"WHAT will happen to me then?"nakataas ang kilay na tanong ko.
Nasa ospital na ako ngayon. I'm so greatful kasi hindi talaga nakita ng mga humahabol sakin ang pinagtaguan ko.
Hindi ko alam kung mga bulag ba sila o tanga or something pero pinagpapasalamat ko iyon.
At least buhay ako ngayon.
Kung masasabi ko nga bang buhay pa ako sa mga susunod na oras.
I dont know where the hell I'm today. Basta alam ko ospital itong lugar kung nasaan ako.
After kasi ng ilang oras kong pagtatago sa kaba hindi ko nakapang nasa bulsa ko pala ang cellphone ko.
I immediately called my twin brother. Ayoko sa mga magulang ko kasi mag-aalala sila ng sobra.
"You'll stay hidden. Hindi pa nahuhuli ang gumawa sayo nito"sagot naman ni Blaze.
Napabuntong hininga nalang ako. Ano pa nga ba ang choice ko kundi ang sundin siya.
"Kuya King and Ismael will be here soon. They'll help us with this. Sila nanay at tatay pinapunta na namin sa ibang bansa with Angel. Si Adam naman susunod na din kilala tatay doon---"
"Wait, did you tell them what happened to me Blaze?"sansala ko pa sa iba niya pang sasabihin sakin.
The way he talk alam kong may alam na ang mga parents namin sa nangyari.
"They have to know, nanay wants to see you pero hindi na nila nagawa kasi baka pinamamanmanan na sila ngayon ng mga gustong pumatay sayo. So we decided na pumumta sila ng ibang bansa. They just announce it na bakasyon lang na nagpanggap silang walang alam sa nangyayari sayo"paliwanag nito.
Nag-iinit ang ulo ko sa nalaman ko sa kanya. Kaya nga siya ang tinawagan ko kasi ayokong malaman ng mga magulang namin ang lahat.
"I know what your thinking Blaire. Kaya ko ginawa ito kasi the police men reported that they didn't find your belonging inside the crime spot. Meaning to say kinuha nila ang gamit mo which is your bag with your wallet with your ID's on it. Am I correct twin sister?"paliwanag nito.
Doon naman ako nalinawan sa nangyari.
Magsasalita pa sana ako ng dumating na sila Kuya King at Ismael. But they were with Kyle na ipinagtataka ko naman.
"How are you Blaire?"buong pag-aalala na tanong ni Kuya King.
Tinuro ko naman ang sugat ko bago sumagot.
"Wounded and its not pretty. It will leave a fvcking scar in my skin"inis kong sagot.
Napailing ito samtalang natawa naman sila Blaze, Klye at Ismael sa sagot ko.
"I think okay na si Blaire, hindi man lang natrauma."ani Kyle sa pagitan ng pagtawa.
Inirapan ko lang siya.
"What are you three doing here by the way?"mataray kong tanong sa mga ito.
Nagkatinginan muna silang apat bago nagsalita si Kyle.
"Your situation is serious Blaire. The vice president is killed and you're the sole survivor. And it means your life is in danger"naiinip ko siyang pinatapos na magsalita.
He just state the obvious for me. Alam ko na iyon muntik na nga akong mamatay kagabi kung hindi lang ako nakatakbo.
"I know alam mo na ang sinabi ko. But it is my job to explain it to you again"natatawa na naman siya.
Hindi ko siya pinansin. Naiinis ako kasi sa kanya na nanggaling seryoso daw pero tumatawa naman.
"Did you saw their faces Blaire?"seryoso na ito ng muling magsalita.
When I look at them they are all serious looking at me.
"Yes"
Tatangutango naman si Kyle bago siya naglabas ng cellphone at lumabas sandali.
"I'll send some of my men for your protection Blaze. Si Kyle na bahala sa kapatid mo"ani Kuya King nang makalabas si Kyle.
"No need kuya King I can handle myself"sagot naman ng magaling kong kapatid.
Knowing him hindi mag-iingat ang isang ito. He still mourning about his lost. Baka kaya hindi nito nabanggit na susunod sa mga magulang namin dahil baka lang din naman naghahanap ng ikapapahamak niya ito.
"No, kuya King mas magandang pabantayan mo ang loko-lokong iyan"sansala ko naman sa sinabi ni Blaize.
Hindi na nakaangal pa si Blaze ng pumasok si Kyle. May mga kasama na itong mga police officer.
"Blaire ito nga pala si Inspector Honorio. Siya ang kukuha ng statement mo regarding sa nasaksihan mong krimen. And this is SPO2 Lopez ang kukuha ng cartographical sketch ng mga suspect na mga natatandaan mo"pakilala ni Kyle sa mga kasama nito.
"Then after this I'll be incharge for your safety. Lalapit ako sa PNP chief namin for your protection"dagdag pa ni Kyle.
Magulo ang pangyayari, pero kasi wala din naman akong choice. Kasi nandito na, nangyari na ang lahat.
Ang bilis nga ng mga nangyari after ng kunin ang statement ko pinadescribe naman sakin ang mga natatandaan kong mukha.
Tapos inilabas na nila ako sa ospital at dinala sa isang bahay na puno ng mga pulis.
..................
DALAWANG ARAW ko na dito sa pinagdalhan sakin ni Kyle. Now I know why his the one incharge. Naalala ko pulis nga pala si Kyle.
So ayon na nga nagtatago ako ngayon. Ang pinalabaa ng kapatid ko wala daw itong alam kung saang lupalop ako naroroon ngayon.
Pinadispose na nila ang cellphone ko at binigyan ako ng bago ni Kyle. Na puro siya lang ang nakakausap ko kasi bawal na akong makipag-usap sa iba.
Daig ko pa ang nasa bahay ni Kuya ngayon. Nakakulong na wala pa akong mapaglibangan. May cellphone nga wala namang kahit na anong pwedeng pagtiyagaan na kahit laro man lang.
"Blaire, prepare yourself we're leaving here. Nalaman nila kung nasaan ka"humahangos pa si Kyle ng dumating.
Agad akong napatayo ng wala sa oras bago nagmamadaling kinuha ang ilang mga gamit na binigay sakin.
Agad akong sinakay ni Kyle sa isang sasakyan. Pansin ko may limang sasakyan na magkakamukha. Lahat walang plaka at lahat din ay heavily tinted.
"Some of the car are decoy, para kung may makasunod mailigaw namin."nahalata siguro ni Kyle ang paglingon lingon ko sa ibang sasakyan.
"Saan na tayo pupunta ngayon?"tanong ko naman.
"Our Chief ordered us to Bring you to a certain place. On there onward sila na ang bahala sayo"sagot nito na tutok ang mata sa daan.
Kinabahan ako pero hindi ko pinahalata sa kanya. I've know to be one of the brats in our circle like Eunice and ate Jade.
"Don't worry, nakahanap sila ng magiging body guard mo na mapagkakatiwalaan"sabi pa niya.
Huminga naman ako ng malalim before I answered him.
"Bakit hindi nalang ikaw?"nakataas ang kilay ko habang nagsasalita.
Nilingon niya ako bago nginitian. Magandang lalaki naman si Kyle. Kamukhang kamukha niya si Tito Marco.
Pero kapag ngumingiti siya nagiging kamukha naman niya si Tiya Kyla. Mahahalatang may lahing Chinese kaai nagiging singkit kapag tumatawa or ngingiti lang.
"They know na may connection ako sayo sooner than expected. Kaya nga natunton ka nila ng dahil sakin."sagot nito.
Wala naman akong nagawa kundi ang manahimik nalang sa isang tabi.
Masakit pa ang sugat ko pero bearable pa naman.
"I miss my life"naibulalas ko.
Buntong hininga lang ang naisagot naman ni Kyle sa sinabi ko. Tahimik lang kami na nag biyahe.
Hindi naman kalayuan ang pinuntahan namin. Mga 2 hours drive lang. Pero ang pinagtaka ko ay bakit sa isang mall kami dumeretso.
Pero agad ding nasagot ang tanong ko sa sarili ng lumipat kami ng sasakyan. Then muling nagbiyahe.
Nakatulugan ko na nga ang pagbibiyahe namin. Nagising nalang ako na may yumuyugyug sakin.
Pagmulat ko ng mata mukha agad ni Kyle ang nakita ko. Super lapit ng mukha niya sakin.
Matagal na kaming magkakilala ni Kyle. Since mga baby pa kami dahil close ang mga parents namin. But never kaming nagkalapit ni Kyle ng ganito.
Lalo pa ng maghiwalay sila Ivan at Jade.
Kapatid ni Kyle si Ivan while pinsan ko naman si Jade. Kahit wala namang dapat na ikailang or iwasan parang nakasanayan nalang.
But this is the first time na mas nailang ako kay Kyle.
"Were here"anunsiyo pa niya.
Napakurap ako ng maraming beses bago ko siya nagawang itulak ng marahan.
Super lapit kasi ng mukha niya. Teka ilang beses ko na yatang nasabi iyon.
"And where are we?"pagtataray ko naman.
Baka kasi mapansin niya na may iba akong naramdaman or something.
"Nueva Ecija"sagot nito bago ako iwanan.
Tinanaw ko ang paligid namin wala na akong makitang building. May mga bahayan at mga stablishment pero hindi naman kasing dami sa Manila.
"Anong ginagawa natin dito? I thought were going to meet your boss"pagtataray ko ng makalabas na ako ng sasakyan.
Hindi niya ako sinagot at nagderetso nalang siya sa paglalakad.
Unknowingly napatingin ako sa tinutumbok niyang building.
Police Station?.
Hindi na ako nagsalita, pero nagtataka talaga ako. Kasi dapat sa head quarters or something kami dapat nagpunta. Pero bakit dito sa isang provincial police station kami nagpunta.
"Good evening sir, nandyan po ba ang hepe niyo?"magalang na tanong ni Kyle sa nakatalagang pulis sa reception area.
"Sino po sila?"
Nakita kong may dinukot na kung ano si Kyle at pinakita sa kausap. Sunod noon sinamahan na kami ng kausap niya papunta sa isang opisina.
Pag pasok palang namin nakita ko na agad ang tatlong kalalakihan. Ang isa ay nakaharap samin mukhang ito ang pinakaboss. Samantala ang dalawa naman ay nakatalikod.
But as soon as we arrive lumingon samin ang dalawang nakatalikod.
"Sir, De Larra reporting for duty"ani Kyle habang nakasaludo.
Ung nakaharap samin ang sumaludo pabalik kay Kyle. Ung dalawa parang patay malisya lang lalo na ung isa. Ung medyo mas bata sa dalawang nandito.
"Glad you made it here safe officer De Larra."sabi nung matandang nakaharap samin.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng opisina. Maliit lang ito na maayos namang tignan kaso medyo madaming papel na nakakalat.
I'm so busy thinking kung paano aayusin ang lugar na ito para magandang tignan. Hindi ko na pinansin ang mga tao sa paligid ko.
"Miss Monteverde"
Makatitig ako sa mga plaque sa estante di kalayuan sakin. Ang daming award para sa isang maliit na police station.
But one photo got my attention.
May lalaki doon na tumatanggap ng award or something. With full police uniform that suit him well. Nakasaludo habang tumatanggap ng award.
But not the award that caught her attention. The eyes, so serious and mysterious.
Para kang hinuhubaran just by looking at you with those sexy eyes of him.
"Miss Monteverde"
Then my eyes went down to his firm chest down to his slim stomach. I bet all my wealth may abs siya. Then again my eyes travel down ward. But I stop, oh God picture palang ang tinignan ko para na akong sira ulo.
What more kung sa personal ko na siya makita.
"Blaire"
Damn this guy.
Nagulat nalang ako ng biglang may taong humarang sa harapan ko.
At ganon nalang ang gulat ko ng makilala ang taong nakaharap sa harapan ko.
"Miss Monteverde would you mind maupo ka. Hindi itong nakatayo ka na tulala sa mga iyan na parang ngayon ka lang nakita ng plaque"pagtataray nito.
Napataas ang kilay ko habang nakatitig sa kanya.
Siya kang namam ang lalaking tinititigan ko ang picture kanina.
And the picture didn't give justice on him. Kasi mas as in mas yummy siya sa personal.
Pero ang antipatiko naman niyang magsalita.
Nagdadabog na naupo ako sa upuan kung saan ko siya nakitang nakaupo kanina.
"What's wrong Blaire? Kanina ka pa namin kinakausap hindi ka nagsasalita."ani Kyle ng makaupo ako.
I just looked at him bored and never speak. Naiinis ako, so I wont speak.
"Miss Monteverde, alam ko may trauma ka pa sa mga nangyari sayo. But we need your cooperation para---"
"Look if I'm not cooperating in this wala ako sa harapn niyo ngayon. Probably nasa ibang bansa nalang ako which I think mas safe pa ako"pigil ko sa kung ano pang sasabihin ng kaharap ko.
"Blaire!"sita naman sakin ni Kyle.
"What diba tama naman ako. You said that I'm under the witness protection program of yours. But what happen? Nalaman din nila kung nasaan ako. Better yet Kyle bring me to my tatay, he know how to protect be better"biglang out burst ko.
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang mga sinabi ko. Or maybe tama sila, I'm still under a trauma which I get from my recent experience.
"You can't go with them. Pati sila mapapahamak kapag sumunod ka sa kanila. The culprit are big time. And when I said big time wala silang sinasanto. Kung bise na nga ng bansa nating nagawa nilang patayin kayo pa kaya na civilian lang. And even you will say na bilyonaryo ang tatay mo it will never change the fact na gusto ka nilang patayin dahil may alam ka sa kanila"sermon naman ni Kyle.
I just shrug and never speak again. Naiinis ako kasi tama siya. Pero mas naiinis ako kasi kahit hindi ako lumingon sa gawi ng lalaking sumita sakin kanina alam kong nakatingin siya sakin.
"Sir mawalang galang na po, pero kung si Miss Monteverde ang magiging assignment ko mas mainam nalang pong sa iba niyo nalang ibigay."sabi ng antipatikong lalaking nasa side ko.
From hearing it napatayo ako at hinarap siya. I looked at his face straight then look at his uniform. Alam ko nakalagay doon ang pangalan or surname nito.
Demaguiba.
"Hoy! Antipatikong frog, what do you mean to say?"sigaw ko.
Tinignan lang niya ako pero hindi siya nagsalita.
"Blaire"awat naman sakin ulit ni Kyle.
"Are you afraid? Kaya tumatanggi ka sa trabaho mong protektahan ako."sabi ko pa na hindi pinansin si Kyle.
Hindi siya sumagot pero nakita ko ang paggalaw ng panga niya.
"Blaire enough"saway na naman ni Kyle sakin.
"Tama ako, takot ka. Wala ka pala, mahina"sabi kong huli bago nakangising naupo at padekuwatrong nakaharap sa chief nila.
"Look someone who can---"utos ko sana sa chief nila na natigil.
"Nagbago na isip ko sir, tinatanggap ko na po ang trabaho. Kailan ako magsisimula sir ngayon na po ba?"singit ng antipatikong lalaking ito
Napairap nalang ako sa inis.
........