five

2236 Words
SA ISANG liblib na lugar kami napadpad ni Andres. Hindi pa masyadong madami ang kabahayan dito. Pero masasabi ko naman na civilized ang mga tao dito. Unlike ng mga napapanood ko sa TV before na parang hindi nakakakita ng ibang tao ang mga ganitong klase ng pamumuhay. "Blaire!"sigaw na naman sakin ni Andres. Napairap ako sa inis ko sa lalaking ito. Nakakarindi na sobra. "Bakit na naman ba?"inis na sagot ko sa kanya. Butu nalang solo namin ang bahay kung saan kami tumutuloy na dalawa. Ang bait kasi ng mag asawang Aling Krising at Mang Ambo. Pinahirap kami ng mga ito ng kubo na pwede naming tirhan ni Andres pansamantala. Kompleto ng gamit kung sa simpleng pamumuhay lang ang pagbabasehan. May higaan na gawa sa kawayan. May lamesa at upuan na gawa din aa kawayan. Lalagyanan ng lutuan at lutuang de kahoy. May mga plato at baso din dito. Tapos may simpleng sala din na may isang mahabang upuan na gawa din sa kahoy. "Ano na namang ginawa mo dito?"takang tanong ni Andres. Nang lingunin ko siya tinutukoy niya ang maliit na sala namin. "Inayos ko malamang"inis kong sagot. Sa isang linggo naming pamamalagi dito, medyo nakapag adjust na ako sa simpleng pamumuhay na meron kami. "Kakaayos mo lang kahapon. Tapos iniba mo na naman ang ayos. Kailan ka titigil sa pagpapalipat lipat ng gamit dito. Baka hilong hilo na ang mga gamit sa kakaikot mo sa kanila"reklamo na naman niya. Magaling na ang mga sugat at may kaunting pasa nalang itong makikita sa mukha at katawan. Malakas na ang gago kaya panay na naman ang pagsusungit niya sakin. "Yeah right"walang gana kong sagot. Nakita ko siyang lumapit sa maliit naming kusina. Medyo kinabahan ako, alam ko maiinis na naman ito at magsusungit. "Wow naman mahal na prensesa, ang sarap naman ng niluto mo. Sinaing na hangin. Kinilaw na hangin at adobong hangin"sarcastic  na pagtutuya ni Andres. Huminga naman ako ng malalim bago ko siya hinarap. "I told you I don't know how to cook"naiinis ko na naman siyang sinagot. Ang sabi ko pa naman noong papunta kami dito hindi ko na siya pagmamalditahan. Kasi nga nasaktan ito ng dahil sakin. Pero once a brat always a brat ang drama ko. Kasi once a masungit always a masungit din si Andres. So we're even. Nakaready na ang tenga ko sa muling pagsusungit ni Andres ng may kumatok sa pintuan ng barong barong namin. "Andres"tawag ni Aling Krising. I secretly smiled nakaligtas ako sa pagsusungit ni Andres. Pinagbuksan ni Andres ang ale at pinapasok. "May kailangan po kayo Aleng Krising?"ako na ang nagtanong mukhang walang balak si Andres dahil kita pa sa mukha nito na asar pa ito. "Oo, ikakasal na kasi ang bunso namin. Darating dito mamaya ang mga kamag anak ng mapapangasawa ng anak ko."masayang pagbabalita nito. I feel excited, wedding is my favorite event. Kapag may kinakasal samin ako minsan ang isa sa mga punong abala. I'm so amazed seeing the bride walking down the aisle and wearing their wedding gown. Parang fairy tale kasi para sakin. "Ano pong maitutulong namin?"this time si Andres na ang nagtanong. Hindi ko siya pinansin. I anticipated that Aling Krising will ask me to help her daugther for the wedding. Willing ako, super willing ako. "Kasi mga anak, wala na kasing matutuluyan ang ibang bisita namin. Alam ko naman na bagong kasal kayo. Kaya pwede bang diti ko na patuluyin ang ibang bisita. Dito lang naman sila sa sala na."anito. "Wala pong problema Aling Krising sa inyo naman po ang bahay na ito"magalang na sagot ni Andres. Hindi ko muna pinagtuunan ng pansin ang pinag uusapan ng mga ito. I'm still waiting na baka hingin ni Aling Krising ang tulong ko. "Salamat naman, sige mauuna na ako. Dadalin ko nalang dito ang mga gagamitin ng mga bisita para may matulugan sila." Akmang aalis a si Aling Krising ng pigilan ko siya. "Aling Krising, pwede akong makigulo sa preparation ng kasal ng anak niyo? I really really love weddings. Please aling Krising"pagmamakaawa ko pa sa matanda. Tumawa naman ito habang nakikinig sakin. "Hindi ko naintindihan ang huling sinabi mo hija pero sige pwede ka namang tumulong sa kasal."tumatawa pa nitong sagot. Kinikilig naman ako napalapit kay Aling Krising at sumama na dito palabas ng bahay. Forgetting what are we arguing of Andres. ................. Hindi na ako tumigil sa kakaikot, punong abala ako sa paggawa ng hall kung saan gaganapin ang reception ng kasal bukas. Improvise lang ang hall na ginawa ng mga kalalakihan kanina. Isang paranf malaking telon ba iyon na tinayuan lang ng poste para magkaroon ng lilim. Ako na ang nagpakaabala sa pagdedesenyo para gumanda. May mga kasama naman akong mga kababaihan dito sa nayon. Kaya hindi ako hirap. "Gustong gusto mo talaga ang mag ayos ng mga bagay bagay"narinig kong bulong mula sa likod ko. Nang lingunin ko nakita ko si Andres na super lapit sakin. Bigla parang naging uneasy naman ako. "I ahmp...interior designer...that explain why"bulong ko ding sagot. Tatangu-tangu naman ito nakatitig na sa hawak kong paso. Inagaw niya ito sakin. "Saan mo ba ilalagay ito at ako na magbubuhat. Mabigat itong mga paso para sayo"sabi pa nito. Napakagat naman ako ng ibabang labi ko ng makita ko ang paggalaw ng biceps niya ng buhatin niya ang paso. Bakit ba naman kasi nakahubad baro ang isang ito. Kainis kita ko tuloy ang katawan niya. Hindi lang biceps, pati abs naghehello sakin. "D-doon lang"kinakapusan ng hininga kong tugon. Ginawa naman niya ang sinabi ko. Inilagay niya ng nakahilera ang mga paso. "Ang macho talaga si Andres"narinig kong bulong ng mga kababaihan sa di kalayuan sakin "Saan ko naman ilalagay ito?"tanong naman ni Andres sa may maliliit na paso ng santan. Sa mga kababaihan na nagbubulungan ko sana balak ilagay ang mga sinasabi ni Andres, pero nagbago isip ko. "Hayaan mo na dyan. Ako nalang pumasok ka na sa loob at magpalit ka. Baka mahamugan ka, lumiit pa iyang abs mo"inis kong pagtataboy sa kanya. Naguguluhan namang itinulak ko siya papunta sa tinutuluyan namin. "Sige na, tatapusin ko na ito"sabi ko pa. Nakahinga naman ako ng maluwag ng iwanan na ako ni Andres. Di ako natatakot na maiwanan ni Andres dito, kasi alam kong safe ako dito. Mabilis lang akong nag ayos sa venue, tapos nagmamadali na akong umuwi. Pero bago iyon, dumaan muna ako sa bahay nila Aling Krising para magpaalam na uuwi na at itutuloy ko nalang bukas ng umaga ang mga hindi ko pa natapos. May dala na din akong pagkain pagkauwi ko. "Andres, kaka--"hindi ko n naituloy pa ang sasabihin ko ng dahil sa nakita ko. Pinapasok ko nga si Andres sa bahay para maiiwas sa mga babae. Pero hindi pala dahil kahit sa loob ng bahay may mga babae. "Blaire kain na"aya sakin ni Andres. Naniningkit ang mga mata kong pinakatitigan si Andres. Mukhang nag eenjoy ang loko habang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. "Ate Blaire kain na po"aya din sakin ng mga hitad. Nagdadabog na ibinaba ko ang mga dala ko sa lamesa bago nagdadabog na umakyat sa kwarto. Nawalan na ako ng ganang kumain. "Blaire"tawag na naman sakin ni Andres. Sinundan pala ako ng loko. "Ano? Matutulog na ako"nakasimangot na tugon ko naman. Hindi ko siya nilingon kaya hindi ko alam kung ano ang naging reaksiyon niya. Narinig ko nalang ang mga yabag niya papalayo. Mas nagngitngit naman ako sa galit. Nagtalokbong nalang ako ng kumot at pipilitin ko ng matulog. Papunta na ang antok ko ng marinig ko ang langitngit ng kawayang sahig namin. Pagtingin ko si Andres may dalang plato ng kanin na may ulam at isang basong tubig. "Kumain kana, maghapon kang busy sa labas konti lang nakain mo kaninang tanghali"anito. Hindi naman ako nakaimik bg umupo na ito sa tabi ko. "Susubuan pa ba kita"anito. Pero sa tingin ko biro ang pagkakabigkas niya ng mga salitang iyon. Inirapan ko nalang siya bago ko kunin ang pagkain na binibigay niya. In that way hindi niya mapapanain na uneasy ako. Ang bilis bilis kasi ng t***k ng puso. "Wala pa ding lead sa kaso mo"anito habang kumakain ako. Napatigil ako sa pagsubo at napatingin sa kanya. Sa ilang araw naming magkasama ngayon nalang niya ulit binanggit ang tungkol sa kaso ko. "May contact ka na sa chief mo?"tanong ko naman. Nawala kasi ang cellphone nito ng gabing may sumusunod samin kaya wala kaming pantawag sa mga kakilala namin. Ako naman wala talagang cellphone na dala. "Oo, kanina nakigamit ako ng cell phone doon sa mga babae sa baba" napairap naman akong bigla sa sinabi niya sakin. So kaya pala niya naabutan na halos kumandong na ang babae kay Andres at kulang nalang din subuan si Andres habang kumakain ay dahil sa nanghiram ito ng phone. "May signal pala dito"sabi ko nalang. Tumango lang ito bilang sagot sakin bago siya nahiga sa higaan ko. Nanlaki naman ang mata ko bago ko ibinaba ang kinakainann ko. Wala namang kama dito, banig lang na may makapal na kumot ang hinihigaan ko na nakalatag sa mismong sahig ng kwarto. "Anong ginagawa mo?"taka at gulat na gulat kong tanong. Nakahiga na kasi siya ngayon sa higaan ko. Hindi naman siya dito nahihiga. Sa sala siya natutulog kapag gabi. Kahit pa ang alam ng mga tao dito na kasal kami. Kahit kailan hindi niya ako tinabihan. Ngayon lang ito tumabi sakin o tamang sabihin na nahiga sa hinihigaan ko. "Dito ako matutulog"simpleng sagot nito. Inilagay pa niyo ang braso sa tapat ng mata nito at pumikit na. Nagkumot pa nga ito at talagang handa ng matulog. Napalinga linga naman ako sa kabuuan ng kwarto. Maliit lang ito, sakop na ng hinihingaan ko ang buong kwarto. Kaya wala akong choice kundi ang tabihan si Andres kung hindi ko siya mapapaalis dito. "Alam mo ba ang sinasabi mo?"ibis kong hinila ang kumot. Napabangon naman si Andres at tinignan ako ng masama. "Hindi ka pwedeng matulog dito"inis kong turan sa binata. "So mas gusto mong doon ako sa baba matulog at tabihan ko ang mga bisita nila Aling Krising, ganon ba?"nanggigigil na sagot nito pero mahina lang ang boses. Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Ipapaalala ko lang, mag asawa tayo dito. Unless gusto mong sa labas nga ako matulog at tabihan ko ang ibang babae kaysa sayo"sabi pa ulit nito. I didn't answer him in words. I just push hi. To lay down in bed, ako pa mismo ang nagkumot sa kanya at ibinalik sa dati ang mga braso niya. "Sleep Demaguiba. Baka tamaan ka sakin" banta ko pa sakanya. Mahinang tawa naman ang narinig kong sagit niya. Inirapan ko siya kahit na alam kong hindi niya makikita. Pinagpatuloy ko na din ang pagkain ko bago ako nahiga sa tabi niya. Kainis hindi ako makakatulog nito. Kahit naman sabihin pa natin na laking Manila ako conservative pa din naman ako dahil ganon kami pinalaki ng nanay ko. Kahit kailan sa loob ng twenty five years kong nabubuhay sa mundo wala pa akong ibang nakakatabi bukod aa parents ko. Ni kambal ko nga di ko pa nakatabi ni minsan. Siguro noon baby kami pwede pang nakatabi ko si Blaze. Pero nf magkaisip kaming dalawa nakabukod na kami ng kwarto. Tapoa ngayon may katabi akong ibang tao. Out of the family ko pa. Ang malala pa lalaki ang katabi ko. "Matulog ka na, maaga pa tayo gigising bukas"bulong ni Andres na ikinagulat ko. Akala ko tulog na ito kasi hindi naman siya nagsasalita o gumagalaw kanina. "How did you know that I''m awake?" Pagtataray ko. Gumalaw ito ay tumagilid ng higa paharap sakin. Mas lalo akong na-conscious sa ginawa niyang pagharap sakin. "Ang likot mo kasi, hindi ka naman naglilikot kapag tulog ka. Ngayon ang likot likot mo"sabi nito na nakangisi. Pinanlakihan ko siya ng mata bago ako sumagot. "Are you watching me while sleeping?"gulat na tanong ko. Ngumisi naman ito bago tumihaya ng higa. "Tumatabi ako sayo kapag tulog ka na"balewalang sagot nito. Matagal akong napatulala sa kanya sa nalaman ko. Pero ng makabawi ako ng pagkagulat ko niyugyog ko siya ng niyugyog para imulat niya ang mga mata niya. Naiinis ako sa lalaking ito. Pero kahit na anong yugyog ko hindi na niya ako pinansin pa. "I know you awake, you jerk. Open your eyes!"gigil kong utos sa kanya. But to my surprise, bigla nalang siyang kumilos at dinaganan ako. His eyea are looking at me, na para bang lalamunin niya ako ng buo. "Ang ingay mo"bulong pa niya bago niya ako halikan sa mga labi ko. This is the second time we kiss. Noong una may audience kami, pero ngayon kami nalang. Then suddenly my eyes felt heavy so I slowly close them. Hindi ko alam kung anong sumanib sakin at naiyakap ko ang mga braso ko sa leeg ni Andres and I absent mindedly kiss him back. I don't know how to kiss, so I just imitate how his lips move to mine. Parang ang gaano sa pakiramdam. "Hmmm"napaungol pa ako sa sobrang pagkadala ko sa halikan namin. "Hmmm, lasang menudo"bulong  sakin ni Andres na nakapagpabalik sa ulirat ko. Napakurapkurap pa ako ng mapansin kong nakahiga na pala sa tabi ko si Andres at wala na sa ibabaw ko. "Good night mahal na prinsesa"muli niyang bulong. What was that? Tanong ko sa sarili ko. Hindi ako makagalaw, para akong natuod sa kinahihigaan ko. Then when I realize what really happened between me and Andres napatalukbong nalang ako ng kumot sa hiya ko. .........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD