Eight

1241 Words
****Eight**** Alex POINT OF VIEW University Cafeteria Nandito kami sa University cafeteria. Katatapos lang ng dalawa naming magkasunod na subject. Dahil magkakakalase kaming anim at slave nga ako for one month ni Mr. Nahm ito ako ngayon kasama nila. Ang apat na pogitas ay kasalukuyang nagpapacute at kumakain na naman. Parang ang dami nilang alagang sawa sa tiyan. Ang lakas nilang kumain pero kahit malakas silang kumain makikita parin sa kanila na maganda parin ang kanilang mga katawan. Nakakainggit sila kasi kahit malakas silang kumain hindi man lamang sila tumataba. Si Vincent naman ay parang walang pakialam sa kanyang paligid kahit pinagtitinginan na sila ng mga girls. Tahimik lang s’yang nakikinig ng music sa kanyang headphone. While me seryosong akong naglalaro ng harvest moon sa PSP ko. Masarap kaya itong laruin nakakarelax. Buti nga sa larong Harvest Moon mayaman na ako. Samantalang sa real life nagpapakaalipin ako dito sa lalaking suplado. Kung nagkakatotoo lang sana 'yung mga perang kinikita ko sa larong ito eh di sana nakabayad na ako dito kay Mr. Nahm. "Best!!!!!!!!!" nagulat ako sa sigaw na iyon. Parang pamilyar ang boses pero imposible kasi... "Best !!!" ulit na tawag. I looked around. OMG! Tama ba ang nakikita ko? Kinurap-kurap ko ang aking mata. Nagmamadaling lumapit sa kinauupuan ko ang sumigaw. OMG! Totoo nga . Nasa harapan ko ngayon si Sam. S’ya talaga ito. Isang babae na nakasuot ng pink corset and pink peplum skirt with pink wedges plus pink shoulder bag. S’ya na talaga ang reyna ng pink. "Best!!!! Namiss kita " sobrang sayang sabi n’ya sa akin. Tumayo na man ako at lumapit sa kanya. Nasa pagitan kasi ako nina Vincent at Ian. "Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Namiss kita eh. Hindi mo sinabi sa akin na lumipat ka na ng university" nakapout na sabi n’ya. Halata sa boses n’ya na nagtatampo sya. "Hellerrr!! Samantha Gomez papaano ko naman sasabihin sa iyo eh isang buwan ka kayang wala. Ni ha ni ho wala akong narinig mula sa iyo. Hindi ko alam kung asang lupalop ka ng mundo naroroon" sumbat ko sa kanya. PLAK! Bigla ko s’yang sinampal ng malakas. Nagulat 'yung mga nakatingin sa amin pati 'yung apat na pogita . Kanina pa kasi nakatingin 'tong mga ito. Then PLAK! Gumanti ng isang malutong na sampal si Sam. "Bruha ka!" ako. Sinampal ko uli s’ya pero sa kabilang pisngi naman para pantay. "Siraulo ka ha!" s’ya. Sinampal n’ya uli ako. Akmang magsasabunutan na kaming dalawa nang maramdaman kong hinawakan ako ni Vincent at s’ya naman ay hinawakan ni Caden. Nakatunganga pa rin ang mga taong nasa cafeteria sa amin. Tahimik silang nanonod sa fighting scene namin ni Sam. Sino ba naman ang hindi mapapatingin may dalawang magandang diyosa ang nagsasampalan? Hahaha! Nagkatinginan kaming dalawa . "Ha!ha!ha!ha!' sabay naming tawa. After five minutes.... "Ha!ha!ha!" tawa parin naming dalawa. Nakatunganga parin sa amin 'yung mga tao sa cafeteria. Paniguradong iniisip nilang baliw kaming dalawa ni Sam. Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Nagkatinginan uli kami ni Sam then bigla kaming huminto sa pagtawa at umupo na na parang walang nangyari. Epic ang mga face ng mga nakatingin sa amin. Pati ‘yung apat na pogita nakatulala sa aming dalawa. While Vincent ay nakinig na uli ng music sa headphone n’ya parang hindi kami nag-eexist sa kanyang paligid. "Bakit ka nga nandito Sam?" tanong ko. "Best namiss nga kita" sagot ni Sam. Kinuha n’ya ang nakita n’yang nakasarado pang bottled water. "Pwedeng akin na lang" sabi nya sa apat na pogita."nauhaw kasi ako sa kakahanap dito kay Alex tapos sinampal n’ya pa ako" patuloy na paliwanag nya. Nakanganga namang tumango 'yung apat. Nakakatawa sila. Ang galing ng reaksiyon ng mga mukha nila. "Talaga ! Ay thank you boys" animated na pasasalamat ni Sam. Binuksan nya ang takip ng bote at paseksing uminom. Alam na alam ko iyang style na iyan. Inaakit n’ya ang mga ito. Natural lang sa kanya 'yun . She's a born flirt but virgin pa yan kasi takot sa kanya ang mga boys. Pagnakita kasi nila si Sam at nagkainterest sila. Hahamunin kaagad sila ni Sam ng tanong na kung handa ba siyang pakasalan . Kasi kung hindi ang sagot . May kalalagyan sila. Sa ospital. Ang prinsipyo kasi ni Sam kung manliligaw ibig sabihin seryoso at malalaman n’ya lang seryoso kung handa daw s’yang pakasalan. Pero sa looks ni Sam na mukhang high maintenance . Matatakot kaagad ang lalaki na pakasalan sya. Kaya hanggang tingin lang 'yang mga boys na yan kay Sam. "Hey laway n’yo" natatawang sabi ko sa apat na pogita. "Alex bakit ka ba lumipat ng university?" tanong n’ya sa akin pagkalapag n’ya ng bottled water. "Malay ko kay Mommy" kibit balikat ko. "Nakakainis ka" dabog nya. " Pero magkakasama na tayo" laki ng ngiting sabi nya. "What do you mean?" hindi ko magets na tanong ko. "Dito na ako mag-aaral!" masayang sabi nya. "Talaga! " sigaw ko. "Oh Sam I'm so happy" masaya talaga ako magkakaroon na ako ng kasama bukod sa limang pogita. "Ah boys" baling n’ya sa apat na pogita "pasensya na kanina. Ganoon talaga kami ni Alex. Disaster pagnagkita.Ha!ha!ha!" Hingi n’ya ng paumanhin. Nabigla kasi sila sa ginawa namin. "Natural na kasi sa amin ang magbugbugan . Mula pagkabata ay gawain na namin iyon kaya sanay na sa amin ang aming mga parents tapos pinaturuan pa nila kami ng iba't ibang martial arts. Ayun kaya lumaki kaming bayolente sa isa't isa." Kwento n’ya. "By the way I'm Samantha Gomez best friend ni Alex" pakilala sa sarili n’ya. Hindi man lamang akong hinintay na ipakilala s’ya. Excited much ang peg ng bruha. Napailing na lang ako. "I'm Ian" "I'm Matheo" "Ako naman si Tommy at s’ya si Caden" Pagpapakilala nila. "S’ya , sino s’ya?" itinuro n’ya si Vincent na wala talagang pakialam sa nangyayari sa paligid . "Si Vincent" simpleng sagot ni Ian. "Alex ikaw ah . Bakit ang dami mong boylet?" nakangising baling naman ni Sam sa akin. Pinanlakihan ko s’ya ng mga mata . " Anong sinasabi mo d’yan ha?" inis na sabi ko. Palihim na inapakan ko ang paa n’ya. "Aray!Nagtatanong lang naman eh!" nakapout na namang reklamo nya. "Let's go. Malapit na ang next subject natin" yaya ni Vincent . Nagulat ako sa kanya kasi bigla na lang n’ya akong hinatak nang makatayo s’ya. Ako naman napatayo na rin. "Sam pareho ba tayo ng course?" tanong ko habang inaayos ko na ang mga gamit ko. "Yes" sagot n’ya. Nagtataka siguro s’ya kung bakit hinatak ako ni Vincent at hinayaan ko naman ang kumag na ito na hatakin ako without violent reaction. Kasi nga slave nga ako diba at walang karapatang magreklamo . Pero hindi pa alam ni Sam iyon. "Eh di pareho tayo ng mga subjects?" "Hindi lahat" sagot n’ya . "Tara na" yaya ko na lang sa kanya. Ito kasing si Vincent hindi na makapag-antay hinatak na ako nang tuluyan kaya napa sabay na ako sa kanya sa paglalakad. Nagtayuan na rin ang apat na pogita pati si Sam na makikita ang pagtataka sa kanyang mukha. Sumunod na sila sa amin. Bale nauuna kami ni Vincent na hatak-hatak parin ang braso ko at nasa likuran naman namin silang lima. Again, all eyes na naman ang mga nadaraanan naming girls. Atleast dalawa na kami ngayon ni Sam ang isinusumpa nila dahil kasama lang naman namin ang mga boys na crush nila. Salamat kay Sam may kakampi na ako sa university na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD