Three

1176 Words
Three Alex POINT OF VIEW Naging maayos naman ang first day ko sa bagong university. Mukhang tahimik naman ang mga kaklase ko and so far hindi ko pa na kita 'yung sinasabi ni Kris na Vincent and the gang. As if naman na gusto ko silang makilala. Sikat daw ang mga iyon dito , karamihan sa mga feeling celebrity ay mga mayayabang kaya baka ganoon sila. Ate ang judgemental mo naman react ng utak ko. Whatever! Sabi ko sa isip ko. Pagnakipagtalo pa ako sa sarili ko baka isipin ng mga sosyalerang mga students dito ay baliw ako , kaya wag na lang. Naglalakad ako papunta sa parking lot where I parked my motorbike. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi pagmasdan ang mga building sa university na ito. Ang ganda talaga ng pagkakagawa ng different colleges building dito parang mga building na nakikita ko sa mga magazines. Talagang ginastusan ng may-ari ang pagpapagawa . And as an architecture student talagang humanga ako. "Hey! Tumingin ka sa nilalakaran mo!" nagulat ako sa biglang sigaw na narinig ko at may dalawang kamay na humawak sa aking magkabilang balikat. Magkakabunguan sana kami kung hindi nya ako napigilan. Ramdam ko ang higpit nang kapit ng nagmamay-ari ng mga iyon . " Bakit ba kung saan-saan ka tumitingin habang naglalakad?" mariing tanong ng taong may hawak sa akin. Sa tono ng boses nya , masasabi kong galit sya. Unti-unti kong itinaas ang aking mukha para makita ang mukha ng lalaking nakakapit pa rin sa aking mga balikat. Ramdam ko sa paraan ng pagkakapit nya ay naiinis sya. Alam ko din na kaya sya biglaang napakapit sa akin ay para hindi ako tuluyang bumangga sa kanya. Kitang-kita ko ang pares ng dalawang magagandang mata na matiim ang pagkakatingin sa akin. At tama nga ang hula ko na mukhang galit sya . Sya lamang at wala nang iba ang kaninang may factory ng aircon sa katawan na naencounter ko sa parking lot. Si kuyang papable . Sa taas nyang five feet and eleven inches while I am only five feet and three inches kayang-kaya nya akong tirisin na parang kuto. Ang galing ko sa tantiyahan ng height no? Kasi maraming math ang course ko. Teka nga bakit galit sya eh hindi ko naman sya tuluyang nabangga ah? "Bakit galit ka eh hindi naman kita nabangga nang tuluyan ah at hindi naman tayo nagpagulong-gulong sa semento na parang nasa isang eksena sa romantic movie ?" inis na tanong ko. Kung galit sya hindi ako magpapatalo sa kanya kailangan ipakita ko rin na galit ako. Baka makalusot kasi alam ko naman na may kasalanan ako. "Tssk! Really wala ba akong karapatang magalit? " sarkastikong tanong nya. "Tingnan mo nangyari sa kapabayaan mo" tinuro nya yung isang part ng semento. Ako naman sinundan ko nang tingin 'yung tinuro nya. Oh My! hiyaw ng utak ko. Nakita kung ano ang dahilan ng pagkagalit nya . Nasa lapag lang naman ang kanyang cellphone. Kapareho ng cellphone ko na bigay ni Van sa akin. Dali-dali kong pinulot yung cellphone nya. I checked it . Ayaw mag on. Mukhang nasira ko ata. Mahal pa naman itong cellphone nya. Patay ! Sana nagpagulong-gulong na lang kami na kagaya sa isang romantic na movie imbis na nasira ko ang cellphone nya. Lihim kong naidasal. "Well nangyari na . Ano pa ang magagawa natin?" Lakas loob na sinabi ko. Pero ang totoo medyo kinakabahan na ako. Kumunot ang kanyang noo dahil yata sa sinabi ko.Patay ako nito!.Ewan ko kung imagination ko lang na may nakikita akong dark aura sa paligid nya. "Nangyari na pala so ano dapat ngayon ang gagawin mo?" inis na tanong nya. Natahimik ako sa sinabi nya at sa paraan ng pagtingin nya sa akin. Nakakapanlambot ng tuhod parang gusto nya akong kainin ng buhay. Galit talaga sya. Sana 'wag akong pagbayarin wala pa naman akong budget ngayon . Hindi pa naibibigay ang allowance ko. At kahit naibigay na hindi ako willing na gumastos ng malaki . Makikipagnegotiate na lang ako. Tama! walang problema ang hindi nadadaan sa magandang usapan sabi nga diba?. Lumunok ako " Sorry po" sabi ko kagaya ni Chichay sa Got to Believe in Magic. Hindi mo ako madadaan sa sorry mo kunot noong sabi nya. Napanguso ako. “Sabihin mo kung anong gagawin ko para mabayaran ko 'yang cellphone mo?" Lakas loob na tanong ko. Tiningnan nya ako sa aking mga mata. " So hindi mo babayaran ng pera and from what you just said gagawin means papalitan mo ng serbisyo ang pagbabayad sa cellphone ko. Tama ba ang pagkakaintindi ko?" Nakasmirk na tanong nya. Pero wait may napansin akong kislap sa kanyang mga mapupungay na mata. "Ahh Yes ! Ta-ma ka-" nauutal na sagot ko. Lord 'wag sanang mahirap ang hingin nitong kapalit. Huminga ako nang malalim at tinitigan ko sya sa kanyang mga mata. Baka madaan ko sya sa masamang tingin para matakot sya at dalian nya lang ang ipapagawa sa akin. "Bakit sila nagtititigan? Sila na ba?" narinig kong tanong ng isang girl sa kasama nya. Nasa parking lot nga pala kami at marami -rami na ang nakatingin sa amin. Mukha kasi kaming picture na uploaded sa i********: nakatingin sya sa akin at ako naman nakatitig din sa mga mata nya. Mukha kaming magdyowa sa titigan namin pero hindi alam ng mga ususera't ususero na nakatingin sa amin na mayroong invisible na kidlat ang lumalabas sa mga mata namin kagaya sa anime. Tumungo siya. "Pag-iisipan ko muna kung ano ang ipapagawa ko saiyo" bulong nya sa akin. Narinig ko namang napasinghap 'yung mga estudyanteng nakatingin kasi dahan-dahan nyang inilapit ang bibig nya sa tenga ko habang sinasabi nya ang mga salitang iyon. "Next time mag-iingat ka" sunod nyang sinabi nang malumanay. Hinawakan nya pa ang kamay ko para kunin ang cellphone nya na hawak ko pa pala. Napasinghap ako dahil sa lakas ng t***k ng puso ko nang bumulong sya sa aking tenga . Ramdam ko ang mainit nyang hininga.Tapos umalis na sya sa harapan ko . Wala sa sariling naglakad ako papunta sa aking motorbike. Kinalma ko ang aking sarili. Weird kanina lang galit sya then sasabihan nya akong mag-ingat na parang concern sya. Hay naku nakakabaliw talaga si..... ano nga ba ang pangalan no? Hindi ko nga pala alam ang pangalan nya. "Miss !" tawag ko doon sa girl na nanakatingin sa amin kanina na parang nanonod lang ng movie. Medyo cute sya. "Bakit?" tanong nya. "Ahhh sino ba 'yung kausap ko kanina?" Nanlalaki ang kanyang mga mata" Oh my! Hindi mo 'yun kilala ?" parang gulat at hindi makapaniwala na tanong nya. Shunga lang ate. Tatanungin ko ba sya kung kilala ko. "Hindi eh." “Ang gwapong nilalang na iyon ay walang iba kundi si Vincent Andrew Nahm , ang nag-iisang anak ng may ari nitong university " parang hindi sya makapaniwala sa tanong ko. Patay! napahawak ako sa ulo ko. Bakit ba naman sa anak pa ng may-ari ako na pa trouble? Kanina sa parking lot ngayon naman nasira ko cellphone nya. What a first day!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD