Alas-diyes na ng gabi nang makauwi ako ng bahay. Gising pa si Yaya Flor kaya naman pinaghanda niya ako ng pagkain.
"Tiffanie, kumain ka na kanina ka pa diyan nakatulala," ani Yaya Flor.
Tumingin ako kay Yaya Flor na nakaupo sa harapan ko, at pinagmamasdan ako habang kumakain.
"Yaya, am I a bad person?" I asked her.
Umarko ang kilay ni Yaya. "Ano ba naman 'yang tanong mo, napakabait mo nga," sagot nito.
I took a deep breath. "Bakit binigyan ako ng ganitong problema? napakahirap.”
Lumapit sa akin si Yaya at niyakap ako ng mahigpit. "Kaya mo 'yan nandito lang ako para sa iyo," sabi niya.
"Yaya Flor," umiyak ako ng malakas.
Binuhos ko na ang kinikimkim kong lungkot sa bisig ni Yaya Flor.
Nang gabing iyon ay tinawagan ko si Frederick at sinabi kong pumapayag na ako sa gusto niya 'wag lang ma-kick out si Mathew sa school. Simula bukas mag-iiba na pakikitungo namin sa isa't-isa ni Mathew.
Gising na ako ngunit nakapikit pa rin ang mga mata ko. Buong gabi akong umiyak dahil kay Mathew kaya medyo masakit ang ulo. Ilang minuto ang lumipas ay nagdesisyon na akong bumangon at magsimulang maligo at gawin ang daily routine ko. Habang nagbibihis ako, narinig kong tumunog ang cellphone ko at nang makita ko ang pangalan ni Mathew sa screen ng cell phone ay hinayaan kong tumunog ito hanggang sa tumunog ang ringtone ng text.
"Good morning, my love, I have some good news for you. Your angel sent me a miracle because the Dean called my mommy, the cellphone owner didn't file a case, and I'll be back at school tomorrow, again, I love you.
"Mom, bought an ice cream. Bigla kitang na-alala, are you busy?"
"Tiffanie, reply ka naman,"
"Tiffanie, sabay tayong papasok bukas."
Sobra akong nasaktan sa mga nabasa kong text mula sa kanya ngunit wala akong reply kahit isa sa mga text niya sa akin.
Walang kaalam-alam si Mathew na kaya siya nakabalik dahil sa 'kin. Mas gusto kong makita si Mathew na unti-unti niyang tinutupad ang mga pangarap niya kaysa nahihirapan siya na kasama ako.
Sinadya kong pumasok ng late sa school upang hindi ako ihatid ni Mathew. Pagpasok ko sa klase nakita ko agad si Mathew. Yumuko ako nang magtama ang mga mata naming dalawa.
"Tiffanie!" tawag ni Dina sa 'kin.
Agad akong lumapit kay Dina at umupo sa katabi niya.
"Anong ginawa mo?" Pabulong ni Dina sa 'kin. Nagtuturo na kasi ang professor namin kaya hindi kami makakapagkwentuhan.
"Ano'ng ginawa ko?" alibi ko.
Tumingin si Dina sa kinaroroonan ni Mathew at pagkatapos binaling ang tingin sa 'kin.
"Paanong nakabalik si Mathew? Imposibleng magbago ang isip ng estudyanteng nagreklamo laban kay Mathew,"
"Wala akong alam diyan." Sabay iwas ko ng tingin sa kanya.
"Kilala kita, Tiffanie. Magsabi ka sa 'kin ng totoo,"
"Alam mo Dina, masyadong mabigat ang pinagdaanan ko para isipin pa ang ibang tao, ang totoo niyan nakipag-break na rin ako kay Mathew para matutukan ko si Daddy," alibi ko.
"Kaya siguro biglang umatras ang may ari ng cellphone dahil nalaman na hiwalay na kayo ni Mathew."
Tumango na lang ako at nanahimik. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo dahil baka mapilitan si Dina na sabihin kay Mathew ang totoo kaya mas mabuting sarilin ko muna ang lahat.
Hindi ko hinayaan na magkaroon ng pagkakataon si Mathew na kausapin ako, palagi akong nakikipag-usap kay Dina or sa ibang kaklase namin. Sa oras ng lunch sumabay ako kay Dina at sa ibang kaklase namin.
Habang kumakain kami ng lunch dumating si Frederick at ang grupo nito. Halos lahat ng mga estudyante nakatingin sa kanila. Nakangiti si Frederick na lumapit sa 'kin. Yumuko ako nang akbayan ako ni Frederick.
"May I have your attention, please! "
He caught the attention of those inside the cafeteria. Kahit si Mathew na kumakain kasama ang kaklase namin ay tumingin kay Frederick.
"Gusto kong malaman n’yo na ang pinaka-magandang babae sa school ay girlfriend ko na. Tiffanie is my girlfriend."
Hindi pa nakuntento si Frederick yumuko siya upang magpantay kaming dalawa at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ako makakilos dahil mahahalata kaming nagpapanggap kung itutulak ko siya.
Nagulat na lang kami nang biglang tumayo si Mathew at sinipa ang upuan at pagkatapos ay naglakad palabas ng cafeteria. Napakagat-labi ako upang pigilan ang luha ko.
"Finally, I won," he whisper. Pagkatapos inilayo ni Frederick ang mukha niya sa 'kin at lumabas na rin sila sa cafeteria.
Everyone in the cafeteria congratulated me. Ngunit ang puso ko ay durog na durog sa kalungkutan.
"Tiffanie!" tawag ni Mathew sa pangalan ko.
Ignored him I quickly walked away from him, Mathew was determined to chase me kaya nang maabutan niya ako ay hinila niya ako palapit sa kanya.
"Talk to me, please!" pakiusap ni Mathew sa 'kin.
Nakayuko ako sa kanya hindi ko kayang tingnan ng diretso si Mathew dahil baka pati ako umiyak sa harap niya.
"Bakit mo ako iniiwasan? Ano'ng problema? Ilang araw ka ng hindi nagte-text sa 'kin kahit tawag ko ayaw mo sagutin,"
"Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo alam na iniiwasan na kita," pilit kong tinatapangan ang sarili ko.
Hinawakan niya ang pisngi ko upang tumingin ako sa kanya. "But why? Anong nagawa kong mali sa 'yo?"
Napalunok ako. "Akala ko ba matalino ka? Hindi na kita mahal."
"Hindi ako naniniwala sa 'yo, pag-usapan natin, please!" Umiiyak na sabi ni Mathew.
Tumalikod ako sa kanya. Napakahirap itago ang nararamdaman, sobrang sakit na makitang umiiyak ang taong mahal mo,"
"Ano ba'ng kasalan ko sa 'yo?"
Mariin kong ipinikit ang mata ko at pagkatapos ay huminga ako ng malalim upang mag-ipon ng tapang na muling humarap sa kanya at tingnan siya.
"Wala kang kasalanan ayoko na sa 'yo. Tama ang sinabi ng ibang estudyante rito ginamit lang kita para tumaas ang grades ko, 'wag mo na akong pilitin na bumalik sa iyo dahil hindi kita mahal. Boyfriend ko na si Frederick kaya tigilan mo na ako!"
Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ako naniniwala sa iyo, 'wag mo naman akong pahirapan ng ganito."
Mabuti na lang at kanina pa nakalabas ang ibang mga estudyante sa school kung hindi baka maraming nanonood sa akin ngayon. May pailan-ilang tumitingin sa 'min pero hindi naman kami nilalapitan.
"Paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan dahil totoo ang lahat ng sinabi ko. Hindi kita gusto, sukang-suka nga ako sa pagmumukha mo pero tiniis ko 'yon para sa grades,"
Tinitigan niya ako ng masama. "Katulad ka rin pala ng iba." umagos ang luha niya sa pisngi.
Gusto kong punasan ang luha niya at yakapin siya ng mahigpit ngunit pinigilan ko ang sarili ko para na rin sa ikabubuti niya.
"Oo! Katulad nila ako! Kung bakit naman kasi paniwalang-paniwala ka sa sinabi ko na gusto kita eh, ang pangit mo, hindi tayo bagay, kaya puwede na tigilan mo na ako," pumihit ako patalikod at sabay takbo papunta sa car park. Pagsakay ko ng kotse ko doon ako umiyak ng malakas. Sobrang sakit sa 'kin ang nangyari ngunit kailangan kong tanggapin. Siguro hindi talaga kami ang para sa isa't-isa. Mula sa araw na ito kakalimutan ko na si Mathew.
Pinaandar ko ang kotse ko at umuwi na ako sa bahay namin. Pinilit kong maging matatag para kay Papa.
Isang oras at kalahati ang lumipas bago ako nakauwi ng bahay.
"Mabuti at dumating ka, kausapin mo ang papa mo, hindi na naman siya kumain nagkukulong siya sa kuwarto niya habang nagpapakalunod sa alak, nag-aalala na ako sa Daddy mo, Tiffanie, " sabi ni Yaya Flor.
"Sige po, Yaya ako na ang bahala kay Daddy,"
"Tiffanie, umiyak ka ba?" Tanong ni Yaya Flor.
Marahil napansin niya ang pamamaga ng mata ko.
Tumango ako, "Opo, hindi ko kasi maiwasan na hindi maging malungkot," alibi ko.
"Tiffanie, kailangan mong maging matatag para sa Daddy mo," sabi ni Yaya Flor.
Tumango ako, Pupuntahan ko na po si Daddy, salamat Yaya." sabi ko.
Inabot niya sa 'kin ang duplicate ng susi ng kuwarto ni Daddy. "Tawagin mo ako kung kakain na ang Daddy mo para maipaghanda ko kayo," sabi ni Yaya Flor.
Pagbukas ko ng kuwarto ni Daddy tinakpan ko na agad ang ilong ko dahil sa matapang na amoy ng alak. Tiningnan ko si Daddy nasa gilid siya ng kama niya at nakaupo sa tiles na sahig niya habang umiinom ng alak.
Lumapit ako sa kanya.
"Dad, pakiusap itigil n'yo na ang pag-iinom ng alak, ilang araw na po kayong hindi kumakain at hindi na rin kayo nakakatulog ng maayos, Dad, please! 'wag n'yo naman pabayaan ang sarili n'yo, I need you, Dad, kailangan ko pa kayo," tumutulo ang luha ko sa aking pisngi.
Nakaluhod ako kay Daddy habang pinipilit kong kunin ang bote na may lamang alak sa kanya. Simula ng ihatid namin si Mommy sa kanyang hantungan nagkulong na si Daddy sa kuwarto niya, sobrang sakit na makita si Daddy sa ganoong kalagayan.
"Anak, pabayaan mo muna ako gusto ko lang pansamantalang makalimot. Habang lumilipas ang mga araw mas lalo kong nangungulila sa Mommy mo." Sabay inom ng alak.
"Hindi na ba ako mahalaga sa 'yo? Bakit ayaw mo'ng maging matatag para sa 'kin?"
Mabilis na pumatak ang luha ko, sa totoo lang stress na ako pero kinakaya ko lang dahil pagpumapasok ako sa eskwela si Mathew naman ang problema ko, kapag uuwi ako si Daddy naman.
Hinawakan ni Daddy ang mukha ko at tumingin sa 'kin. "Pabayaan mo muna ako anak, babawi ako sa 'yo kapag kaya ko na,"
"Pero kumain naman po kayo, sabayan n'yo akong kumain, please."
"Kakain ako kapag gusto ko, hayaan mo muna ako."
"Dad… please," sambit ko.
"Pumunta ka na sa kuwarto mo at magpalit ka ng damit, kakain na lang ako mamaya," sabi ni Daddy.
Wala akong nagawa kung hindi ang iwan si Daddy at pumunta na ako sa kuwarto ko dahil ayaw talagang paawat ni Daddy sa akin. Sisiguradihin ko na lang na makakain siya mamaya.
Nakaupo ako sa gilid ng kama nang mapansin ko ang picture frame naming tatlo na nakapatong sa ibabaw ng table, kuha 'yon noong pumunta kami sa disney land noong christmas. Masaya kaming tatlo noon but now it's very different.
"Mommy, i-guide mo ako sa mga desisyon kong gagawin sa buhay ko, sana maging okay na si Daddy hindi man ngayon pero sa mga susunod na araw ay maging okay na siya," kausap ko sa larawan niya.
Pinahid ko ang luha ko sa pisngi at pagkatapos ay huminga ng malalim. "Kakayanin ko ito."