Alex POINT OF VIEW
History of Architectural Theory Class
(◣_◢)----> me
Gan’yan kasama ang tingin ko sa aking katabi.
Bakit? Kasi nagpapakahirap lang naman ako sa pagsusulat ng mga notes na isinulat ng prof. namin sa whiteboard. May quiz daw sa next na meeting at doon sa pinakokopya n’ya kukunin ang coverage ng quiz. Nakakalimang pages na ako sa notebook ng katabi kong natutulog. Yes! tulog na naman. Parang hindi naman interesado sa mga itinuturo ng prof. itong si Vincent kaya nga nagtataka ako kung bakit nag-enrolled pa ito sana natulog na lang s’ya sa condo n’ya. Minsan nga nakikinig lang ng music sa headphone n’ya habang nagtuturo ang prof. Tapos hindi man lamang s’ya pinapagalitan kasi sila ang may-ari ng university.
Ang sakit na ng kamay ko . Nagpapakahirap ako ! Hindi naman ako ang makikinabang kasi notebook n’ya itong sinusulatan ko. Wala akong notes para magamit na reviewer. Wala pa akong karapatang magreklamo.
Buti na lang last subject na ito ngayong araw. Makakauwi na rin ako.
Sinulyapan ko si Vincent. Infairness ang cute n’yang matulog ha. Teka! Ano nanaman itong naisip ko? Hindi ako dapat macutetan sa kan’ya. Sita ko sa sarili ko. Dapat mainis ako. Pinahihirapan n’ya ako. Wala s’yang awa sa akin.
(╥_╥)----->me Ang sakit na ng kamay ko sa kasusulat. Bakit ba kasi hindi nalang pinaphotocopy o nagbigay ng softcopy o kaya naman isend sa e-mail? Marami namang way para magkaroon ng reviewer na hindi na pinahihirapan ang mga students. Napaka old school talaga ni Prof.
"Okay class 'wag n'yong kakalimutan may quiz tayo next meeting. You may go now" sabi ni prof. then lumabas na s’ya. After n’ya kaming pahirapan sa pagkopya nilayasan n’ya na kami. Nagtayuan na ang mga kaklase namin. Nag-umpisa na silang lumabas ng classroom. Hinilot-hilot ko muna ang mga daliri kong sumakit sa pagsusulat. Tapos inayos ko na rin ang gamit ko.
( ︶ _ ︶ ) zzz ------> Vincent. Tulog parin. Hindi manlamang namalayan na tapos na ang klase.
(。^-^。)----> me. Alam ko na! Tutal tulog naman si Vincent bakit hindi ko kaya itakas ang notes n’ya. Tama! itatakas ko kasi ako naman ang nagpakahirap. Ang galing ko talagang mag-isip. He!he!he!
Dahan-dahan kong pinasok sa bag ko ang notebook n’ya , tumayo ako at sabay takbo.
Blag! Aray ko! Tumama ang binti ko sa isang upuan . Ang sakit. Shemay na upuan hindi umiwas , sa kamamadali ko hindi ko napansin na may nakaharang palang upuan. Matapos mag-alisan ng mga kaklase namin ang gulo-gulo na ng mga upuan . Wala na sa tamang mga hanay. Hindi man lamang inayos ang mga silya bago magsipaglayasan , buti pa ang mga estudyante sa public elementary school nag-aayos ng mga classroom bago umuwi. Kadalasan nga nagkanda ubo-ubo na ang mga estudyante sa pagliliha ng mga kahoy na desk para pumuti lang. Ayan biktima tuloy ako ng isang silyang nawala sa kanyang hanay. Ang sakit!
(*´_`)ゝ he!he!he! ako yan. Kasi napatingin sa akin sina Ian, Tommy, Caden at Matheo. Nakatambay parin kasi sila sa loob ng classroom. Hinihintay nilang magising ang kanilang alpha na si Vincent.
\(´O`)/---> Vincent. Nagising yata sa ingay ng upuan na nabangga ko. Napatingin din s’ya sa akin.
Patay na! Nahuli ako na tatakas. Huminga ako ng malalim kasi medyo masakit 'yung binting tumama sa upuan then sabay takbo sa labas.
Takbo...takbo ... Yes nakarating din sa parking lot. Sinuot ko kaagad ang helmet ko at sumakay na ng aking motorbike. Then larga na. Hindi ko na pinansin ang sakit ng binti ko.
Vincent POINT OF VIEW
Blag! Ingay na narinig ko.
Iminulat ko ang mga mata ko. Nakatulog pala ako. Wala na ang mga kaklase namin , tanging naiwan na lang ay kaming magkakaibigan at si Xandra.
Napatingin ako sa pinanggalingan ng ingay.
Si Xandra nakahawak sa binti n’ya at nakangiwi s’ya halata na may masakit sa kan’ya. Nakatanga sina Ian sa kanya. Malamang nagulat ang mga mokong sa ingay na si Xandra ang may kagagawan.
Ano kayang nangyari sa kan’ya?
Then napatingin s’ya sa akin. Parang nagulat . Sabay takbo..
(
(’๏_๏')??? ----> Bakit kaya tumakbo 'yun?
Napakunot ang noo ko sa inakto n’ya , dahil sa reaksyon n’ya para s’yang nakakita ng multo, isang nakakatakot na multo. Nakaramdam ako ng pagkatakot. Ako lang ang nag-iisang tao na nasa pwesto ko , hindi kaya may nakikita si Xandra na hindi nakikita nina Ian? Bigla akong kinilabutan sa naisip ko. Lakas loob na lumingon ako sa likuran ko kahit natatakot ako. Nakahinga ako ng maluwag nang wala naman akong nakitang multo o baka naman hindi lang nakaopen ang third eye ko? I shook my head , ano ba naman itong ginagawa ko sa sarili ko? Tinakot ko ang sarili ko.
“Bwahahahhahahhaaahah!Hahahahha! “ sabay-sabay na tawa nina Matheo, Tommy, Caden at Ian.
"Anong nangyari 'don?" naguguluhang tanong ko. Baka alam nila.
"Sa tingin ko P're tinakasan ka" natatawang sagot ni Matheo.
‘Yun pala ang dahilan kung anu-ano pa ang ipinasok ko sa isipan ko.
"Bakit?" walang ideang tanong ko.
"Baka kasi hindi mo pa pauwiin " komento ni Caden.
"O kaya naman baka itinakas ang notebook mo" nakangising sabi ni Ian.
"Bakit kailangan n’yang itakas ang notebook ko?" nagtatakang tanong ko.
"May quiz kasi sa susunod na meeting" sagot ni Caden habang nakatingin sa cellphone n’ya.
"Grabee pare tulog ka kasi ng tulog ayan tuloy natakasan ka ni Alex. Bwahahahahaha!" nang-aasar na sabi ni Matheo tapos tumawa pa.
Napabuntong hininga na lang ako. Kakaiba talaga ang utak ni Xandra . Hindi ko naisip na magagawa n’ya akong takasan. Napangiti habang umiiling na lang ako sa ginawa n’ya.
"Tingin ko nasaktan 'yun kasi ang lakas nang pagkakabangga n’ya sa upuan" may pagkaconcern na banggit ni Tommy.
"Tsk!Tsk! Pwede naman kasing hiramin, bakit kailangang itakas pa?" hirit naman ni Matheo.
"Tara na nga!" yaya naman ni Ian. "May date pa ako eh."
Lumabas na kami ng classroom at pumunta sa parking lot.
Nakaalis na nga si Alex kasi wala na ang motorbike n’ya. Sabi ko sa isip ko.
Nag-aalala ako sa kan’ya kasi sabi ni Tommy nabangga ang binti n’ya sa upuan. Paniguradong masakit at baka magpasa pa ang parteng nabangga.
Hay! Xandra ano ba ang gagawin ko saiyo?
Sumakay na ako sa sports car ko at umalis na. Sila Tommy ay nagsialisan na rin. May kan’ya-kan’ya naman silang sasakyan.
Alex POINT OF VIEW
Nakahiga ako sa aking malambot na kama dito sa aking kuwarto na may sapin, kumot, pillow na may pillow case na Doraemon design. Ang ganda ng kama ko pakiramdam ko kapiling ko si Doraemon.
(┳ _ ┳)
Ang sakit noong binti ko sa parteng tinamaan ng silya.
Bakit ba naman kasing naisip ko pang itakas ang notebook ni Vincent, nakarma tuloy ako?
Grabee ang bilis ng balik ng karma sa akin.
Why, do you always do this to me?
Why, couldn't you just see through me?
How come, you act like this
Like you just don't care at all
Bagong Message tone ko 'yan. Title Why kanta ni Avril Lavigne. May nagtext.
Kinuha ko ang cellphone ko para basahin ang message.
✉Fr. Vegeta ------ basa ko , kinabahan ako baka sermon ang laman ng message n’ya.
Lagyan mo ng yelo 'yung parteng tinamaan ng silya para hindi magkapasa.
(°0°)
Surprised naman ako sa text n’ya.
Concern s’ya sa akin?
Napangiti na lang ako.
Mareplyan nga. Nagcompose ako ng message.
✉To: Vegeta
Thank you!
Then I touched send.
Tumayo ako para pumunta sa kusina . Makakuha nga ng cold compress .
Nakaramdam ako nang kasiyahan sa text ni Vincent. Napatunayan ko na nag-aalala s’ya sa akin at nakakagulat gumagamit pala s’ya ng smiley icon sa text n’ya. Pagnagtext kaya s’ya sa mga kabarkada n’ya may smiley din kaya? Napatawa ako nang walang sound sa tanong ko.
¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