TATLONG ARAW mula ng matapos ang kasal ng anak ni Aling Krising. Nagpaalam si Andres na bababa ito sa bayan para makipag usap sa chief nito. Pero dalawang araw na ang nakakaraan hindi pa din siya bumabalik. Nag-aalala na ako at the same time iniisip na baka iniwanan na niya ako dito. "Blaire"tawag sakin ni Nina. Kapitbahay namin, na naging close ko na. Hindi kasi kami nagkakalayo ng edad na dalawa. "Nina, wala pa din ba ang asawa mo?"nag-aalalang tanong niya dito. Ang asawa nito kasi ang kasama ni Andres na bumaba sa bayan. "Wala pa, baka mamaya o bukas pa uuwi ang asawa ko. Kailangan kasi niyang mabenta lahat ng paninda naming uling at mga gawang basket bago umuwi"sagot nito. Napasimangot naman ako, wala naman kasing dalang kahit na ano si Andres ng umalis dito. Kaya walang dahilan