Alex POINT OF VIEW
Lunch Time sa University.
Papunta kaming pito sa cafeteria.
Nauunang maglakad sina Matheo, Tommy at Ian.
Kasunod kaming dalawa ni Vincent at nasa likod naman namin sina Sam at Caden.
Marami-rami na rin ang mga estudyanteng naglalakad papuntang cafeteria at mga nagkalat sa bawat sulok ng university.
Nakakailang nga lang kasi ang daming mata na nakatingin sa amin.
'Yung ibang girls tumitili pa . Pinapahalata talaga nila na kinikilig sila pagnakikita nila ang limang pogita na kasama namin ni Sam.
Deadma na nga lang kami ni Sam sa mga deathglare ng mga babaing nagpapapansin sa kanila. Kung nakakamatay nga lang ang tingin tiyak na kanina pa kami ni Sam namatay.
Wala naman kasi akong choice kundi sumama sa lahat ng pupuntahan ni Vincent dahil slave nga ang peg ko.
Hay! Sana matapos na ang isang buwan para tumahimik na ang mundo ko.
Malapit na kami sa pintuan ng cafeteria nang may biglang humaltak sa buhok ko mula sa likuran.
"Aray!" ramdam ko ang sakit ng pagkakahaltak sa buhok ko. Nag-init ang ulo ko. Sino kayang siraulong naglakas ng loob na saktan ako? Makikita nito ang hinahanap n’ya.
I looked at my back and saw a crazy girl .
I smirked at her " Bruha ka ! Ang sakit non ha!" nanggagalaiting sigaw ko.
PLAK! sinampal ko s’ya nang pagkalutong-lutong. ‘Yung uri ng sampal na babakat ang palad sa mukha. Ayan may instant blush on na ang feslak n’yang maganda. Lalo s’yang gumanda sa manula-mula n’yang pisngi kaya lang sa isang side lang.
Napahawak s’ya sa namumulang pisnging sinampal ko.
Nakatingin na ang mga estudyanteng tsismosa. Pero walang pumipigil sa aming dalawa.
Pansin ko na lumabas ng cafeteria ang tatlong pogita. Nauna kasi silang nakapasok kaya hindi nila na pansin ang ginawa ni crazy girl na ubod ng ganda sa akin.
Si Vincent naman nakatayo lang. Sa tingin ko walang balak na umawat ang bruho o ipagtanggol ako. Pero salubong ang kan’yang mga kilay. Parang galit s’ya. Well, lagi naman s’yang mukhang galit eh. Sanay na nga akong makita ang mukha n’yang ganyan at ewan ko sa sarili ko kung bakit napopogian akong lalo sa kanya. Malala na ang sapak ko sa utak.
"Hoy ! bruha anong ginawa mo kay Best?!" galit na sita ni Sam sa crazy girl na ito. Medyo malayo kasi ang agwat nila sa amin ni Vincent kanina kaya nahuli sila.
"Bakit gusto mong sumali?" nakangising tanong ni crazy girl kay Sam.
Plak! bigla n’yang sinampal n’ya si Sam. Kung gaano kalakas ang sampal ko sa kanya kanina sa tingin ko ganoon din kalakas n’ya sinampal si Sam. Ngayon ang pretty face naman ni Sam ang nagkaroon ng dagdag na kulay.
"Mang-aagaw ng boylet 'yang kaibigan mong bruha!" galit na sabi ni crazy girl.
“Ooooooh!” sabay-sabay na bigkas ng mga tsismosang mga estudyanteng babae. Gusto ko sanang tumawa kasi biglang naalala ko sa kanila ang mga squeeze toy aliens sa Toy Story movie sa sabay-sabay nilang pagbigkas ng ‘oooh’ kaya lang kailangan ko munang harapin itong si crazy girl.
"Sinong boylet ha?" tanong ko sa kan’ya. Nakakagigil s’ya ha dahil ramdam ko na masakit parin ang aking anit.
"Sabi na saiyo malandi 'yang si Alex" rinig kong bulong ng isang girlaloo na estudyante sa katabi n’ya. Nakakapang-init ng ulo. Parang gusto ko rin s’yang sampalin. Bumulong pa eh rinig ko naman.
"S’ya" turo ni crazy girl.
Tumingin ako doon sa tinuro n’ya pati 'yung ibang estudyante. Curious sila kung sino ang boylet na sinasabi ni crazy girl.
Isang lalaki lang ang nakaupo doon at nanglaki ang aking mga mata tapos umirap ako.
"Gosh! Ang gwapooooo!" tili ng mga tsismosa.
"Kahit ako aagawin ko ‘yan sa girlfriend n’ya" sabi naman ng isa.
Hahaha! Pigil kong tawa .Ngumuso si crazy girl. Hindi n’ya nagustuhan ang mga narinig n’yang mga salita.
Well gwapo talaga ang boylet na tinuro ni crazy girl , mali pala hindi lang gwapo, gwapong-gwapo at kilalang-kilala ko s’ya! Pero hindi ko s’ya inagaw dito kay crazy girl.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na ang apat na pogita ay parang nag-eenjoy pa sa panonod sa amin. Kulang na lang ay kumain sila ng popcorn . Pero si Ian kumakain na ng boy bawang.
"Siraulo kang bruha ka kung gusto mo saiyo na iyang bisugo na 'yan!" sigaw ko " pasampal pa nga para magpantay ang kulay ng mukha mo."
Plak! sampal ko ulit sa kan’ya.
"Paganti" sabi ni crazy girl.
"Sa akin na lang" prisinta ni Sam."Dito" turo n’ya sa kabila n’yang pisngi. Gusto n’ya ring pumantay ang kulay ng mukha n’ya.
Plak! sampal n’ya kay Sam. Mapagbigay s’yang tao eh kaya pinagbigyan n’ya si Sam.
"Ako din " sabi ko naman. Nainggit ako sa mamula-mula nilang mga pisngi.
Plak!Plak! sampal sa akin ni Sam at crazy girl. Nasaktan ako pero pare-pareho na kaming tatlo na hindi na kailangan ng blush on.
"Bwahahaha!Hahahahaha!" Sabay-sabay naming tatlong tawa. Ang saya-saya!
"Anong nangyayari?" tanong sa katabi ng isang estudyante. Naguuguluhan s’ya . Kasi para kaming mga baliw na nagbbibigayan ng sampal at tumatawa.
"Nasisiraan na ata sila" sabi naman ng isa. “ Baka naapektuhan ang mga utak dahil sa lakas ng sampalan nila.”
"Tama na 'yan!" galit na awat ni Vincent. Nakalapit na siya sa aming tatlo.
"OOOOOOhhhhhh! " ayan na naman ang mga fan girls para na naman silang mga squeezable green aliens kung makareact.
"Hindi lang s’ya pogi ang bait pa ni Vincent . Inawat sila" comment naman ng isa, nagniningning pa ang mga mata. Para pa nga siyang hihimatayin sa paghanga.
Napanguso ako dahil sa sinabi ni fan girl. Hindi ko alam ang dahilan ng pagkainis ko. Basta bigla na lang akong nakaramdam ng pagkainis sa lantarang paghanga niya kay Vincent.
"Ang pula na ng pisngi mo." baling sa akin ni Vincent hindi n’ya pinansin ang sinabi ni Fan girl at lihim akong natuwa ." Tigilan n’yo na nga iyang kalokohan n’yong tatlo" pagalit na sabi naman n’ya kina Sam .
"EEEhhhh mamaya na hindi pa ako nakakaganti" nakapout na angal ko. "Pasampal pa ako" hirit ko.
"Enough" saway n’ya . Natahimik naman ako. Halata kasi sa boses n’ya na galit s’ya. S’yempre natakot ako. Teka! Bakit ako natatakot sa kanya? Mali pala hindi pala ako natakot , ayaw ko lang na magalit s’ya sa akin. Kung bakit ? Ewan ko na naman.
"Hindi pa kami tapos mag-away" sabat naman ni crazy girl. Humanga ako kay Crazy girl hindi s’ya naapektuhan sa galit ni Vincent.
"Tama na" singit naman ni boylet na itinuro ni crazy girl na inagaw ko daw sa kan’ya. Nakalapit na s’ya sa amin.
Tiningnan ko s’ya ng masama . S’ya naman nagpipigil ng tawa.
"P’re ‘musta?" baling n’ya kay Vincent.
"Okay lang” sagot ni Vincent . “ Pagsabihan mo ‘yang fiancee mo na huwag basta-basta mananakit" dagdag n’ya pa.
“ Wow Kuya hindi mo na maitago ang pagkaconcern mo ha “ nakangising sabi ni Crazy girl kay Vincent. Sinamaan s’ya ng tingin ni Vincent.
O____O ako ."Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ko.
"Yes" sagot ni boylet.
"Xander. Kumusta 'tol" bati ni Caden kay boylet . Nakalapit na silang apat na pogita sa amin.
O___O? O____O? O____O? mukha ng mga nakatingin sa amin. "Magkakakilala sila?"
"Siguro. Pogi din kasi s’ya" sabi ni girlaloo na nakatitig kay Xander.
"Bakit nandito ka Xander?" nagtatakang tanong ko kay boylet na nagpipigil ng galit. Kilala ko s’ya kasi s’ya lang naman ang kakambal kong si Alexander. Kaya sinabi kong gwapong gwapo kasi kakambal ko s’ya at ako naman magandang- maganda. Yabang ko ba? Ha!ha!ha! Nagsasabi ako ng totoo. Promise.
"Sinama mo pa itong bruhang Aria na ito" turo ko kay crazy girl. Hindi ako galit kay crazy girl kasi isa s’ya sa mga bestfriend ko. Tatlo kaming magbebestfriend nina Sam simula mga bata pa kami.
At tulad nga ng sinabi ni Sam kina Caden dati na violente kaming tatlo. At isa sa mga crazy whims namin ang magpanggap na nag-aaway sa iba't ibang lugar. Nakakatuwa kaya iyon lalo na pagpinag titinginan kami ng mga tao. Nakakatawa ang mga reaksyon ng mga usosero't usosera. Feeling naming tatlo ay mga artista kami. Bwahahaha!Baliw na kung baliw . Eh sa ganoon kami. Weird!! Attention whores.
Si Xander nga pala ay fiancé ni Aria . Pinagkasundo rin si Xander ng mga magulang namin. Kasi si Aria anak naman ng best friend ni Daddy. Feeling ko nga ayaw sa amin nina mommy at Daddy kasi sa murang edad ipinagkakasundo na nila kami.
Pabor naman kay Xander at Aria kasi mahal nila ang isa't isa at matagal nang magkakilala . Samantalang ako. HMP!
"Dito na kami mag-aaral ni Xander" masayang sabi ni Aria.
"Ano?" tama ba ang narinig ko. "Dito na kayo mag-aaral?"
"Yes my dear twin sister" nakangising sagot ni Xander.
“Kambal sila” ulit ng mga nagulat na fan girls.
" Pasok na tayo sa loob ng cafeteria" yaya ni Vincent. "Halika na para malagyan ng yelo 'yang mukha mo" baling n’ya sa akin. Nakasimangot s’ya. . Sinipat n’ya pang mabuti ang mukha ko. Hawak n’ya ang aking baba.
Naconscious naman ako sa ginawa n’ya. Ramdam ko na lalong namula ang mga pisngi ko. Hindi ako makagalaw.
EEEEHHHH! What's happening to me? tanong ko sa sarili ko. Bakit ako nacoconscious kay Vincent?
"Tara na" hatak n’ya sa akin . Hawak n’ya ako sa braso kaya wala na akong nagawa.
" D’yan ka lang" utos n’ya. Nakaupo na ako sa table namin sa loob ng cafeteria. Sinundan ko s’ya nang tingin, pansin ko papunta s’ya sa direksiyon ng pinto. Saan kaya ang punta non?
"Aria buti dito ka na rin mag-aaral" masayang sabi ni Sam. Nakaupo sila sa left side ko.
Tumagilid ako paharap sa kanilang dalawa.
"Syempre . Kung nasaan si Xander my labs nandoon din ako" proud na sagot ni Aria.
"EEEhhhhhh ang sweet" kinikilig na sabi ni Sam. Si Sam kasi ang number one na tagahanga ng dalawang magfiancé. Wala kasi s’yang lovelife.
"Takot lang kaya n’yang maagawan ng fiancé" pang-aasar ko kay Aria. Naiinis kasi ako hindi man lamang nila sinabi sa akin na lilipat din sila ng university.
"Of course not. Faithful kaya sa akin si Xander my labs" nakalabing sabi n’ya. Oo faithful nga sa kanya ang kambal ko kasi super in-love ito sa kanya.
"Eh bakit may sabunot effect ka pa ha?"
"Wala lang para masaya. Ha!ha!ha!ha!ha!" mukha ngang masaya s’ya. Sabunutan ko kaya ito. Hindi pa nga pala ako nakakaganti sa pagsabunot n’ya. Sampal lang ang nagawa ko.
"Ang sakit kaya!" reklamo ko.
"Sorry po" hingi naman n’ya ng paumanhin "Sinampal mo naman ako , di ba?" balik n’ya.
"O yelo lagay mo sa pisngi mo" boses ni Vincent. Napaharap ako sa kan’ya . Umupo s’ya sa upuan na nasa right side ko. Padabog na inaabot n’ya sa akin ang hawak n’ya . Tiningnan ko ang hawak n’ya. Isa iyong cold compress. Kinuha n’ya siguro sa clinic.
Natouch na naman ako sa ginawa n’ya. Kinuha ko ang cold compress at nilagay ko sa pisngi ko.
"Thank you" mahinang pasasalamat ko.
"Bakit ba kasi kailangang magsakitan kayong tatlo?" halata sa boses n’ya ang pagkainis.
o__O ---> me.. Nagtataka ako kasi parang galit s’ya. Bakit kaya?
"Eh bakit parang galit ka?" I snapped to him.
"Sino ba ang matutuwa? Ang pula-pula na ng pisngi mo! Halatang nasaktan ka sa ginawa sa iyo."
Ha! Ano daw? Concern ba s’ya?
"Kuya biruan lang namin 'yon" paliwanag ni Aria.
"Biruan ? Eh nagkakasakitan na kayo ha."
"Sanay na kami don" hirit pa ni Aria.
"Just don't do it again ,okay" pakiusap n’ya at bumuntong-hininga pa s’ya.
Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Sa uri nang pagtatalo nila parang close sila.
"Teka nga close ba kayo?" naguguluhang tanong ko.
"Hmp! Syempre s’ya lang naman ang tinatago kong pinsan" sagot ni Aria.
"Pinsan?" sabay naming sabi ni Sam
"Bakit hindi namin alam?" buti nalang naunahan ako ni Sam na itanong.
"Kasi nga itinatago, di ba? Secret alam mo yung secret" diin na paliwanag ni Aria.
"Isa pa matagal na tumira 'yang si Kuya sa America kaya hindi nyo kilala. Bumalik lang si Kuya para sa fiancée n’ya." patuloy ni Aria.
"What??? May fiancée ka na??" gulat na tanong ni Sam.
Si Vincent naman ang sama ng tingin kay Aria parang gusto n’ya itong sakalin.
"OOOps sorry hindi ko alam na hindi nyo alam" parang isang mabait na batang nahuling may ginawang kasalanan ang itsura ni Aria.
>>___ me May fiancée din si Vincent. Pareho pala kami ng kapalaran. Nakaramdam ako nang parang may kumurot sa puso ko sa sinabi ni Aria. Bakit parang may tumusok na karayom sa puso ko?
"O ito na ang food" inilapag ng mga pogitas ang mga dala nilang mga pagkain at inumin. Then nagsipag-upuan na sila.
Nagsipagkuhaan na rin kami ng food at nag-umpisa nang kumain.
"Bakit ngayon lang kayo pumasok Xander?" tanong ni Tommy sa kambal ko.
" Sinundo ko pa kasi si Aria sa Singapore" sagot naman ni Xander. Nagbakasyon kasi si Aria sa Singapore para dalawin ang kakambal n’ya. Yes , may kakambal s’ya si Shrek! Si Shrek na asawa ni Fiona . Ha!ha!ha! (Joke lang)
"O Vincent bakit hindi maipinta nanaman ang face mo?" baling na tanong ni Matheo kay Vincent. Napansin n’ya pala. NakaVegeta mode nanaman kasi itong katabi ko.
Hindi sumagot si Vincent . Ipinagpatuloy lang nito ang pagkain.
"Kasalanan ko" amin ni Aria.
"Bakit anong ginawa mo?" tanong sa kan’ya ni Xander,
"EEEhhhhh n-nasabi ko na m-may f-fiancée na s’ya" nauutal na sagot ni Aria parang ngayon ay takot na s’ya kay Vincent. Pero kanina lang ang tapang n’yang makipagtalo.
Sabagay kung ako din si Aria baka matakot din ako sa expression ng mukha ngayon ni Vincent. Ayaw yatang maalala ni Vincent ang tungkol sa fiancée n’ya. Baka tutol s’ya sa kasalan.
"Talaga nasabi mo? Lagot ka nga" pananakot naman ni Ian.
"Magtigil nga kayo. Nandito lang ako . Ako na pinag-uusapan nyo " inis na sita ni Vincent.
Naguguluhan ako sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Vincent na mababangit ang tungkol sa fiancée n’ya. Maybe asar s’ya sa girl. Hmp! Bahala na nga sila . Kakain na lang ako. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
"Whahahahahahhaa!!!Haaahahahahha!Hahahahhaha!" sabay-sabay na tawa nila. Si Vincent naman nanahimik na lang. Halata parin na asar s’ya. Tiningnan n’ya ako pero nag-iwas ako ng tingin.
Puno ng rebelasyon ngayong araw na ito. Una dito rin mag-aaral sina Xander at Aria. Pangalawa magpinsan si Aria at Vincent. Pangatlo may fiancée na si Vincent. At pang-apat bakit parang nanghinayang ako nang malaman ko na may fiancée na si Vincent?
What a day!