❀ ✿ ✶ ✴Seventeen❀ ✿ ✶ ✴

2593 Words
Alex POINT OF VIEW Friday morning Nagmamadali kong pinaandar ang motorbike ko. Mag eeight na ng umaga at malapit na akong malate. Bakit ba naman kasi tinanghali ako ng gising? Nagmamadali tuloy ako ngayon. Kasalanan ito ng alarm clock ko hindi nag-alarm, naubusan na ata ng charge yung battery. Hay! nakakaasar. Ang aga-aga parang nararamdaman ko na bad day ata. Tapos kailangan ko pang sunduin si Vincent sa condo n’ya. Paniguradong magagalit s’ya kasi madadamay s’ya sa pagkalate ko. Bakit ba naman kasi ako napuyat? Ang dami-daming nagpapagulo sa aking isipan kagabi atkahit ipikit ko ang aking mga mata ay bukas parin ang aking diwa. Ang biglang pagsulpot ni Ken , ang mga ginagawa ni Vincent at last ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako. May fiancée na si Vincent pero pakiramdam ko ay unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kan’ya. Nakakainis! Bakit ba pinaparamdam n’ya sa akin ang kasweetan n’ya? Dapat sa fiancée n’ya gawin iyon hindi sa akin. Isa pang problema ko ang fiancé ko. Kung patuloy na mahuhulog ang loob ko kay Vincent at alam ko na nangyayari na nga , ay kailangang sabihin ko na sa parents ko na ayaw ko nang matuloy ang napagplanuhan na kasal. Hindi ko kayang makisama sa isang tao na hindi ko naman kakilala at ang pinakadahilan ay may mahal na akong iba. Oo aaminin ko na mahal ko na nga si Vincent. Alam ko napakabilis , pinag-isipan ko kagabi na baka crush lang itong nararamdaman ko pero hindi eh. Masmataas pa ito sa pagkacrush. Alam ko sa aking sarili na hindi lang ito simpleng pagkacrush. Kasalanan ko ba na madali akong nakaramdam ng ganito? ‘Yung iba nga nalolove at first sight, ako pa kaya? Maraming sights na ang nangyari sa amin. Unfair kay Van iyon at maslalong mahirap para sa akin. Kaya lang ano naman ang mangyayari sa akin ? Si Vincent may fiancée din s’ya. Nakatakda na rin s’yang ikasal sa ibang babae at sabi nga ni Caden mahal ni Vincent ang babaeng iyon. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Pero wala akong pinagsisisihan kahit naging slave ako ni Vincent ,sa totoo nga parang hindi naman ako ang slave kasi nag-uutos nga s’ya sa akin pero halos s’ya rin ang gumagawa ng mga utos n’ya. Sa maliliit na bagay na ginagawa n’ya sa akin ay unti-unting nahulog ang loob ko sa kan’ya. At mahal ko na nga siya. Nakakalito hindi ko alam ang aking gagawin. Hindi ko alam kung ang pipiliin ko ang fiance ko na sigurado na ang kinabukasan ko pero hindi ko mahal o si Vincent na mahal ko na pero sigurado na ang pagkawasak ng aking puso kung patuloy ko s’yang mamahalin. Nakatayo na ako ngayon sa harapan ng pinto ng condo unit ni Vincent. Nagdoorbell ako. Nakakailang pindot na ako sa doorbell pero hindi parin binubuksan, pati pagkalampag ay ginawa ko na rin. Baka naman nakaalis na s’ya. Pero nakita ko sa parking ng condo ang kan’yang sports car. Bakit kaya ang tagal n’yang buksan? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko s’ya. Nakakailang ring na pero hindi parin s’ya sumasagot. Ano kayang nangyari sa kan’ya? Umaalis na lang kaya ako? Almost twenty minutes na ang nakalipas at late na ako. Aalis na sana ako nang marinig ko ang tunog ng pintong binuksan. Oh my ! Si Vincent half naked. Halos lumuwa ang mata ko. Ang ganda pala ng abs n’ya. My gosh hindi pa naman ako nagkakapagbreakfast . Parang gusto kong kainin ang kan’yang mga pandesal. Pasimple kong pinunasan ang gilid ng aking mga labi. Baka kasi may laway na tumulo. Ohlalala! Ganda ng katawan. "Tsk! Natulala ka na " sabi ni Vincent na nagpabalik sa akin sa realidad. Nakakahiya . Itinuon ko ang aking mga mata sa mukha n’ya. Halatang bagong gising lang s’ya. Medyo magulo ang kanyang may kahabaang buhok at mukhang antok na antok s’ya. “Pasok ka” aya n’ya. "Bakit hindi ka pa nakabihis?" tanong ko sa kan’ya habang papasok sa maganda n’yang unit. Patamad na umupo s’ya sa kan’yang sofa. Sumandal s’ya at pumikit. Sa tingin ko ay inaantok pa s’ya. Siguro puyat s’ya kagaya ko. "Vincent magbihis kana. Late na nga tayo sa first subject natin" sabi ko sa kan’ya. Pero hindi parin s’ya kumikilos. Lumapit ako sa kan’ya at niyugyug ang kaliwa n’yang balikat. Teka ang init n’ya. Ramdam ko sa aking palad . Idinantay ko ang palad ko sa kan’yang noo at leeg. Mainit nga s’ya. "Vincent may lagnat ka" wika ko. Iminulat n’ya ang kan’yang mga mata. "Yeah. Hindi ako papasok. Kaya pumasok ka na sa University, iwan mo na ako dito. Matutulog uli ako" taboy n’ya sa akin. Napahawak ako sa aking magkabilang baywang. " Sa tingin mo maiiwan kita ditong may sakit?" nakaarc ang kilay ko habang nagsasalita. " Babantayan kita" mariing sabi ko pa. "No you go ahead" mahinang sabi n’ya pa. Sarap kutusan nitong taong 'to. Anong akala n’ya sa akin? Hindi concern sa kapwa tao ko. "Basta dito lang ako" nakapout na sabi ko. Kahit ipagtulakan n’ya pa akong umalis . Hindi ako aalis. Inaamin ko nag-aalala ako sa kan’ya. Mas’yado na kasi s’yang mainit. Gustong-gusto kong alagaan s’ya. Hindi rin ako makakapagconcentrate sa mga ituturo ng prof dahil lilipad at lilipad ang aking utak sa kaiisip sa kalagayan nitong poging nilalang na may lagnat. "Uminom ka na ba ng gamot? Kumain ka na ba? Anong pakiramdam mo?" Sunod-sunod na tanong ko. Hindi na rin ako mapakali sa pag-aalala sa kan’ya. "Pwede isa-isang tanong lang" nakangiting sabi n’ya sa akin. Natulala ako. Wow! Hindi s’ya nairita sa sunod-sunod na tanong ko. Maganda pa lang may sakit itong si Vincent. Hindi masungit. Ang cute n’ya pa kasi medyo namumula ang mga pisngi n’ya. Pero hindi ako natututwa na may sakit s’ya. Mas okay na masungit s’ya basta wala s’yang sakit. "Ano kumain ka na ba?" ulit kong tanong. Umiling lang s’ya. "Hay naku. Teka lang ha" sabi ko. Inayos ko muna ang unan na nasa sofa. "Higa ka muna dito." Humiga naman s’ya . Pumunta ako sa kitchen. Naghanap ako ng pwedeng gawing soup. Buti na lang mayroong instant soup sa pantry n’ya. Napakamot ako sa ulo ko. Problema 'to ,hindi pala ako marunong magluto. Pero marunong naman akong sumunod sa instructions. So binasa ko ang instructions kung paano iyon niluluto. Yes! After ten minutes may naluto na rin akong soup. Tinikman ko. Edible naman. Hindi na malalason si Vincent dito. Isa pa paniguradong hindi gumagana ang panlasa n’ya kasi ganoon naman ang may sakit. Mapait o kaya matabang lang ang nalalasahan, hindi naman s’ya siguro magrereklamo pagpinilit ko s’yang kainin itong labor of love ko. Napangiti ako kasi para akong housewife na excited ipatikim sa kan’yang asawa ang pinaghirapang iluto pagkain. Isinalin ko sa mangkok at inamoy. Ang bango . Para na akong si Chef Rosebud sa loob ng ten minutes mayroon na akong nailutong soup. Binalikan ko na si Vincent. Ipinatong ko ang mangkok sa center table na katapat ng sofa. "Vincent." gising ko sa kan’ya. "Hmmm" mahinang bigkas n’ya. "Vincent kain ka muna. Ipinagluto kita" proud na sabi ko sa kan’ya. Proud kasi nakapagluto ako nang walang tumulong sa akin. Never pa akong nagluto nang walang nag-aasist sa akin. Natatakot ako na baka masunog ko lang ang lulutuin ko. Gumising s’ya. Inalalayan ko s’yang bumangon. Then kinuha ko ang soup at sinubuan ko s’ya. Bawat spoon feeding ko sa kan’ya ay wala s’yang reklamo. Kinakain n’ya ang isinusubo ko. Hanggang sa maubos. "Wait kuha lang akong gamot at tubig" iniwan ko s’ya at naghanap ako ng gamot at thermometer sa may medicine cabinet n’ya na nasa bathroom malapit sa kitchen. Kumuha ako ng tubig tapos bumalik na ako sa kan’ya. Nakapikit na naman