****Seven****
Alex POINT OF VIEW
First day ng pagiging alalay ko kay Mr. Nahm
"Ang tagal mo namang dumating" gulat na napalingon ako sa aking likuran para makita si Mr. Nahm. Oo alam komg sya ang nagsalita dahil sya lang naman ang lagi kong naeencounter ko dito sa parking lot. Ito ang memorable place naming dalawa. Dito nag-umpisa ang pagkakaalipin ko sa hudas na ito.
Padabog na humarap ako sa kanya at tiningnan sya ng masama.
" Good morning Mr. Nahm" sarcastic kong bati sa kanya. Ang aga-aga reklamo na kaagad ang bungad mo sa akin. Pwede namang batiin mo muna ako ng goodmorning beautiful Alex. Alam mo ba masmaganda ka pa sa bukang liwayway? Ganoon dapat para magandaang buong araw mo.
Kumunot lang ng kanyang noo ang sagot sa bati ko. Taong bato ba itong si Mr. Nahm?
"Well Goodmorning to myself ". I greeted back myself kasi mukhang wala syang balak na igreet back ako.
"Bakit ganyan ang suot mo?" bigla-bigla nya na lang naitanong. Parang hindi nya nagustuhan ang suot ko. Nakasimangot na sya.
Hmmm. May pumasok na idea sa utak ko. Parang may isang imaginary na bombilyang biglang umilaw.
Well...Well...Well subukan ko kayang asarin si Mr. High and Mighty Mr. Nahm.
"Bakit naka kunot yang noo mo? Hindi mo ba nagustuhan ang suot ko?" umikot-ikot pa ako sa harapan nya.
Para sa akin hindi naman pangit ang suot ko. I'm wearing a dark blue scoopneck tank top , skinny jeans and my 2 inches heels black boots.
" First rule 'wag na ‘wag kang magsusuot ng mga damit na revealing. Kung sakaling magsusuot ka na labas ang mga balikat mo, maglagay ka ng malaking scarf o jacket. Naiintindihan mo ba?" sabi nya habang mariin na nakatingin sa akin. Sa paraan ng pagkakatingin nya ay masasabi kong galit sya. Nakakatakot!
"Wow conservative ka pala kuya. "
He smirked "Just follow my rules!"
"Bakit ba ? Tatay ba kita?" inis na tanong ko. Sino ba s’ya para sabihin sa akin kung ano ang dapat kong isuot ? Kung s’ya ang fiancé ko baka sundin ko pa s’ya. Pero hindi eh so hindi ko s’ya susundin.
Nakakainis sya!
"No hindi mo ako Tatay at wala akong balak na maging Tatay mo. Pero sa pagkakaalam ko ako ang Master mo at slave kita. Kaya sundin mo na lang ang ipinag-uutos ko!", nakahalukipkip na sabi nya.
Wow lang kuya , talagang kinareer na n’ya ang paggiging master n’ya. First day pa lang may demand na kaagad.
"Mukha mo!" inis na sabi ko at nilayasan s’ya. Ang lakas magtrip, pati pagdadamit ko kailangang pakialaman. Sino ba s’ya?
Umalis na ako kasi baka may sabihin pa s’ya at hindi ko mapigilan ang sarili ko . Baka masapak ko pa ang pogi nyang mukha. Kapal nya ah! Kailangan ko ng tubig , nauhaw ako sa mga pinagsasabi nya. Makapunta nga sa cafeteria.
Sa classroom.
Aba wala pa sila Mr. Nahm baka naman hindi ko sila kaklase sa subject na ito. Buti naman. Hanap ako ng upuan. Ayun sa second row malapit sa bintana.
Naglakad ako papunta doon and naupo.
Nagpapasukan na ang mga kaklase ko.
May poging tumabi sa akin .Boy next door ang dating nya..
After five minutes.
"Ayyyyyy!! Andyan na sila!!! Tili ng mga babae sa labas.
Seriously kailangan ba silang tumili? Hindi ba pwedeng itikom na lang nila ang kanilang mga bibig habang naglalaway sila sa mga kaibigan ni Mr. Nahm?
Yeah . Alam kong sila na ang padating kasi habang tumitili ang mga babaing tagahanga nila ay hindi nila mapigilang banggitin ang mga pangalan ng mga hunks na 'yon.
"Matheo ang pogi mo!!!" sigaw ng isang girl.
"Caden pakiss naman" request ng isa.
Napafacepalm ako, dyusme naman para silang mga highschool students kung makatili. Kung nasa era lang sila ni Maria Clara siguradong tadtad na sila ng kurot ni Tiya Isabel.
Itinuon ko na lang ang pansin ko sa dala kong libro at tinitigan ang cover 'non na parang mayroon akong madidiskubreng hidden message sa book cover. Mas interesting pang alamin ang lihim ng cover ng book na ito kaysa makita ang magbabarkada na tinitilian ng mga girlaloo sa university na ito.
"Hi Miss" kausap sa akin ng katabi kong boy next door ang dating.
Humarap ako sa kanya at nginitian sya. Kailangang maging friendly ako para may makopyahan ako sa exam. He!he!he ! Ang bad ng intensyon ko sa kanya.
"Ah. Pwede bang makipagkilala?" nahihiyang tanong nya.
Bahagya akong napangiti kasi ang cute nya.Mukha syang kinakabahan. Shy type pala si kuya.
"I'm Nico" pakilala nya sa sarili.
Hello ----- tanging nasabi ko kasi..
"Alis dyan! Bakit nakaupo ka dyan sa upuan ko" galit na singit ni Vincent.
Sabay pa kaming dalawa ni Nico na napatingin sa kanya.
"Pwede ba na lumipat ka ng upuan" sabi nya pa na parang naghahamon ng away. Bad mood na naman si Mr. Nahm.
"Sorry akala ko kasi walang nakaupo dito" halatang kinakabahang sabi ni Nico tumayo sya at lumipat ng ibang upuan.
Naupo naman si Vincent sa inalisang pwesto ni Nico.
" Kailan pa naging pwesto mo 'yan?" nang-uuyam na tanong ko. Ang bastos nya , nag-uusap pa nga kami ni Mr. Boy next door eh.
"Mula nang umupo ka dyan sa pwesto mo" balewalang sagot nya.
"What!!" naguguluhang tanong ko. Anong ibig nyang sabihin?
"Di ba alalay kita? So dapat nakaupo ka sa tabi ng master mo. Para kung may kailangan ako ay madali kitang mauutusan" mayabang na sagot n’ya. Nanahimik na lang ako. Pinipigilan ko ang sarili ko na sagutin s’ya. Kahit gusto ko nang kalbuhin ang mahaba at makintab nyang buhok na nakatali.
'Yung mga friends n’ya ay nagsi pag upuan na din at tulad nang dati nakapaligid na naman sila sa amin.
Pinagtitinginan na naman kami ng mga kaklase namin.
Hay sana matapos na ang one month. Dalangin ko sa lahat ng santong alam ko.
Pumasok na ang Prof. at nag-umpisa nang mag turo.
Nagsulat s’ya sa board.
Parang ang dami n’yang isinusulat ah.
"Slave isulat mo yan dito sa notebook ko." utos ng katabi kong masungit. Inilapag n’ya ang notebook n’ya sa lamesa ko.
"Ayo---"
"Ayaw mo ? Gusto mo bang magbayad na lang?" putol n’ya sa sasabihin ko.
"Hmp!" pahablot na kinuha ko 'yung notebook n’ya at sinimulan kong magsulat. Magsusulat na lang ako kaysa magbayad. Ang hirap maging mahirap.
Kainis bakit ba naisipan ng Prof. na itong magsulat.
Ayaw ko pa namang nagsusulat ng madami . Ang sakit kaya sa kamay!
Lihim kong tiningnan si Mr. Nahm.
Tulog!
Nagpapakahirap akong magsulat dito samantalang sya natutulog.
Di bale one month lang naman 'to after one month free na ako. Tiis -tiis muna gurl sabi ko sa sarili ko.
After one hour lumabas na rin ang Prof.
Ang sakit ng kamay ko kaya minasahe ko para mawala ang pananakit.
"Tapos ka na?" tanong ni master.
"Yes ayan na" padabog na binalik ko sa kanya ang notes na pinaghirapan ko. Ako tuloy ang walang notes.
Tumayo na s’ya " let's go" yaya nya sa akin.
"Ayoko nga. Masakit pa ang kamay ko." Tanggi ko."Dito muna ako" pagmamatigas ko.
"No! Stand up and move " he commanded.
Hindi ako sumunod. Tinatamad pa akong tumayo. "Ayaw ko nga!"
"Ayaw mo?" He smirked. Sa itsura ng mukha nya parang may binabalak sya.
" I guess I have to do this" hinatak nya ako tapos naramdaman ko na binuhat nya ako ng buhat na pangbagong kasal.
"Caden please get her things" sabi nya kay Caden.
"Ibaba mo ako!" Nanggagalaiting sigaw ko. Pakiramdam ko bigla akong nanigas. Gosh first time na may kumarga sa akin na lalaki maliban kay Daddy at Xander.
Pinagtitinginan na naman kami.
"No" pagmamatigas n’ya. Tumatawa naman 'yung mga kaibigan n’ya. Sarap batuhin ng sapatos ang mga kumag.
"Sabi ko ibaba mo ako!"
Parang wala s’yang naririnig . Naglakad na s’ya habang buhat-buhat ako nang walang kahirap-hirap.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Wala akong magawa dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko at naninigas nga ang aking katawan.
Ayaw kong makita ang mga taong nadadaanan namin.
Nakakainis talaga itong lalaking ito.
Then tumigil sya sa paglalakad.
Iminulat ko ang mga mata ko.
Nasaan kami?.
Inilapag nya ako sa isang malambot na sofa.
Inilibot ko 'yung tingin ko.
Para kaming nasa condo like na room.
May sala, mini kitchen , bathroom and kwarto ata 'yung nakasaradong pinto.
May malaking LCD TV sa sala, centralized aircon at ubod ng linis.
Sumunod namang pumasok ang mga kaibigan nya.
Nilapag ni Caden ang mga gamit ko sa may study table sa gilid.
"Nasaan tayo?" inis na tanong ko.
"Sa tambayan namin dito sa university" sagot ni Matheo.
Binuksan ni Vincent ang TV at umupo s’ya sa tabi ko.
"Bakit mo ako dinala dito ?" may pagtatakang tanong ko.
"Para hindi ka pakalat-kalat sa campus" walang ganang sagot n’ya. Nakatingin sya sa tv. Iron man 3 ang palabas.
Napabuntong hininga na lang ako. Wala na akong maisip na sasabihin. Masmabuting manahimik na lang.
Itinuon ko na lang ang paningin ko sa tv at nanod na lang.
"Guy's ito na ang pagkain natin" masayang announced ni Ian .May dala-dala syang boxes ng pizza at lasagna. Inilapag n,ya sa center table. Kumuha naman ng ice tea at softdrinks in can si Caden sa ref na nasa kitchen.
Nagsiupo sila sa carpet at nag-umpisa nang magsikainan.
Si Vincent ay bumaling sa akin.
"Bakit hindi ka pa kumain?" nakakunot na naman ang kanyang noong tanong n’ya sa akin.
Sa tingin ko maagang magkakawrinkles itong si Vincent. Lagi na lang s’yang nakakunot ang noo.
Tiningnan ko lang sya . Nahihiya kasi akong kumuha ng food at hindi ko masabi sa kanya.
Kumuha s’ya ng isang slice ng pizza and lasagna and he gave it to me "Now eat" para lang akong aso na inutusan n’yang kumain.
Kahit naiinis ako sa paraan n’ya para pakainin ako ay medyo natouch din ako kasi s’ya pa ang kumuha ng food at nagbigay sa akin.
Kumuha din s’ya ng ice tea na nasa bote at binuksan tapos inabot n’ya sa akin.
Nahihiya man ay kinuha ko na din at sinimulan ko na ding kumain. Sabi kasi ni Mommy masamang tumanggi sa grasya basta kakilala ang nagbigay.
Dahil mga boys sila ang lakas nilang kumain p’wera lang kay Vincent kahit pizza ang kinakain n’ya makikita mo parin ang pagkasosyal n’ya.
Maingay kumain ang mga kaibigan n’ya . Nagbibiruan sila at nagtatawanan.
Ako naman ay nanonod habang paunti-unting sumusubo ng lasagna.
"Mamaya ka na manod. Ubusin mo muna yang kinakain mo" sabi ni Vincent.
Napatingin naman ako sa kanya.
Ayan na naman ang mga utos n’ya.
"What?" tanong n’ya kasi natigil ang pagkain ko at nakatingin lang ako sa kanya.
"Baka naman matunaw ako sa tingin mo" seryosong sabi nya.
Seriously? Nagbibiro o seryoso ba sya?
"Kain na" utos na naman n’ya.
Nakatanga naman sa aming dalawa ang kanyang mga kaibigan.
"Ba't kayo nakatingin ha?" sita nya sa kanyang mga kabarkada.
Biglang nagtawanan sila.