******Six******
Vincent POINT OF VIEW
I'm Vincent Andrew Nahm ang anak ng may-ari ng Gnosis University.
Ako lang naman ang magiging master or should I say "sir" ni Xandra ng one month. Xandra ang tawag ko sa kanya paghindi ko sya kaharap. Short for Alexandra. One month lang naman, kasi ayaw ko syang masyadong mahirapan. Although I'm planning na inisin sya sa loob ng isang buwan kasi gusto ko syang makilala ng lubusan at the same time makapasok sa buhay nya. Dahil ako ay may sekreto....
Yes a secret......
Ako lang naman ang kanyang fiancé na si VAN!
VAN stands for Vincent Andrew Nahm.
Pero hindi nya pa pwedeng malaman na ako ang fiancé nya. Surprise 'yun pag nag eighteen na sya. And one month na lang at debut nya na.
Gusto ko na kasing mapalapit sa kanya bago pa dumating ang araw na 'yun.
Ang laki kaya nang isinakripisyo ko para mapalapit sa kanya nang hindi nya nalalaman..
Nakapagtapos na ako ng pag-aaral pero bumalik uli ako sa pag-aaral para maging kaklase nya lang kasi mahirap na bigla na lang akong papasok sa buhay nya at akalain nya pa na stalker nya ako so nag-isip ako nang plano na maging classmate na lang nya. Buti na lang ka year nya ang mga kaibigan ko.
Pero hindi ko alam kung good thing na kasama ko sila . Kanina lang sa cafeteria ang lakas nilang mangtrip.
Sekreto nga pero parang gusto nila akong ibisto .
Tuwang-tuwa pa sila nang marinig nila ang version ng kwento ni Xandra. Eh sa totoo naman na cute ako noong bata pa ako eh.
Matagal na nilang alam ang kwento kung paano naging engaged kami ni Xandra. Mga bata palang kasi kami ay magkakaibigan na kami kahit masmatanda ako sa kanila ng ilang taon. Kung nagtataka kayo kung bakit magkakakaklase kami kasi yung iba lumipat na lang sa course na architecture pero si Matheo ang kaidaran talaga ni Xandra, sya kasi 'yung baby na dinalaw namin noon sa ospital kung saan din ipinanganak si Xandra.
Aaminin ko noong bata pa ako ay hindi ko alam 'yung mga sinasabi ko akala ko kasi kung ano lang salita ang kasal. Pero sabi ni Daddy kapag may sinabi ka daw na isang bagay kailangan pangatawanan iyon. Kaya wala silang tigil sa kakapaalala sa akin sa ginawa ko . Panay padala rin ng mommy ni Xandra ng baby picture nito at cute din sya noong baby pa sya. Then boom! isang araw naramdaman ko sa sarili ko na gusto ko na talagang totohanin na maging asawa sya. Kaya kahit hindi pa nya ako nakikita ay nagpapadala na ako sa kanya ng mga gifts.
One way din ang pagbibigay ko sa kanya ng mga gifts ay para malaman nya na mayroong VAN na magiging asawa nya someday. Sabihin nang possessive ako pero gusto ko talaga sya . Hindi pala gusto I'm so inlove with her. Nakatingin ako sa kanya lagi nang hindi nya alam. Ang gangda-ganda nya . Natutuwa ako pagnakikita ko syang nakangiti .
Alam ko na marami akong kaagaw sa kanya kasi maganda ,may pagka boyish pero sexy at mabait sya. Yeah alam ko kung ano ang ugali nya kasi nga all my life kilalang-kilala ko na sya. Alam ko rin na madali syang maasar kaya aasarin ko sya ng aasarin. Cute nya kaya pagnaaasar .
Buti na lang pinagbigyan ako ng guardian angel ko noong akala ni Xandra na nasira nya ang cellphone ko. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na lalong makilala at makasama sya kahit na labag sa kalooban n’ya. The truth hindi talaga sira 'yun low batt lang kaya hindi gumana nang ion nya. Ha!Ha!Ha! Sobrang saya ko noon kahit hindi halata.
Aaminin ko na mahal na mahal ko si Xandra at ito na ang chance na matagal ko nang hinihintay.