Alex POINT OF VIEW
OMG ! Anong ginagawa ng taong 'yan dito? Tanong ko sa sarili ko.
"Alex My loves!" sigaw ng lalaking palapit sa lamesa namin.
Akala ko matatahimik na ako sa University na ito. Pero anong ginagawa dito ni Ken? Si Ken s’ya lang naman ang stalker ko. Yes! stalker mula noong highschool. Nang magcollege ako ay doon din s’ya sa university na pinasukan ko then ngayon na nagtransfer ako akala ko maiiwasan ko na s’ya . Pero bakit nandito s’ya?
Napatayo ako at tiningnan ko s’ya ng masama " Anong ginagawa mo dito Ken?" Tanong ko sa kan’ya.
"My loves syempre para sundan ka" nagniningning pa ang kan’yang mata na sinagot ang tanong ko. Parang balewala lang sa kan’ya na tiningnan ko s’ya nang masama.
" So napadaan ka lang dito para makita ako?" Sana napadaan lang nga s’ya kasi kung dito s’ya mag-aaral paniguradong susundan-sundan na naman n’ya ako kahit saang sulok ng university at ayaw kong mangyari iyon. Nakakailang para kasi s’yang aso na sumusunod sa kan’yang master.
Nguniti s’ya ng ubod ng tamis. Yak! nakakatakot ang ngiti n’ya.
"Of course not. Nagtransfer na ako dito" proud pang sagot n’ya.
"What? Dito ka na mag-aaral!" nabibiglang naibulalas ko. Oh no!
"Yes my loves!" masayang sagot n’ya. Hindi s’ya apektado sa galit ko. Pero hindi na ako magtataka doon kasi mula noon pa naman ay lagi kong pinararamdam sa kan’ya na inis ako sa mga pagsunod-sunod n’ya sa akin. Nag-umpisa iyon nang ipagtanggol ko s’ya sa mga nangbubully s’ya kan’ya. Feeling hero kasi ako noong highschool gustong-gusto kong isave ang mga naaapi ng mga sigang estudyante at isa nga doon si Ken. Dahil sa ginawa ko kaya hinangaan n’ya daw ako at ngayong nga naging stalker ko na s’ya. Hindi naman ako natatakot sa kan’ya kasi harmless naman s’ya at never pa n’ya akong sinaktan
.
"Wow ang cute naman n’ya" rinig kong puri ng isang estudyante kay Ken. Yes hindi pangit si Ken . Sa totoo nga ay super hunk s’ya. Kahawig n’ya si Liam Hemsworth pero kahit hunk s’ya hindi ako nagkagusto sa kan’ya kahit konti.
"Paano mo nalaman na nagtransfer ako dito?" curious na tanong ko .
"My loves naman syempre updated ako sa life mo" sagot n’ya. " Nang malaman ko na hindi ka na pumapasok sa PUP pinuntahan kita sa bahay nyo at sinundan kita . Then nalaman ko na dito ka na pumapasok so nag-enroll ako dito. Para makasama ka My loves." Kwento n’ya.
"Oh no!" inis na naibulalas ko. Napahawak ako sa aking noo parang sumakit lalo ata ang ulo ko.
Nakatingin sa amin ang mga kasama ko dito sa lamesa. Alam kong nakikinig sila sa usapan namin ni Ken at makikita sa kanilang mga mukha na gusto nilang malaman kung sino si Ken sa buhay ko.
"Hindi ka ba masaya My loves dito na ako mag-aaral?" lumapit pa s’ya sa akin at aktong ihuhug ako.
Hinanda ko ang sarili ko sa gagawin ni Ken na pagyakap. Subukan n’ya lang at susuntukin ko s’ya sa mukha . Sanay kaya akong makipagsuntukan kay Xander.
" Subukan mong yakapin siya , makikita mo ang hinahanap mo!'" gulat ako nang biglang tumayo si Vincent at dinutdot n’ya ng daliri ang noo ni Ken. Masmatangkad si Vincent at sa ginawa n’ya napahinto si Ken sa aktong pagyakap n’ya sa akin. Parang galit ang tono ng pagkakasabi n’ya.
I looked at Vincent. Masama ang tingin n’ya kay Ken. Parang gusto n’ya itong hamunin ng suntukan.
Vincent POINT OF VIEW
Nakikinig ako sa usapan nina Xandra at ng bwisit na kwagong ito na tumatawag sa kan’yang my loves. My loves pwe! ang pangit ng tawag n’ya kay Xandra at isa pa wala s’yang karapatang tawagin si Xandra ng My loves.
Nag-iinit ang aking ulo sa kwagong ito . Feeling close kay Xandra. Proud pa s’ya sa mga sinasabi n’ya. Ipatapon ko kaya sa mga guard ang taong ito at ipagbawal na papasukin s’ya kahit pa na nakapag-enrolled na s’ya? Ibabalik ko na lang kung magkano ang ginastos n’ya.
Isa pang nakakainis ,itong mga babae sa cafeteria mukhang nagwagwapuhan sila sa kwagong ito. Pero okay lang . Kasi masmagandang magkagusto sila sa Ken na ito para mabaling na sa kanila ang pansin niya at lubayan n’ya na si Xandra.
Si Xandra naman ay mukhang hindi natutuwa sa biglaang pagsulpot ng kausap. Pero kahit na hindi dapat ako maging panatag . Sabi nga sa movie ni Carmi Martin kay Cristine Reyes "Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher. Maagawan ka. " Kaya dapat ipaglaban ko ang akin. Hindi ako nanod ng pelikulang iyon , narinig ko lang sa mga kasambahay nina Mommy isang beses na dumalaw ako doon.
Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa taong ito pero binalewala ko lang . Sabi naman kasi sa akin ni Xander ay walang gusto si Xandra sa taong ito. Pero iba na pala pagkaharap ko na s’ya at proud pa s’ya na ipakita ang pagkagusto n’ya kay Xandra. Samantalang ako pasimple lang kung magpakita ng pagmamahal.
WTF! yayakapin n’ya si Xandra. Kaya agad akong tumayo at dinutdot ko ang daliri ko sa noo n’ya. Buti na lang at napahinto s’ya. " Subukan mong yakapin siya, makikita mo ang hinahanap mo!'" I hissed at him.
Bigla s’yang napahinto sa gagawin n’ya sana kay Xandra at napabaling ang tingin n’ya sa akin.
Tiningnan ko s’ya ng masama sa kan’yang mga mata.
"Ano ba ang pakialam mo?" mayabang na tanong n’ya sa akin. "Sino kaba at ano ka ba ni My loves?" nang-uuyam na tanong n’ya pa.
Fvck! Gusto ko nang suntukin ang taong ito . Pinag-iinit n’ya ang aking ulo. Ramdam ko ang tensyon sa paligid namin at nakatingin na sa amin ang mga estudyanteng nandito sa cafeteria.
Gusto kong isigaw sa pagmumukha n’ya na ako ang fiancé ni Xandra kaya lang hindi pa pwede.
"Stop!" sigaw ni Xandra. "Tumigil nga kayong dalawa" nanggigigil na utos n’ya sa amin.
Nagsusukatan kami ng tingin ng Ken na ito. Talagang hinahamon n’ya ako. Ang lakas ng loob na hanunin ako.
I wanted to punch him in his face. Sanay na sanay akong makipagsuntukan dahil sa Amarika kasali ako sa isang fraternity noong college at maraming estudyante ang kinatatakutan kami. Madali lang para sa akin na patumbahin itong kwagong ito.
Alex POINT OF VIEW
Nagulat ako sa biglang pagtayo ni Vincent at pagpigil n’ya sa gagawin sana ni Ken.
Nararamdaman ko na galit s’ya at ang tensyon na namumuo sa kanilang dalawa.
Tahimik ang buong cafeteria , parang hinihintay ng lahat ng nakatingin kung ano ang mangyayari sa pagitan ni Vincent at Ken. Ang mga kabarkada ni Vincent nag-aantay din sa maaaring pwedeng mangyari.
Masmatangkad at mas malaki ang katawan ni Vincent kay Ken . Tingin ko na kung sakaling mauwi sa sakitan ang kanilang tinginan ng masama ay dehado si Ken.
"Stop!" awat ko sa kanila. "Tumigil nga kayong dalawa!" nanggigigil na utosko. Ayaw kong magkasakitan silang dalawa.
Patuloy parin sila sa pagtititigan ng masama. Halatang gusto nilang saktan ang bawat isa.
Kinakabahan ako sa kanilang dalawa. Eh kung ako na lang kaya ang sumapak sa kanila? Parang hindi magandang idea kahit sanay nga akong makipagsuntukan kay Xander sasakit parin ang kamao ko. And knowing Vincent baka dagdagan pa ang parusa ko. Eh kung umiyak ako at maglupasay tapos sabihin ko sa kanila na “ Hu!hu!Hu Please naman ‘wag na kayong mag-away. Hu!hu!hu! Dapat give love, love, love .“ Ganoon kaya ang gawin ko para mahabag sila sa aki?. Hmmm pangit at hindi naman drama ito. Isa pa hindi ako madaling umiyak. Ahhh alam ko na...
"Tingnan nyo may dinosaur sa labas!" sigaw ko at itinuro ko ang labas.
Dahil sa biglaang sigaw ko napatingin naman silang lahat sa itinuro ko. Gusto kong tumawa ng malakas. Pero mamaya na. Bigla kong hinawakan si Vincent sa braso at hinaltak s’ya . "Sam paki dala ang gamit ko ha" sigaw ko kay Sam habang hatak-hatak ko si Vincent . Mabilis ang lakad ko para ngang patakbo na sa sobrang bilis. Si Vincent naman ay hindi nagreklamo at mabilis din ang kan’yang lakad.
Nakarating din sa naisip kong lugar kung saan hindi makakasunod si Ken. Nandito na kami sa harap ng tambayan nila. 'Yung bahay na tambayan nila sa loob ng campus. Medyo hinigal ako kasi sa bilis ng lakad namin at may kalayuan din sa cafeteria ito.
"Buksan mo na ang pinto" utos ko kay Vincent. Nakatingin lang s’ya sa akin at parang hindi man lamang s’ya napagod sa nilakad namin. Kailangan kasing iinput ang password ng pinto. Kagaya ng mga bahay sa Korea na may code ang lock ng pinto nitong tambayan , hindi kailangan ng susi.
Tahimik namang binuksan n’ya ang pinto. Pumasok ako kaagad habang kasunod naman s’ya.
Pasalampak na nupo ako sa sofa. Malinis sa loob ng tambayan at nakabukas na ang centralized aircon kaya malamig sa loob. Siguro may pumupunta dito tuwing umaga para linisin ang lugar. Spotless sa alikabok at dumi eh.
"Vincent kuha mo naman ako ng pineapple juice" request ko sa kan’ya kasi nakakaramdam ako ng pagkauhaw. Medyo humihingal-hingal pa ako.
Tahimik naman s’yang sumunod. Inabot n’ya sa akin ang pineapple juice na nasa lata na galing sa ref sa kusina. Binuksan n’ya muna bago n’ya inabot sa akin.
Kinuha ko. "Thanks" pasasalamat ko at ininom. Ang sarap. Tanggal ang uhaw ko.
"Gusto mo?" alok ko sa kan’ya. Umupo s’ya sa tabi ko at kinuha n’ya ang pineapple juice at uminom din s’ya. Medyo nahiya naman ako kasi maliit lang ang parteng bukas sa lata na kung saan ininuman n’ya. OMG! parang indirect kiss sabi nga ng mga kabataan. Namula bigla ang mukha ko.
Nakatingin s’ya sa akin at ibinalik n’ya ang juice. Nag-aalangan ako kung kukunin ko pa kasi nga ininuman n’ya na. Hindi sa nandidiri ako . Kanina nga isang straw lang din ang ginamit namin sa pag-inom ng milk tea. Kinuha ko na rin. Pero bigla akong nahiya kasi dalawa lang kami dito.
"Vincent bakit parang galit ka kanina?" tanong ko sa kan’ya. Ang tahimik naman kasi n’ya. Kaya tinanong ko s’ya para lang may ma pag-usapan kami.
" Ano sa tingin mo ang dahilan?" tanong n’ya naman sa akin. Dyosko naman , s’ya ang tinatanong ko tapos tatanungin n’ya rin ako .
"Hindi ko nga alam kaya nga tinatanong kita diba?" asar na sabi ko.
"Alamin mo "nakasmirk na sagot n’ya.
Ito nanaman ang mga salita n’ya na kailangang pag-isipan. Napafacepalm ako.
"Vincent naman eh. Sagutin mo na lang kasi."
"Not the right time. But if you think really hard you will know the answer." Expressionless na sagot n’ya.
Oh my gulay . Kalorkey talaga itong si Vincent. Kung hindi tulog , hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi.
"Hmp! Nood na nga lang tayo" inis na sabi ko. Ayaw kong mag-isip ngayon .baka mamayang gabi magkatime akong isipin kung bakit. Tutal ayaw naman n’yang sumagot sa mga tanong ko masmagandang manod na lang kami. Inion ko ang LCD tv at naghanap ng magandang palabas. Starmovies ...hmmm horror ang palabas.
"Lipat mo!" biglang sigaw ni Vincent.
"Hahahhahaha! " ang expressionless na mukha n’ya kanina napalitan ng pagkatakot. Takot nga pala s’ya sa horror.
"Ayaw ko nga , parang maganda ang movie eh" pang-aasar ko sa kan’ya. Ayaw n’yang sagutin ang tanong ko , paparusahan ko s’ya sa panonod ng horror.
"Sige manood ka n’yan, matutulog na lang ako" sabi n’ya. Then humiga s’ya sa sofa at ginawang unan ang lap ko.
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa ginawa n’ya. Ginawa n’yang unan ang mga hita ko. Hindi ako makagalaw. Tiningnan ko ang mukha n’ya. Nakapikit na s’ya.
"Vincent , umalis ka nga dyan!" I hissed. Pero hindi s’ya kumikilos. Niyogyog ko ang balikat n’ya pero wala parin deadma lang s’ya. Ilaglag ko kaya ito? Mahirap nga palang gisingin ang taong nagtutulog-tulugan. Humugot ako nang malalim na hininga at tiningnan ko ang nakapikit n’yang mga mata . Pati ang buo nyang mukha ay tinitigan ko rin. Infairness ang gwapo- gwapo n’ya at ang amo ng kan’yang mukha. Parang isang magandang tanawin.
Oh no! Ang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi kaya naiinlove na ako kay Vincent? No!no!no! hindi pwede may fiancé na ako!