Two

2048 Words
´*•.¸(*•.¸♥¸.•*´)¸.•*´ ♥«´¨`•°.. Two..°•´¨`»♥ .¸.•*(¸.•*´♥`*•.¸)`*•. Alex POINT OF VIEW Pagkalabas ko ng bahay. Tinalian ko ang buhok ko in a messy bun style. Then naglakad ako papunta ng garahe. Bago makarating doon ay dadaan muna sa mini garden ng nanay ko. Napakunot ang noo ko nang makita ko si Inday na nakaupo sa swing at umiiyak. Si Inday ay ang all around kasambahay namin. Mayroong syang mahaba at itim na itim na buhok. Makinis ang balat na malasutla at maamo ang mukha. Papasa syang model kaya nga nagtataka ako sa kanya kung bakit mas pinili nyang maging kasambahay kaysa magmodel. Lumapit ako sa kanya. "Inday , bakit umiiyak ka?" tanong ko sa kanya. Nag-angat sya ng kanyang ulo at tumingin sa akin. "Pinagalitan ka ba ni Mommy?" umiling sya. "Kinagat ka ba ng aso ng kapitbahay?" umiling ulit sya. Nag-isip pa ako "ah nadapa ka ba kaninang bumili ka ng pandesal sa kanto?" umiling ulit sya. "Binasted ka na ba ni Clifford? " umiling ulit sya. "Ano ba kasing dahilan? Nauubos na ang liquid sa aking utak sa kakaisip?" atat na tanong ko. Pulang-pula na ang kanyang mga mata at ilong dahil sa kakaiyak. "Ka-kasi ate si Dawson Cole namatay", sagot nya tapos humagolgol nang bongang-bonga. Nagbend ako para mayakap sya. Siguro malapit sa kanya ang taong iyon kaya masyado syang apektado. "Huwag kang malungkot Inday. Dapat matuwa ka pa nga kasi payapa na sya ngayon. Tapos na syang makibaka sa magulong mundo", pag-alo ko sa kanya. "Ganito na lang sasamahan na lang kita sa libing nya", sabi ko pa. Nadadala ako sa kalungkutan ni Inday para narin akong naiiyak. "Ha ate, ano?" bumitaw sya sa akin tapos tiningnan ako na para bang isa akong weird na tao. "Sabi ko sasamahan kita sa libing ni Dawson Cole para naman kung sakaling humagolgol ka doon ay maaalalayan kita", concern na sagot ko sa kanya tapos inabutan ko sya ng Doraemon na panyo na mula sa bulsa ko. Kinuha naman niya at nagpunas ng luha tapos tumawa sya ng parang sa baliw. Napataas ang dalawa kong kilay. "Bakit ka tumatawa Inday?" nagtatakang tanong ko. Sa kadidikit nitong si Inday kay Mommy nahawa na sya ng kabaliwan . Iiyak tapos tatawa nang wagas , oh baliw diba? "Ha!ha!ha ! Ikaw naman kasi ate Alex nakakatawa ka. Sasamahan mo ako sa libing. Hahaha! Grabee ate ang galing mo . Yung masakit sa pusong nararamdaman ko kanina napalitan na ng tawa. Hahaha!" patuloy na tawa nya. Napipikon na ako dito kay Inday. "Anong nakakatawa sa sinabi ko? Paghindi ka umayos sasabunutan kita Inday. Anong nakakatawa? " "Kasambahay brutality ate iyang gagawin mo. Ayon sa batas kasambahay under the republic act 10361 SEC. 5. Standard of Treatment. The employer or any member of the household shall not subject a domestic worker or kasambahay to any kind of abuse nor inflict any form of physical violence or harassment or any act tending to degrade the dignity of a domestic worker." Mahabang sabi ni Inday na nakapagpatulala sa akin. "At ate kaya ako tumatawa kasi walang libing. Ito ang dahilan kaya ako umiiyak", inabot nya sa akin ang isang libro. "Sige ate, maghuhugas pa ako ng plato", tapos umalis na sya. Tiningnan ko ang librong inabot nya sa akin. The Best of Me with personal signature pa ng author na si Nicholas Sparks dated Oct. 28, 2011 sa Podium. Tiningnan-tingnan ko ang mga pahina hanggang sa huminto ako sa chapter one. "For Dawson Cole, the hallucinations began after the explosion on the platform, on the day he should have died." (ccto) "Dawnson Cole.... Ay buwisit na Inday na yan ! Character pala sa libro ang iniiyakan." Nanggigigil na inilapag ko ang libro sa swing at naglakad papuntang garahe. Kaya pala wagas makatawa eh. Pagkakita ko sa aking baby ay napangiti ako, biglang nawala ang pagkabwisit na nararamdaman ko dahil kay Inday. It's my BMW F650GS. It's a motorcycle and I love it. Sa lahat nang naibigay sa akin ng fiancé ko ito ang pinaka paborito ko. Tinanong kasi ako ni Mommy kung ano ang gusto kong regalo sa birthday ko then sabi ko nga motor . Eversince noong bata pa ako mahilig na talaga ako sa motorbikes. Sinubukan ko lang naman na sabihin yun kasi sure naman ako na hindi sila bibili ng motorbike para sa akin. Then nagulat na lang ako pagkadating ko galing sa school ay may BMW na motorbike na nakaparada sa garahe namin then inabot sa akin ni Mommy yun susi. Bigay daw ng fiancé ko. Grabee nang mga oras na iyon ay halos magtatalon ako sa sobrang tuwa. Siya na ang mayaman. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang mga oras na iyon. Sinuot ko ang helmet then sumakay na ako. Gnosis University... Wow! Ang ganda ng harapan ng university. Pinasok ko ang aking motorbike sa loob ng campus na sobrang laki then naghanap na ako ng open parking space. Hmmm... maraming magandang sasakyan na nakaparada. Hindi nakapagtataka kasi this is one of the best universities in the country . Balita ko maraming celebrity at mayayaman ang nag-aaral dito. Hindi ko nga alam kina Mommy kung bakit nila ako inilipat dito. Well, siguro dahil mataas ang standard ng pagtuturo sa university na ito pero sa PUP din naman ah. Nangmakakita ako ng open parking space ay pinarada ko na ang aking motorbike. Bumaba ako then hinubad ko ang aking helmet. "Hmmmm. Bagay sa'yo yang motor mo kaya lang delikado para sa isang babaeng kagaya mo ang gumamit nyan ". Halos mapatalon ako sa gulat pagkarinig sa mga salitang iyon. Napatingin ako sa nagsalita na kakababa rin lang sa sports car na nasa tabi ng motorbike ko. Nagulat ako sa sinabi nya . Iniisip ko kung humahanga ba sya o nang iinsulto kasi medyo naka smirk sya habang nakatingin sa akin. Medyo naniningkit ang kanyang magagandang mata. Yes, maganda nga ang mata nya, kaya lang para syang binabalot ng dark na aura. Tinitigan ko syang maigi. Well, masasabi ko na sya na ang pinakahunk na nakita ko sa tanang buhay ko nang personal. Panay kasi sa tv and magazine ko lang nakikita ang ganitong klaseng nilalang. Medyo mahaba ang kanyang buhok na binagayan ng kanyang dark set of eyes with kissable lips kasi mamulamula . Basta gwapong-gwapo sya. "Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapong nilalang sa tanangbuhay mo? " wika nya na nagpabalik sa akin sa katinuan. Mayabang 'to ah. "No. " pagsisinungaling Ko. "Sa uri ng pagtitig mo sa akin. Masasabi ko na nagwagwapuhan ka nga" parang walang ganang wika nito. Grabee! Ang laki naman ng tiwala sa sarili ng nilalang na ito. "Well mister who ever you are. You're wrong kasi ang tanging nakikita ko lang naman ay isang bastos at mayabang na lalaki!" sabi ko at nilayasan ko na sya . Baka kasi mahalata nya na nagsisinungaling ako. Eh, talaga namang papable sya. Pero no no no hindi pwede, may fiancé na ako bawal humanga. At asa naman sya na hahangaan ko sya eh ang hangin kaya nya. Lakad. Lakad parin... Lakad parin kasi mukha naman akong tanga kung tatakbo ako. Lakad parin. Tumigil ako kasi hinihingal na ako. Wala bang service sa loob nitong university? Sobrang laki naman kasi eh . Lakad uli, this time pangbeauty contest ang ginawa kong lakad with matching smile may mga nakakasalubong kasi akong mga estudyante. Hanap ng mabait na pwedeng pagtanungan kung nasaan ang registrar. Ayun mukhang mabait yung pretty girl na nakaupo sa isang bench sa ilalim ng puno. Malapitan nga. "Ah Miss pwede bang magtanong?" sabi ko , humarap naman sya sa akin. Tiningnan nya ako . "Yes, anong itatanong mo at nagtatanong ka na diba? Bakit nagtatanong ka pa na kung pwedeng magtanong?" nagtatakang tanong nya. Lihim na natawa ako kasi redundant ang salitang tanong. Naguluhan ako doon sa sagot ni pretty girl pero kailangan ko syang tanungin . "Ah saan ba ang registrar dito? Si Mommy kasi ang nag-enrolled sa akin kaya hindi ko alam" nahihiyang sabi ko. "Ah yun lang pala ang itatanong mo akala ko naman itatanong mo kung nabibili nga ba ng pera ang kaligayahan" nginitian nya ako. "Samahan na lang kita." "Talaga !" masayang sabi ko. Tama nga ako mabait nga si pretty miss pero pansin ko lang may pagkamadaldal sya. "Hindi ba ako nakakaabala saiyo?" nahihiyang tanong ko. "Tama naabala mo nga ako sa pagdadaydream . Ayun na eh , hahalikan na ako ni Liam Hemsworth." "Naku sorry", hingi ko nang paumanhin. "Hahaha! Joke lang . Nagpapalipas lang ako ng oras dito. Vacant ko pa eh. " Tumayo sya. "By the way I'm Mary Kris and you can call me Kris" pakilala nya. "I'm Alexandra call me Alex" pakilala ko naman sa sarili ko. Inabot ko ang kamay ko sa kanya para makipagshakehands sana kaya lang bigla nya akong niyakap at tinapik-tapik ng kanan nyang kamay ng ubod nang lakas ang likod ko na parang madudurog na ang aking baga. "Alex nice meeting you. Ang ganda-ganda mo naman kaya lang may pagkashunga ka kasi sa tingin ko nadaanan mo na ang registrar kanina at may signboard na malaking Registrar at kitang-kita iyon ng mga dumadaan unless lumilipad ang isip mo", sabi nya. Then bumitiw sya sa pagkakayakap nya sa akin. Nakahinga ako nang maluwag akala ko ieenjoy nya pa ang moment sa pagdurog sa baga ko eh. Okay na sana eh pinuri nya ako kaya lang may kasunod pang shunga ako. "Tara" yaya nya sa akin at sumabay na ako sa kanyang maglakad. "Anong course mo?"tanong ni Kris sa akin. "Architecture" sagot ko naman. "Wow! swerte mo ang daming gwapo doon lalo na si Vincent" bulalas niya sa akin. Nanlalaki pa ang kanyang mga cute na eyes habang nagsasalita. "Ah ganoon?" walang ganang sabi ko kasi hindi ako interesado sa mga gwapong sinasabi nya. "Ikaw anong course mo?" tanong ko . "HRM" sagot nya. "Alam mo ba na si Vincent ay anak ng may-ari ng university na ito" patuloy nyang kwento. "Ah ganoon ba." ayaw kong ipahalata sa kanya na hindi ako interesado sa Vincent na iyon. "Yes at hunk talaga s’ya pati yung mga friends nya." fascinated na patuloy na kwento nya. Parang hindi nya nahahalata na hindi ako interesado sa Vincent na sinasabi nya. "Ah okay sana makilala ko nga yang Vincent and the gang na 'yan" flat na sinabi ko . Pero wala talaga akong interest na makilala sila. Feeling ko ang sama-sama ko kasi kahit wala akong interes sa mga iyon , nasabi ko pa sa kanya na sana makilala ko kung sinuman 'yung kinukwento nya. "Hindi naman sila mahirap makita kasi sila ang pinakasikat dito!" "Ah okei!' " Sa pagkakaalam ko ngayon lang nag-umpisang pumasok dito si Vincent pero ang mga kaibigan nya matagal na. Kilalang-kilala si Vincent dito kasi mula nang umuwi sya galing ng Amerika lagi syang nagpupunta dito sa University. Ang dami ngang natuwang studyante nang malaman nila na dito ay mag-aaral sya. Isa nga ako doon. Ang popogi nila. Para silang mga celebrity" patuloy na kwento nya habang naglalakad kami. Huminto kami sa tapat ng isang napakaganda at malaking building . Kitang-kita ang loob ng building dahil gawa iyon sa glass , hindi kalayuan sa parking lot na pinagparadahan ko. Tama nga sya kahit sino ay makikita ang napakalaking signboard doon. Pero hindi ako shunga ah, lumilipad lang kanina ang isipan ko. Pumasok kami sa loob. "Ma'am Sally bago po syang student. Kukunin nya po yung ID, mapa at sched nya" kausap ni Kris sa ginang na nasa counter doon. "Ah okay. What is your name iha?" tanong nya sa akin. "Alexandra Sanchez po" sagot ko. May kinuha sya sa envelope sa drawer. "Ito 'yung sched mo at ang mapa ng school. Yung ID mo naman bukas mo pa makukuha." Kinuha ko ang mga inabot nya . "Thank you po ma'am." Ngumiti sya " Welcome to Gnosis University iha." "Salamat po. Alis na po kami" paalam ko sa kanya. Mukhang mababait ang mga tao sa University na ito ha. Ay hindi pala kasi may isa nga palang bastos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD