Alex POINT OF VIEW
Nandito pa rin ako sa condo ni Vincent.
Nakaupo ako sa sofa n’ya at nakatunganga. Yes nakatunganga lang ako dito kasi after naming kumain sinabi n’ya na magpahinga muna ako dahil kakatapos lang naming kumain at baka sumakit daw ang tiyan ko.
So nakatunganga lang ako .
"Hey Mr. Nahm " tawag ko sa kan’ya . Busy kasi s’yang nagkakalikot sa laptop n’ya.
Sinulyapan n’ya ako"Why?"
"EH--- wala ka pa bang iuutos sa akin?"
"Wala pa." simpleng sagot n’ya at itinuon uli ang tingin n’ya sa kan’yang ginagawa.
"Eh nababato na ako dito!" dabog ko.
"Dyan ka lang. Tatapusin ko lang ' tong ginagawa ko" sabi n’ya .
" Bilisan mo na kasi dyan o kaya sabihin mo na ang dapat kong gawin." Naiinip na ako halos makabisa ko na ang kabuuan ng first floor nitong unit ni Vincent.
"Just stay there .Ok!" malumanay na sabi n’ya.
"Hay! " buntong hininga ko. Ano kayang magawa? Ahh alam ko na.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko pati earphones at nag-umpisang makinig ng music.
Sumandal pa ako sa sofa.
"la-la-la-la-la....." mahinang pagsabay ko sa kanta ni Avril Lavigne na I Love You.
I like your smile
I like your vibe
I like your style
But that's not why I love you
And I, I like the way
You're such a star
But that's not why I love you
Hey, do you feel, do you feel me?
Do you feel what I feel too?
Do you need, do you need me?
Do you need me?
You're so beautiful
But that's not why I love you
I'm not sure you know
That is the reason I love you
Is you being you, just you
Yeah, the reason I love you
Is all that we've been through
And that's why I love you"
Natapos ang song then sumunod naman "What the Hell" paborito ko.
You say that I'm messing with your head (yeah, yeah, yeah, yeah)
All 'cause I was making out with your friend (yeah, yeah, yeah, yeah)
Love hurts whether it's right or wrong (yeah, yeah, yeah, yeah)
I can't stop 'cause I'm having too much fun (yeah, yeah, yeah, yeah)
You're on your knees
Begging please
Stay with me
But honestly I just need to be a little crazy
All my life I've been good but now
ooooh
I'm thinking, what the hell?
All I want is to mess around
And I don't really care about
If you love me, if you hate me
You can't save me, baby, baby
All my life I've been good but now
Whoa, what the hell?
What
What
What
What the hell?
So what if I go out on a million dates? (yeah, yeah, yeah, yeah)
You never call or listen to me anyway (yeah, yeah, yeah, yeah)
I rather rage than sit around and wait all day (yeah, yeah, yeah, yeah)
Don't get me wrong, I just need some time to play (yeah, yeah, yeah, yeah)
You're on your knees
Begging please
Stay with me
But honestly I just need to be a little crazy
All my life I've been good but now
ooooh
I'm thinking, what the hell?
All I want is to mess around
And I don't really care about
If you love me, if you hate me
You can't save me, baby, baby
All my life I've been good but now
Whoa, what the hell?
You say that I'm messing with your head
Boy, I like messing in your bed
Yeah, I am messing with your head
When I'm messing with you in bed
All my life I've been good but now
ooooh
I'm thinking, what the hell?
All I want is to mess around
And I don't really care about
All my life I've been good but now
ooooh
I'm thinking, what the hell?
All I want is to mess around
And I don't really care about
If you love me, if you hate me
You can't save me, baby, baby
All my life I've been good but now
Whoa, what the hell?
You say that I'm messing with your head
boy i like messing in ur bed
teah i'm messing with ur hed when
i'm messing with u in bed
la,la,la,la,la,la la ,la
la,la,la,la,la,la,la,la
Nakatayo na ako habang kumakanta at sumasayaw-sayaw pa . Ganito ako lagi pagmag-isa lang sa kwarto ko. Nagcoconcert to the max . Feeling artist of the year. Nakapikit at iniimagine na nasa harapan ng maraming tao nagpeperform ng live. Pumapalakpak sila at sinisigaw ang pangalan ko habang may mga hawak na banner na nakaimprint ang aking rocker look pretty face. Ang sarap sa pakiramdam. Magsinger na lang kaya ako?
Nadala na ako masyado ng kanta.
Nakapikit parin ako habang sumasayaw at patuloy na nangangarap.