s’ya . Sa tingin ko masama ang kan’yang lagay . Hay! Ano ba ang gagawin ko? Nag-aalala talaga ako sa kan’ya. "Vincent ito ang gamot , inumin mo na" Inabot ko sa kan’ya ang gamot at tubig. Wala paring reklamong ininom n’ya. Pagkalapag ko ng baso , inilagay ko naman ang thermometer sa kan’yang underarm. Wow! sana ganito ang lahat ng pasyente walang reklamo. Sunod lang nang sunod sa nag-aalaga. Tumunog ang thermometer. Kinuha ko. Tsk!Tsk! Ang taas ng lagnat n’ya forty degrees. Kaya pala sobrang init n’ya eh. "Vincent gusto mo bang sa kwarto mo na lang ikaw para makahiga ka ng maayos?" tanong ko. Hindi komportable kung dito s’ya sa sofa mahihiga. "Yeah" paos na sagot n’ya. "Ah tayo ka na" inalalayan ko s’yang tumayo papunta sa kwarto n’ya. Ang hirap kasi ang laki n’yang tao at nasa second floor pa ang kuwarto n’ya. Ramdam ko ang bigat ng katawan n’ya. Grabee lang kasi nakakaramdam ako ng panlalambot ng tuhod dahil sobrang close kami as in literal na close, magkadikit ang katawan namin tapos hubad pa ang kan’yang upper body. Pinatatag ko ang sarili ko . Ano ba ito parang ako yata lalagnatin na rin? Nakakaramdam na ako ng pag-iinit ng aking katawan na nag-umpisa sa mga pisngi ko. Hinamig ko ang aking sarili , dapat focus lang ako kaya iniwas kong tumingin sa maraming pandesal n’yang abs. Distraction lang kasi iyon sa akin. May tatlong pinto. Alin kaya dito? Sure ako na hindi yung blue na pinto kasi entertainment room yon. "Vincent. Saan ang kuwarto mo?" "White door" sagot n’ya. Ang pula ng mga pisngi n’ya. So binuksan ko ang white na door kasi yung isa pink. Bakit kaya pink? Inalalayan ko s’yang pumasok. Ohlalalala! Ang laki ng kwarto n’ya , nangingibabaw na black and white ang kulay. Pati ang mga gamit gaoon din ang kulay. Isa pa ang linis ng kwarto n’ya parang hindi lalaki ang natutulog daig pa ang kuwarto ko. Aminado ako makalat ako sa kwarto. Pinahiga ko s’ya sa malaki n’yang kama. Kahit ata anim na tao kas’ya sa kama n’ya. Hinanap ko ang bathroom. Una kong nabuksan ang kan’yang walk in closet ang daming damit at sapatos. Pumasok ako at kumuha ng t-shirt n’ya. Well arranged. OC yata itong si Vincent. Next na pinuntahan ko ang bathroom . Pumasok ako then naghanap ng small towel at basin. Nilagyan ko ng tap water at binasa ko ang bimpo. Balik ako kay Vincent then pinunasan ko s’ya. Parang nagulat s’ya pero nang makita n’ya na ako ang nagpupunas sa kan’ya ay ngumiti lang s’ya. Punas sa mukha, leeg ,magkabilang balikat , dalawang braso then sa dibdib na. OH my! Parang hindi ko yata kaya. Biglang nanginig ang kamay ko. Napakagat ako sa aking labi. Kaya ko 'to! paulit-ulit na sabi ko para magkaroon ako ng lakas ng loob na punasan s’ya. Hindi ko alam kung swerte ba ako o malas. Mapupunasan ko ang kan’yang dibdib at abs kaya lang kinakabahan ako. Rinig na rinig ko ang t***k ng puso ko na parang gustong lumabas na sa aking dibdib. Kailangan kong gawin 'to. Pumikit ako then lakas loob na pinunasan ko ang kan’yang dibdib at abs. Hindi ako humihinga. Torture ‘to para sa akin. Alex inaalagaan mo lang naman s’ya at wala naman dito ang fiancée n’ya. Sabi ng isip ko. Kasi pakiramdam ko pinagnanasahan ko ang pag-aari ng iba. Hay! Sa wakas tapos na rin. Nakahinga na ako ng maluwag. Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Vincent ang kamay ko. Ang init ng palad n’ya. Pero pakiramdam ko masmainit ang aking mga pisngi parang ako ang may sakit. "Thank you" sabi n’ya. "Ah okay lang Vincent. Isa lang kasi akong concern citizen dito sa ating bansa lalo na sa may sakit" kahit ako naguluhan sa sinabi ko. Dahil sa kaba ko kung anu-ano na tuloy ang lumalabas sa aking bibig. "Thank you " ulit n’ya. "Welcome" walang maisip na sagot ko. Kasi diba pagsinabihan ka ng thank you welcome naman talaga ang sagot. Kinuha ko yung t-shirt n’ya ng aking left hand kasi nakahawak parin s’ya sa right hand ko. "Vincent ang kamay ko" sabi ko habang nakatingin sa kamay n’ya. Hindi ko s’ya matingnan sa mukha. Nahihiya ako. Bumitaw naman s’ya. " Suot mo 'tong t-shirt mo" utos ko sa kan’ya. Hindi s’ya kumilos. "Ako na nga lang" isinuot ko sa kan’ya ang t-shirt. Nang maayos na ay pinahiga ko na s’ya. "Sige matulog ka na dyan" sabi ko sa kan’ya. Inihakbang ko ang aking mga binti para lumabas na sana. Pero hinawakan n’ya ako sa aking braso. Napahinto ako. "Dito ka lang please" pakiusap n’ya. Bigla lumambot ang puso ko. Kasi nagplease s’ya sa akin."Okay" pagsang-ayon ko. Madali naman akong kausap eh. "Tabi ka sa akin" pakiusap n’ya pa. Nanlaki ang mga mata ko sa request n’ya. Ano daw? Tabi daw ako sa kan’ya? Lalong lumakas ang t***k ng puso ko. Parang aatakihin na ako sa sobrang kaba. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang puso kong nagwawala. Parang excited ang puso ko. May sarili yatang buhay ang puso ko. Ang inner dyosa ko nagwawala rin . May kalandiang tinatago itong inner dyosa ko. Please" ulit n’ya. Naawa ako kaya umupo ako sa tabi n’ya. Pagbigyan ang may sakit sabi ko sa sarili ko. Charot maysakit baka ikaw. Sabi ng kabilang isipan ko. Naawa? Sabihin mo gusto mo rin. Pang-aasar ng isip ko pa. Ano ba ito ang puso ko at isip ko parang may mga sariling buhay. Parang sa anime kinakausap ako ng sarili ko. Gets nyo? Tinitigan ko si Vincent . Payapa s’yang natutulog. Nakakainggit parang gusto ko rin matulog. Dahil sa medyo kulang ang tulog ko at sa lakas ng pintig ng puso ko parang nahapo ako. Kumuha ako ng unan at hinarang ko sa pagitan namin. Makaidlip nga. Iidlip lang ako kasi kailangang bantayan ko si Vincent. Ipinikit ko ang aking mga mata. Vincent POINT OF VIEW Nagising ako. Napangiti ako kasi nasa tabi ko si Xandra natutulog kaya lang may nakaharang na unan. Tinanggal ko ang unan sa pagitan namin. Pangit man kasi parang nagtatake advantage ako pero pinakamamahal ko talaga s’ya at gusto ko s’yang mayakap. Kahit ngayon lang na tulog s’ya. Patawarin mo ako Lord at the same time salamat kasi nandito si Xandra sa tabi ko. Hinalikan ko s’ya nang marahan sa kan’yang mga labi na medyo nakapout. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Para kasing inaakit ako ng mapupula n’yang nakapout na lips. Sarap! Worth it kahit maysakit ako. Kahit magkasakit ako araw-araw basta si Xandra ang mag-aalaga sa akin ay okay lang. But wait ayaw ko nga pala s’yang mahirapan. Erase!Erase! Idinantay ko sa kan’ya ang aking kaliwang braso. Heavenly! Sarap yakapin ng taong mahal ko. Gumalaw s’ya. Akala ko magigising s’ya pero idinantay n’ya rin sa akin ang kan’yang braso at binti. Para akong tumama sa lotto. Sana lagi na lang ganito lihim kong naidasal. Alam ko malapit nang mangyari iyon kasi malapit na s’yang magbirthday at malalaman n’ya na rin na ako ang kan’yang fiancé. Matatapos na ang pagpipigil ko sa sarili ko na iparamdam sa kan’ya ang aking pagmamahal. Ano ba to kalalaki kong tao pero kinikilig ako? Pero lahat naman nakakaramdam ng kilig, diba? Kasi ang nararamdaman ay hindi pumipili ng gender. Kahit lalaki may karapatan ding kiligin. Basta nananamnamin ko na lang ang moment na ito. Kinapa ko ang cellphone ko na nasa tabi ko then nagselfie habang katabi s’ya. Para remembrance. Tiningnan ko ang kuha namin. Ang ganda n’ya habang natutulog, para s’yang cute na kuting. Hindi nakakasawang titigan. Ang lapit ng mga mukha namin sa isa’y-isa at ang sarap yakapin ng malambot n’yang katawan, Kahit ayaw ko pang matulog ulit ay hindi ko na mapigilan ang mga mata kong pumikit. Nilapag ko na ang cellphone then natulog uli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD