❀❀❀Fifteen❀❀❀

3824 Words
Alex POINT OF VIEW "Class ito ang mga quizzes nyo, nacheck ko na ito. Nakakalungkot lang dahil sa hinaba-haba ng pinakopya ko sa inyong notes ay marami pa rin ang nakakuha ng mababang score." Announced ni Prof. Natahimik ang kaninang maingay na klase. Sa tingin ko ang iba ay kinakabahan na baka sila ang nakakuha ng mababang score. Inaamin ko medyo kinakabahan din ako . Eh! Ang hirap kaya ng quiz. Quiz pa nga lang ang hirap na paano pa kaya pag-exam na. Hay! ang hirap maging estudyante. Buti pa itong katabi kong si Vincent parang walang paki alam. Parang hindi s’ya nag-aalala kung makakakuha s’ya ng mababang score. At sa tingin ko mababa ang nakuha n’ya kasi nga diba itinakas ko ang notes n’ya at kahit ilang araw na ang nagdaan hindi ko isinuli sa kan’ya. Oo na, ako na ang masama. Ginawa ko lang naman iyon para makaganti sa kan’ya. Hindi naman ako papayag na uutos-utusan n’ya. Makabagong Gabriella kaya ako.Isa pa hindi n’ya rin kinuha sa akin. "Sa tingin mo ba isa ako sa mga nakakuha ng mababang score? " Vincent asked me. Napatingin ako sa kan’ya. " Hmm, siguro" I answered him. Sa palagay ko mababa ang score n’ya dahil nga sa kagagawan ko. "Paano kung mataas ang score ko o kaya ako ang highest? " Bakit kaya n’ya ako tinatanong ng ganito. Siguro may binabalak s’ya? "I don't think so" pang-aasar ko sa kan’ya. Mahirap ang quiz at wala s’yang reviewer kaya sa tingin ko mababa lang ang score n’ya. Isa pa bago magquiz wala akong matandaan na nanghiram s’ya ng reviewer kina Matheo , kahit nga sulyap sa notes ng mga kabarkada n’ya ay hindi n’ya ginawa. Paano s’ya papasa non? "So sa tingin mo nga mababa nga ang score ko?" expressionless na tanong n’ya. "Yes" sure na sure na sagot ko. “ Ahmmm. Parang sigurado ka na mababa ang score ko ah. How about a bet?" nakasmirk na sabi n’ya. Napangiti ako. Parang nasaktan ko ang ego n’ya ah. Kaya hinahamon ako ng bet. "Sure" sagot ko. Alam ko naman na panalo na ako. "If I am the highest susunduin mo ako at hahatid ng one week" sabi n’ya after mag-isip ng isang minuto. Nabigla ako sa sinabi n’ya. "Ano ka dalaga na kailangang ihatid at sunduin?" natatawang tanong ko. So this was his plan . Sabi na nga ba may patutunguhan itong usapan na ito eh. "Okay let's change it. Akin na lang ang motorbike mo." Seryosong sabi n’ya. "No freaking way!" nakasimangot na protesta ko. Ano s’ya sinuswerte kahit na sure na ako ang panalo ayaw ko parin ipangpusta ang baby ko no? "So payag ka na . Hatid at sundo?" he said with a hint of amusement in his eyes. Parang masaya s’ya. Sige lang magsaya ka.Alam ko ako ang mananalo. He!He!He! "Okay" sagot ko. "Walang atrasan ah?" "Yes! May isang salita ako,but if you're not the highest tatantanan mo na ako. Matatapos na ang paggiging alalay ko. Isa pa magtatagalog ka na lagi ." Kondisyon ko naman. Sa lagay ba s’ya lang ang makikinabang ? Dapat ako din. Brilliant ang naisip ko kasi pagnanalo ako byebye master na at mahihirapan s’yang magsalita ng tagalog na salita . Sa wakas hindi ko na kailangang magtiis ng two weeks pa. "Okay" pagpayag n’ya. "Itong hawak ko na natitira ang mga papel ng nakakuha ng pinakamataas na score . Lamang lang ng three points ang isa" sabi ni Prof. dalawang papel na lang ang hawak n’ya. Pansin ko na wala pa kay Vincent ang papel n’ya so it means na sa aming dalawa iyong sinasabi ni Prof . Kaming dalawa na lang at isa sa amin ang lamang ng three points. Excited na akong malaman kung sino sa amin ang may mataas na score. "Vincent" tawag ng Prof. namin sa kan’ya. Tumayo si Vincent at kinuha ang papel n’ya. Wow! Si Vincent ang unang tinawag ibig sabihin ba na ako ang highest? Ako ang panalo sa pustahan? "Alexandra" tawag ni Prof. sa akin. Tumayo ako na may waging ngiti sa mukha habang kinukuha ko ang papel ko. "So ako ang panalo" proud na sabi ko kay Vincent. Napangisi ako sa sobrang saya ko. Goodbye master na . I’m a free citizen’s again. "Patingin muna ng papel mo bago ka magsaya dyan" inis na sabi n’ya. Bitter si kuya. Hahahahaha! Ayaw tanggapin na ako ang panalo. Hindi na maipinta ang kan’yang mukha. Ayaw n’yang tanggapin na talo s’ya. "Okay" proud na pinakita ko sa kan’ya ang papel ko. Kinuha n’ya ang papel then he laugh. "Hahahahhahhahahahhahaha!" tawa n’ya. Hala! mukhang nasiraan na si Vincent ah. Hindi matanggap ang pagkatalo kaya nabaliw na. Buti na lang umalis na si Prof. Infairness makalaglag panty ang bruho pagtumatawa. Iniiwas ko ang tingin sa mukha n’ya baka malaglag pa ang panty ko eh. Joke lang , nakapantalon ako kaya impossibleng malaglag. "Sige lang tumawa ka. Last na naman ito ng paggiging slave ko" parinig ko sa kan’ya."Tsk!Tsk! para kang baliw." Nakakairita na s’ya. Oo nga at pogi s’yang tingnan pagnakatawa pero nakakaasar . Dapat ako ang tumatawa sa pagbubunyi ,hindi s’ya. "Akin na nga yang papel ko" hahablutin ko na sana sa kan’ya ang papel ko nang hinawakan n’ya ang braso ko. Napatigil ako. Parang naramdaman ko kasi ang init ng kamay n’ya at nagulat ako sa pakiramdam na iyon. Parang may milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy mula sa kamay n’ya papunta sa braso ko. Tuwing may physical contact na nangyayari sa aming dalawa ni Vincent pakiramdam ko hindi normal ang aking katawan. Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko. Tanging s’ya lang ang nakakapagpagulo ng sistema ko. "Bitiw" tinapik ko ng left hand ko ang braso n’ya para bitiwan n’ya ako. Kasi nakakailang. I loved the feelings na nakahawak s’ya at thesame time ayaw ko ang nararamdaman ko. Medyo magulo. Basta ewan. "Talo ka" mahinang sabi n’ya. Ano daw? Talo ako. " Patingin nga ng papel mo." Iniabot naman n’ya ang papel ko at ang papel n’ya. Tinignan ko at bigla akong nanlumo . S'ya pala ang highest score. Kainis na Prof. na yan akala ko ako na ang highest kasi ako ang huling tinawag. Tiningnan ko si Vincent at ang hudyo nakangisi. Tuwang-tuwa . Enjoy na enjoy s’ya sa pagkatalo ko. "Grrrrr! Ayan na ang papel mo.!" Asar na ibinalik ko sa kan’ya. " Ipaframe mo pa!" Paanong nangyari na s’ya ang highest eh lagi naman s’yang tulog at walang reviewer? Bagsak ang aking mga balikat na napaupo na lang ako. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Bakit ba ako pumayag sa bet bet na yan? Hay! Nadagdagan pa tuloy ang dapat kong gawin. "Bakit nakasimangot ka?" nagtatakang tanong ni Caden. Nakalimutan ko. Katabi ko nga rin pala s’ya. Si Vincent sa right side ko at s’ya naman sa left. "Talo ako sa pustahan" nanlulumong sagot ko sabay face-palm. "Anong pustahan?" tanong n’ya. Hindi n’ya siguro narinig ang usapan namin ni Vincent. Lagi kasi s’yang busy sa cellphone n’ya. Kahit nagklaklase cellphone n’ya ang inaatupag n’ya. Sino kaya ang katext nito lagi? Pero paki ko ba eh may masmalaki akong problema. "Paghighest s’ya magiging tagahatid at sundo n’ya ako" maikling sagot ko. Pakiramdam ko talaga naisahan ako. "Tsk!Tsk! Bakit nakipag pustahan ka?" umiilimg na tanong n’ya. "Akala ko kasi mananalo ako. Wala kasi s’yang reviewer at lagi naman 'yang tulog." "Alex. Alam mo ba na may photographic memory 'yan at sanay na s’ya sa buhay college student kasi nakagraduate na si Vincent with flying colors sa ibang bansa.?" "What?" nabibiglang naibulalas ko. Si Vincent may photographic memory? Oh no! "Wait ! Explain mo nga anong nakagraduate na pala s’ya. Eh bakit nag-aral uli?" kunot noong tanong ko. Nakakapagtaka naman bakit s’ya nag-aral uli. 'Yung iba nga ayaw nang bumalik sa pag-aaral s’ya pumasok uli. Ano bang pagkatao mayroon si Vincent? Obssessed ba s’ya sa pag-aaral? Mukhang hindi naman kasi lagi namang tulog. Napatingin ako kay Vincent. Kausap n’ya si Matheo. Nakakunot ang noo n’ya. Mukhang may tinatanong si Matheo about sa quiz. Nang lumingon s’ya sa amin ni Caden ay mabilis kong iniwas ang aking tingin. Bumaling uli ako kay Caden . Tiningnan n’ya ako sa mga mata ko. Wow! Ang ganda ng mga mata n’ya pero masmaganda ang mga mata ni Vincent lalo na pagnakangiti. Ano ba itong pumapasok na naman sa utak ko? Masama talaga na lagi kong kasama si Vincent. "Kasi may babae s’yang gusto ...mali mahal pala na nag-aaral dito at gusto n’yang bantayan" paliwanag ni Caden. Parang inaarok ni Caden ang iniisip ko dahil sa sinabi n’ya. Napaisip ako. Kung si Vincent may mahal na eh bakit wala naman akong nakikita babaeng kasama n’ya maliban sa amin? Siguro ang sinasabi ni Caden ay ang fiancee ni Vincent. Nakakapagtaka naman. Nakatingin lang ako kay Caden pero malayo ang iniisip ko. 'Yung parang nakatingin ka sa isang bagay pero hindi mo iyon nakikita kasi may iba kang iniisip. Tagos-tagusan ang tingin ko sa kan’ya. "Ehemmm. Baka gusto nyong tapusin ang titigan nyong dalawa . Pinagtitinginan na kayo. At baka matunaw na kayong dalawa" basag ni Vincent sa iniisip ko. Nabigla ako sa kan’ya . Napatingin ako sa paligid at karamihan nga ay nakatingin sa amin ni Caden. Bumaling ako kay Vincent. Mukhang galit s’ya. "Tara na gutom na ako" may diin na dagdag n’ya pa. Kinuha n’ya ang bag ko at hinawakan n’ya ako sa braso then hinaltak para tumayo. No choice napatayo na lang ako. Mukhang galit eh baka ako pa ang pagbalingan ng galit n’ya. "Selos" mahinang bulong ni Caden na medyo natatawa. "Shut up your mouth!" galit na sita ni Vincent kay Caden. My God! narinig n’ya pala ang sinabi ni Caden. "Okay" balewalang sabi naman ni Caden. Tumayo na rin s’ya . " Tara let's go to the cafeteria." Masayang aya n’ya . Napabuntong hininga ako akala ko mag-aaway sila. Hay! Mga lalaki talaga hindi maintindihan, pabago-bago ng mood. Daig pa ang mga babae. "Let's go" hatak ni Vincent sa akin at naglakad na kami. S'ya ang may dala ng mga gamit ko. Ano kaya ang sasabihin ng babaeng mahal ni Vincent pagnakita n’yang kasama ako ni Vincent? tanong ko sa isip ko. "Anong iniisip mo ? Bakit tahimik ka?" tanong n’ya habang naglalakad kami. "Wala naman " sagot ko. Dapat ko bang itanong sa kan’ya 'yung tungkol sa sinabi sa akin ni Caden? Baka naman isipin n’ya na nakikialam ako sa buhay n’ya. Kaya lang baka naman mayroon na talagang babaeng sumabunot sa akin ng totoo this time. Hay! Ang sakit sa ulo. Itatanong ko ba o hindi? "Ang lalim ng iniisip mo ah" bulong n’ya sa akin. Tumayo ang mga balahibo ko sa may tenga ,ang lapit na ng labi n’ya at ramdam ko ang hininga n’ya sa aking tenga. Napasinghap ako. "Ano ba? Lumayo ka nga" tinulak ko s’ya ng kanang kamay ko. "Bakit inaano ba kita?" painosenteng tanong n’ya. "Eeeee! basta lumayo ka" inis na sabi ko. Alam ko na sinadya n’yang ilapit ang bibig n’ya sa tenga ko. "Hahahhahaha!" tinawanan n’ya lang ako. "Ang sweet nyo ha. Bakit hindi pa kayo magholdinghands while walking?" tukso ni Sam. "Ay nandyan ka pala?" nabibiglang sabi ko sa kan’ya. Kasabay na namin s’yang naglalakad. "Oo nga kanina pa. May sarili kasi kayong mundo kaya hindi mo ako napapansin" nakangising sagot n’ya. "Eeeeeee" hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Inaamin ko malalim talaga ang iniisip ko at lumilipad ang utak ko. "Caden honey tara na . Mauna na tayo sa dalawang lovers" hatak n’ya kay Caden na nakangisi rin. Nanlaki ang mata ko. What's na meaning of that? Tinawag n’yang honey si Caden. Bago ko pa s’ya matanong ay nakalayo na silang dalawa. Pero teka , tinawag n’ya kaming lovers ni Vincent? Mamaya humanda sa akin si Sam. "Bilisan mo namang maglakad." sabi ni Vincent hinawakan n’ya pa ang kamay ko. OMG! magkaholdinghands kami. Shocks! Bumilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko namamawis ang palad ko. Nakakahiya. "'Wag mong tatanggalin 'yan kung ayaw mong motor mo ang kukuhanin kong bayad sa mga utang mo" banta ni Vincent na nakitingin sa dinaraanan namin. Anong gagawin ko? Asar naman! Wala na naman akong choice. Ano na lang ang iisipin ng fiancé ko nito? Na hindi ako faithful sa kan’ya? Mamaya umaali-aligid lang iyon sa paligid eh , at minamanmanan ako. Di bale eexplain ko na lang sa kan’ya pag nagkita kami and I know na malapit na iyon. Isa pa baka nga kung sinu-sino na ang naging girlfriend n’ya. What if tumanggi ako sa kasal? Tama tatanggi na lang ako. Cafeteria Pagpasok namin ni Vincent ay nakaupo na sina Ian sa dati naming pwesto. "OMG! Sila na ba?" tanong ng isang girlalooo. I rolled my eyes. Hindi pa ba sila nasasanay na magkasama kami lagi? Tuwing may makakakita lagi na lang silang nagtatanong sa katabi nila na wala naman ding alam. "Siguro kasi magkaholding hands sila" sagot ng girl na kasama n’ya sa mesa. "Paano na ako?" naiiyak na sabi naman ng isang girl. Pinunasan n’ya pa ang kan’yang imaginary tears. Wow! Lang ate ha! Assuming ka? "Buti na lang si Ian ang type ko" sabi naman ng isa pa. Pabulong pero rinig. Hindi na lang namin sila pinansin. Lumapit kami sa mga kabarkada ni Vincent. "Tara bili na tayo ng pagkain. Ginutom ako dahil sa score ko sa quiz." yaya ni Matheo. Nagtayuan na ang mga boys then naiwan kami ni Sam at Vincent. Nakataas ng halos one inch ang kilay ko habang nakatingin kay Vincent. "Bakit ang taas ng kilay mo sa pagkakatingin sa akin? " sita n’ya sa akin. "Bakit hindi ka sumama sa kanila para bumili ng pagkain natin?" tanong ko sa kan’ya. "Alam na nila kung ano ang kakainin natin" tinatamad na sagot n’ya. "Wow naman iaasa mo sa kanila ang pagkain natin? Oo nga pala muntik ko nang makalimutan , isa ka nga palang senyorito na ipinanganak na mayroong gintong kutsara. Ang taas ng level mo , hindi ko nga maarok. Kung gusto mo mahal na senyorito ako na lang ang bibili ng pagkain natin. Nakakahiya naman sa iyo kung mapapagod ka sa pagpila at pagbitbit ng tray" nakaismid na sabi ko. Pagkain namin kasi nasa usapan na s’ya ang laging gagastos sa pagkain ko. Privilege ko bilang slave n’ya. "Punta ka na doon, ikaw ang bumili ng pagkain natin" utos ko sa kan’ya. " Sige na" nakapout na sabi ko. Pakiramdam ko ang kapal ng mukha ko sa pag-uutos sa kan’ya. Pero gusto ko lang naman makaganti kahit kaunti sa kan’ya eh. Ako na ang makapal. "Okay" pagpayag n’ya. Tumayo na s’ya pero hindi pa umalis kaagad kasi magkadaupan parin ang mga palad namin. "Gusto ko ng blackforest na cake at milk tea" hirit ko. Tingin ko ayaw n’ya pang umalis kasi nakahawak parin s’ya. "Bitiw na. Gutom na ako." "Sige na nga" nakakunot ang noong payag n’ya at bumitiw na rin s’ya then he walked away. "Grabee! ka Alex nagawa mong utusan ang anak ng may-ari ng university" nabibiglang sabi ni Sam. "Obligasyon n’yang pakainin ako no" nakalabing sagot ko. "Lalo na ngayon natalo ako sa pustahan namin , madadagdagan na naman ang mga gagawin ko para sa kan’ya. " Sumandal ako , pakiramdam ko nanghina ako pagkaalala ko na naman sa pagkatalo ko sa pustahan namin ni Vincent. Umasa pa naman na ako ang panalo. "Ano ang naidagdag?" "Kailangan ko s’yang sunduin at ihatid sa condon n’ya ng one week." "Sinabi nga sa akin ni Caden na natalo ka sa pustahan. Ikaw naman kasi bakit nakipagpustahan ka pa?" sisi n’ya sa akin. " Akala ko matatapos na ang paggiging alalay ko. Nagbilang na kaagad ako ng sisiw kahit hindi pa nabibiyak ang itlog. Hindi ko ibinigay sa kanya ang kanyang notes na nasa akin tapos kahit isang beses hindi ko nakita na nagbasa o nagreview. Malay ko ba na may photographic memory pala si Vincent. " "Ayan kasi pabigla-bigla ka. Eh ano ngayong napala mo? Maggiging driver ka n’ya. " Sisi n’ya sa akin. "Yap at iniisip ko pa lang nanghihina na ako. Pero okay lang , gusto ko rin namang masubukang madrive ang magandang sports car n’ya" Oo nga no! May advantage din pala ang paghatid at sundo sa kan’ya. Naiimagine ko na ang sarili ko habang nagmamaneho ng kan’yang kotse. He!He! Hindi na ako makapag-antay. "Bakit magkaholdinghands kayo kanina?" Tanong ni Sam na nagpabalik sa akin sa realidad. " Ikaw kaya ang nagbigay ng idea. Kasalanan mo iyon" pinanlakihan ko s’ya ng mata. " Pag-ako nasabunutan ng babaeng mahal ni Vincent, yari ka sa akin Sam" banta ko pa sa kan’ya. "Come to think of it sino kaya ang babaeng iyon? Nabanggit sa akin ni Caden na may mahal nga si Vincent at take note dito din daw nag-aaral. " mahinang sabi sa akin ni Sam. Sabi na nga ba na ang mga lalaki ay tsismoso din. "Tingin mo mahal n’ya kaya ang fiancée n’ya? " dagdag na tanong pa n’ya. Napafacepalm ako. "Ewan ko pero sabi ni Caden kaya s’ya nag-aral uli para lagi n’yang makita 'yung girl na mahal n’ya." Tinitigan ako ni Sam ng maigi. " Why?" naiiritang tanong ko. "Eh bakit parang malungkot ka?" "What? Anong pinagsasabi mo dyan? Ikaw bakit tinawag mong honey si Caden?" tanong ko naman sa kan’ya. "Umiiwas ka ha!" "Hindi no. Wala naman kasi tayong dapat na pakialam sa buhay ni Vincent. Buhay n’ya iyon" paliwanag ko. "Ano magkwekwento ka ba about Caden." pangungulit ko. Napangiti s’ya na parang kinikilig. Sabi na nga ba may something eh. "Tinetext n’ya ako lagi" pigil na tawang sabi n’ya. "And?" antay ko sa sasabihin n’ya pa. "Sabi n’ya honey n’ya daw ako. EEeeehhh!" kulang na lang pumalakpak s’ya sa tuwa. Kinikilig ang bruha. "Umayos ka nga baka ginogoodtime ka lang n’ya." "Alam mo panira ka" inis na reklamo n’ya. “Kasi naman hindi ka naman n’ya niligawan , bumibigay ka na agad. Kakakilala pa lang natin sa kanya. Huwag ka kaagad magtitiwala” paalala ko kay Sam “Eh bakit kayo ni Vincent. Di ba kakakilala mo lang din sa kanya? Tapos kung makaarte si Vincent parang magdyowa din kayo. Pansin ko na concern s’ya sa iyo tapos parang nagseselos s’ya pag may boys na lumalapit sa iyo at ang pinaka last magkaholdinghands kayo kanina” mahabang sabi ni Sam. Bigla akong napaisip sa mga sinabi n’ya . Oo nga may point si Sam pero alam ng mga kabarkada ni Vincent na may mahal na si Vincent . Ano iyon pinaglalaruan ako ng Vincent? Masyado n’yang ineenjoy ang pagiging slave ko, kaya sa akin n’ya prinapractice ang mga gagawin n’ya pagsila na ng babaeng iyon? Hindi naman siguro. Wala sa personality ni Vincent ang manloloko ng babae. Natigil ang pag-uusap namin nang nagdatinangan na sina Tommy na may dalang mga pagkain sa tray. Ang dami na naman. Lakas talagang kumain ng mga pogitas. Paniguradong malaki ang kinikita ng cafeteria sa mga ito. Napatingin naman ako kay Vincent na may dala ring tray. Cool na cool parin ang itsura n’ya . Inilapag nito ang blackforest na cake at milk tea sa ibabaw ng lamesa. Naglaway ako kasi mukhang masarap. Tapos may blueberry cheese cake din. Sos’yal na cafeteria may iba't desserts na tinda. "Wow mukhang masarap!" Hindi ko napigilang nasabi. Kumuha ako ng tinidor at nag-umpisang tikman ang cake. Heavenly ! Ang sarap. Susubo na sana ako uli nang mapansin ko na nakatingin sa akin si Vincent. "Bakit hindi ka pa kumain?" tanong ko. Bigla akong naconscious sa tingin n’ya. "Subuan mo ako" expressionless na utos niya. Napatanga ako "What?" Nagbibiro ba s’ya? "Sabi ko subuan mo ako." "EEEhhhh" wala akong masabi. Nakakahiya ang daming tao. “Sige na subuan mo na" sabi naman ni Tommy. Nakikinig pala sila at nag-aantay sa gagawin ko. "Gutom na ang baby damulag kaya subuan mo na" si Matheo naman na natatawa. "Ano susubuan mo ba ako o ang motor mo?" panakot n’ya. Kainis ! Namumuro na sa akin ang hudas na ito. Next time nga makapagdala ng laxative at maihalo sa pagkain ni Vincent. "Ah" nakabuka na ang bibig n’ya. Mariin ang pagkakatitig n’ya sa mga mata ko. Nakakapanlambot. Hay! Wala akong choice . Humiwa ako ng malaki sa cake at isinalaksak sa bunganga n’ya. Hahhahahaha! Lihim na tawa ko kasi ang laki ng isinubo ko sa kan’ya at punong-puno ang bibig n’ya. Nguya naman s’ya ng nguya. Parang natuwa pa. Bumalik naman sa pagkain ang mga kasama namin sa mesa. Si Sam hindi na ako pinansin kasi all ears s’ya sa kinukwento ni Caden. Sila na ang may sariling mundo. Napainom ako sa milktea. "Painom. Ang laki ng isinubo mo" hirit ni Vincent. What ? makikiinom s’ya. OH my ! Isa lang ang iinuman namin? Nagdadalawang isip ako kung iaabot ko sa kan’ya ang milk tea. "Wala akong sakit" asar na sabi n’ya. Inagaw n’ya sa akin ang milk tea at uminom. Napatulala naman ako sa ginawa n’ya. Kinuha naman n’ya sa akin ang tinidor at humiwa sa blueberry scheese cake then isinubo n’ya sa akin. Dahil sa medyo nakabukas ang mga labi ko sa pagkashocked nang ininom n’ya ang milk tea ay naisubo n’ya nang walang kahirap-hirap ang cake. Nalasahan ko na lang na nasa loob na ng bibig ko ang cake. "Chew your food baka mabulunan ka" sabi n’ya. Ano ba ang nangyayari sa akin bakit ba ako natutulala sa mga ginagawa n’ya? Pero kasi ano ba rin kasi ang mga ginagawa n’ya? Bakit s’ya umaakto na ...... ay ewan. Mahirap mag-isip. Nagpatuloy lang s’ya. Imbes na ako ang magsubo s’ya ang nagsusubo sa akin at sa sarili n’ya. "Ayan . Eh di naubos din natin" mayamaya'y sabi n’ya. Napatingin ako sa pagkain namin. Ubos na nga. Parang nablangko ang utak ko nang mga oras na sinusubuan n’ya ako. "Inom ka" utos na naman n’ya. "Alexxxxxxx! My loves!!!!!" sigaw ng isang lalaki. Napatingin kaming lahat na nasa mesa sa taong iyon. OMG! Anong ginagawa ng taong 'yan dito? Napahawak nalang ako sa ulo ko. Lalo atang sumakit. Vincent POINT OF VIEW Sarap nagshare kami ni Xandra sa food at milktea. Uulitin namin ito promise. Sabi ko sa sarili ko. Tuwang-tuwa ako pero hindi ko pinahahalata. Alam ko na kunwari walang pakialam ang mga kaibigan ko pero deep inside nanunukso na ang mga iyan. Si Xandra alam kong nabibigla sa mga ikinikilos ko. Pero hindi ko talaga mapigilan eh. Ano ba ito para akong babae?Kinikilig ako. Dont get me wrong lalaking-lalaki ako. Paglalaki ba wala nang karapatang kiligin? "Alexxxxxx!My Loves!!!!!" napatingin ako sa tumawag kay Xandra. Nakaramdam ako ng galit at selos. Sino 'yang mukhang kwago na iyan na tumatawag kay Xandra? Ang kapal ng mukha. Paglumapit ito susuntukin ko 'to sa mukha. Galit habang nakatingin ako sa lalaking iyon na nangingislap ang mga mata . Nakatingin s’ya kay Xandra ko. Si Xandra naman parang nabigla nang makita ang kwagong iyon. Kilala n’ya ba ang kawagong 'yon? Sino s’ya sa buhay ni Xandra?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD