******* Eighteen*******

2747 Words
Alex POINT OF VIEW Parang ang init ng pakiramdam ko. Iminulat ko ang aking mga mata at disoriented na tiningnan ko ang aking paligid . Bakit parang iba ang kwarto? Napabaling ako sa left side ko and there I saw Vincent. Naalala ko na na nasa condo nga pala ako ni Vincent. Nanlaki ang mata ko kasi nakayakap si Vincent sa akin at ganoon din ako sa kanya. Pakiramdam ko namula ang aking mga pisngi. Shocks! Nakakarami na ako ngayong araw na ito. Ako ba ang yumakap sa kan’ya ? Ipiniling ko ang ulo ko kasi tanda ko naglagay naman ako ng harang na unan sa pagitan namin pero bakit nasa kabilang tabi n’ya na ang unan?Siguro habang tulog kami hindi sinasadyang nailipat n’ya ang unan. Tama ! Ganoon nga siguro ang nangyari. Impossible namang gusto n’ya akong yakapin. Bigla akong nahiya sa naisip ko. Ang kapal ko namang mag-isip ng ganoon. Average girl lang ako kaya impossibleng magkagusto s’ya sa akin. Tama na nga! Ang sakit sa ulo.Hinawakan ko ang braso ni Vincent na nakayakap sa akin. Ang init , kaya pala ang init ng pakiramdam ko kasi ang init n’ya. Dahan-dahang inalis ko ang braso n’ya sa katawan ko. Maingat ang galaw ko para hindi s’ya magising. Bumangon ako at kinuha ko ang thermometer. Dahan-dahan kong inilagay sa under arm n’ya. Then 'yung bimpo binasa ko at inilagay ko sa kan’yang noo. Ting!Ting tunog yan ng degital thermometer. OMG! Ang taas na naman ng lagnat n’ya. Kaya pala sobrang init na naman n’ya. Anong klaseng bantay ako? Sinabayan ko ng tulog ang binabantayan ko kaya tumaas na naman ang lagnat. Sisi ko sa sarili ko. Kinabahan na ako. Ano ba ang gagawin ko ? Ang taas ng lagnat ni Vincent. 'Yung mga barkada n’ya. Tama ! Kailangang matawagan ko sila. Kinuha ko ang cellphone ko then dial ng number ni Caden. After ng ilang ring ... "Yow! Alex bakit absent kayo ni Vincent?" bungad na tanong n’ya. "Caden ang taas ng lagnat ni Vincent" nagpapanic na sabi ko sa kan’ya. Medyo nanginginig ang boses ko. "Alex calm down. Huminga ka muna ng malalim" ginawa ko naman ang sinabi n’ya. " Okay, nasa condo ba kayo ni Vincent?" tanong n’ya. ""Yes!" pasigaw na sagot ko kasi si Vincent parang nagngangatog na. Lumapit ako kay Vincent at kinumutan ko s’ya. "Okay pupunta na kami dyan." "Pakibilisan kasi nagchichill na si Vincent" natatarantang sabi ko. "Sige" then nawala na s’ya sa kinya. Ako naman hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Vincent ano ba ang nangyayari sa 'yo?" maluhaluhang tanong ko. First time kong mag-isang mag-alaga ng may sakit kaya hindi ko alam ang gagawin sa ganitong sitwasyon. "ASSSSShhh" sabi ni Vincent. May sinasabi s’ya pero hindi ko maintindihan. Niyakap ko s’ya kasi sa tingin ko nagdedeliryo na s’ya sa taas ng lagnat n’ya. Natataranta na ako. "Xandra I love you" paulit-ulit na bigkas ni Vincent. Napatigil ako. Sinong Xandra? S’ya ba ang fiancée ni Vincent? "Xandra I love you very much. Dito ka lang sa tabi ko" malabong sabi n’ya pero rinig na rinig ko. Para akong tinusok ng maliliit na aspile sa aking puso. Ako ang kasama n’ya pero ibang pangalan ng babae ang tinatawag n’ya. Oo nga halos pareho kami ng pangalan pero hindi naman n’ya ako tinatawag na Xandra , ang nick name ko ay Alex kaya impossible ako ang sinasabihan n’ya ng I love you. Ang sakit-sakit. Naghalo na ang sakit at takot na nararamdaman ko. Tulo na nang tulo ang aking mga luha at hindi ko mapigilan. Wala naman akong karapatan kay Vincent kasi alam ko naman na may mahal na s’yang iba. Mag papakasal na s’ya sa ibang babae at ako may roon na ding fiancé. Pero ganito naman talaga di ba? Pagnagmahal ka hindi maiiwasang masaktan kasi higit na nakakasakit sa taong nagmamahal ay ang taong minamahal. Ding! dong! Tunog ng doorbell. Sila Caden na siguro yun. Pinunasan ko ang aking mga luha na patuloy na dumadaloy mula sa aking mga mata at inayos ko ang aking sarili. Then bumaba na ako para pagbuksan sila. "Nasaan si Vincent?" tanong ni Matheo pagkabukas ko ng pinto. "Sa kwarto n’ya" sagot ko naman. May pagmamadaling tumungo sila sa kwarto ni Vincent. Chineck nila ang lagay ni Vincent. " Brod kailangan na nating dalhin si Vincent sa hospital . Ang init n’ya." sabi ni Caden. "Oo nga then salita pa ng salita. Tinatawag si Xandra" nag-aalalang sabi naman ni Ian. They looked at me " Ahh ehhh si Xandra ang fiancée n’ya" paliwanag ni Matheo. So tama nga ako s’ya nga ang fiancée ni Vincent. Confirmed kaya ang puso ko na tinusok-tusok ng aspile kanina ay binagsakan na ng adobe ngayon at pakiramdam ko nagkapira-piraso na. ANG TANGA-TANGA KO BAKIT BA HINAYAAN KO ANG SARILI KONG MAHULOG ANG LOOB KAY VINCENT! Tumulo ang luha ko. "Bro dalhin na natin si Vincent sa hospital umiiyak na si Alex sa pag-aalala oh" wika ni Matheo. Nakatingin s’ya sa akin kaya kitang-kita n’ya ang pagpatak ng mga luha ko na pinunasan ko naman kaagad. Laking pasasalamat ko na napagkamalan n’ya na pag-aalala ang dahilan ng pagtulo ng mga luha ko. "Tara let's" yaya ni Tommy. Inalalayan nila si Vincent palabas ng condo habang ako ay nakasunod lang. Pagkababa namin ay isinakay nila si Vincent sa BMW X5 ni Ian. Hindi ako sumabay sa kanila kasi ayaw kong iwan ang aking motorbike. Isa pa ayaw kong makita nila ang mga luha ko kahit nakita na nila kanina. Nahihiya ako sa kanila. Pakiramdam ko ang sama-sama ko kasi si Vincent ang may sakit tapos ako mas inaalala ko pa ang aking pusong nagkadurog-durog. Pero anong magagawa ko? Ngayon ko lang ito naramdaman at hindi ko alam kung paano ko ihahandle ang ganitong sitwasyon. Ang sakit-sakit. Habang nagpapatakbo ako ng motor ay lumuluha ako. First heartbreak ko ito. Nang makarating na ako sa hospital na pinagdalhan nila kay Vincent ay dumeretso muna ako sa cr. Inayos ko ang aking sarili. Nang masiguro kong presentable na ako ay lumabas na ako. Huminga ako ng malalim dapat si Vincent muna ang isipin ko hindi itong pesteng nararamdaman ko. Hinanap ko sila. Nasa ER si Vincent. Ang sabi ni Matheo ay nacheck na s’ya ng doctor at kinuhanan na ng dugo para suriin sa laboratory. Sinaksakan din s’ya ng gamot para bumaba ang kan’yang lagnat. Nasa tabi n’ya lang ako at hawak ang kamay ko. Yes nangmagmulat s’ya kanina ay hinawakan n’ya ang kamay ko. Siguro akala n’ya ako si Xandra kaya n’ya ako hinawakan sa kamay. Marami ang umaasekaso kay Vincent kasi pamilya pala nina Vincent ang may-ari ng hospital na ito . Isa pa ang mga nurses nagpapapansin sa mga pogitas na kasama ko. Siguro nga kung hindi malala ang kalagayan ni Vincent ay nagpacute na ang mga ito. But this time deadma sila sa mga girls na nagpapakita sa kanila ng interest. Nag-aalala rin sila kay Vincent. After ng ilang minuto ay bumaba na ang lagnat ni Vincent , nagbigay na ng go signal ang doctor na tumingin sa kan’ya na pwede na s’yang ilipat ng kwarto. Dinala si Vincent sa isang executive room at doon inantay namin ang resulta ng laboratory. "Tito kumusta po si Vincent?" tanong ni Caden sa doctor na pumasok. Mas bagay na model ang doctor na nasa harapan ko na ngayon. Kung sakaling naging model s’ya ng kangkong paniguradong magkakaubusan ng supply ng kangkong sa mga palengke at supermarket. "Mababa ang kan’yang platelet count . Ang diagnosis ay may dengue s’ya" paliwanag ng doctor na mas bagay na maging model . Mukha nga s’yang model pero masgwapo parin sa kan’ya si Vincent. "Tatawagan ko si Ate para malaman n’ya ang lagay ni Vincent." Pagkarinig ko sa sinabi n’ya naisip ko na siguro Tito s’ya ni Vincent. Binalik ko ang tingin ko kay Vincent , may pagkakahawig nga sila ni Doc. Nanlumo ako sa sinabi ni Doc. May dengue si Vincent. Ang pagkakaalam ko ay nakamamatay ang dengue. Hindi ko naisip na sa laking tao ni Vincent ay mabibiktima s’ya ng dengue. May nakakabit na swero sa kan’ya at ang putla na kaagad ng kan’yang mukha. Nakaupo ako sa kan’yang tabi ay nakahawak uli s’ya sa kamay ko. Parang ayaw n’yang bumitaw. Siguro kumukuha s’ya ng lakas sa kamay ko. "Balik na lang ako mamaya para icheck uli s’ya" paalam ng tito ni Vincent after s’yang macheck nito. "Sige po Tito" paalam nila. Tahimik kaming nagbabantay kay Vincent. Maririnig lang ang sound ng TV na nakabukas.. Sa pagkakaalam ko ang title ng movie ay RED 2. Maganda sana ang palabas kung hindi lang kami nag-aalala kay Vincent. Ang mga pogitas ay nakaupo sa sofa. "Oh my !" maiiyak na bungad na sabi ng magandang ginang na pumasok sa pinto. Lumapit s’ya sa kama ni Vincent at niyakap si Vincent. Sinusundan ko lang ng tingin ang bawat galaw n’ya. "Baby ko !Hu!hu!hu!" iyak n’ya. Pati tuloy ako naiiyak na rin. "Tita! " sabi ng mga pogitas. Humalik sila sa pisngi ng ginang na maganda. Mukhang ate lang s’ya ni Vincent. Ang bata ng itsura n’ya. "Thank you boys sa pagdala sa baby namin dito." Nagpupunas ng luhang sabi n’ya. "Tita si Alex po ang nag-alaga sa kan’ya at ang tumawag sa amin" sabi ni Caden. Nagulat naman ako sa sinabi n’ya. Napatingin sa akin ang Mommy ni Vincent. "Alex thank you ha." sabi n’ya sa akin at niyakap pa n’ya ako. Nagulat ako sa pagyakap n’ya sa akin, bakit parang may kakaibang pakiramdam akong nadama sa kan’ya. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kan’ya. 'Yung pakiramdam na parang matagal ko na s’yang kilala. Pero hindi ko malaman kung kailan ko s’ya nakilala. Ang sarap sa pakiramdam na yakap n’ya ako. Parang si mommy lang. "Tita okay lang po" nahihiyang sabi ko sa kan’ya. "No iha malaking bagay na inalagaan mo s’ya paniguradong natutuwa s’ya" nakayakap pa rin s’ya sa akin. "Honey bitawan mo na si Alex . Hindi na s’ya makahinga sa higpit ng yakap mo" wika ng may edad na lalaking kakapasok lang. Kamukha n’ya si Vincent sa palagay ko s’ya ang Daddy ni Vincent. Ang gwapo n’ya rin. Lahi sila ng mga pinagpalang nilalang sa kagandahan at kaguwapuhan. Sarap malahian nila sabi ng aking inner dyosa. "Ay sorry iha" hingi ng paumanhin ng mommy ni Vincent at binitawan n’ya ako. "Okay lang po Tita" kyemeng sabi ko. Ginapgap n’ya ang kabila kong kamay at nginitian ako. "Anong sabi ni Joseph?" tanong ng mommy ni Vincent sa asawa n’ya. "Kailangan daw iconfine si Vincent ng ilang araw hanggat hindi nagiging normal ang platelet count n’ya." sagot naman ng daddy ni Vincent. Umiyak na naman ang mommy ni Vincent at agad naman itong niyakap ng daddy ni Vincent. Kitang-kita ko sa kanila ang pagmamahal nila sa isa't isa. "Honey maggiging okay din si Vincent" pag-aalo n’ya sa kan’yang asawa. "Dapat lang dahil pag hindi papatayin ko sa sakal si Joseph" humihikbing sabi n’ya. Nagtawana naman ang mga pogitas. Kahit ako muntikan na rin akong matawa sa sinabi ng mommy ni Vincent. " Don't worry honey pag hindi napagaling ni Joseph si Vincent ipapasara natin itong hospital nyo para pulutin sa kangkongan ang kapatid mo" gatong n’ya pa. Medyo natawa ako sa sinabi n’ya, naisip ko na masmaganda na maging model s’ya ng kangkong kaysa pulutin s’ya sa kangkongan. Ngumiti naman ang mommy ni Vincent " talaga honey gagawin mo 'yun?" nanlalaki pa ang mga mata ng mommy ni Vincent. "Yes honey" sagot naman ng daddy ni Vincent. Nakakatuwa sila. "Ehm! Pwede ba tigilan nyo nang mag-asawa ang pagsasabi kung paano nyo ako pahihirapan" inis na sabi ng doctor na kakapasok lang. Narinig n’ya panigurado ang pinag-uusapan ng mag-asawa. "Gagawin talaga namin iyon paghindi mo napagaling ang baby namin" seryosong banta ng mommy ni Vincent sa nakababatang kapatid. Napatingin ako kay Vincent. Baby? Kanina pang tinatawag na baby ng mommy n’ya si Vincent Eh ang laki-laking damulag ni Vincent . Binebaby pa rin s’ya ng mommy n’ya. Ang swerte naman n’ya kasi halatang mahal na mahal s’ya ng mga magulang n’ya. "Ate naman eh syempre gagaling n’yang baby mo lalo na may magandang nag-aalaga" tumingin s’ya sa akin. Maganda? Ako ba ang sinasabi n’ya. "Kaya tigilan nyo na ang pagbabanta sa buhay ko ate" hirit pa ni doc. "Ay hija ito nga pala si Joseph kapatid ko" baling sa akin ng mommy ni Vincent . Ipakilala n’ya sa akin ang doctor na Tito nga ni Vincent. "Naku hija ang ganda mo palang talaga . Ang swerte naman ng mapapangasawa mo sa iyo" sabi pa ng tito ni Vincent. Natahimik ang lahat at nagtinginan sila . Sa tono ng boses ng tito ni Vincent parang may alam s’ya tungkol sa akin. "Eh Alex. Sorry nakalimutang kong magpakilala sayo ako nga pala si Madeline at itong asawa ko si Sin. You can call me mommy Mad at sa kan’ya naman daddy Sin" parangkinakabahan na singit ng mommy ni Vincent. "Okay lang po ba na tawagin ko kayong Mommy at Daddy?" nanlalaking matang tanong ko. Bakit gusto nilang tawagin ko silang Mommy at Daddy? "Oo naman iha. Kasi inalagaan mo si Vincent." Tama ba na tawagin ko silang mommy at daddy? Ano na lang ang sasabihin ng fiancée ni Vincent kapag nalaman n’ya? "Ate labas na ako" paalam ng tito ni Vincent. Buti na lang at sa kan’ya na nabaling ang pansin ng lahat. "Balik ka from time to time ha para icheck ang lagay ng baby natin" habol na sabi ni Mommy. Nakikimommy na rin ako. Haba kasi pagsinabi ko pang Mommy ni Vincent eh. Tutal wala pa naman ang fiancée ni Vincent. "Okay" then lumabas na si doc. "Tita bibili lang po kami ng food" paalam naman ng mga pogitas. "Sige. Bilhan nyo ng lasagna si Alex ha" bilin n’ya. Teka bakit alam ni Mommy na favorite ko ang lasagna? Ang weird ha. "Alexandra" biglang napatingin ako kay Vincent . Tinawag n’ya ang pangalan ko. Gising na s’ya. "Alexandra asan ako?" tanong n’ya. "Nasa hospital" sagot ko. Napanguso ako kasi buong pangalan ko ang binanggit n’ya. Hindi ako sanay. "Baby kumusta na ang pakiramdam mo? Saan ang masakit?" tanong ni Mommy. Parang five years old kid ang kausap n’ya at hindi damulag . Napatingin naman sa kan’ya si Vincent. "Mo-mommy!" gulat na naibulalas ni Vincent. "Baby may dengue ka daw" sabi ni Mommy . Naiiyak na naman s’ya. " Mommy don't cry. I will be okay soon" mahinang sabi ni Vincent. Kasi tumutulo na ang luha ni Mommy. "Dad patigilin mo si Mommy sa pag-iyak. It's breaks my heart seeing her crying because of me" sabi ni Vincent sa Daddy n’ya. Niyakap naman ni Daddy si Mommy at niyayang lumabas. Feel na feel ko talaga ang pagtawag sa kanilang mommy at daddy. Pansin nyo? Nakikipamilya na ako. Chos! Naiwan kaming dalawa ni Vincent. Natense ako. Kasi naalala ko na naman ang pagtawag n’ya sa pangalang Xandra. Napabuntong hininga ako. Ito na naman ang namumuong sakit sa dibdib ko. "Why the sad face?" tanong ni Vincent sa akin. Kahit pala may sakit itong bakulaw na ito ay malakas parin ang pakiramdam. Ayaw kong ipahalata sa kan’ya na nasasaktan ako dahil sa nalaman ko na mahal n’ya ang kan’yang fiancée. Pero hindi ko maiwasan eh. "Are you okay?" tanong n’ya sa akin . Take note nakahawak parin sa akin ang kamay n’ya. Gising na s’ya kaya nagtataka ako kung bakit nakahawak parin s’ya. Alam n’ya na ako na ito si Alex at hindi si Xandra. "Okay lang ako , nag-alala lang ako sa iyo" 'yun na lang ang nasabi ko. Alanganin namang sabihin ko na hindi ako okay kasi you broke my heart . Hindi ko ipapaalam sa kan’ya 'yon. Ayokong masaktan pagsinabi n’ya ng harapan na mahal n’ya ang kan’yang fiancée . Tama na ang sakit na naramdaman ko . Hindi ko na dadadagdagan pa. Hindi ako masokista. "Sorry kung pinag-alala kita" napapikit ako kasi ayan na naman s’ya . Pinaparamdam na naman n’ya ang ganito na dapat ay sa fiancée n’ya lang dapat gawin. "Okay lang ako, promise" sabi ko tapos marahang tumawa pa ako. Gusto kong bumitaw sa pagkakahawak n’ya pero ang higpit ng hawak n’ya sa akin. Bahala na nga. Hayaan ko na lang. Hayaan ko na lang na masaktan ako sa ngayon. Pagwala na s’yang sakit o pagnandito na ang fiancée n’ya saka na lang ako gagawa ng paraan para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Sana si Vincent na lang ang fiancé ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD