Five

1635 Words
*****Five**** Alex POINT OF VIEW Nasa loob na kami ng cafeteria ng university. Pasalampak na umupo ako sa upuan na kaharap ng inuupuan ni Vincent. Nauna syang nakarating sa cafeteria kaya pagpasok ko ay nakapwesto na sya sa isang table na medyo malapit sa aircon. Mayroong iilan-ilan na estudyante sa loob ng cafeteria. Mga nagpapalipas sila ng oras kasi hindi pa naman lunch time. Napansin ko na nakatingin sila sa amin at pasekretong nag-uusap. Ako na ang paranoid kasi feeling ko kami ang pinag-uusapan nila. " Okay sabihin mo na agad kung anuman ang gusto mong sabihin" basag ko sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Kami lang kasi ang nakaupo sa table namin. 'Yung mga kabarkada nya ay pumipili ng food sa counter. Hindi sya nagsalita. Tinitigan nya lang ako ng mariin. " What ? Ano ang ipapagawa mo sa akin?" I asked him again, irritably. Sa tingin ko gusto nya akong inisin. At aaminin ko na naiinis na ako. "Ughhhh! Sabihin mo na , gusto ko nang malaman ang ipapagawa mo. Say it!" I gritted my teeth. " Impatient" he said na marahang tumawa pa. Sarap nyang sapakin. Ako naman asar na asar na sa kanya talaga. Gustong-gusto ko nang lamukusin ang gwapo nyang mukha. Gwapo? Where that came from? I asked myself , kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko. Tiningnan ko sya ng masama. "Oo ako na ang impatient , nagmamadali ako eh. Kasi kung sasayangin mo lang ang oras ko masmabuti pang lumabas na lang ako at papasok sa unang bar na makikita ko tapos mag-aaply akong waitress, janitress o kaya sexy dancer kasi sabi nila seksi naman ako. Para makaipon ng pangbayad sa cellphone mo!", pinandidilatan ko sya ng mata habang nagsasalita. Pero joke lang iyon syempre. "Okay" he chuckled. Tapos tumahimik uli sya. Sabi na nga ba inaasar lang ako nito eh. "Nahm sasabihin mo ba o lalayasan na kita" tatayo na sana ako para iwanan sya. Inuubos nya ang pasensya ko. He grabbed my right arm. "Here's the deal. You will become my alalay for a month." Pigil nya sa akin. " What? Alalay mo for a month?!" nanlalaki ang matang ulit ko sa sinabi nya. Seryoso ang mukha nya so I guess hindi sya nagbibiro. " Ano ka sinuswerte?" I rolled my eyes. "Tskk! Magtatanong ka tapos sinabi ko na, ayaw mo namang pumayag" sarcastic na reklamo nya. "Kung ayaw mo mas mabuti pang bayaran mo na lang ako. Ngayon na! " he looked straight into my eyes.Umiwas ako nang tingin. Shocks ! Anong ipambabayad ko ? Talagang taghirap ako ngayon. Buwisit kasi itong si Alexander my twin brother. Naisahan ako. Nilimas nya ang pera ko kasi natalo nya lang naman ako sa DOTA. Yes nagdodota ako. Pangrelax naming magkapatid pero natalo nya ako. Kaya purita ako ngayon. Think...Think...Think.. Papayag ba ako? Tumingin ako sa cellphone ko na katulad ng sa kanya. "Hindi pwede yang cellphone mo. Hindi ako tumatanggap ng secondhand agad na sabi nya." Nanlalaki ang aking mga matang tinitigan ko sya. "Nababasa mo ang naiisip ko?" gilalas na tanong ko. "OMG! Vampire ka no? Kaya pala ang gwapo-gwapo mo at tahimik ka. Pero imposible kasi maaraw dito sa Pilipinas . Pansin na pansin pagkuminang ang balat mo. Pero kung vampire ka nga pwede bang dugo ko na lang ang bayad pero wag mong uubusin . Magtira ka kahit kunti. Pwede?" Nabibiglang naibulalas ko tapos napahawak ako sa aking ulo nang magsink in sa utak ko ang mga lumabas sa aking bibig . Oh no! Nasabi kong gwapong-gwapo sya. Nakakahiya. "Anong kalokohan iyang pinagsasabi mo?" masungit na sabi nya. "Nakatingin ka sa cellphone mo kaya naisip ko na binabalak mong iyan ang ipalit sa cellphone ko" paliwanag nya. Nakahinga ako nang maluwag , buti naman hindi nya napansin na sinabihan ko syang gwapong-gwapo sya. Akala ko may kakayahan syang marinig ang iniisip ko. Balik sa problema ko .Walang ibang option kasi wala akong pera. "Bilis-bilisan ang pag-iisip. Nauubos ang oras ko" bored na sabi nya. "Hsss! Wait, nag-iisip pa nga eh!" I hissed. Tinitigan nya ako . Nanunuot sa pagkatao ko ang tingin nya at wala na akong nagawa. " Okay! Pumapayag na ako" Masama sa loob kong sabi. Me--- sa ganda kong ito gagawin nyang alalay. He smiled "Deal". Sya na ang masaya. Magkaroon ba naman sya ng instant alalay eh. Panong hindi sya sasaya?. "Guys, ito na ang pagkain natin" wika ng isa sa mga kabarkada nya. Inilapag nila ang mga pagkain sa ibabaw ng lamesa. Wow ang dami yata! Isa-isa na silang pumuwesto ng upo. "Hi Miss, I'm Ian" pakilala ng nasa right side ko. "Iyang nasa tabi mo si Tommy. Sya naman si Matheo, at iyang tahimik ay si Caden" pakilala nya pa sa mga kabarkada nila. "Hi" sabay-sabay nilang bati, si Vincent naman ay walang reaksyon sa nangyayari. "Hello" balik ko. Medyo nahihiya pa ang peg ko. Ang guguwapo kasi nila at sarap lamukusin ang mga pisnge. Parang mga mansanas, pagkapupula. Bigla akong ginutom sa naisip kong mansanas. Nagulat na lang ako ng inabot ni Vincent sa akin ang isang plato na may lasagna at isang basong mango shake. Kinuha ko naman kasi paborito kong pareho 'yung inabot nya. Ewan ko siguro nagkataon lang dahil sa dami ng pagkain na nandoon 'yung eksaktong paborito ko pa ang inabot nya sa akin. "Eat" sabi nya sa akin na parang pautos sa tono ng boses nya. Nagsipag kuhanan na rin 'yung mga friends nya and we started to eat. Medyo maingay 'yung mga kaibigan nya habang kumakain kasi nagkwekwentuhan sila. While kaming dalawa lang ni Vincent ang tahimik na kumakain. May pagkakataon na tinatanong nila ako at sinasagot ko naman. Sa tingin ko ginagawa nila akong kausapin para hindi ako maout of place sa company nila. Hindi naman pala sila mayayabang kagaya ng iniisip ko. Mababait pala sila. Pwera na lang kay Vincent kasi tahimik lang sya. Nagpupunas na ako ng table napkin sa lips ko nang magtanong si Matheo. "Alex may boyfriend ka na ba?" Matheo asked. Gosh ! Bakit sa lahat ng pwedeng itanong 'yun pa ang tinanong nya? Lahat sila napahinto sa ginagawa nila even Vincent. Interesado sila sa isasagot ko. But wait sinabi nya ang pangalan ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa nasasabi ang pangalan ko sa kanila at kahapon ay wala naman sila so paano nila nalaman ang name ko? Even to Vincent wala akong sinabi na Alex ang name ko. " Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko . Gusto kong ilihis ang usapan ayaw ko kasing sagutin ang tanong nya. Parang nagulat sya sa tanong ko. "Ahhh narinig ko lang sa classmate natin kanina. Tama nabanggit nya ang pangalan mo kanina sa may classroom" paliwanag nya pero hindi ako konbinsido sa sagot nya. "Don't change the topic. Answer his question" Vincent snapped and looked at me. Lumingon ako sa kanya. Interesado si Mr. Nahm na malaman ang sagot ko. Bakit kaya? " Ammm yes?" sagot ko pero hindi ako sigurado sa sagot ko. "Why parang hindi ka sigurado sa sagot mo?" tanong naman ni Ian . Napansin nya pala. Ewan ko ba kung kailangan kong sabihin sa kanila na may fiancé na ako at kahit kailan ay hindi ko alam kung tatawagin ko rin syang boyfriend. Masmaganda siguro na sabihin ko na rin kasi magiging alalay nga ako ng kanilang bestfriend na bipolar . At sure ako na mapapasama ako sa kanila ng matagal-tagal din. I cleared my throat, " Kasi hindi ko naman sya tinuturin na boyfriend ko" nakatingin silang lahat sa akin. Parang naguguluhan sila. "Mula kasi nang ipinanganak ako, naging fiancé ko na sya agad" patuloy ko. "Wait mula nang isilang ka fiancé mo na sya? " singit ni Caden. Talagang interesado sila ah. Sabi na nga ba mastsismosa pa ang mga lalaki kaysa sa aming mga girls. " Kwento kasi ni Mommy noong ipapanganak nya daw ako. Mayroong isang cute little boy ang nagrequest sa kanya at sa mga parents nito na gusto nya daw akong maging fiancée pagnaipanganak na ako." Natawa sila sa sinabi ko. "Cute little boy" natatawang sabi ni Ian." So cute pala sya?" bigla itong lumingon kay Vincent. 'Yung mukha naman ni Vincent ay parang hindi maipinta. Siguro nabobored sya sa kwento ko. "Ah cute daw pero hindi ko alam kasi kahit minsan hindi ko pa sya nakita." "Grabee naman 'yung cute na little boy na iyon ang bata-bata pa alam na kung sino ang gustong pakasalan kaagad" natatawang komento naman ni Tommy. Tapos tumingin din sya kay Vincent. Si Vincent naman tiningnan nya ng masama si Tommy na parang gusto nya itong sakalin. Anong mayroon kay Vincent bakit tumitingin sila dito? tanong ko sa sarili ko. "Tapos anong nangyari eh bata pa kayo non ah?" tanong naman ni Matheo Uminom mula ako sa mango shake ko, para akong nauhaw sa mga tanong nila. Masyado yata silang interesado sa buhay ko. Siguro gusto lang nila akong kilalaning mabuti. "Para kasing naka tanim na sa isipan nya na papakasalan nya ako pagdumating na ako sa right age. Padala sya nang padala ng mga gifts lalo na pagmay special occassion." kinagat ko ang labi ko after magsalita. "Ahh... pero hindi pa sya nagpakita saiyo?" Ian asked. "Hindi pa" maraming iling na sagot ko "Gusto mo ba syang makita at makilala?" putol na tanong ni Caden sa sinasabi ko. "Let's go!" yaya ni Vincent sa amin bago pa ako makasagot. Tumayo na sya at nauna nang umalis. Anong nangyari don? Bakit nagyaya na kaagad? "Pasensya ka na kay Vincent baka naccr lang" bulong sa akin ni Nathan. Napatawa naman ako sa sinabi nya. Mukhang hindi na mapigilan ni Vincent kasi nagmamadali sya eh. Pero buti na lang nagyaya na sya at natapos narin nila akong tanungin about sa fiancé ko. Thanks to Vincent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD