Nagsimula ng pumatak ang ulan ngunit hindi pa rin kami umaalis. ni Daddy sa puntod ni Mommy. Ang ibang mga sumama sa paghatid kay Mommy ay umalis na. si Yaya Flor, Daddy at kami ni Mathew ang naiwan.
Daddy knelt on Mommy's grave while he cried. "Dear, Paano na ako, paano na ako mabubuhay kung wala ka, ikaw ang buhay ko, Dear. Ang daya-daya mo naman, ang sabi ko 'diba ako ang dapat mauna sa'tin dahil hindi ko kayang mabuhay kung ikaw ang mauuna, bakit inunahan mo ako, paano na ako, Dear," palahaw na iyak ni Daddy.
Hinimas ko ang likod ni Daddy. "D-Daddy, I'm still here, I need you, nasa langit na si Mommy tanggapin na lang natin ang katotohanan" I said.
"Tiffanie, hindi ko kayang tanggapin na wala na ang Mommy mo, sobrang sakit anak, ang hirap mabuhay ng wala siya, nasanay na akong nandyan sa tabi," muling umiyak si Daddy at pagkatapos hinimas ang puntod ni Mommy. "Dear, paano na ako? wala ng magpupunas ng likod ko kapag pawis ako, walang magtimpla ng kape ko, wala ng magagalit sa'kin kapag napapasobra ang kain ko ng madami at higit sa lahat wala ng magsasabi sa'kin na mahal kita. Ang sakit-sakit para akong dinaya, bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa ang kinuha niya, marami namang masasamang tao diyan hindi niya kinuha bakit ikaw pa!" Palahaw na iyak ni Daddy.
Wala akong nagawa kung hindi ang hakapin ng mahigpit si Daddy habang umiiyak siya sa pagkamatay ni Mommy. Hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok sa utak ko na wala na si Mommy para akong nasa ilalim ng bangungot at gusto ko ng magising.
Parang noong nakaraang araw lang masaya kaming tatlo na kumain ng pananghalian. Nag-jojogging sa umaga at kahit sa pagso-shopping magkasama kaming tatlo. Pagkatapos ngayon wala na si Mommy. Sobrang sakit na mawalan ng Mommy. Ngunit kailangan kong magpakatatag para kay Daddy.
Hanggang sa bahay namin ay hindi umalis si Mathew. Siya ang isa sa mga naging sandalan ko simula ng mawala si Mommy. Mathew, and I were sitting on the sofa, pinatulog ko na kasi si Daddy bago ko kausapin si Mathew.
"Thank you so much, Mathew,"
Hinihimas niya ang balikat ko habang nakatingin siya sa'kin. "If you need someone to talk, I'm just here for you. I'll be your shoulder to cry on."
"Thank you," tipid kong sagot.
Tiffanie, I know how you feel right now, pero kailangan mong maging matatag para sa Daddy mo."
I nodded. "I know, Daddy needs me," pinunasan ko ang luha ko sa mga mata ko. "Mathew, umuwi ka na baka hinahanap ka ng Mommy mo,"
"It's okay. I'll be with you until you're okay,"
Tinitigan ko siya at pagkatapos ay dahan-dahan akong lumapit sa kanya pagkatapos ay mabilis ko siyang hinalikan sa labi.
Natulala si Mathew sa ginawa ko at umiwas ng tingin. "I-I need to go home," he stood up.
"Teka, akala ko ba dito ka muna sa bahay?"Tanong ko.
Tumingin siya sa 'kin. "Hindi ko matutupad ang pangako kong samahan kita ngayon dahil kapag nanatili ako rito, baka hindi ko makontrol ang sarili ko," sabay talikod niya sa'kin.
"Ihatid na kita sa labas," pagkatapos sinamahan ko siya palabas.
"Mag-ingat ka sa pag-drive," sabi ko nang makasakay na siya sa kotse.
"Thanks," sagot niya.
Tumalikod na ako upang pumasok sa loob ng bahay ngunit napahinto ako nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko.
"Tiffanie!"
Pumihit ako paharap sa kanya. "Bakit?"
"Come to me," sabi niya.
I walked towards him. Pagkatapos ay yumuko ako upang magpantay kami. "What's wrong—
My eyes widened when he suddenly kissed me. "Good bye, kiss," sambit niya matapos ang tatlong segundong laplapan namin.
Isang minuto na ang lumipas ngunit nakatayo pa rin ako sa labas ng bahay namin. Hindi ko matanaw si Mathew, ngunit ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. When I got inside, I saw Yaya Flor waiting for me. I walked towards her.
"Bakit hindi pa kayo nagpapahinga Yaya?" tanong ko.
Yumuko ako nang titigan niya ako. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim. "Tiffanie, hindi sa nakikialam ako sa'yo pero ang boyfriend mo'ng si Mathew masyado naman yata siyang umaabuso sa'yo, hindi ko alam kung ganyan na ba talaga ang mga kabataan ngayon, ang sa'kin lang baka mabuntis ka agad. Alalahanin mo wala na ang Mommy mo, mas kailangan ka ng Daddy mo," paliwanag ni Yaya Flor.
Kung ibang tao ang nagsabi sa'kin ng gano'ng bagay baka nagalit na ako sa pakikialam sa'kin, ngunit alam kong concern lang siya sa akin at hindi na rin iba ang turing niya sa'kin.
"Opo, Yaya Flor," tipid kong sagot.
Umakyat ako sa second floor upang pumunta sa kuwarto at matulog dahil bukas magiging iba na ang araw namin.
******
Maaga akong nagising upang maghanda sa pagpasok sa eskwela dalawang linggo rin akong hindi nakapasok kaya kailangan kong humabol sa mga lectures ng professor namin.
Pagpasok ko sa loob ng classroom namin hinanap ko agad si Mathew hindi kasi niya ako sinundo kaninang umaga ang sabi kasi niya sabay kaming papasok.
"Tiffanie!" tawag sa ‘'kin ni Dina.
Papasok pa lang siya ng classroom namin. Hinintay ko siya upuan sa tabi.
"Mabuti naman at nakapasok ka na," sabi niya sa'kin.
Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ang daming kong hahabulin ngayon," sabi ko.
Huminga ng malalim si Dina. "Tiffanie, may kailangan kang malaman," ani Dina.
"Ano 'yon?"
"Simula ng hindi ka pumasok hindi na rin pumasok si Mathew. Napabayaan na niya ang pag-aaral niya, kahapon pinatawag siya ng Dean dahil sa mga absent niya. Kahapon din ng hapon nahuling nasa bag niya ang I phone 11 pro max ng isa sa mga classmate natin,"
"Ano! Hindi magagawa 'yon ni Mathew alam mo namang hindi niya 'yon kayang gawin, nasaan siya?"
"Hindi siya pumasok dahil kailangan niyang papuntahin ang magulang niya baka i-kick out na siya sa school,"
Tumayo ako. "Pupuntahan ko si Mathew,"
Hinawakan ni Dina ang kamay ko. "Kakapasok mo lang Tiffanie baka ikaw ang pag-initan,"
"Wala akong pakialam napapahamak si Mathew dahil sa'kin. Kung hindi niya ako sinasamahan sa mga araw na nagdadalamhati ako hindi siya mapag-iinitan,"
"Ano ka ba, Tiffanie, mag-isip ka nga! Gusto mo puntahan si Mathew paano kung ikaw pag-initan at kick out ka rin dito sa school paano ka na? Gusto mo ba dagdagan ang problema ng Daddy mo?"
Natigilan ako. May tama si Dina, hindi ko dapat bigyan pa ng problema si Daddy.
"Pupuntahan ko na lang siya mamaya," sabi ko.
Sinubukan kong tawagan si Mathew ngunit hindi niya sinasagot ang tawag maging ang mga text ko sa kanya ay hindi rin niya sinasagot. Hanggang sa sumapit ang uwian namin nagmadali akong naglakad papuntang car park upang puntahan si Mathew ngunit nang naroon na ako nakita ko si Fredrick na nakasandal pa sa harapan ng kotse ko. Nakangiti pa siya sa akin nang makita niya ako.
Matalim ko siyang tinitigan. "Why are you here?"
"Gusto lang kitang kumustahin." Nakangisi pa ito.
"Umalis ka diyan!" Utos ko sa kanya.
Humakbang siya palayo ng kaunti sa kotse ko upang mabuksan ko ang pinto ng kotse ko.
"Kaya kitang tulungan sa problema mo sa boyfriend mo," sabi ni Frederick.
Kuyom ang kamao ko. "Walang hiya ka! Sinasabi ko na nga ba! Ikaw ang may kagagawan ng lahat na nangyayari kay Mathew!" Hinampas ko siya.
"Stop it!" Hinawakan niya ang kamay ko at tinulak ako.
"f**k you! Napakasama ng ugali mo!"
"Tutulungan ko si Mathew na hindi ma-kick out sa school pero sa isang kondisyon,"
Halos patayin ko siya sa mga tingin ko. "Ano naman?"
"Hihiwalayan mo siya at sasabihin mo ang ako ang boyfriend mo,"
"Son of a b***h!"
"Sinabi ko sa'yo Tiffanie kung hindi ka lang naman magiging akin. Hindi naman ako papayag na sa isang pangit at weirdo na lalaki ka lang mapupunta, hindi ko titigilan si Mathew hanggang sa tuluyang masira ang pangalan niya," sabay lakad nito palayo sa kanya.
Naabutan ko si Mathew na kausap ang Mommy niya sa may sala ng kanilang bahay, pinapasok na kasi ako ng katulong nila.
"Tiffanie," sabay tayo ni Mathew. Niyakap niya ako at hinalikan sa labi. "I miss you," sabi niya.
"I miss you, too. "
"Kausapin mo nga 'yang boyfriend mo Tiffanie, simula nang magkaroon ng love life hindi na nakapag-focus sa pag-aaral kung ano-anong kahihiyaan ang binigay sa 'kin," galit na sabi ng Mommy niya.
Nasaktan ako sa sinabi ng Mommy niya dahil parang sinisi nito ang relasyon naming dalawa.
"Mom, 'wag n'yong sisihin ang relasyon namin ni Tiffanie, masaya akong kasama siya," sagot ni Mathew.
Nakapamaywang na humarap sa amin ang Mommy niya. "Ano ngayon ang gagawin natin? I-kick out ka na sa university na pinapasukan mo may bad record ka na. Wala ka ng scholar at higit sa lahat pangit na ang image mo,"
"I told you, Mom. Sinadya nilang ilagay sa bag ko ang cellphone,"
"Alam ko 'yon pero paano mo mapapaniwala na hindi mo 'yon kinuha?" Napahawak pa sa noo ang Mommy ni Mathew.
"Mag-stop muna ako ngayon," sabi ni Mathew.
Napatingin ako kay Mathew. Dalawang taon na lang kasi ay makakapagtapos na kami ng pag-aaral at si Mathew at candidates for c*m laude.
"Mathew, anong ba'ng utak ang meron ka!" sigaw ng Mommy niya.
Nakayuko ako habang nakikinig sa pag-aawat ng mag-ina. "Let's go, Tiffanie.” Sabay hila sa'kin ni Mathew sa beranda ng kanilang bahay.
Nagdala ng pagkain ang katulong niya sa 'min.
"Huwag mong isipin ang sinabi ni Mommy," ani Mathew.
"May tama naman ang Mommy mo." Pilit kong 'wag umiyak.
Hinawakan ako sa balikat ni Mathew at tinitigan. "I'm happy to be with you, makakapagtapos ako ng pag-aaral kahit hindi sa school na 'yon, tutuparin ko pa rin ang pangarap ko. Pangako mo sa 'kin na hindi mo ako iiwan,"
Tumango ako at pilit na ngumiti. Napakahirap ang aminin sa kanya ang totoo. Ngunit dahil sa nangyari mas gugustuhin kong hiwalayan na lang si Mathew upang matupad ang pangarap niya ng wala ako.
"I love you, Tiffanie," sabi niya.
"I love you, too," sagot ko sa kanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit gayun din ako. Magkayakap kaming dalawa habang pinag-uusapan ang future naming dalawa. Napakasarap lang pag-usapan ang pangarap naming dalawa na magkasama ngunit alam kong hindi iyon mangyayari.
"Tita, aalis na po ako," sabi ko sa Mommy ni Mathew nang magpaalam ako sa kanya.
Tumingin siya sa 'kin. "Where's Mathew?"
"Magbibihis lang daw po ng damit," tipid kong sagot.
Huminga ng malalim ang Mommy niya. "Tiffanie, alam mong hindi ako tutol sa relasyon n'yong dalawa, mahal ko kung sino ang mahal ni Mathew, pero sa nangyayari sa kanya ngayon napapabayaan na niya ang pag-aaral niya dahil sa iyo hindi kita sinisisi dahil alam kong masaya si Mathew sa iyo, ang gusto ko lang makapagtapos siya ng pag-aaral at matupad niya ang pangarap niya, kung mahal mo si Mathew alam mo ang ibig kong sabihin."
Tumango ako at pilit na pinipigilan kong huwag umiyak.
"I understand," tipid kong sagot.
"Mom, ano'ng pinag-uusapan n'yong dalawa?" tanong ni Mathew. Bigla kasi itong dumating.
"Wala naman pinag-usapan lang namin ang Daddy niya, 'diba Tiffanie?"
Tumango ako. "Oo, let's go!" Sabay talikod ko.
Nauna akong naglakad palabas sinundan naman ako ni Mathew hanggang sa nasa tapat na ako ng kotse ko.
"Papasok ka na ba bukas?" tanong ko
"Nakausap na ni Mommy kanina ang Dean at pinag-uusapan daw kung i-kick out ako, hindi na lang ako papasok ng tuluyan,"
"Paano ang pag-aaral mo?" tanong ko.
"Next year ko na lang itutuloy, don't worry about me,"
"Ikaw ang bahala, bye!" Pagkatapos ay sumakay na ako ng kotse ko.
Buo na ang desisyon kong pumayag sa gusto ng Mommy ni Mathew at ni Frederick para kay Mathew.