*****FOUR*****
Alex POINT OF VIEW
Second day of school.
Pinarada ko ang aking motorbike sa tabi ng isang napakagandang sports car. It's a shinning blue Lamborghini Reventon. Sobrang ganda , pinagsawa ko ang aking mga mata sa napakagandang sports car. Alam ko na ang tanging mayayaman lamang ang makakabili ng ganoon. Pero hindi naman nakakapagtaka na makakita ako ng ganyang klaseng sasakyan dito. Mayayaman ang mga estudyante sa university na ito. Kaya nagtataka nga ako kay Mommy kung bakit ako dito nilipat. Hindi kaya nanalo sya ng lotto? Ayaw nya lang ipagsabi kahit sa amin dahil natatakot syang makidnap ako. Naku dapat matanong si Mommy pag-uwi ko, hihingi ako sa kanya ng pambayad sa cellphone ni Mr. Nahm para wala na akong atraso sa kanya.
Hahakbang na sana ako para pumunta sa klase ko nang may maramdaman akong tumapik sa aking balikat. I turned around. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung sino ang tumapik sa akin. Si Vincent na nakasuot ng black shirt na bakat na bakat ang kanyang magandang katawan tenernohan pa ng hapit na Levis jeans. Sya na! Sya na talaga ang mukhang badboy super model.
"Anong masasabi mo sa sports car ko?" aroganteng tanong nya .
So sa kanya pala iyon? Kahapon ibang sports car ang gamit nya tapos ngayon iba na naman. Grabee si kuya ang yaman-yaman, pati kayabangan sa katawan mayaman din sya.
Gusto ko sanang sabihin na napakaganda ng sasakyan nya pero hindi, hindi ko sasabihin 'yun baka lalo lang syang magyabang. " Ah maganda ang sports car mo," nakasimangot na sagot ko.
"Maganda lang?" Parang hindi makapaniwalang tanong nya. "Sa paraan ng pagkakatingin mo sa sports car ko alam kung gandang-ganda ka nakangising sabi nya pa.
Asa naman sya na purihin ko ang car nya ! Baka lalo pa itong yumabang. Maasar nga.
"You know what Mr. Nahm hindi ako madaling humanga sa mga bagay-bagay na nakikita ko. Kung ano ang tingin ko sa isang bagay 'yun lang ang sasabihin ko."Lihim kong naidasal kay God na patawarin ako kasi nagsinungaling ako. Napakaganda naman talaga ng sports car nya pero ayoko talagang purihin baka lumaki ang ulo ng rich badboy na ito.
"So kung ano lang ang tingin mo 'yun ang sinasabi mo?" Nakakunot ang noong tanong nya.
Is that a tricky question? " Yap" sagot ko.
"Kung tatanungin ba kita na kung nagwagwapuhan ka sa akin, sasagutin mo ba nang may katapatan?" tanong nya medyo nakataas ang gilid ng kanyang labi.
What the heck? Ano ang sasabihin ko ? Isip Alex. Tiningnan ko sya ng maigi from head to foot then foot to head . Sinadya ko talagang ipakita sa kanya na pinag-aaralan ko ang kanyang itsura. Inikutan ko pa sya at sinipat-sipat. Then I chuckled. "Not bad "sagot ko.
"Oh really?" He looked down at me. Nagniningning ang kanyang mga mata. Sa tingin ko natutuwa sya sa pag-uusap namin.
" Yes" Parang ako na yata ang naasar kasi mukhang hindi naman sya naapektuhan sa sinabi ko. One thing naaasar ako sa paraan ng pagkakatingin nya sa akin. Parang bumaliktad ang sitwasyon dahil pakiramdam ko ako naman ang sinisipat nya.
Nakakaconscious ang pagkakatingin nya sa akin. Feeling ko isa akong specimen sa microscope. Buti na lang naisipan kong mag-ayos ngayon. I'm wearing a black peplum tube tops and black skinny jeans with my favorite black boots. Kanina noong nagmomotor ako ay nakasuot ako ng leather jacket then hinubad ko lang. And naisipan ko ring maglagay ng kunting make-up so ang tingin ko naman sa sarili ko kanina sa salamin bago ako umalis ng bahay ay maganda naman ako.
" Ikaw yata ang namemesmerized sa akin eh" pang-aasar ko sa kanya para mawala ang asiwang nararamdaman ko.
" Aaminin ko napakaganda mo ngayon , no sobrang ganda mo" sabi nya . Natulala ako sa sinabi nya.
Naglakad sya papunta sa sports car nya. Binuksan nya ang pinto nun. Parang may kinuha sya . Sinara nya ang pinto , naglakad sya pabalik sa akin. Ako naman sinusundan ng tingin ang bawat galaw nya.
"Gamitin mo ito" inabot nya sa akin 'yung telang hawak nya na kinuha nya sa kanyang sasakyan.
Wala sa sariling kinuha ko naman at tiningnan . Isa pala iyong mahabang scarf.
"Gamitin mo yan. Ayaw ko na may kung sinong lalaki sa university na ito na makakita ng magaganda mong mga balikat." Tapos iniwan nya na akong laglag ang mga panga.
Ha ano daw? Tama ba ang narinig ko? Nakakagulat talaga ang lalaking iyon. Akala ko makikipag-asaran pa sya sa akin. Buti na lang umalis na sya.
Tiningnan ko 'yung scarf na binigay nya . In fairness ang ganda ng scarf. Ibinalot ko niyon ang aking mga balikat tapos naglakad na rin ako papunta sa classroom . Ten minutes na lang at late na ako kaya mabilis na akong naglakad .
Humihingal na pumasok ako sa aking first subject. I think hindi pa naman ako late kasi maingay pa ang mga classmates ko. Karamihan sa mga kaklase ko ay mga lalaki mga five lang kaming babae. Habang naglalakad ako papunta sa bakanteng upuan sa likuran karamihan sa kanila ay nakatingin sa akin. Medyo kinabahan ako kasi second day ko pa lang at hindi ko pa sila ganoon kakilala.
"Wow pare ang seksi at ang gandang chicks " malakas na sabi ng lalaking nakatayo malapit sa bintana . Feeling ko nagpapacute sya sa mga girls na nasa labas. Napansin ko na marami-rami ang mga studyanteng babae na nakatayo sa labas ng classroom namin parang may hinihintay sila.
Karamihan ay napatingin sa akin kasi nga sa akin nakatingin 'yung nagsalita na lalaki.
"H-Hi?" alanganing bati ko sa kanila.
Like a wolfs saw their prey lumapit sila sa akin then nakipagkilala. I am wondering ganito ba ako kaganda or they just wanted to meet me because I'm their new classmate?
Halos lahat sila gustong makipagkamay at nahihilo na ako sa kanila . Tanong sila ng tanong about me at hindi ko alam kung sino ang uunahin kong sagutin.
"Andyan na sila!!" narinig kung tilian ng mga girls na nasa labas. Parang kinikilig sila.
Napadako ang tingin ko sa kanila kasi nagkakagulo na 'yung mga girls sa labas . Napaisip ako kung may kaklase ba akong celebrity. Kung mayroon man pwede kaya akong magpapicture sa kanya at magpagawa ng fan sign para maiupload sa i********:, f*******: at twitter ko.
Hinintay ko kung sinong celebrity ang papasok ignoring the boys na kumakausap sa akin. Minsan lang na may makita akong celebrity sa personal kaya kailangang lubusin ko na ang pagkakataon.
Four boys entered inside the classroom. WOW they are all so handsome. Pero hindi ko sila kilala. Siguro outdated na ako sa mga celebrities kaya di ko sila kilala. Then my hopes went down nang pumasok ang isa pa . Walang iba kundi si Vincent. Siguro sila ang sinasabi ni Kris na mga pogi daw na barkada ni Vincent.
Napatingin si Vincent sa akin kasi nakatayo pa rin ako sa gitna ng mga kaklase kong lalaki. Kaya pansin talaga. Lumapit sya sa kinatatayuan ko.
Medyo kinabahan ako kasi parang galit sya. Noong pumasok naman sya kanina ay seryoso lang ang expression ng mukha nya. Hula ko hindi lang sya masaya na nakita nya ako dito.
"Boys magsibalik na kayo sa upuan nyo" iritadong sabi nya sa mga nakapaligid sa akin.
Walang reklamong nagsibalikan naman sa kanilang mga upuan ang mga lalaking kumakausap sa akin kanina.
Ako naman ay umupo na rin. Wala akong balak na kausapin si Vincent.
Umupo sya sa tabi ko. 'Yung mga kasama naman nya ay umupo na rin sa kabilang side ko at sa unahan ko.
X X X w
boy1 boy2 boy3 a
O O X l
Vincent Me boy4. l
__________________ wall
Ganyan ang pagkakaayos ng upuan namin . Pinalibutan nila ako. Naasiwa man ako ay minabuti ko na lang manahimik kasi magkadikit parin ang mga kilay ni Mr. Nahm. Nakakatakot ang itsura ni Mr. Nahm.
Dahil wala pa naman ang prof. Kinuha ko muna ang cellphone ko at naglaro na lang ng candy crash saga. Pero pinapakiramdaman ko 'yung mga katabi ko. Nagtataka ako kung bakit sila umupo malapit sa akin. Parang mga guwardiya ang mga peg nila. Napapatingin sa amin 'yung mga classmates namin pero parang wala silang pakialam.
Para lang may sarili-sarili silang mundo. Si boy1 kausap yung girl na nasa harapan nya. Boy2 nagbabasa ng manga. Boy3 nagbibilang ng butiki sa kisame at dingding. Boy4 nagtetext at itong si Vincent sa tabi ko nakikinig naman ng sounds sa kanyang headphone.
Thirty minutes na ang lumipas pero wala pang prof. Maybe hindi na dadating ang prof namin. Binalik ko na lang ang cellphone ko sa bag ko at tumayo na. Pupunta na lang ako sa canteen. Medyo nauuhaw na kasi ako.
"Excuse me" sabi ko kay Vincent . Nakapikit sya habang nagkikinig ng music. Hindi ako makadaan nakaharang ang mahaba nyang binti sa dadaanan ko.
Hindi nya ako narinig kasi nakaheadset nga pala sya. So I tapped his right shoulder. Dumilat naman sya. At tumingin sa akin. Nangmakita nya akong nakatayo ay hinubad nya ang headset nya.
"Pwedeng makiraan? " ulit ko.
"Saan ka pupunta?" husky pa ang boses nyang tanong sa akin. Nakakunot nanaman ang kanyang noo.
"Ah pupunta sa canteen" simpleng sagot ko.
"Sasama ako sa'yo" tumayo na sya at naunang maglakad.
Bakit??? Anong ibig nyang sabihing sasama sya.
Naramdaman nya ata na hindi ako sumunod sa kanya kaya bumalik sya.
"Bakit nakatayo ka pa dyan? Akala ko ba pupunta tayo sa canteen?"
"Ha? Tama ba ang pagkakarinig ko na sasama ka sa canteen?" tanong ko sa kanya.
"Yes" seryosong sagot nya.
"Bakit?" I asked.
"Kasi mayroon tayong dapat pag-usapan" nauna na syang maglakad.
Napasimangot ako. Wala na akong choice kundi sumunod sa kanya. Dooms day ko na. Akala ko nakalimutan na nya ang tungkol doon. Ano kaya ang hihingiin nyang kapalit? Hala! Baka ang puri ko. No way! Birhen pa ako. Baka gawin nya akong s*x slave kagaya ng mga nababasa ko sa mga reading app. Magkakamatayan kami hindi ako papayag kahit pogi pa sya at nangingisay na ang aking inner dyosa sa kilig. No freaking way! Kung si Anastasia Steele ng Fifty Shades of Grey may inner goddess ako naman may inner dyosa.
Sumunod ako sa kanya. Tumayo na rin ang mga kaibigan nya and they followed us. As usual nakatawag na naman kami nang pansin. All eyes yata nakatingin sa amin. Parang alam ko na kung ano ang kanilang iniisip. Nagtataka siguro sila kung bakit kasama ako nila Vincent at ng mga kabarkada nya. Ang iba sa kanila ay masama ang tingin sa akin. Me-- a new student tapos kasama ng mga papable na ito siguradong marami na akong haters.
AAhhh ano ba kasi itong pinasok kong gulo? Gusto ko ng tahimik na buhay. Vincent...Vincent ginulo mo ang tahimik kong mundo!