One

1504 Words
°o.O One O.o° Alex POINT OF VIEW "Alex bangon na !' sigaw ni Mommy na nagpagising sa aking masarap na tulog . May kasabay pa iyung kalampag sa pinto ng kwarto ko. "Mommy naman ang aga -aga pa!" balik na sigaw ko kay Mommy. Nakapikit pa ang aking mapupungay na mga mata at wala pa talaga akong balak na bumangon. " Hindi pwede first day mo ngayon sa bago mong papasukang University!" pasigaw na sagot ni Mommy habang pababa siya ng hagdan. Rinig na rinig ko hanggang dito sa loob ng aking kuwarto ang kanyang mga papalayong yapak. Inis na ginulo ko ang buhok kong sabog-sabog na dahil sa kalikutan ko sa pagtulog at sumulyap sa red heart shape na alarm clock na nakapatong sa bedside table. Alas sais pa lang ng umaga at mamayang ten pa ang pasok ko. Napangiti ako nang bahagyan nang masulyapan ko ang katabi n'un na picture frame. Ang picture ng paborito kong cartoon character na si Doraemon. Kahit medyo naiinis pa ay bumangon narin ako. No choice kasi alam kong bubulabugin lang uli ako ni Mommy kung magtatagal pa ako sa aking napakasarap na tulungang kama. Wala sa sariling pumasok ako ng banyo at naligo. Punas ng towel sa buhok at buong katawan para matuyo ang basa kong katawan. Labas ng banyo Hanap ng OOTD sa magulo kong closet. Wala akong balak pomorma kaya Doraemon na shirt and black tight jeans lang ang isinuot ko then my chuck to complete my get up. Ewan ko ba naman kina Mommy kung bakit naisipan na ilipat ako ng University eh masaya na nga ako sa PUP Santa Mesa. By the way second year pa lang naman ako sa kurso kong architecture. kaya isang taon pa lang naman ang hindi ko na itake sa bagong University na pinaglipatan sa akin nila Mommy. Suklay ng aking mahaba at makintab na buhok. I love my hair kasi may pagkacurly ang dulong bahagi nito na gustong-gusto ko. Kunting polbo walang make-up o lipstik. Naniniwala kasi ako ng forty percent sa kagandahan ko at sixty percent ay self-confidence. Aanhin nga naman ang kagandahan kung walang self-confidence , diba? Kuha ng sling bag at bumaba na ako. " Mommy bakit ang aga-aga mo namang manggising?" reklamo ko sabay upo sa harapang upuan nya sa dinning table. Kumuha ako ng itlog, hotdog at sinangag . Nilagay ko sa plato at nag-umpisa na akong kumain. "Kasi baby first day mo. Baka mahirapan ka pang maghanap ng mga classrooms mo at malate ka pa sa mga first subject mo" paliwanag ni Mommy habang nagtitimpla naman s'ya ng kape. Napasimangot ako sa sinabi ni Mommy. " Mommy naman eh hindi na ako baby !" "Oo nga Sweetie hindi na s'ya baby" singit ni Daddy na galing sa labas. Mukhang katatapos nya lang sa pagjojogging kasi naka full costume pa s'ya ng pangjogging. Lumapit sa kanya si Mommy at humalik sa mga labi ni Daddy. Nag-iwas ako ng tingin kahit sanay na ako sa kalandian nilang dalawa. Maliliit pa lang kaming dalawa ni Xander ay ganyan na sila. Masyadong showy , kaya ang mga magaganda kong mga mata ay hindi na virgin pagdating sa halikan na eksena. Dito palang sa dalawang feeling bagets na magulang namin ay masyado nang naabuso ang aking mga mata. "Hi Daddy!" bati ko matapos ang kanilang kissing scene ." O ayan Mommy si Daddy na ang nagsabi na hindi na ako baby" sabi ko matapos lunukin ang pagkain na nasa loob ng aking bibig. "Eh hindi naman na talaga kasi may fiancé ka na" hirit ni Daddy. "Akala ko pa naman ipagtatanggol mo po ako kay Mommy 'yung pala mang-aasar ka lang Daddy!" kumagat ako ng malaki sa aking hotdog ,bibilisan ko na nga ang pagkain para makaalis na. Ang lakas pa namang mang-asar nitong si Daddy. "Oo nga naman baby may fiancé ka na di ba?" hirit naman ni Mommy. Aba join forces na silang dalawa ni Daddy sa panunukso. Wala na , talo na ang beauty ko sa kanilang dalawa. "Fiancé? Eh nasaan ba 'yan sinasabi n'yo pong fiancé ko? Wala lang s'yang ginawa kundi magpadala ng regalo tapos ayaw naman magpakita. Siguro Mommy mukhang unggoy s'ya kaya ayaw magpakita sa akin no?" Asar na sabi ko tapos uminom ako ng tubig. Ewan ko ba naman sa lalaking iyon kasi mula nang malaman ko na may fiancé ako ay ni minsan hindi ko pa s'ya nakita. Sabi nila Mommy cute daw s'ya. Eh bakit kina Mommy at Daddy nagpapakita siya , sa akin hindi? Mukhang tanga lang , siguro tama akong mukha syang unggoy. Tanggap ko naman ang masakit na kapalaran ko na may fiancé na ako pero sana naman magpakita na kung sino man s'yang herodes . Hmp! may nalalaman pang pamystery effect ang kumag!. "Kunwari ka pa baby eh gusto mo naman ang mga regalo n'ya saiyo . Di ba? At mali ka kasi super hunks si baby Van. Pipili ba naman ako ng chaka na mapapangasawa mo? Although pang beauty contest na ang kagandahan natin, gusto ko paring mahaluan tayo ng lahi nila baby Van para super cute ang mga magiging apo namin saiyo" nakalabing sabi ni Mommy. "Infairness maganganda ang mga regalo n'ya Mommy pero mas gusto ko s'yang makita." Binalewala ko na lang ang sinabi ni Mommy tungkol sa mga apo. Ang bata ko pa para sa mga apo na sinasabi n'ya. Totoo na magaganda talaga ang mga regalo ni Van . Last Christmas nagpadala s'ya ng cellphone 'yung latest model. New Year naman touch screen na laptop. Valentines day bag na Hermes at kung anu-ano pa na pawang mga mamahalin. " Anong akala n'ya sa aking materialistic na tao. Makukuha n'ya ako sa mga bagay na iyon? Hmp!" "Malay mo malapit na" sabat ni Daddy habang nagbabasa ng dyaryo. Nabigla ako sa sinabi ni Daddy pero napasimangot uli ako nang tumawa s'ya. Binibiro na naman ako ni Daddy. "Ewan ko po sa inyong dalawa ni Mommy. Bakit ba naman kasi nakipagsundo pa po kayo?" "Ang cute n'ya kasi noong bata pa s'ya then nagpuppy dog eyes pa para pumayag ako , isa pa nabawasan ang sakit na nararamdaman ko sa paglalabor dahil sa kakulitan nya" nakangiting sabi ni Mommy. Kita sa mukha n'ya ang panggigigil n'ya doon sa batang nanghingi sa kanya ng aking malalambot at makikinis na mga kamay kahit nasa loob pa lang ako ng kaniyang t'yan . Hindi ba naisip ni Mommy na may pagkaweird para sa isang bata ang magrequest ng ganoon? Oh no! Kung weird ang takbo ng utak nya noong bata pa sya, ano pa kaya ngayon? Naku po Lord hindi naman sana sya praning. Kasi kung ganoon sya hindi ako magdadalawang isip na saktan siya. "Hmp! nagpuppy dog eyes lang ipinamigay n'yo na ang anak nyo." Hindi naman ako bitter kasi nga mula pagkabata ko alam ko na naipinagkansundo ako pero ang gusto kong mangyari ang makita kung sino man iyang sinasabi nilang mapapangasawa ko. Tanggap ko naman ang masakit kong kapalaran eh. Gusto ko na syang makita para malaman ko ang personality nya hanggat maaga pa. Baka mamaya kung kailang kasal na kami saka ko lang malaman na praning nga sya. Baka may alter ego din sya kagaya ni Rhodora X. " Buti nga baby kambal kayo akala ko kasi baby boy lang ang anak namin ng Daddy mo. Epic 'yung face nina Mad at Sin nang sinabi ko na baby boy ang isisilang ko" tuwang-tuwang kwento ni Mommy. Tapos tumawa pa s'ya ng buong galak. " Eh 'di dapat si Xander na lang po ang ipinagkasundo nyo sa baby Van nayun, tutal lalaki po pala ang alam nilang isisilang n'yo" Hay! ilang beses ko ba dapat marinig 'tong kwento ni Mommy na kung papaano ako nagkaroon kaagad ng fiancé kahit ilalabas pa lang ako sa mundong ibabaw. Swerte ng Van na 'yan kasi dalawa kaming lumabas kung hindi ang papakasalan n'ya ay ang kakambal kong lalaki na si Alexander. Ki bata - bata pa , kung anu-ano na ang nirerequest sa mga adults. Hmp! humanda talaga sa akin 'yang lalaking 'yan pag nakita ko s'ya. Ay! Bago ko makalimutan ako nga pala si Alexandra Sanchez kakambal ko si Alexander Sanchez at ang mga proud parents naman namin ay sina Althea at Ian Sanchez. Ang sinasabi nilang fiancé ko daw ay si VAN. Basta VAN lang ang sinabi nilang name walang surname. Minsan nga naiisip ko na baka jinojoke lang ako nina Mommy na may fiancé na ako para hindi ako makipagligawan kasi kahit picture wala silang ipinakikita sa akin. Kaya lang 'yung presyo ng mga regalo na pinapadala nya ay masyadong mahal para sa budget ng pamilya namin kaya naniwala na lang din ako. "Mommy Daddy aalis na po ako" paalam ko sa kanila panigurado kasing sasakit lang ang tenga ko sa paulit-ulit na kwento ni Mommy tungkol sa little boy na iyon. Kulang na lang iyon na ang gawin nilang anak sa mga papuri n'ya. Humalik na ako sa kanila then nagbaboosh na ang aking beauty.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD