos nito ang pagkakaipit ng kaniyang tuwalya. “Sige, uuwi na ako. Basta siguradohin mo lang na hindi sa ’yo ’yong condom kanina. I swear, magagalit ako sa ’yo.” “Gosh! Hindi nga ’yon sa akin!” simangot naman niyang sagot dito at sinamaan pa ito ng tingin. Napangiti lang si Cedric at hinalikan na siya nito sa pisngi. “Goodnight. Sleep well and dream of me.” Sa wakas, lumabas na rin ito. Napabuga na lang ng hangin si Kristen at dali-dali nang bumangon. Nang mapatingin siya sa orasan ay 08:24 PM na. Kaya na niyang inayusan ang kaniyang sarili, naglagay siya ng makeup at pinili ’yong napaka-sexy niyang dress na kulay itim; kitang-kita ang likod nito dahil backless, at kitang-kita rin ang cleavage, maiksi lang din kaya kitang-kita ang kaniyang makinis na legs. Sakto naman matapos niyang magbihis ay dumating na si Thalia. “Wow, Kristen! You look gorgeous! Siguradong malalaglag ang panga ni client sa oras na makita kang ganiyan kaganda!” reaksyon agad nito na puno ng pagkamangha nang pasadahan siya nito ng tingin. Kristen chuckled. “Well, mas mabuti na ang maganda. Baka mamaya kapag nakita akong hindi nakaayos, ma-turn-off pa ’yon at pauwiin na lang ako ” Napangisi naman si Thalia. “Oh siya, let's go na. Nasa hotel na raw si client, mukhang excited na agad.” “Alright, let’s go. Kukunin ko lang saglit ang bag ko sa kuwarto—” “Oo nga pala, Kristen, kilala mo ba ’yong blue sports car na nakahinto sa labas?” Nabitin si Kristen sa akmang pagpasok sa kaniyang kuwarto at napalingon kay Thalia. Hanggang sa mabilis na siyang tumakbo sa binatana at hinawi ng konti ang kurtina. Ngunit pagsilip niya ay gano'n na lang ang pag-awang ng labi niya nang makita na kotse ’yon ni Cedric, hindi pa pala ito umaalis. “My god, bakit hindi pa siya umaalis?” “Sino ba ’yan? Kilala mo ba?” tanong ni Thalia sa kaniya at sumilip din ito sa bintana. “He’s Cedric, kaibigan ko at classmate,” simangot na sagot ni Kristen at nabalisa na. “Paano na ’to? Hindi niya ako puwedeng makitang lumabas! Siguradong susunod ’yan!” “Wait, Kristen. You mean, he's Cedric Arcazshde, your possessive classmate na anak ng senador?” “Yes, siya nga. He saw the condom earlier. Sabi ko pinabili mo lang sa akin, ayaw pa nga maniwala at ayaw rin umalis, pero sa huli ay nakumbinsi ko naman. Akala ko nga naniwala na dahil umalis na. Pero hindi ko alam na nariyan pa rin pala sa labas nagbabantay.” Parang hindi naman makapaniwala si Thalia. “My gosh. Really? Ang obsess naman niya!” Napabuga na lang si Kristen sa hangin, parang bigla siyang na-stress. “Ganiyan na talaga siya dati pa. Ang lakas makabakod na akala mo'y boyfriend ko.” Natawa naman si Thalia at tumango-tango na parang napaisip. “Oo nga ’no. Ngayon ko lang naisip, may super rich ka palang best friend na classmate mo pa at may malaki ang pagkagusto sa ’yo. Bakit hindi ka na lang sa kaniya humingi ng tulong para sa tuition mo? Siguradong bibigyan ka agad niyan lalo na’t patay na patay pala sa ’yo.” Napaikot naman ang mata ni Kristen. “No, hindi puwede. Yes, he's my best friend. Pero hanggang doon lang kami. Hindi ko puwedeng iasa sa kaniya ang problema ko.” “Really? Wala ka talagang gusto sa kaniya bilang lalaki?” Kristen rolled her eyes again. “Hindi ko siya gusto. Nakikita mo naman kung gaano siya ka-possessive kahit best friends lang kami. What more pa kaya kung maging boyfriend ko na 'yan? Tsaka mainitin din ang ulo niyan minsan at maiksi lang ang pasensya. Besides, kahit naman magustuhan ko siya ay hindi naman kami puwede. Alam mo ba kung ano ang sinabi sa akin dati ng mommy niya? Na sana huwag kami lumampas sa pagiging magkaibigan dahil baka masaktan lang ako. May babae na raw kasi nakalaan para kay Cedric.” “Really? Sinabihan ka ng gano'n?” “Yes.” “Sino naman ang babae para sa kaniya?” “I don't know, and I'm not interested.” Napasimangot na si Thalia. “Oh, kaya naman pala. Well, I think mas mabuti na rin na hindi ka magkagusto sa kaniya. Mamili ka na lang sa dalawang client mo. I swear, sobrang guwapo nila at magkasing edad lang kayo.” Muli ay napairap si Kristen. “Pera ang kailangan ko, hindi lalaki.” Thalia smirked. “Well, ikaw ang bahala.” Kaya ang nangyari ay naghintay na lang silang dalawa. Pero oras na ang lumipas ay hindi pa rin umaalis ang kotse ni Cedric sa labas, umalis na ito sa dating puwesto, pero lumipat naman sa kabilang highway at nagtago sa mga naka-park na kotse roon. “My goodness, talagang tinago niya pa, ha. Akala niya siguro hindi natin makikita, eh agaw attention naman ang kotse niya dahil nag-iisang blue,” pag-iling na lang ni Thalia nang muling sumilip sa bintana. Balisang-balisa naman si Kristen at hindi na mapakali sa loob ng kuwarto. “Paano na ’yan, 10PM na pero hindi pa siya umaalis. Paano ka makikipagkita sa client nito?” “Relax. Aalis din ’yan, hayaan mo lang. Ite-text ko na lang si client para ipaalam na mali-late ka ng konti,” sagot ni Thalia at tumipa na nga ito sa cellphone para i-text ang client. Lumipas ulit ang halos tatlong oras, nakaidlip na sila ni Thalia sa kama. Pagtingin nila sa orasan ay 01:02 AM na. Sabay silang napabalikwas ng bangon at mabilis na sumilip sa bintana; wala na roon ang kotse ni Cedric. “Sa wakas umalis din ang obsess na ’yon,” usal ni Thalia, pareho na silang nakahinga ng maluwag. Inayusan na lang siya ulit nito bago umalis na sila ng apartment sakay ng kotse. Nasa halos fifteen minutes lang ang naging biyahe at dumating na sila sa isang five star hotel, ang LM Hotel. “Sige na, puntahan mo na. Nasa 699 suite room daw siya. Oh my god, talagang rich kid siya, Kristen! Kasi ang alam ko ay 1M per night ang suite room sa hotel na ’yan!” pagtili pa ni Thalia. Huminga naman ng malalim si Kristen at muling humarap sa kaibigan. “How’s my face? Okay naman ba?” “Of course, you’re beautifully gorgeous! ” agad naman sagot sa kaniya ni Thalia at pinahiran pa ng konting face powder ang kaniyang pisngi. “Ayan, mas lalo ka pang gumanda. Sige na puntahan mo na, kanina pa ’yon text nang text, mukhang naiinip na sa kakahintay.” Muli ay huminga pa si Kristen ng malalim bago bumaba na ng kotse. Pagkapasok sa loob ng hotel ay agad siyang dumiretso sa front desk at tinanong kung saan ang room 999. “Are you Ms. Kristen Rodriguez, ma'am?” tanong pa sa kaniya nang babae sa front desk matapos nitong i-check sa computer ang room 699. “Yes po, ako nga,” sagot naman niya sa boses na kabado. Ngumiti sa kaniya ang babaeng at binigyan na siya nito ng key card. “Follow me, ma'am. I will guide you to your room.” Sumunod na siya sa isang babaeng staff. Sumakay sila sa elevator, hanggang sa dumating sila sa last floor ng hotel, ang 15th floor. Mas lalong lumakas ang kaba ni Kristen lalo na nang huminto na siya sa isang pinto kung saan nakalagay ang 699. “Maiwan ko na po kayo, ma'am. Enjoy your night,” magalang na paalam sa kaniya ng staff at iniwan na siya nito. Muli ay napalunok si Kristen. Nanginig na ang kaniyang kamay nang i-insert na niya ang hawak na key card sa may pinto. Hanggang sa narinig na niya ang pagtunog nito, tanda na na-unlock na at puwede nang buksan. “Kaya ko ’to,” paghinga pa niya ng malalim at tuluyan nang pinihit ang doorknob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD