"TUMAYO KA na dyan"naiinis ko ng utos sa babaeng ito.
Kanina ko pa siya inuutusan na tumayo na at ng makaalia na kami.
Kung kailan naman kasi nagmamadali doon pa tinamaan ng topak ang isang ito.
"Blaire!"sigaw ko.
Pero gaya kanina walang reaksiyon ang dalaga. Nakadapa lang ito sa kama at hindi gumagalaw. Alam ko naman na okay lang siya halata naman hindi lang talaga niya ako pinapansin.
"Kapag hindi ka pa tumayo dyan bahala ka sa buhay mo. May mga tao sa labas ng bahay namin. Alam ko nandito sila para sayo. At kapag hindi ka pa tumayo dyan aayain ko ang mga magulang ko palabas ng bahay na ito at maii---"
"You will leave me here alone! Paano kung patayin ako ng mga iyon? I thought your my bodyguard"anito.
Napasimangot naman ako. Kailangan ko pa palang takutin bago siya tumayo.
Hindi ko na siya sinagot pa. Basta ko nalang aiyang hinila. Kanina pa nakalagay sa sasakyan ko ang mga gamit naming dalawa.
Siya nalang talaga ang hinihintay ko para makaalis na kami.
"Anak, mas mainam kung ipagpabukas niyo nalang ang alis. Gabi na din kasi"pigil samin ng aking nanay.
Nasa sala ngayon ang mga magulang ko. Mukhang hinihintay kami ji Blaire na lumabas ng kwarto.
Bumuntong hininga naman ako.
"Kailangan na kasi akong magreport bukas ng umaga nay. Kaya kailangan na naming umalia ngayon"pagsisinungaling ko.
Wala nang nagawa ang mga magulang ko kundi ang payagan kaming umalis.
Ihahatid pa sana kami ng mga magulang ko sa sasakyan ng pigilan ko sila. Matalas pa din naman ang pakiramdam ng mga magulang ko kaya alam kong mapapansin nila ang mga nakapalibot saming mga tao.
"Where are we going?"tanong sakin ni Blaire ng makalayo na kami.
Tumingin muna ako sa rear mirror kung may nakaaunod samin.
At meron nang nakasunod samin.
"Hindi ko din alam"pag-amin ko naman.
"What!"
Naiiritang nilingon ko si Blaire na kakasigaw lang.
"Pwede ba hinaan mo ang boses mo. Magkatabi lang tayo"sermon ko naman sa kanya.
Nanggagalaiti naman itong humarap sakin.
"Hoy! Antipatikong frog. You dont have the rights to shout at me! Body guard lang kita"sigaw nito sakin.
Nagpipigil naman ako ng inis at galit.
Iniisip ko nalang trabaho lang ito na kailangan kong matapos.
"May karapatan akong sigawan ka. Hangga't ako ang kasama mo at nasa pangangalaga kita may karapatan ako"ganting sigaw ko.
"No! Ako pa din ang may karapatan dito. I told you, your just my bodyguard"sigaw na naman niyo.
Sasagot pa sana ako sa sigaw niya sakin ng may magpaputok samin ng baril. Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ko bago ko nakabig ang manebela.
Tinamaan ang gulong namin sa likod.
Pagewang gewang ang sasakyan namin.
"Kunin mo ang cellphone ko sa bulsa. Tawagan mo ang hepe namin. Kailangan ko ng back up"utos ko kay Blaire.
Akala ko magrereklamo ito pero agad itong tumalima sa utos ko.
Habang dinudukot nito ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko, muli may nagpaputok samin. Basag ang salamin ko sa likod.
Napatili naman si Blaire sabay yuko.
"Isiksik mo ang sarili mo dyan"utos ko sa kanya.
Mabilis na sinunod naman ako ng dalaga. Pero tinuloy pa din nito ang pagkuha ng cellphone ko sa bulsa.
Narinig ko siyang may kausap pero hindi doon nakatuon ang atensiyon ko.
Hirap akong magmaneho dahil na din sa butas ang gulong ko sa likod.
Malapit na kaming maabutan ng mga humahabol samin.
Naiinis akong isipin bakit ko pa nga ba idinaan sa mahabang sabana ang sasakyan ko. Ayan tuloy free silang barilin kami ng walang sagabal.
"Asan daw tayo?"sigaw ni Blaire kasabay ng sunod-sunod na pagpapaputok samin.
"Tangina!"namura ko.
Nadaplisan ako sa braso.
Sa inis ko kinuha ko na ang baril ko sa compartment ng sasakyan ko at gumanti na ng putok.
Habang gumaganti ako ng putok sinabi ko kay Blaire kung nasaan kami na sinabi din nito sa kausap sa cellphone.
"May tama ka"nag-aalalang turan ni Blaire.
Nilingon ko lang siya pero hindi ako nagsalita. Hindi ko kailangan ng makakausap ngayon.
Kailangan kong magfocus lalo pa at binububdol-bundol na nila kami ngayon.
Naiinis ako, hindi ako makapagpatakbo ng mabilis.
Wala naman akong maisip na pwedeng solusyon sa problema namin ngayon.
"Peste!"inis kong ibinalibag sa upuan ang baril ko.
Wala na akong bala.
Nakalabaa na kami sa mahabang sabana. Nasa national highway na kami ngayon pero liblib pa din ang lugar. Paakyat na kami ngayon ng bundok. Kaya mas delikado na. Hindi na ako pwedeng mag-u-turn dahil sa sumusunod samin.
"Blaire, tumayo ka na dyan. Kailangan mong magseat belt"utos ko sa kasama ko.
Mabilis siyang umayos ng upo at nag seatbelt.
"What are you up too?"takang tanong sakin ni Blaire ng makaayos na siya ng upo.
Tumingin ako sa rear mirror at side mirror ko. Malapit lang ang humahabol samin. Tumingin ako sa kaliwa ko.
Bangin.
Hindi naman maayadong mataaa pa dahil nagsisimula palang naman kaming umakyat ng bundok.
"May tiwala ka ba sakin Blaire?"tanong ko sa kasama ko.
Napakunot ang noo ni Blaire.
"None. Kakakilala ko lang sayo. Tapos ginawan mo na ako ng kahalayan kanina. The answer is no. Wala akong...ah! Andres it a cliff!"sigaw ni Blaire na hindi ko pinansin.
Sa kurbada, kaysa iliko ko dineretso ang sasakyan.
At ng tumama na ang sasakyan sa gutter at tuluyang nahulog ang sasakyan agad kong inalis ang seatbelt ko at niyakap si Blaire.
Hinanda ko ang katawan ko sa impact ng pagbagsak namin.
Hindi ko inaasahan na magpapagulong gulong ang sasakyan. Pero kahit na ganon hindi ko binitawan ai Blaire. Hanggang sa maramdaman kong huminto na ang sasakyan.
Masakit ang buo kong katawan. Nahihilo ako dahil tumama ang ulo ko sa kung saan pero ponilit kong makalabas ng sasakyan.
Pagkalabas ko mabibilis ang kilos na umikot ako sa side ni Blaire at pinuwersa ang pinto na buksan.
Walang malay si Blaire kaya naman na pamura ako.
"Blaire"tawag ko sa kanya.
Tsinek ko ang pulso at ilong siya. Buhay pa naman, nawalan lang ng malay.
Tumingala ako para makita kung may nakahintong sasakyan at may bababa para tignan kami.
Muli akong napamura ng makita kong may tatlong lalaking pababa na dito.
Agad kong inalis ang seatbelt ni Blaire. Bago ko siya buhatin kinuha ko ang back pack kong naglalaman ng mga importanteng gamit ko.
Baril, magazine at ilang mga personal na gamit. Kukunin ko pa sana ang bag na pinaglagyan ko ng mga gamit ni Blaire pero hindi ko na.mabubuhat iyon kung buhat ko din si Blaire.
Kaya iniwanan ko na iyon.
Agad kong binuhat si Blaire. At malalaki ang hakbang na lumayo sa sasakyan.
Malaking tulong sakin na kakahuyan ang pinagbagsakan namin.
Makakahanap ako ng lugar na mapagtataguan namin dito.
Kailangan ko lang makalayo habang medyo mataas pa ang kinalalagyan ng mga humahabol samin.
Panay din ang lingon ko, kay Blaire at sa likod namin.
Gustuhin ko mang huminto at tignan ang kalagayan ni Blaire hindi ko magawa.
Ilalayo ko na muna siya bago ko gawin iyon.
..................
PAGMULAT ng mga mata ko agad ko din naisara dahil sa nasilaw ako sa liwanag.
Pero iminulat ko din at pilit na inadjust ang paningin ko sa liwanag.
Isang hindi kilala lugar ang namulatan ko. Pilit kong inalala kung bakit ako sa ganitong lugar.
Alam kong wala ako sa ospital. Kasi mukhang nasa isang kubo ako.
"Gising ka na"ani ng isang tinig.
Paglingon ko nakita ko ang isang may katandaan ng babae na papalapit sakin.
Hindi ko siya kilala, si Andres lang naman ang kasama ko kagabi kaya paanong may kasama kaming matandang babae.
Sa pagkakaalala ko kay Andres, bigla ko din naalala ang nangyari kagabi.
Balikwas ako bigla ng bangon.
"Nasaan ako?"puno ng takot na tanong ko.
Wala kasi sa tabi ko ai Andres kahit na anong lingon ko wala siya talaga sa tabi ko.
"Huminahon ka lang hija. Kung hinahanap mo ang kasama mo nasa labas lang siya"sagot ng ginang.
Tinitigan ko siya kung nagsasabi siya ng totoo. Para aakin mahirap magtiwala basta basta. Hindi ko kasi kilala ang mga taong guatong pumatay sakin.
"Blaire gising ka na pala"boses iyon ni Andres.
Paglingon ko nakita ko si Andres na kapapasok lang naman ng kubo.
Agad ako napatayo at sinalubong siya. Nakita ko kasi ang itsura niya.
May pasa siya sa mukha at may mga gasgas. Tapos may nakasuporta kamay nito na tela.
Alam ko hindi lang iyon ang inabot nito.
Ang huling natatandaan ko may tama siya ng baril sa braso. Tapos nahulog ang ainasakyan namin aa bangin.
Nang maalala ko ang pagkahulog aa bangin bigla kong mahampas sa braso si Andres.
"Aw!"daing nito.
Agad akong napaatras at tinignan ang tinamaan na braso ni Andres.
Ang tanga ko lang, ung may sugat pa talaga ang tinamaan ko.
"Sorry"hinging paumanhin ko.
Tapoa hindi na ako napalagay kasi nakita ko na nabasa ng dugo ang manggas ng damit ni Andres.
"Shit...shit...shit"sunod sunod kong mura.
After noon natataranta akong umikot sa maliit na barung barung kung nasaan kami. Naghahanap ako ng first aid kit.
"Anong hinahanap mo?"takang tanong ni Andres sakin.
"First aid kit"sagot ko habang naghahanap pa din.
Natigil lang ako ng may humawak sa braso ko. Si Andres lang pala.
"Walang first aid kit dito"anito.
Napalingon ako aa paligid namin, nasa isang kubo nga lang pala kami. Bakit ba lumulutang ako utak ko ngayon.
O dahil baka lutang pa talaga ako dala ng pagkakalaglag namin aa bangin kagabi.
"Sira ulo ka, bakit mo nilaglag sa bangin ang sasakyan natin kagabi?"sermon ko sa kanya ng maalala ko na naman ang pagkakalaglag namin.
"Sinadya mo bang ilaglag ang sasakyan niyo kagabi hijo?"tanong naman ng matandang nasa tabi namin ni Andres.
Nawala sa isip kong may kasama nga pala kami.
"Hindi po aling Krising. Nawalan lang po ng preno ang sinasakyan namin. Akala po ng misis ko nag bibiro ako kagabi"baling ni Andres sa matanda.
I guess he didn't tell the truth to this lady.
"Sige maiwanan ko muna kayong mag asawa. Ito nga pala ang damit, magpalit ka na muna hija at puno ng dugo ang damit mo"sabi niti bago niya kami iwanan ni Andres.
Nakahinga na ako ng maluwag ng iwanan na kami ng matanda. Kanina kasi hindi ko alam kung paano magrereact or kung paano ako magsasalita sa harap nito.
Kasi mukhang nagsinungaling na naman si Andres dito gaya ng sa magulang nito. Ang alam kasi ng matanda mag asawa kami ni Andres.
"Ang daldal mo talaga"sabi ni Andres ng kami nalang.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ko sinabi sa mga tao dito ang totoo. Alam nila mag asawa tayo na naakaidente kagabi. Kaya kung pwede lang mag ingat ka naman ng pagsasalita."dagdag pa niya.
Nilapitan ko siya at tinulungan na magtanggal ng damit pang itaas. Hirap kasi ito dahil na din sa sugat nito sa braso.
"Bakit pati dito kailangan alam nilang mag asawa tayo?"inis kong tanong sa kanya.
Tumigil naman si Andres sa paghuhubad at tinitigan ako.
"Wow, akala ko hindi mo na papansinin na mag asawa tayo"sabi nito makaraan ang ilang sandali.
Inirapan ko siya at iniwanan. Naupo nalang ako sa kawayang higaan kung saan ako nakahiga kanina.
"Ano ng plano mo?"pag iiba ko nalang ng usapan naming dalawa.
Hindi niya ako pinansin at pinagtuunan ang paglilinis ng sugat nito. Nang mahubad din niti ang damit doon ko nakita ang iba't ibang pasa at sugat sa katawan nito.
Napahugot nalang ako ng malalim na hininga habang pinagmamasdan ko siyang nahihirapan na gamutin ang sugat nito.
Kaya nagpaaya na akong lumapit dito at tulungan itong maglinis ng sugat.
"What?"takang tanong ko sa kanya.
Kasi naman ng pag angat ng tingin ko nakatitig siya sakin.
"Wala hindi lang ako sanay na ako ang ginagamot"aniti bago nag iwas ng tingin.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya sakin pero hindi ko nalang pinansin.
"Pansamantala didito muna tayo. Hanggnag sa gumaling ang sugat ko. Hindi kita mapoproteksiyunan kung ganito ako. Buti nalang nakita tayo kagabi ni Mang Ambo bago ako nawalan ng malay"anito.
Napatitig ako sa kanyang mukha habang nagsasalita siya.
"Pero mamaya lang bababa tayo ng bundok. Sasama tayo kila aling Krising at Mang Ambo. Baka mamaya kasi nag iikot na ang mga taong humahabol satin"dagdag pa nito.
Binalingan niya ako ng tingin.
"Magbihis ka na, pagkabihis mo aalis na tayo. Hinintay lang namin na magising ka"sabi nito.
Iniwanan niya ako ng malinis na namin ang sugat niya. Dala nalang nito ang damit ng lumabas ito.
"Hay Blaire, ano bang gulo ang pinasok mo"kausap ko sa sarili ko bago nagpalit ng damit.
Ngayon mas nagsi-sink in sa utak ko ang lahat ng nangyari saakin. May ibang tao na kasing nadadamay sa gulong kinasangkutan ko.
Napatitig ako sa damit kong may bahid ng dugo. Sigurado ako kay Andres itong lahat.
Wala akong natamong kahit na gasgas man lang mula kagabi. Talagang iningatan niya akong hindi masaktan. Di bale ng ito ang masaktan kaysa sakin.
...........