Natapos yung song iminulat ko ang mga mata ko. Nakaharap na pala ako kay Vincent.
o_____o --------> Vincent
Nanglalaki ang mga mata n’ya habang pinapanod ako sa kabaliwang ginagawa ko . Ang pansamantalang pagkawala ko sa aking sarili.
Grabee ! naman ang reaksyon n’ya, parang gulat na gulat s’ya sa ginawa ko ah. Tapos parang pinipigilan n’ya ang matawa.
~____~V -----> me
"He!He!He!" napapahiyang tawa ko.
Napaface-palm ako. Ano ba itong ginawa ko? Mas’yado akong nadala sa pagkanta ko. Nakakahiya!Parang gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko pulang-pula ang mukha ko.
"Ha!Ha!Ha!Ha!Ha!" tuluyang tawa n’ya nang malakas. Wagas s’ya kung makatawa .
Napasimangot ako. Tama ba naman na pagtawanan ako ng parang wala nang bukas?
"Stop laughing" asar na utos ko sa kan’ya. Maluha-luha na s’ya sa pagtawa.
"Tigil na ! Tapos na ang show!" sigaw ko pa. Nakakatawa ba talaga ang ginawa ko?
Tawa parin s’ya ng tawa.
Binato ko s’ya ng unan na nasa sofa.
Sapol s’ya sa mukha.
Bumusangot ang pogi n’yang mukha.
"Ha!Ha!Ha!" ako naman ang tumawa. Nakaganti din ako.
*Q* "Bleh" me.
Victory is mine! sigaw ng isip ko.
"Hmp!" iniwan ako.
"Hey! San ka pupunta?" habol ko sa kan’ya.
Naglakad s’ya paakyat ng hagdan.
"Hoy! Mr. Sungit . Iiwan mo ako dito?" sigaw ko sa kan’ya.
Walang sagot . Nagalit ata. Pikon parang bata. Kalaki-lakong mama pero pikon.
"Pag hindi ka bumalik dito, uuwi na ako!" banta ko sa kan’ya. Pikon pala ang masungit na iyon.
"Umakyat ka dito!" pasigaw na sagot n’ya.
Napakamot na lang ako ng ulo ko at umakyat. Siguro sa taas ang lilinisin ko.
Tatlo ang pinto. Saan dito sa tatlo ako papasok?
"Alin pinto ako papasok?" sigaw ko.
"Sa pintong blue" sagot n’ya. Nanggaling sa pintong blue 'yung boses n’ya so it means na nandoon s’ya.
Binuksan ko ang pinto at pumasok.
Carpeted, isa pa lang entertainment room ito. May home theater at ang laki ng screen. May popcorn machine pa s’ya sa side.
Natakam ako kasi may bagong lutong popcorn don at favorite ko ang popcorn. Ang sarap ng amoy.
"Laway mo tumutulo" naka smirk na sabi n’ya.
Pinunasan ko ang bibig ko. "Wala naman ah" nakasimangot na sabi ko. Ang lakas talagang mang-asar ng lalaking ito.
"Halika dito" tawag n’ya sa akin.
Nakapout na lumapit ako sa kan’ya.
"Upo ka" pinagpag n’ya ang sofa . Gusto n’yang umupo ako sa tabi n’ya.
"Akala ko ba maglalaba ako?" pasalampak na umupo ako.
"Tsk!Tsk! Mamaya na . Manod muna tayo ng movie" sagot n’ya.
" Sige. Anong movie?" tanong ko sa kan’ya. Masaya ito hindi ako maglilinis.
"Chick flicks" sagot n’ya.
Biglang napabaling ako sa kan’ya"Seriously?" hindi makapaniwalang sabi ko." Ang corny mo ha" natatawang naibulalas ko.
Napasimangot s’ya" Di ba ang mga babae mahilig sa chick flicks?" akala n’ya pala mahilig ako sa chick flicks.
"Hindi no" umiiling na sagot ko. "Ayaw ko non . Gusto ko horror" seryosong dagdag ko.
"Ayoko nga!" protesta n’ya.
Ayaw n’ya ng horror . Hindi kaya takot s’yang manod ng horror?
"Takot ka bang manod ng horror?" tanong ko sa kan’ya. Gusto kong malaman kung tama ang hinala ko.
"Hindi ah" tanggi n’ya pero halata ko na tama ako.
"Ows! di nga?"
"Hindi nga!" matigas na tanggi n’ya.
"Okay. Eh di manod tayo ng horror. Hindi ka naman pala takot" tumayo ako at lumapit sa mga blue rays n’ya.
Pili.
Pili.
"Ito mukhang maganda. Cover palang nakakatakot na" hawak ko ang nag-iisang horror na nandoon. Mukhang naligaw lang kasama ng mga blue- rays. Jun-on ang title. Inilagay ko sa player.
Bumalik na ako sa pwesto ko.
Nakakunot ang noo ni Vincent.
Nag play na ....pero pinause ko muna.
"Kuha ka naman ng food at drinks natin" utos ko sa kan’ya. Masmasarap manod pag may kinakain eh. Lulubos-lubusin ko na ang kakapalan ng mukha ko. Tutal s’ya naman ang nag-aya na manod kami .
Tumayo naman s’ya at kumuha ng popcorn then binuksan n’ya 'yung cabinet . Ref pala iyon , kumuha s’ya ng mga bottled water, coke in can, ice tea in can, pineapple juice in can etc.
"Ayan mag-enjoy ka" singhal n’ya sa akin.
Mainit ata ang ulo kasi ayaw n’yang manod ng horror.
Umupo na s’ya sa tabi ko.
Tumayo naman ako.
"OY san ka pupunta?" pigil n’ya sa akin.
"Relax ka lang papatayin ko lang ang ilaw . Mas’yadong maliwanag" sabi ko.
"Huwag!" pigil n’ya sa akin.
"Bakit?" Ayaw n’yang patay ang ilaw. Confirmed takot nga s’ya.
"Voice command ang ilaw dito" sagot n’ya " dim" malakas na command n’ya.
Biglang nagdim ang ilaw. Tamang-tama lang ang liwanag. Ang galing!
S’ya na talaga ang sos’yal.
"Pati ba 'yang tv pwede ring voice command?"inosenteng tanong ko sa kan’ya.
"Yeah" expressionless na sagot n’ya.
"Play mo na " utos ko sa kan’ya. Excited na akong manod
"Play" command n’ya. Nagplay nga. Galing talaga. Ako na ang tagabundok.
Kumakain ako ng popcorn habang nanonod .
Nasa kalagitnaan na ng movie at infairness medyo nakakatakot s’ya.
'Itong katabi ko nakasiksik sa akin.
Ramdam ko na natatakot s’ya sa pinapanod namin. Pero ayaw umamin na takot s’ya sa palabas.
Hindi naman ako makatawa kasi baka bigla na lang akong bugbugin nito sa pagkabwisit sa akin.Ang laki-laking tao takot sa horror films.
Deadma na lang. Ang sarap kasing manod dito . Libre food at komportable ako sa pwesto ko.
Siguro kasi nakadikit saiyo si Vincent no! Kaya komportable ka! Bigla kong naisip.
Hindi ! Iling ko . Ano nanaman ba itong pumasok sa utak ko?
Itinuon ko na lang ang mata ko sa screen.
Biglang labas ng multo sa eksena.
Nagulat ako.
Hindi dahil sa multo kundi dahil biglang napayakap sa akin si Vincent.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Ano ba itong nararamdaman ko? Siguro hindi lang ako sanay na may lalaking yumayakap sa akin maliban uli kay Xander at Daddy.
"Hey! Hindi ako stuffed toy!" sita ko sa kan’ya. Para kasing tumahimik eh. Pati s’ya parang nagulat sa ginawa n’ya. Ang higpit ng pagkakayakap n’ya sa akin.
" Nakakagulat kasi 'yung multo" pagdadahilan n’ya. Aminado ako nakakagulat nga pero hindi ang multo kundi ang biglang naramdaman ko nang yakapin n’ya ako. Kakaiba sa aking pakiramdam natakot ako kasi baka hanap-hanapin ko .
"Eh di pumikit ka na lang sana!" asik ko sa kan’ya. Lakas parin ng t***k ng puso ko.
"Hmp! Sino ba kasi ang gustong manod ng horror diba ikaw? Tapos magrereklamo ka kapag nagreact ako sa nakakatakot na eksena. Dyan ka na nga lang. Panoorin mo 'yang movie na yan mag-isa" sabay walk out n’ya.
Hala nagalit na naman.
Nawalan na rin ako ng ganang manod kaya pinatay ko na ang palabas at lumabas ng kwartong 'yon.
Bumaba ako at hinanap ko s’ya.
Pumunta ako sa kitchen kasi wala s’ya sa sala. .
Nandoon nga s’ya at mukhang magluluto s’ya. Mag fifive na ng hapon. Ang bilis lumipas ng oras hindi ko namalayan.
"Anong ginagawa mo?" usisa ko sa kan’ya.
Halatang inis pa kasi s’ya sa akin kaya ako na ang naglakas ng loob na mag-umpisa ng usapan.
"Maglalaro ng lutulutuan. Ikaw ang Mommy at ako ang Daddy" sarcastic na sagot n’ya.
"Anong maitutulong ko?" tanong ko sa kan’ya. Pero gusto ko yung lutulutuan lalo na ako ang mommy at s’ya ang daddy . Landi ko.
"Wala . Manod ka lang dyan" masungit na sabi n’ya.
Hindi na ako nagsalita. Pinanod ko na lang s’ya. Ang galing n’ya. Ang bilis n’yang magluto .
After thirty minutes nakatapos s’ya.
"Ikaw naman ang maghain" utos n’ya. Lumabas s’ya ng kitchen.
Naghain na lang ako.
After 10 minutes bumalik na s’ya.
Bagong paligo nanaman.
Naaamoy ko pa ang ginamit n’yang sabon. Very manly . Ang sarap sa ilong.
Ano ba itong naiisip ko. Hindi 'to dapat may fiancé na ako. Kastigo ko sa sarili ko.
Umupo na s’ya at tahimik kaming kumain. Ninamnam ko nang maigi ang mga pagkkain. Ang sarap n’ya talagang magluto. Saan kaya s’ya natutong magluto? Napadighay pa ako buti na lang hindi n’ya ako inasar. Tahimik lang s’ya at parang may malalim na iniisip.
After kumain nagligpit s’ya . Ayaw n’ya akong patulungin sa pagliligpit. Kayang-kaya na daw niya. Bawat platong hawakan ko ay inaagaw n’ya lang sa akin. Kaysa sa lalo s’yang mainis ay iniwan ko na lang s’ya at pumunta sa sala.
Hinintay ko s’yang matapos.
Lumabas na s’ya na may bitbit na food container.
"O ayan 'yung lasagna" inabot n’ya sa akin.
Ramdam ko na inis parin s’ya.
Kinuha ko. "Salamat."
"Kainin mo yan ha." Nanlaki ang mata ko sa sinabi n’ya. Tama ba ang rinig ko? Maalahanin pala s’ya.
"Okay. Sige alis na ako" paalam ko. Kung magtatagal pa ako doon baka maisipan ko pang magpaampon na lang sa kanya nang tuluyan. Akala ko mahihirapan ako sa mga gawaing bahay na iuutos n’ya . Pero wala naman s’yang mastadong pinagawa sa akin na mahirap , nakakakain pa ako ng masarap n’yang luto at nakinod pa sa maganda n’yang entertainment room kahit hindi namin natapos ang palabas.
Naglakad na ako papuntang pinto.
Nakasunod naman s’ya.
"Hatid na kita" mahinang sabi n’ya.
Tumango naman ako.
Lumabas na kami ng condo n’ya at pumasok sa elevator.
Ramdam ko ang tensyon . Dalawa lang kami sa may elevator.
"Alam mo ba na maraming multo sa elevator?" bulong ko sa kan’ya para mawala ang tensyon sa pagitan namin.
"Tumigil ka nga!" singhal n’ya.
"Totoo----"
"Shut up" putol n’ya sa sasabihin ko.
Bumukas ang pinto ng elevator.
Lumabas kami.
Nagpauna na akong naglakad papunta sa motorbike ko.
"Mag-ingat ka naman pagnagmomotor ka?" iritadong sabi n’ya.
Natouched ako sa sinabi n’ya.. " Salamat ha. Sorry sa pang-aasar ko saiyo.”
“Bakit ba iyan ang ginagamit mo?” turo n’ya sa motor ko.
“Kasi wala akong kotse” sagot ko at sinuot na ang helmet. “ At kahit mayroon man ito parin ang pipiliin kong sakyan. Sige Paalam."
Pinaharorot ko na ang motorbike ko at kumaway sa kan’ya "Bye" sigaw ko pa. “ Vincent maraming multo sa parking ng mga condo” nakangising dagdag ko.
Naiwan naman s’ya na nakatanaw sa akin. Kung natakot s’ya hindi ko alam. Ang dami kong natuklasan sa kan’ya ngayong araw na ito. Mga bagay na hindi ko nakita noong mga nakaraang araw na magkasama kami. Masasabi kong nagbago ang tingin ko sa kan’ya. Marami pala s’yang good side. Hay! Masasabi kong makabuluhan ang nangyari sa akin ngayong araw . Nakilala ko nang lubusan si Mr. Vincent Andrew Nahm.