Alex POINT OF VIEW
Isang linggo ang lumipas. Seven days na naconfined si Vincent sa hospital at ngayon nga ay he's strong as a bull na naman. Sa loob ng pitong araw ay binantayan ko s’ya. Syempre nagpaalam naman ako sa mga magulang ko at sa aking pagtataka ay pumayag silang bantayan ko si Vincent kahit hindi pa nila kilala ito. Siguro malaki lang ang tiwala nila sa akin.
Inaamin ko sa mga panahon na nasa ospital s’ya may namumuong takot ako na baka bigla na lang dumalaw doon ang kan’yang fiancée. Takot ? Yes takot . Takot na masaktan ako nang bongang-bonga pagnakita ko silang magkasama at makitang sweet sa isa't isa. Pero salamat kay God kasi walang fiancée na dumalaw at isa iyong malaking katanungan sa aking isipan. Hindi ba gusto ng fiancée ni Vincent si Vincent? Is it one sided love? Si Vincent lang ba ang nagmamahal? Naisip ko rin na --bakit hindi naman nagpakita ng pagkalungkot si Vincent during those times. And also hindi s’ya nagtanong kahit kaninuman kung bakit hindi bumibisita ang fiancée n’ya eh, diba nga sa University din nila Vincent s’ya nag-aaral? Wala ba s’yang pakialam kay Vincent or hindi n’ya lang alam na may sakit ito? O baka naman hindi alam noong Sandra na fiance n’ya si Vincent ?
I noticed Vincent during his sickness ay parang naging masmasaya pa s’ya. Hindi makikitaan ng pagkayamot s’ya kahit na maraming gamot ang iniinjection sa kan’yang IV. Lagi s’yang nakangiti. O baka naman iyon lang ang ipinakikita n’ya sa amin, para hindi mapansin na malungkot s’ya dahil wala ang kan’yang pinakamamahal na fiancée. Hay kung sana ako na lang kasi iyon.
I can say it's my luck naman kasi nakasama ko si Vincent at sa kahit maiksing panahon ay naipakita ko sa kan’ya ang twentyfive percent ng pagmamahal ko. Twentyfive percent lang kasi hindi ko pwedeng ipakita sa kan’ya ng one hundred percent ng pagmamahal na pwede kong iparamdam sa kan’ya kasi mas’yadong komplekado ang kalagayan namin. We're in the same situation having a fiancé/fiancée na hindi naman namin makasama. Atleast s’ya mahal n’ya eh ako hindi ko man lamang kilala at si Vincent ang mahal ko.
Masisisi ba ako ni Van kung nahulog ang loob ko kay Vincent? Alam kong mali pero pwede bang pigilan ang nararamdaman?
Sumasakit na ang ulo ko sa sitwasyon ko. Balak ko nang tumanggi sa pagkakaroon ng mapapangasawa. Ilang araw ko na rin itong pinag-iisipan. Inaamin ko na isa rin si Vincent sa dahilan kung bakit pinag-iisipan ko na na huwag nang pumayag na magpakasal.
Napabuntong hininga ako.
"Hey Best! Why the long face?" tanong sa akin ni Sam. Kasalukuyang nakaupo kami ngayon sa may Botanical Garden. Kaming dalawa lang kasi tinakasan namin ang mga pogitas. Gusto kong makasama muna si Sam pero ang totoo gusto ko munang iwasan si Vincent.
"Ha?" tanong ko kay Sam . Ginalaw -galaw n’ya ang kan’yang right hand sa mukha ko kaya napatingin ako sa kan’ya.
"Tsk!Tsk! Malala ka na Best! Kasama mo ako pero wala dito ang isip mo. Ano ba ang nangyayari sa iyo? Parang tulala ka girl" nagtatakang tanong n’ya sa akin.
Sasabihin ko ba sa kan’ya ang dilemma ko nitong nakakaraang mga araw?
Tiningnan ko s’ya sa kan’yang mga mata. Alam kong concern s’ya sa akin. Kasi nga mula pagkabata bestfriend ko na s’ya . Masparang kambal ko pa nga s’ya kaysa kay Xander eh. Alam n’ya kapag may problema ako.
Napasimangot s’ya."Ano ba sabihin na kasi?"
I rolled my eyes."Okay" putol ko.
Nakatunganga naman s’ya , halatang naiinip na sa sasabihin ko.
"Kasi....." napafacepalm ako.
"Sasabihin mo ba o sasabunutan kita!" banta n’ya. Maiksi talaga ang pasens’ya ni Sam.
"Nag-iisip kasi ako na hindi na ituloy ang pagpapakasal sa fiancé ko" pag-oopen ko sa kan’ya. There nasabi ko rin.
"Totoo? Parang ayaw mo na?" nanglalaki ang kan’yang mga mata na tanong n’ya.
Sunod-sunod na tumango ako.
"'Di nga? Baka joke lang yan?"
"Tingnan mo ikaw. Magtatanong ka tapos ngayong sinabi ko hindi ka naman naniniwala" palatak ko.
"Eh kasi ang pagkakalam ko eh matagal ka nang decided na magpapakasal kay Van."
"Eh sa nagbago na ang decision ko. Siguro nagmamature na ako at gusto ko namang makapag-asawa ng lalaking mahal ko" madamdaming sabi ko.
Tiningnan n’ya ako nang nakataas ang kan’yang mga kilay " Are you really my bestfriend Alex? Baka naman ibang tao ka?" hinawakan n’ya pa ako sa aking magkabilang balikat at niyugyog.
Medyo nahilo ako. "Ano ba Sam! Seryoso ako!" sigaw ko sa kan’ya.
"Okay. Nagbago na ang isip mo . Bakit?"
"Nakikinig ka ba ? Sabi ko di ba nagmamature na ako. Hindi ko naman kilala ng personal si Van kaya ayaw ko nang magpakasal sa kan’ya" pilit kong ipinapaliwanag sa kan’ya. Alam ko na nagtataka s’ya sa mga sinasabi ko sa kan’ya ngayon . Kasi noong nalaman ko na may fiancé ako ay wala s’yang narinig na reklamo mula sa akin . Tandang-tanda ko pa nang mga panahon na iyon ay talagang tinanggap ko na sa sarili ko na nakatakda akong magpakasal kay Van kahit nasa murang edad pa lang ako noong mga panahon na iyon. Twelve years old ako nang sabihin sa akin ni Mommy ang tungkol sa arranged marriage namin ni Van.
"Is it because of Vincent?" derektang tanong n’ya at tinitigan ako deretso sa mga mata ko. Nanlaki naman ang aking mata. Natumbok n’ya ang dahilan.
"Si Vincent no?" ulit n’ya. I shook my head.
"No!" tanggi ko.
"Alam mo Best kilalang-kilala kita. 'Wag mo nang itanggi" pilit n’ya. Ang lakas talaga ng pakiramdam n’ya. Lagi n’ya akong nahuhuli kapag naglilihim ako sa kan’ya.
Napakagat ako sa lower lip ko at tumango. Hindi ko rin naman kayang maglihim sa kan’ya.
"Sabi na nga ba eh. Nahuhulog na ang loob mo kay Vincent.Tsk!Tsk!" palatak n’ya."O eh paano ngayon n’yan? May fiancée na 'yung tao? Paano ka?" Halatang nalungkot s’ya sa sinabi ko. At sa tingin ko nag-alala s’ya sa sitwasyon ko ngayon.
"Hay! Hindi ko alam" malungkot na sagot ko. "Napag-isipan ko na iwasan na lang s’ya para hindi na lang lumala ang kabaliwan ko" I smiled but deep inside nasasaktan ako.
"Best! Congrats! Tao ka na. Marunong ka nang mainlove!" masayang sabi n’ya. Bipolar ba s’ya? Kanina lang seryoso s’ya then ngayon masaya na. Ang bilis magshift ng emotion n’ya.
I frowned ." Marunong na ngang mainlove pero sa maling tao pa" himutok ko.
She smiled " Just look on the brighter side Best. May ilang araw ka pa para makasama s’ya. Tsaka mo na s’ya iwasan pagtapos na ang kontrata nyo. Just enjoy the feeling of being inlove. So that after twenty years from now you can say to yourself na naramdaman mo ring magpakatao at inenjoy mo ang first love mo kahit na sa tingin mo may mahal na s’yang iba. Hindi ka na magtatanong ng makasaysayang question na what if?"
Napaisip ako. May punto s’ya. Tama may panahon pa ako para makasama si Vincent. Bakit nga naman pahihirapan ko ang sarili ko ng bongang-bongang may chance pa naman ako na eenjoy ang aking nararamdaman sa ngayon. After that move on na lang. Tutal tinanggap ko na naman na hindi kami para sa isa't isa.
"Alam mo girl tama ka" lumuwag na ang pakiramdam ko.
"Syempre ! I'm the best!" proud na sabi n’ya . "And also the beautiful Sam!" dagdag n’ya pang puri sa sarili n’ya.
"Oo na ! Lumalaki na ang ulo mo eh" napapailing na sabi ko. "Antayin mo naman na purihin kita hindi ikaw ang pumuri sa sarili mo no!" Sabay pa kaming tumawa. Hay! Buti na lang may kaibigan akong nagpapasaya , napagsasabihan ng problema at nakakaintindi sa akin.
"Alexandra!" napalingon ako sa tumawag sa akin.
Napangiti ako. Yes! S’ya lang naman ang masungit pero gwapong-gwapong si Vincent at papalapit s’ya sa amin ni Sam.
Ang pogi n’ya. Parang hindi s’ya nagkasakit. Hay! Vincent sana akin ka na lang.
"Kanina pa kita hinahanap?" sabi n’ya pa. Umupo s’ya sa tabi ko.
Siniko ako ni Sam. "Laway mo punasan mo Best. Tumutulo." bulong n’ya sa akin.
Tiningnan ko s’ya ng masama. "Shut up " bulong ko naman sa kan’ya.
"He! he! Peace Best!"
Inirapan ko s’ya.
"Bakit mo ako hinahanap?" tanong ko naman kay Vincent. Pasimpleng pinunasan ko ang gilid ng labi ko baka may laway ngang tumutulo. Makita pa ni Vincent, nakakahiya.
He smiled at me at ito nanaman ang mabilis na pagpalpitate ng puso ko.
Biglang lumiwanag ang madilim kong mundo dahil sa ngiti n’ya. Bakit ko ba naisip na iwasan na si Vincent? Tama si Sam eenjoy ko muna ang nararamdaman ko sa kan’ya. Pag-iniwasan ko s’ya malulungkot ang puso ko.
"Na mimiss na kasi kita" seryosong sagot n’ya.
Pakiramdam ko nanalo ako sa lotto sa sinabi n’ya. Si Vincent namiss n’ya ako . OMG!!! Tili ng inner dyosa ko.