NAGHINTAY si Kristen sa loob ng classroom pero hindi na bumalik pa si Cedric. Nang matapos ang klase ay agad niya itong hinanap sa men's room at sa buong campus pero hindi na niya mahagilap pa. Nang tawagan niya ay nag-ring naman ang number nito pero hindi naman siya sinagot, hindi rin nag-reply sa mga text message na pinadala niya. Hindi niya mapigilan ang magtaka na naman. Pero naisip na lang niya na baka may emergency lang nangyari kaya hindi na ito nakapagpaalam pa sa kaniya at umuwi na lang. Kaya naman napilitan siyang mag-abang na lang ng taxi sa labas ng university. Umaambon kaya nilagay na lang niya sa kaniyang ulo ang bag para hindi siya mabasa agad, pero kamalas-malasan lang wala man lang humintong taxi, dahil may mga pasahero na lahat ng dumaan. Pero kasalukuyan siyang nakat