One

1444 Words
KANINA ko pa gustong umalis sa bahay na ito, naiimbiyerna na ako sa paraan ng pagsasalita ng bago naming client. Buti sana kung fruitful ang sinsabi nito o kaya naman may sense na kausap. Naku kung hindi lang naman ito asawa ng Vice President ng bansa kanina ko pa ito natarayan. Wala kasi  si Eunice, nasa second honeymoon ba naman ng asawa nito ngayon. Ang kinakainis ko, kung kailan naman kasi madami kaming tanggap na trabaho doon naman naisipan ng magaling kong pinsan na ayain ng second honeymoon ang kaibigan Ko. ayan tuloy, toxic na Ako sa trabaho kahit pa tatlong araw palang naman na wala si Eunice. “Misis Mañoza, sorry to interrupt but can I excuse for a bit. I really need to use your bathroom”singit ko sa walang kasawaang pagpuputak nito. Nagpaayos kasi ito ng mansion nito sa sa amin noong isang buwan, ngayon ang turn over namin sa ginang para makita na nito ang naging outcome ng trabaho namin ng halos tatlong linggo. Tatlong linggo na pasakit para sa kanila dahil sa pabago-bago nito ng design ng buong bahay. Naiinis na nga siya, kung hindi lang nila kasiraan sana ibinalik nalang niya ang ibinayad nito. hindi naman nila kailangan ng malaking kita ng kaibigan niya. mayaman sila, her parents are billionaire, and her bestfriend too both parents and husband is billionaire. Kung tutuusin ang mga ganitong klaseng client dapat tatagihan na nila. But out of respect sa bise presidente  ng bansa tinggap nila ang trabaho. Maayos naman kasi kausap ang bise, ang asawa lang talaga nito ang ayaw niyang makausap. “Miss Monteverde”masayang bati sa kanya ng bise. Patayo na siya at pupunta n asana sa banyo ng dumating ang bise. Medyo nakahinga siya ng maluwag kahit papaano kasi may makakasama na siyang sasalungat sa ginang. “Darling!”agaw naman ng pansin ng ginang. Kung hindi nakaharap sa kanya ang mga ito baka kanina pa niya ito tinirikan ng mata o kaya naman ay nairapan na niya ito sa inis niya dito. Sobrang arte, sobrang matapobre, sobrang mapanlait, lahat na yata ng sobrang negative sa katawan meron ito. “Vice President Mañoza”nakangiti niyang bati sa bagong dating. “Hindi ba, pupunta ka sa banyo”singit naman ng asawa ng ginoo. Nang lingunin niya ito nakataas ang kilay nito at maging ang isang sulok ng labi nito. “Yes ma’am”pilit ang ngiti niya na umalis sa harapan ng mag-anak. Kasama kasi ng ginang ang nag-iisang anak ng mga ito na kaugali ng ginang. Hindi naman siya naiihi o ano, gusto lang niyang makatakas kahit sandali lang sa lugar kung nasaan ang client niya. sobrang nadrain na kasi ang lakas niya sa pakikpagtalo sa mga ito. pinagtulungan pa siya ng mga ito, naloka na siya sa sobrang gigil niya sa mag-ina. Pagdating niya sa banyo, naupo lang naman siya sa toilet bowl ng ilang minuto. Nagpapalipas lang siya ng oras, baka sakaling napahupa na ng bise ang katarayan ng asawa nito paglabas niya ng matapos na ang trabaho niya. Nang sa tingin niya okay na ang tagal na nawala siya doon naghugas lang siya ng kamay bago siya dahan-dahan na lumabas ng banyo. Ewan niya bakit pakiramdam niyang magdahan-dahan sa pagbalik sa mga kausap niya. siguro dahil gusto pa din niyang patagalin ang oras para hindi muna makaharap ang mag-inang Mañoza. Buti nalang talaga walang banyong inilagay sa receiving area ng pamilya at naka medyo malayong bahagi ng bahay ito nakalagay. May dadaanan pa muna siyang mahabang pasilyo bago makabalik sa receiving area. Nasa bungad na siya ng pinto ng makarinig siya ng mga daing at iyak sa loob ng kwarto kung saan siya pupunta. Bigla parang binundol siya ng kaba sa narinig niyang daing ng mga nasa loob. Para bang nahihirapan na daing ang naririnig niya. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pintuan para walang makapansin sa kanyang pagpasok nang magimbal siya sa nakita niya. Isang lalaki ang nakasakay sa dibdib ng bise na nakahiga na ngayon sa sahig at naliligo na sa sariling dugo na mula sa leeg nitong nilaslas ng lalaking nakadagan dito. Maging ang mag-ina nito ay may kanya-kanya din lugar na kinasadlaka. Ang anak ng bise ay kasalukuyang pinagsasamantalahan ng ilang mga lalaki, samantalang ang ginang naman ay wala ng buhay na nakahiga na din sa sahig. Halata ding kakatapos lang pagsamantalahan ang ginang dahil wala na din itong saplot sa ibabang parte ng katawan nito. Damn it! Napamura siya ng makita niyang may isang lalaking nakakita sa kanya na nakasilip sa mga ito. kitang kita niya ang itsura ng mga lalaking nakapaligid sa pamilya ng bise presidente ng lahat ito at sabay-sabay na lumingon sa gawi niya. Dali-dali siyang tumakbo palabas ng bahay na iyon. Nahindik din siya sa nakita niyang sitwasyon ng makalabas siya sa bahay, kita niya ang nakakalat na mga walang buhay na mga bodyguard ng bise na nakahandusay at wala na ding mga buhay. Nang marating niya ang sasakyan niya napamura siya ng makitang hindi niya dala ang bag niya. wala siyang choice kundi ang tumakbo palayo sa lugar na iyon ng makita niyang nakasunod na sa kanya ang mga taong pumapatay sa bise prisedente ng bansa. Napahiyaw siya ng paputukan siya ng mga lalaki ng baril. Ni hindi niya ininda ang tama ng baril sa braso niya. basta tumakbo nalang siya ng tumakbo, blessing in disguise na din na madaming puno ang madadaanan bago makapunta sa main road. Kaso malas din dahil wala siyang mahingan ng tulong ngayon dahil nasa malayo pa ang susunod na mga bahayan. Bakit naman kasi nasa kasuloksulukan pa ang napili na pagtatayuan ng bahay ang mga iyon. May nakita siyang malaking puno na pwede siyang magtago sa loob agad siyang pumasok doon at nagtago. Maganda na din na gabi na kaya madali siyang nakakapagtago sa mga lugar na kagaya ng tinataguan niya. Tinakpan niya ang bibig niya ng marinig niya ang mga paparating na yabag ng mga tao sa paligid niya. “Hanapin niyo! Hindi pwedeng makatakas iyon nakita niya ang mga mukha natin”narinig niyang boses ng isa. Panay ang dasal niyang sana walang makapansin sa kanya sa lugar kung saan siya nagtatago. Halos hindi na nga siya makahinga sa sobrang kaba na nararamdaman niya. Alam niya kapag nakita siya ng mga ito kung ano ang nangyari sa mga biktima ng mga ito ganoon din ang mangyayari sa kanya. papatayin din siya ng mga ito, hundred percent iyon. WALA PA ding ipinagbago ang lahat sa buhay niya. simpleng provincial pulis lang siya, nabawasan pa ang thrill sa trabaho niya ng mag-asawa na ang bunso nila. Wala na kasing tumatawag sa kanya para sa mga back up na trabaho. Well okay na din sa kanya ang nangyari at least alam niyang safe na ang kapatid niya. dahil kapag tumatawag ito sa kanya it means gagamutin niya lang ito. May ilang taon din kasi siya sa medicine, tapos naging medic pa siya sa pagiging pulis niya kaya bihasa siya sa panggagamot ng mga kasamahan niyang napapasubo sa mga engkwentro nila. “SPO3 Demaguiba”tawag sa kanya ng isa sa mga kasamahan niya. “Oh bakit PO2 Robles?”tanong niya dito. Nasa prisinto lang sila, night shift kaya walang masyadong ginagawa. Pero magkaganoon man hindi naman sila nagpapabaya sa trabaho nila. Kaso may mangilanngilan talagang pasaway na umiidlip habang nakaduty sa mga alanganing oras o kaya naman may mga sideline sa tabi-tabi. “Pinapatawag ka po ni Hepe”anito sa kanya na tinanguan lang niya. Ang alam niya wala ang Hepe nila dahil hindi naman ito naglalagi ng gabi sa prisinto nila. Kakagaling lang kasi niya sa pagroronda kaya hindi niya napansin na dumating pala ang Hepe nila. “Chief”nagbigay pugay siya dito sa pagsaludo. “Demaguiba, sit down”utos nito ng saluduhan din siya pabalik. Napatingin siya sa orasan nila ng wala sa oras ng dahil sa pagiging seryoso nito. Kilalang palabiro ang chief namin kaya nagtataka ako. Isa pa bihira na ipatawag ako ng chief namin. Minsan tatawagin lang ako kapag may kailangan lang na ipagawa sakin na importante. "Ano ang kailangan niyo sir at pinatawag niyo po ako?" Huminga muna ito ng malalim bago niya ako seryosong pinakatitigan. "I'm giving you an assignment. And it is a very important one."simula nito. "And I want you to focus on this"sabi pa nito. Napakunot ang noo ko ng biglang napatayo at sumaludo. Paglingon ko nakita ko ang bagong dating. Maging ako napatayo na din napasaludo ng wala sa oras. "SPO3 Demaguiba"tawag pa nito. "Sir"aniko. Nakasaludo pa lang din ako. Mas nagtaka ako kung bakit nandito ang PNP Chief namin. .............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD