HINDI na mapakali si Kristen sa loob ng kaniyang kuwarto, balisang-balisa na siya at kabadong-kabado na. Panay pa ang silip niya sa bintana, at nakita niyang malakas na ang buhos ng ulan sa labas. Nang mapatingin siya sa wall clock ay pasado alas nuebe na ng gabi. Parang nanginginig na rin siya dahil sa labis na kaba. Iniisip na niya kung paano na siya magpapaliwanag kay Cedric kapag pumunta nga ito ngayong gabi sa kaniya. Siguradong galit na galit nga ito dahil pati si Thalia ay dinamay pa. Muli siyang sumilip sa bintana, at sakto naman sa muli niyang pagsilip ay isang kotse ang huminto sa labas. Nagulat pa siya nang biglang kumidlat, at doon ay malinaw niyang nakita na kotse na ni Cedric ang dumating. Bigla siyang napalunok sa kaba at napabaling ang tingin sa kama nang tumunog na ang