*******Eleven*****
Vincent POINT OF VIEW
It's Friday night and I can't sleep.
Maybe I'm excited kasi pupunta dito bukas si Xandra. Iniisip ko pa lang natutuwa na ako. Hindi ko mapigilang hindi mangiti.
Para akong baliw.
Hindi na ako teenager pero ang inaakto ko para akong teenager na excited na makita ang crush .
Hindi talaga ako makatulog. Nakapagbilang na ako ng ten thousand na tupa pero wala paring epekto.
Kanina habang nakaupo kami sa may botanical garden ay nanlulumo ako kasi hindi ko makikita si Xandra sa loob ng dalawang araw at iisipin ko palang naiirita na ako. Gusto ko lagi ko s’yang nakikita. Kasi everytime na nakikita ko s’ya nakakaramdam ako ng kasiyahan kahit hindi halata.
Kailangang makaisip ako ng paraan para makasama ko s’ya bukas . Ayokong malungkot ng dalawang araw . Malulungkot ang puso ko. Kung yayayain ko syang magdate sigurado akong hindi sya papayag. At 'yung idea na paglilinisin ko s’ya ng condo ko ang naisip kong solusyon na hindi nya matatanggihan sa aking problemang pangpuso.
Alam kong naging makasarili at inconsiderate ako.
Kasi Saturday ang araw na makakapagpahinga sya.
But Im in love . Pag in-love ang isang tao hindi maiiwasang maging makasarili.
Gusto ko lang naman s’yang makasama eh.
Kahit na magalit pa s’ya sa akin.
Kaya sinabi ko sa kanya ang naisip ko. "Kung may plinaplano kang gagawin bukas, huwag mo nang ituloy. "
Pumikit ako para hindi makita ang magiging reaksyon nya. "I'm sorry . Anong sabi mo?" tanong n’ya.
I opened my eyes and looked at her.
" Sabi ko kung may gagawin ka bukas, ipagpaliban mo muna" ulit ko.
"At bakit?" tanong nya sa akin.
"Kailangang pumunta ka bukas sa condo ko para maglinis at maglaba" I answered .Inaamin ko na excited akong makasama sya.
"Seriously?Nagbibiro ka lang, diba?" hindi makapaniwalang tanong nya. Pinigilan ko ang sarili kong matawa kasi kitang-kita ko sa mga mata nya ang pagkainis sa akin.
"Nah" I chuckled.
"Maglalaba ka at maglilinis ng condo ko. Dapat nandoon kana bago mag nine ng umaga" I ordered ." I'll text you my address" sabi ko pa..
Nakita kong sumimangot sya. " My God! Vincent . Kailangan ko bang gawin ang mga iyon? Hindi mo ako maid!" protesta nya.
"But you're my slave" paalala ko sa kanya kasi baka nakakalimutan n’ya.
Crap! Ayokong sabihin sa kanya iyon pero 'yun lang ang tanging salitang makakapagpapunta sa kanya sa condo ko.
"Di ba Mr. Nahm mayaman ka bakit hindi ka kumuha ng maglilinis ng condo mo?" sabi nya pa . Alam ko gusto nya lang lumusot at ayaw nya talagang pumunta .
Alam ko hindi sya magpapatalo. Gagawa at gagawa sya ng paraan para umiwas sa akin.
"Meron na . "
"Yun naman pala eh" biglang sabi nya at nakita ko rin sa kanyang mukha ang saya.
But baby you will never get away ! naisip ko.
"Yap. It's you!" sagot ko at muntikan na akong mapabunghalit ng tawa nang malinaw kong makita ang pagkadismaya nya.
"Okay" pagpayag na lang nya.
Yes! Pumayag na sya. I'm so happy. Ano ba yang para akong bakla nito.
"Best! Punta tayong mall tomorrow" narinig kong yaya sa kanya ni Sam .
Napakunot ang aking noo. Ano ba itong si Sam makikisali pa!
"Ha?" narinig kong tanong ni Xandra then tumingin sya sa akin na parang sinasabi na pumayag ako.
"Sige na . Bili tayo ng bago mong set of wardrobe . Mga sleevesless at tube tops." hirit pa ni Sam.
That's it ! Nag-init ang ulo ko sa narinig ko. WTH! Sleevesless at tube tops. No way! Ngayon pa nga lang marami na ang tumitinging lalaki kay Xandra lalo na pagnagsuot pa sya ng ganoong mga damit. Aaminin ko na ang sexy nyang tingnan pagganoon ang suot nya . But thinking na magsusuot sya ng ganoon at alam ko na ang ibang lalaki ay titingin sa kanya nang may pagnanasa. Parang gusto kong pumatay.
" Sorry Sam pero pupunta siya sa Condo ko bukas" I snapped. Naiinis ako.
"Bakit?"tanong ni Sam. Mukhang naguguluhan sya. Hindi nya pa nga pala alam ang tungkol sa paggiging slave and master between me and Xandra.
"Eh kasi maglilinis ako at maglalaba sa condo nya. " sagot ni Xandra na may halong pagka irita sa boses nya.
Nanahimik na ako at nakinig na lang sa kanilang dalawa. Alam kong gustong malaman ni Sam kung bakit kailangang gawin ni Xandra ang mga pinagagawa ko.
"I'll explain later" sabi na lang ni Xandra parang ayaw nyang iparinig sa akin ang version ng kwento nya.
"Talaga ! Alex pupunta ka doon?" sabat ni Ian.
OH Crap! Nakisali na naman ang mga mapang-asar na ito. Paniguradong manunukso na naman sila.
"Yeah" walang ganang sagot ni Xandra
"EH di magkakasama kayo ni Vincent nang matagal n’yan" tukso naman ni Matheo.
"Eh di parang practice na ang gagawin nyo este mo pala?" si Caden kausap si Xandra
"Practice saan?" naguguluhang tanong ni Xandra.
"Sa gawaing bahay. 'Di ba ang wife ang nag-aasekaso sa bahay at sa mga gamit ng husband nya?" sabi ni Ian.
Sabi na nga ba ! Pagnadulas 'tong mga ito lagot sila sa akin.
Nakakunot naman ang noo ni Xandra parang naguguluhan sya sa sinasabi ng mga hudyo.
"Yipeee" sabay-sabay nilang sabi. Para silang mga baliw, hindi pala parang mga baliw talaga sila.
"Tigilan nyo nga kami." Galit na saway ko. "Maglilinis lang siya!" at tiningnan ko sila ng masama.
Lagot kayo sa akin mamaya! lihim na banta ko sa kanila. Alam na nila ang ibig sabihin nang tingin ko.
"Ta--la---ga?" si Tommy. Patuloy na panunukso nya.
" TSSSS!"I hissed tapos tinapunan ko sila ng nakamamatay na tingin.
"Ows!!" si Ian naman.
"Di ba kayo titigil? Baka gusto nyo kayo ang maglinis ng condo ko at maglaba ng mga damit ko!" banta ko.
"Sabi nga si Alex na lang." sabi ni Tommy. "Di ba Alex kayang-kaya mo na yun?" baling nya kay Xandra.
"Oo nga Alex. Goodluck ha" sabi naman ni Caden.
" Yakang-yaka mo lang yan" singit naman ni Matheo.
"Mabait naman si Vincent. Hindi ka nyan masyadong pahihirapan" sabi ni Caden.
"Go!go!go! Alex! Fight!fight!fight! " sabay-sabay na cheer nila.
" Ewan ko sa inyo!" Xandra snapped. " Tara na nga Sam ngayon na lang tayo bumili ng mga seksing damit na sinasabi mo.!" She said to Sam then sinulyapan ako.
Tumayo na din si Sam" Tara!" Excited na wika nya.
"Tapos bili din tayo ng short shorts" dagdag ni Xandra.
"Yipeee! "yung kulay pink ha!" masayang sabi ni Sam.
"WTF!" mahina kong mura. Nag-iinit na talaga ang ulo ko. Alam kong ginagalit nya ako para makaganti sa akin. At successful sya.
"Let's go!" Hatak nya kay Sam at nagmamadaling umalis.
I was stunned. Bibili nga kaya sya ng mga sexing damit? Napahilamos ko na lang ang kanang kamay ko sa aking mukha. I am so mad.
"Oy galit si lover boy!" buska ni Matheo.
Nagtawanan pa sila.
"Kung sinasabi na kasi-----" hirit pa ni Ian.
"Magtigil nga kayo!" galit na sabi ko at nagwalk out ako. Makauwi na nga lang.
--------------
Ito ako ngayon sa kwarto ko . Hindi makatulog.
Itext ko nga sya para ipaalala sa kanya ang usapan at ibigay ang address ng condo ko.
Nagtext ako. Then sinend ko.
Nag-antay ako ng reply.
Pffttt!! Hindi nagreply.
Napasabunot na lang ako sa aking buhok. Kahit smiley icon hindi manlamang nagreply.