"THIS is a very important mission, Demaguiba. Galing mismo sa Pangulo ng pilipinas ang trabahong ito. And that is for you to keep safe and alive miss Blaire Monteverde, the sole survivor and witness on VP Mañosca"
Paulit-ulit kong inaalala ang mga sinabi sakin ng bagong PNP Chief namin na si Chief Dimaano.
Ayoko sana, actually tinanggihan ko na nga ang alok nilang trabaho. Hindi naman ako ang unang choice nila. Si Diwata.
Kaso lang hindi na active na police si Diwata kaya ako nalang daw. Si Dominador kasi nasa isang mission na.
Tapos, kakasabi palang nila sakin heto at nasa tabi ko na ang babantayan kn.
Isa pa itong babae na ito, para sakin isa siyang spoiled brat. Sagot sagotin ba naman ang pinakaboss namin. Kahit pa sabihin na hindi nito alam na ang kaharap niya ay ang pinakamataas sa hanay ng mga pulis. Kahit na sana, igalang nalang niya ito dahil matanda na ito sa kanya.
"Are we there yet?"angal nito.
Paglingon ko sa kanya para itong inip na inip samantalang wala pa kaming limang minuto na nagbibiyahe.
Hindi ko nalang siya sinagot at pinagpatuloy na ang pagmamaneho.
Nabriefing na ako kanina ng gagawin ko sa babaeng ito. Na una pa lang ayoko na talagang gawin.
Nahamon lang ang p*********i ko at the same time parang minaliit niya ang kakayahan ko.
Kaya napapayag niya ako ng wala sa oras.
"Urgh!"angal na naman niya.
Napailing nalang ako, kung papatulan ko na naman ang babaeng ito baka mamaya niyan kung anong kapahamakan na naman abutin ko.
Kasi unang kita ko palang sa kanya umiilaw na ang signal ko na umiwas sa kanya.
I'm not saying na woman hatter ako.
Blaire Monteverde.
Isang malaking threat to me.
Maputi, matangkad, halos kasing tangkad ko na. Sexy, slim body, na malaki pa hinaharap. Para siyang angel na nakulong sa katawan ng isang stripper. Maganda siya sobra a typical Manila girl. In one word, ideal girl ko. Well three words pala.
"Malayo pa ba tayo?"angal na naman niya.
This time, nilingon ko siya at balak na sagutin, pero nakabuka palang ang bibig ko nagsalita na siya.
"I need to pee..."sabi nito.
Napailing nalang ako, saan ko siya paiihiin ngayon.
Nasa kahabaan kami ng talahiban. Hindi ko kasi dinaan ng main road dahil na din sa kailangang walang makaalam na magkasama kami.
"Thirty minutes"simpleng sagot ko.
"What? I can't take that long, gusto mo ba akong magkasakit?"pagtataray na naman nito.
Kaysa makipagtalo ako sa kanya, hininto ko ang sasakyan. Madaling araw naman na wala ng dumadaan na ibang sasakyan dito.
"Go, bilisan mo"utos ko naman sa kanya.
Nanlaki ang mata niya kasabay ng pagbuka ng bibig niya na nagkorteng letrang O.
"Naiihi ka di ba. Umihi ka na. Wag kang mag alala hindi kita sisilipan."sabi ko pa.
Nanglalaki naman ang ilong niya ngayon habang nakatitig sakin.
"Drive"anito.
Nakipagtitigan naman ako sa kanya. Damn that eyes, para siyang nang hihipnotismo.
"I said drive"sabi niya ulit.
Umiling ako bago ko hinawakan ang manibela at muling nagmaneho.
"Can you make it faster, ihing ihi na talaga ako"pagtatalak na naman niya.
"Hininto ko di ba, sana umihi ka na 'don ng hindi mo ako minamadali"angil ko naman.
"Sira ka ba? Paiihiin mo ako doon. Anong tingin mo sakin? Lalaki na pwede kahit saan nalang abutan."
Ang taray talaga ng babaeng ito. Kung ako papipiliin pinababa ko na ito ng sasakyan ko.
Wala lang akong choice, kami nalang ngayong dalawa. Hindi ko pa naman nakuha ang number nung officer Kyle na kasama nito kanina.
"Ang dami mong reklamo"hindi ko na napigilang ibulalas.
From there hanggang makarating kami sa bahay namin hindi na siya natigil sa kakareklamo niya. Rinding rindi na ako sa boses niya.
Binabawi ko na ang kakasabi kong mukha siyang angel. Ang daldal na ang reklamador pa.
"Finally" exaggerated pa niyang bulalas ng ihinto ko na sa tapat ng bahay namin.
"Is this the house?"tanong niya habang nakaturo sa bahay namin.
Hindi pa ako nakakasagot nakababa na siya at kumaripas na ng takbo papasok sa bahay.
Pagpasok ko sa bahay sinalubong ako agad ng nanay ko.
"Sino ang babaeng iyon, Andres?"takang tanong ni nanay.
Sasabihin ko ba ang totoo o stick with the plan. Pero later on naisip ko nalang na ang huli ang irason. Stick with the plan.
"Asawa ko nay"sagot ko.
Saktong pagpasok ng tatay ko at siya namang labas ng banyo ni Blaire.
Ung gulat nila sa mukha priceless.
.........
"Ikaw nga Andres umamin ka samin ng---"
Hindi naituloy ng tatay ko ang iba pa niyang sasabihin ng napabungisngis ang katabi.
"Sorry"sabi niya habang nagpipigil ng tawa.
"Nagtanan kami tatay, hindi niyo alam at pati ng parents ni Blaire na magkarelasyon kami. Mahal namin ang bawat isa kaya nagtanan kami at nagpakasal na hindi niyo alam. Di ba mahal?"paliwanag ko.
Pero lahat ng iyon walang katotohanan, kailangan ko lang sabihin iyon dahil sa trabaho.
Buti nalang hindi nagsasalita ang katabi ko tumatawa lang.
"Anong pangalan mo hija?"tanong ng nanay ko.
"Blaire Monteverde po"magalang na sagot nito.
Marunong naman palang gumalang ang isang ito.
"Demaguiba"dugtong ko.
Nagkatinginan kami, para siyang sumesenyas na bawiin ko pero nginitian ko nalang siya.
"Ilang taon ka na?"tatay ko naman ang nagtanong ngayon.
"Twenty five po"
Sabay pa kami ni tatay na napatango. Hindi ko pa kasi nababasa ang report na bigay nila tungkol kay Blaire.
"Ano naman ang trabaho ng mga magulang mo? Ilan kayong magkakapatid? Saan ka nagtatrabaho? May trabaho ka ba hija? Saan kayo nagkakilala ng anak ko---"
"Nay isa isa lang"awat ko naman sa sunod-sunod na tanong ng nanay ko.
Napailing kaming sabay na naman ni tatay.
Hindi na din ako nagulat na ganon ang reaction ng nanay ko. Sino ba namang magulang ang hindi magugulat kung kahapon ng umalis ang anak niya binata pa tapos ngayon pag uwi may asawa na.
"Pag pasiyensyahan mo na ang nanay niyo Blaire hija. Sabik kasing magkamanugang na babae itong asawa ko"sabi naman ni tatay.
Napangiwi naman ako sa sinabi ni tatay. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa pamilya ko.
"Bueno kumain na tayo ng makapagpahinga na ang mga bata."ani naman ng tatay.
Naunang nagpunta ng kusina ang mga magulang ko.
"Andres"tawag sakin ni Blaire.
Paglingon ko napakunot ang noo ko na tumingin sa kanya. Nakatawa na naman kasi siya. Pero walang sounds.
"Bakit?"takang tanong ko naman.
"Seryoso, Andres Demaguiba ang pangalan mo?"tumatawang tanong niya.
Wala naman akong makitang dahilan para pagtawanan niya ang pangalan ko.
Tinalikuran ko nalang siya at nagtungo na sa kusina para kumain ng agahan.
.............
"Hey!, dito mo talaga ako itatago?"pang lima o pang amin na tanong na niya iyan.
Ang daldal sobra, nasa loob kami ng kwarto ko.
Puyat ako dala ng magdamag na duty sa presinto. Pero hindi ko magawang matulog dahil na din sa kaingayan ng kasama ko.
"Hoy Andres, wake up. You should be protecting me and not slee---"
"Sa tingin mo makakatulog ako sa kaingayan mo? Wala pa ngang limang minuto akong nakakapikit ayan ka na talak ng talak"inis kong tugon.
Inirapan niya ako pero nakikipagtitigan ito sakin ngayon. Ang hilig lang niyang makipagtitigan.
"Is it your job to guard me. Bakit natutulog ka lang dyan?"pag-uulit na naman niya.
Nawawalan ng ganang bumangon ako sa pagkakahiga at naupo nalang.
"Baka po kasi puyat ung tao. Tapos nagtrabaho ako buong magdamag kaya pagod. Kaya kung mamarapatin niyo lang mahal na prinsesa hayaan niyo muna akong matulog. Pagkagising ko mamaya pag usapan natin kung anong gagawin natin. Sa ngayon ligtas ka sa bahay namin. Panay mga pulis kasama mo, wag ka nalang pakalat kalat sa balas para wala tayong maging problema. Naiintindihan po ba, mahal na prinsesa?"mahabang litanya ko naman.
Wala na akong inaksayang oras kundi ang mahiga ulit at magpilit matulog. Kasi antok na antok talaga ako.
Paggising ko wala sa kwarto si Blaire kaya bigla akong napabangon ng wala sa oras.
Paglabas ko ng kwarto agad kong hinanap ang babaeng iyon. Napatingin din ako sa orasan ko sa kamay, mahigit limang oras akong nakatulog.
"Hinahanap mo ba ang asawa mo?"
Nakasalubong ko si tatay, mukhang galing sa bayan. May mga bitbit kasing kung ano-anong mga pinamili ito.
"Opo, nakita niyo po ba si Blaire?"
"Kasama naming namili sa bayan, pinamili na din ng gamit ng nanay mo at wala daw siyang gamit na dala"sagot nito bago ako lagpasan.
Lihim ang napamura sa nalaman ko.
Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng iyon.
Paglabas ko ng main door siyang pasok naman nila nanay at Blaire na nagtatawanan pa.
"Gising ka na pala ANDRES"bungad ni Blaire.
Nakangisi siya habang nagsasalita. Tapos pinagdiinan pa niya ang pangalan ko.
"Mag-usap tayo"iyong lang ang sinabi ko.
Nilagpasan ko siya at kinuha ang mga dala ng nanay ko.
"Ung dala ko hindi mo kukunin?"ani naman ni Blaire ng papasok na ako sa loob.
Binalikan ko siya at pilit na kinuha ang dala-dala niya.
............
NASA loob kami ngayon ng kwarto, nagtititigan at naghihintayan kung sino ang unang magsasalita.
Pero si Blaire panay ang irap sakin.
Napabuntong hinga naman ako bago ako umayos ng tayo at magsalita.
"Naiintindihan mo naman siguro ang sitwasyon na meron ka ngayon"simula ko.
Sinamaan niya ako ng tingin bago umirap.
"Anong tingin mo sakin? Boba?"pabalang na sagot nito.
"Hindi, pero malapit na"pilosopo ko namang sagot.
Galit na tumingin ito sakin, akmang magsasalita ito pero inunahan ko na siyang magsalita.
"Ang bilin ko wag kang pakalat kalat. Pero lumabas ka pa. Ano sa tingin mo iisipin ko."aniko na pagalit.
Tumayo ito at lumapit sakin na nakaduro ang kamay sakin. Tapos naniningkit ang mata niya habang nakatitig siya sakin.
At dahil matangkad siya halos magdikit ang mga ilong namin.
"Hoy ikaw, hindi porket sa inyo ang bahay na ito eh pwede mo na akong pagsalitaan ng ganyan. Baka na kakalimu--"
Hindi ko na siya pinatapos sa iba pa niyang sasabihin ng bigla ko siyang yakapi6 at halikan.
Bigla kasing bumukas ang pinto sabay pasok ni nanay.
Hindi ko na tuloy naisip ang ginawa ko basta ko nalang siyang niyakap at nahalikan.
Pero wrong move pa ata ako. Kasi naman, ang lambot at ang sarap sa pakiramdam na mahalikan ang labi niya.
Ramdam ko din ang biglang paninigas ng katawan ni Blaire. Nagulat siguro, kasi kahit naman ako nagulat din.
"Naku sorry mga anak, ang akala ko kasi nag aaway kayo dahil narinig kong mataas ang boses mo Andres"sabi ni nanay.
Nang maghiwalay ang aming mga labi, hindi ako makatingin sa mga mata niya. Pero nakayakap pa din ako sa kanya.
"Sorry din, kasi nag alala pa kayo. Pinagsabihan ko lang si Blaire kasi umalis siya na di ako kasama. Namiss ko lang bigla. Sige nay, okay lang kami dito"pagsisinungaling ko.
"Naku, ikaw talagang bata ka. Sige ipagpatuloy niyo na iyang ginagawa niyo ng magkaapo na kami sayo Andres, naunahan ka pa ni bunso"natatawang sabi naman ni nanay bago kami iwanan.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng isara na nito ang pinto.
Pagtingin ko kay Blaire na hanggang ngayon nasa bisig ko pa din at yakap yakap ko pa din. Nakatulala kasi siya habang nakatingala siya sa akin.
"Blaire"kinakabahang tawag ko sa kanya.
Napakurap-kurap siya bago niya ako itulak palayo sa kanya.
Hindi siya nagsalita, basta lang itong tumalikod at nahiga sa kama ko. Nagtalukbong pa ito ng kumot.
Mahina naman akong napamura ng marinig ko ang mahina niyang paghikbi. Sa guilty ko, napalabas nalang ako ng kuwarto. Deretso sa likod bahay namin, dederetso pa sana ako sa kubo namin ng may mapansin akong kakaiba.
Tinalasan ko ang pakiramdam ko, meron talagang kakaiba sa paligid namin.
Wala akong inaksayang oras. Agad akong pumasok sa loob ng bahay.
Kailangan ko ng ilayo dito si Blaire. Mukhang natunugan na ng mga naghahanap sa kanya na nandito siya sa amin.
"Nay, asan po si tatay?"tanong ko ng makapasok ako.
Itinuro lang nito kung nasaan ang tatay namin. Busy kasi sa pagluluto ang nanay.
Pagkakita ko sa tatay ko, agad ko siyang nilapitan
"Tay, pwede ba akong magpaalam na lalayo lang kami ni Blaire."hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
Napakunot naman ang noo ng tatay ko.
"Alam niyo naman po na nagtanan kami, ilalayo ko lang po si Blaire, kapag okay na kami sa pamilya niya uuwi din kami agad"dagdag ko pa.
"Bakit hindi nalang kayo dumito? Hindi naman namin kayo pinapaalis ng nanay mo. Mainam pa nga at ng may makasama ang nanay mo dito sa bahay"sagot pa ni tatay.
Retirado na kasi si nanay, may isang taon na ang nakakaraan.
"Nadistino din po kasi ako tay"alanganin kong sagot.
Wala na din kasi nagkasubuan na. Isa pa suportado naman ito ng hepe namin.
"Wala na pala kaming magagawa. Kailan ba ang alis niyo?"tanong nalang ni tatay makalipas ang ilang minuto.
Napakamot ako sa ulo bago sumagot.
"Ngayon na ho"
............