Ten

2060 Words
*****Ten***** Alex POINT OF VIEW Aaminin ko na kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa condo ni Vincent. Gosh! First time ko lang pupunta sa condo ng isang lalaki sa tanang buhay ko. Although according to him eh maglilinis at maglalaba lang naman ako kaya pinakalma ko ang sarili ko. Inhale Exhale Again Again Naka one hundred times na ata ako sa ginagawa ko pero ganon parin. Bahala na nga bukas. Makatulog na nga lang. After two hours...... “Ahhh! frustrated na sigaw ko. "Ano ba yan! Hindi ako makatulog" pabaling-baling ako sa kama. Lahat na ng pwesto ay ginawa ko na pero hindi parin ako makatulog. Kanina pagod na pagod ako dahil sa pagshoshopping namin ni Sam. Ang dami kasing biniling damit ni Sam pati sapatos. Ako naman nganga . Hindi ako nakabili kasi nga wala akong pera pero dahil si Sam ay isang mapagbigay na bestfriend binilhan n’ya rin ako ng damit. After ng pamimili ay kumain kami sa Pancake House natakam kasi ako sa pancake . Kaya kahit gabi na ay nagpancake ako at pasta naman sa kanya. While we're eating our dinner ay inusisa n’ya ako about sa min ni Vincent so para magtigil na s’ya ay ikinuwento ko na rin sa kanya ang mga pangyayari mula sa umpisa . Ang dami n’yang tanong but so far ay naintindihan naman n’ya. Ayun umuwi na rin kami at talagang napagod ako. Kaya nga ipinagtataka ko kung bakit hindi ako makatulog ngayon. Even the best fall down sometimes Even the wrong word seem to rhyme Out of the doubt that fills my mind I somehow find you and I Collide Message tone 'yan ng cellphone ko. Collide ang title.May nagtext. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table. fr: 09*******-***- Remember ang usapan natin. Bukas bago mag nine ng umaga dapat nandito ka na. Ito ang address &&&&&&&&&##--&&*#--#&*****( A/N : pasensya na walang maisip na add. kunwari address 'yan okei). Don't you dare not to come. You will regret it. By the way this is Vincent. Save my no. O____O------> me Ano ba yan? Hindi na nga ako makatulog sa kakaisip tapos nagtext pa talaga para ipaalala. Nagbanta pa. Hmp! Huwag nga kaya akong pumunta . Ano kaya ang gagawin nya? Hindi .kailangang pumunta ako. May word of honor ako. Kaya ko 'to. Maisave nga ang cellphone number nya. Vegeta ang nilagay kong name kasi para s’yang si Vegeta ng dragonball, laging nakasimangot. Bumangon ako sa pagkakahiga. Iinom na lang ako ng gatas para makatulog ako. *********************@@@@@@@@@@@@@***************** Kinabukasan Pttttffff! Nagulat ako pagtingin ko sa salamin. Shocks! ang laki ng eyebags ko. Dali-dali akong naligo kasi eight am na at kailangan ko nang magmadali. Nilagyan ko na lang ng concealer ang eyebags ko para hindi halata. Nagsuot ako ng t-shirt at short then sneakers. Patakbo na akong lumabas ng kwarto ko . "Mommy pupunta lang ako sa condo ni Vincent" nagmamadaling paalam ko kay Mommy nasa garden s’ya at kinakausap n’ya nanaman ang mga tanim n’yang orchids. 0_____0 patay bakit ko ba nasabi na pupunta ako sa condo ni Vincent? Hindi nga pala kakilala ni Mommy si Vincent baka hindi ako payagan. Lagot pagnagkataon. "Sige anak ingat ka ha!" sagot n’ya at kumaway pa s’ya sa akin. I was stunned . "Talaga Mommy pinapayagan mo akong pumunta sa condo ni Vincent?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes baby" sagot n’ya with a big smile. Weird pinayagan ako ni Mommy without asking many questions. Kadalasan kasi daig pa ni Mommy ang isang imbestigador sa dami ng tanong n’ya. Hmmmm maybe ayaw nya lang makasagab ng bad vibes ang mga halaman nya. Ganon pala yun .Next time nga pagmagpapaalam ako ititiming ko na kinakausap ni Mommy ang mga orchids nya. Para payag agad. "Sige na alis ka na at baka malate ka pa" kinumpas n’ya pa yung right hand n’ya na pinapaalis na ako. "Bye Mommy" lumapit ako sa kanya para halikan s’ya sa pisngi . Tumakbo na ako papunta sa motorbike ko. Sumakay ako at pinaharorot ko nang mabilis. Yipeeeee! Ang sarap ng feeling pagnagmomotor ako. Sa Condo ni Vincent Nakatayo ako sa labas ng pinto ng condo ni Mr. Sungit. Magdodorbell na ba ako? Huminga ako ng malalim to calm myself. Hindi pa naman ako late. May five minutes pang natitira bago mag nine. Sa bilis kong magpatakbo ng motor hindi talaga ako malalate. Pero hindi ako nagviolate sa mga traffic rules ah. Ito na pipindutin ko na ang doorbell.. "You're just in time" Muntik na akong mapatalon sa gulat. "Ano ba bakit ba nanggugulat ka?" sigaw ko kay Vincent. Pagbaling ko sa kanya. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Nakatayo s’ya two meters away sa akin. Naglakad s’ya papunta sa akin."Kanina pa kita pinagmamasdan . Bakit parang ayaw mong magdoorbell?" tanong n’ya. "Tingin mo ba na bukal sa kalooban ko ang pagpapaalipin saiyo? Naiisip ko palang na maglilinis ako ng hindi ko bahay ay nanlulumo na ako" sagot ko then huminga ako nang malalim. Ngayong nandito s’ya sa harapan ko pakiramdam ko nanghihina ako. Tiningnan ko s’ya kung magagalit s’ya sa sinabi ko pero walang reaksyon. Binuksan n’ya ang pinto ng condo n’ya sa pamamagitan ng pag-input ng password. Wow sosyal may password ang pinto n’ya, sabagay mukhang mahal ang condo n’ya. Pagkabukas ng pinto ay pumasok si Vincent. Ako naman nakatayo pa rin sa labas. Likod n’ya ang nasa harapan ko. Hmmm makisig pala ang Mr. Sungit na ito eh. Nakasuot s’ya ng poloshirt na tamang-tama lang sa bodybuild n’ya at cargo short. Leather na sandals naman ang panapin nya sa kanyang mga paa. Hay! Ano ba itong naiisip ko? Baka gutom lang ito. Tama ! Gutom lang ako. Hindi nga pala ako nakapagbreakfast sa bahay. "Ano pang ginagawa mo d’yan? Pumasok ka na dito." Nakakunot noong yaya n’ya. Wala na akong nagawa kahit ayaw kong pumasok ay pumasok na rin ako. O______0 -------> me Wow ang ganda ng condo n’ya! Ang laki at ang linis. May second floor pa. Teka malinis na 'to ah .Ano pa ang lilinisin ko dito? Pagtataka ko. Tumungo s’ya sa may gawing kusina . Ilalagay n’ya siguro doon ang mga pinamili n’ya. Maya-maya ay bumalik s’ya na may dalang juice. "O inumin mo" abot n’ya sa akin ang juice na dala nya. Nauuhaw na rin ako kaya kinuha ko at ininom."Salamat ha" sabi ko. "Upo ka muna d’yan . Magshoshower lang ako " iniwan n’ya ako at umakyat na s’ya papunta sa kwarto n’ya. Tama nasa second floor ang kuwarto n’ya. Umupo ako at ipinatong ko 'yung baso sa may center table. Inilibot ko ang mata ko sa aking paligid. Grabee ang ganda talaga. Parang masyadong malaki ang condo unit n’ya para sa isang tao lang. After ten minutes bumalik s’ya at fresh na fresh. Samantalang ako mukhang bilasa na dahil sa alikabok na nasagap ko sa kalye at may eyebags pa. " Ano ba ang gagawin ko?" tanong ko sa kanya. Kailangang maumpisahan na ang mga ipapagawa n’ya para makauwi na ako kaagad at mabasa na ang novel na gusto kong basahin. "Unahin mo munang linisin ‘yung kitchen. 'Yung mga pinamili ko ilagay mo sa tamang lagayan" sagot n’ya sa tanong ko. "Okay " tumayo na ako at nagtungo sa may kitchen na pinasukan n’ya kanina. Nakasunod naman s’ya sa akin. "Wow ang ganda ng kitchen mo ha!" Humahangang papuri ko sa kitchen n’ya. Nakita kong nakapatong sa may kitchen top 'yung mga pinamili n’ya . Pumunta ako doon at inusisa kung ano ang mga iyon. May kung anu-anong pagkain ang laman ng paperbag. Inilabas ko isa-isa . "Hmmm. Saan ko’ to ilalagay?" tanong ko sa kanya. S’ya nakatayo malapit sa ref. Umiinum s’ya ng bottled water. "Nandoon banda yung storage room ng mga food then ‘yung mga pwede sa ref. pakilagay nalang dito." Itinuro nya kung saan ilalagay ang mga pinamili n’ya. So inumpisahan ko nang gawin 'yung una n’yang pinagagawa. S’ya, tahimik lang na pinanonood ang ginagawa ko. Naiilang ako kasi bawat galaw ko pakiramdam ko ay tinitingnan nya. "Stop staring at me" asar na sita ko sa kanya. Hindi kasi ako makakilos nang maayos. Nakakaconscious ang paraan nang pagkakatingin n’ya sa akin. "What? Hindi naman kita tinitingnan ah" pagmamamaangan n’ya. "Anong hindi eh nararamdaman ko at nakita kita na tinitingnan mo ako" gigil kong sabi. "Oh eh ikaw pala itong tumitingin sa akin eh" he said with a hint of amusement in his eyes. Lalo akong nairita." Ikaw na lang kaya ang gumawa nito. Nakakaasar ka na . Kung tinutulungan mo na lang ba ako kaysa sa titigan ang bawat galaw ko!" "Whoa! relax ka lang okay" sabi nya tapos tumawa si Mr. Sungit .Hindi lang basta tawa , humalakhak sya. 0____0 OMG! Bigla akong natigilan . Tama ba ang nakikita ko? For the first time nakita ko s’yang humalakhak. Grabeee! Ang pogi n’ya pagtumatawa sya. Ano ba itong naiisip ko?Erase...erase. Hinamig ko ang sarili ko. "Tulungan mo na lang kaya ako" sabi ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala kasi lumapit sya sa mga pagkain na pinamili n’ya. Then kinuha n’ya at inilagay sa tamang lagayan. Fudge! Tama ba ang nakikita ko ? Ginawa n’ya ang sinabi ko. "O ayan tapos na" sabi nya. "Masaya ka na ba?" "Ha?" Hindi ko alam ang isasagot ko. "Tsk!Tsk! Siguro gutom ka na no? Kaya hindi ka na makasagot" Naglakad s’ya papunta sa ref at naglabas ng mga pagkain na nasa food container. "Iinitin ko lang 'tong lasagna and bake mac para makakain ka na. Mukhang gutom na gutom ka na eh" balewalang sabi n’ya. Ininit n’ya sa microwave ‘yung mga food. Kumurap-kurap ako. Tama ba ang nakikita ko ? Si Vincent ba talaga itong kasama ko? Parang ibang tao. Ibang -iba s’ya sa Vincent na nakasama ko sa University na masungit at walang pakialam. " Pwedeng magtanong?" hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong sa kanya. Nakakunot na naman ang kanyang noong tumingin sa akin " Sige ano ba 'yun?" "Ikaw ba talaga si Vincent na kakilala ko o ibang tao ka? Siguro kakambal ka nya no?" kagat labing tanong ko. Baka magalit s’ya sa mga pinagsasabi ko. "Ha!ha!ha!ha!" tawa n’ya. Nakakatawa ba ang tanong ko? "Sagutin mo ako" sabi ko sa kanya nang matapos na syang tumawa. Paano ba naman ako hindi magtataka kung sya nga itong kasama ko ngayon . Yung Vincent na kakilala ko ay tahimik . Tapos ito ngayon tawa nang tawa. "Ano bang tanong yan? Siyempre ako ito" tila naaliw na sagot n’ya. Ting! tunog ‘yan ng microwave. Kinuha n’ya ang food at inihain n’ya sa table. "Tara kain na tayo" yaya nya sa akin pagkatapos n’yang ayusin ang mga food sa lamesa. At dahil sa gutom na rin ako. Hindi na ako tumanggi pa. Umupo na rin ako. "Anong gusto mong inumin?" tanong n’ya. "Ah pineapple juice na lang" sabi ko habang ngumunguya ng lasagna. Sarap! Heavenly ang lasa. Kumuha s’ya sa ref at inilapag sa tapat ko ang pineapple juice in can. Nag-umpisa na rin syang kumain. "Saan mo ito nabili?" tanong ko sa kanya." Ang sarap eh! Bibili rin ako pag-uwi ko" dagdag ko pa. "Wala ka n’yang mabibili kahit saan" nilunok n’ya muna ang kinakain n’ya bago sagutin ang tanong ko. Tapos kinindatan ako. Natulala ako . Kinindatan n’ya ba ako? Why? "Ehmmmm...... Natulala ka na dyan ? Dahil ba sa food o sa kaguwapuhan ko?" sabay ngiti na sabi nya. "S-syempre sa food" mabilis na sagot ko. "Tsk!Tsk!Tsk" "Sa food nga!" sigaw ko. Nakakaasar na naman s’ya ah "So sino nagluto nito kasi sabi mo wala akong mabibilhan nito?" kulit ko sa kanya. "Ako ang nag luto nito" mahinang sagot n’ya pero rinig na rinig ko. Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi n’ya. "Really? Nagluluto ka?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Oh my narealized ko na iba pala ang pagkakakilala ko sa kanya. Hiyang-hiya naman ako. "Yap" balewalang sagot n’ya. "Nakakahiya man pero pwedeng mag-uwi?" ako na! ako na ang PG. Pero ang sarap talaga . Siguro naman bibigyan nya ako. Nakakahiya ang sinabi ko. Kulang na lang sabunutan ko ang sarili ko sa harapan nya. Ipinagkaluno ako ng katakawan ko. "Ah sige mamaya" "Talaga!" nagliwanag ang mukha ko sa saya. "Oo nga!" tumawa s’ya nang malakas. "Thank you" nahihiyang pasasalamat ko. Totoo ngang may himala. Isang buhay na katotohanan ang inasal ni Vincent ngayong umaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD