It's been five years simula noong nangyari sa 'kin ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko.I lost my mom and I hurt the man I loved. Marami ang nagbago. Nawala ang yaman na pinundar ng Mommy ko dahil sa pagiging adik ni Daddy sa sugal, higit pa roon naisangla rin niya ang bahay at lupa namin na tinitirahan namin, nagsisi man siya sa ginawa niya huli na dahil hindi na maibabalik ang lahat.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto habang pigil ang hininga ko upang hindi ako makagawa ng ingay para hindi marinig ni Daddy. Ayoko kasing malaman niya kung anong oras ako umuwi ngayon.
Finally, I opened the door and ran to my room. habol ang hininga ko nang makarating ako sa loob ng kuwarto, para akong teenager na tumakas sa magulang. Binuksan ko ang aircon na nasa gilid ng dingding, pagkalipas ng ilang minuto ay naramdaman ko ang lamig ng luma kong aircon na hindi ko na nagawang palitan. Alas-tres na ng madaling araw nang tumingin ako sa wall clock.
Mabuti na lang at tulog na si Daddy.
Nag-half bath ako pagkatapos ay nagpalit ako ng damit bago matulog. Hindi kasi ako makatulog kapag hindi nag-half bath o naligo. Mainit sa pakiramdam dahil hindi na sapat ang lamig ng aircon ko dahil lumang-luma na ito.
This is my daily routine since my mother died. I worked as a secretary at the Dellilah company, sa gabi nagtatrabaho ako bilang cashier sa isang resto-bar. Kailangan kong mag-doble kayod para makabayad ng utang ni Daddy. Dahil doon hindi ko natapos ang kurso ko na BS Architecture major in interior design, kinailangan ko na kasing magtrabaho para matustusan ang pangangailangan namin ni Daddy.
I woke up when I heard someone knocking on my door. Sinubukan kong balewala ang kumakatok dahil inaantok pa ako.
“Tiffanie, wake up, it’s seven o’clock in the morning,” narinig kong sigaw ni Daddy sa labas ng kuwarto ko.
“Daddy, it’s Saturday today, don’t disturb me, I need a rest,” I shouted.
“Oh, sorry, I forgot.I’ll prepare a meal for you when you wake up.”
“Thank you, Dad,” I answered.
Nagsimula ulit akong matulog ngunit limang minuto pa lang ang nakalipas ay tumunog ang cellphone. Binaliwala ko iyon sa pag-aakalang hindi na muling magpapa-ring ang sinuman ang istorbo na 'yon.
“Fvckin s**t!”
Kinuha ko ang cellphone ko sa table at sinagot ko ang tawag. "Hello,” I whispered.
“Hey, Good morning, Tiffanie, how are you? Do you have a plan for today?” said Dina on the other line.
My brows furrowed. “Who fuckin are you?” I’m just pretending that I don’t remember her.
“C-mon, I am your beautiful, hot, and sexy best friend. It’s me, Dina.” She laughs louder.
I rolled my eyes. She is so very proud of herself.
Bumangon ako at sinandal ko ang likod ko sa dashboard ng kama ko habang kausap ko siya. “Do you know what time it is?” hinilot ko pa ang noo ko dahil sumasakit ang ulo ko.
She laughed again, “Yes, of course, by the way, I’m sorry if I messed up your sleep, but I have some good news for you, please, come to my condo unit.”
I raised my eyebrows. “Anong good news ba 'yan?”
"Secret, pumunta ka sa condo ko ngayon. Hihintayin kita, bye!"
I sighed. “She is irritating.”
Nagmadali akong naligo at umalis, hindi na ako kumain ng breakfast. Sumakay ako sa lumang kotse ko na regalo pa sa akin ni Mommy noong debut ko. Kaya kahit bulok na ito hindi ko pa rin pinapilitan dahil may sentimental value sa 'kin ito.
Nagmadali akong pumunta sa condo unit ni Dina para makausap siya. Hindi naman sa excited ako sa balita niya gusto ko lang siyang bigyan ng isang sampal dahil sa paggagambala niya sa tulog ko.
Tumunog ang phone ko at nang tingnan ko ay si Dina ang tumatawag.
“Tiffanie, where are you?” Dina asked.
“I’m about to come.”
“Good, I prepared tea and cake for you.”
“Sounds good.”
Pagkalipas ng ilang minuto ay nasa tapat na ako ng pinto ng condo niya. Binuksan niya ang pinto bago pa ako mag-doorbell
Ngumiti siya sa 'kin at pagkatapos ay niyakap ako. "Tiffanie, kumusta?"
"I'm okay,” sagot ko sa kanya.
Hindi naman mawala ang ngiti ni Dina sa kanyang labi. "Kailangan mong malaman ito.".
I raised my eyebrows. She’s acting like a weirdo. “What is that?” I said while I waited for her good news.
"Let's go inside bawal sa tapat ng pinto ang bisita," ani Dina.
Pumasok ako sa loob ng condo niya at pagkatapos may kinuha si Dina sa drawer.
“Tiffanie, I’m pregnant,” she put the pregnancy test kit on the table.
Kinuha ko ang pregnancy test kit. “Seriously? Isn’t prank?” I said
She nodded. “Yes, I'm two months pregnant with my new boyfriend, and it's not a prank.” She smiled.
I saw two lines on the pregnancy test kit, and it’s confirmed that she’s pregnant. “You’re pregnant?” Pag-uulit ko.
“Yes, one hundred percent sure, and you will be the godmother of my child.” She looks excited.
Tinaasan ko siya ng kilay. 'yan lang ba ang dahilan kung bakit mo ako pinapunta rito?"
"Bakit hindi ka ba masaya para sa 'kin?" tanong niya.
Pinag-ekis ko ang hita ko habang nakaupo sa malambot na sofa niya. "Para kang tanga! pinapunta mo ako rito para sabihin na buntis ka? pwede mo naman sabihin sa cellphone or text, bakit? ako ba ang tatay ng anak mo. I scoffed.
Sa halip na sagutin niya ako ay pumunta siya sa kitchen upang kumuha ng tea at sweet cake. “For you, don’t be mad at me, you know how much I value our friendship, whenever someone is new to me. You’re the first to know.” She patted my shoulder and smiled.
Kinuha ko ang tea at tinikman ko ito bago nagsalita. "Ano pa ba ang gusto mong sabihin ko? dahil masaya ka, masaya na rin ako para sa 'yo, sana lang hindi ka iwan ng boyfriend mo."
She hugged me. “Thank you.”
“You’re welcome,” I said.
Dina is my best friend. We’ve been together since we were in college. So we’re almost like siblings. Kahit madalas akong naiinis dahil sa pagiging maarte niya at pagiging happy go lucky niya.
“Anyway, tell me about your love life?” tanong niya habang naghihiwa siya ng cake at kinain niya ito.
“Contrary to the sweet taste of this cake. Did you forget that I have been loveless for more than five years.”
“You’re not getting any younger, find your love. don’t waste your time at work.”
Nanahimik ako, sa tuwing napag-uusapan ang tungkol sa lovelife ko ay para akong pipe na hindi makapagsalita.
She stared at me. “I heard that Mathew is finally back in the Philippines.”
I looked up at her. “Seriously?”
She nodded. “The news came from a college friend of mine who was a close friend of Mathew’s.”
“I see…”
“He has changed a lot.” Hinawakan niya ang braso ko “Are you ready to see him?”
Smiled bitterly. Of course, I'm ready to see him.”
Sa totoo lang ayoko ng magtagpo ang landas namin ni Mathew dahil wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Matapos kong makipag-break kay Mathew hindi na ito pumasok sa school, nabalitaan ko na lang na pumunta na ito ng ibang bansa upang doon mag-aral. Umalis si Mathew na may galit sa 'kin at wala akong nagawa para humingi ng tawad sa kanya.
She sighed. “I know, you’re not ready to see him.”
"Maybe yes,"
"Siguro naman hindi kayo magkikita unless na lang kung a-attend ka ng mga party ng mga classmate natin noong college, may posibilidad na magkita kayo lalo na at nandito na siya sa pilipinas."
"Yeah, don't worry, I'm busy with my works wala akong time sa nightlife." Tumayo ako. "Kailangan ko ng umalis. Kailangan kong bumawi ng tulog dahil bukas todo trabaho na ako,"
"Magkano ba ang utang ng Daddy mo? Pwede naman kitang pautangin,"
"Siguro two million pesos or more hindi ko alam kay Daddy."
"Tanungin mo sa Daddy mo baka mamaya niyan kahit tumanda ka na sa pagtatrabaho hindi ka pa bayad kasi billion pala utang ng Daddy mo,"
"I will, I have to go." Niyakap ko siya bago ako umalis.
Malalim ang iniisip ko habang nagmamahe ako sa pauwi nang biglang may tumawid na batang lalaki sa harapan ko. Mabilis kong kinabig ang manibela ng kotse ko pakanan upang iwasan ang batang biglang tumawid ngunit hindi ko napansin ang kulay dilaw na kotse na naka-park sa harapan ng isang sikat na restaurant.
"s**t!" Nahampas ko ang manibela ko.
Kung minamalas ka nga naman. Wala ka na ngang pera nakabangga ka pa. Lumabas ako upang tingnan kung gaano kalalaki ang damage ng nabangga ko ngunit nang makita ko ang kotse bigla akong nanlambot.
"Oh, God, Its Ford mustang Gt 5.0,"
Nayupi ko ang likod ng kotse. Gusto kong sumakay sa kotse ko at takbuhan na lang ito. Ngunit hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko.
Lumapit ang security guard ng restaurant na nasa entrance door.
"Naku, Miss ang mahal ng binangga n'yo,"
Gusto kong umiyak ng malakas dahil sa sinabi ng guard. Imbes na pagaan loob ko mas lalo pa niya akong tinakot.
"N-Nasaan po ang may-ari nito?"
"Nasa loob sandali lang at tatawagin ko," sabi ng security guard.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para hintayin ang may ari ng kotse na siguradong sobrang yaman. Ilang saglit pa, Isang six-foot na maputing lalaki na may suot na salamin, at siguradong malalaglag ang panty mo dahil kahit nakasalamin siya ramdam mo ang kanyang karisma at mukha siyang gwapo.
Napaawang ang labi ko nang makita ko ang lalaki na nakatayo sa harapan ko, he is handsome, and hot. Tanggal ang tatlong butones ng polo niya sa taas kaya nakadungaw ang balahibo nito sa dibdib, fitted ang white polo niya kaya bakat din ang abs niya.
Marami akong nakitang lalaki pero itong isang 'to ang masasabing ulam.
"“Hey, ikaw ba ang nakabangga ng nakaparada kong kotse?” he asked.
husky ang boses ang galing siguro niyang kumanta.
"Y-Yes!" sabay iwas ko.
Mabuti na lang at nakasuot siya ng shades dahil baka hindi ako makatingin sa kanya.
Tiningnan niya ang kotse niya at pagkatapos umiling siya. "Kailangan kong gumastos ng three hundred thousand sa pagpapaayos ng kotse ko."
"Three hundred thousand pesos," parang kahit yata I-donate ko ang isang kidney ko hindi pa rin aabot ng three hundred thousand.
"S-Sir, I have no money, pwede niyo ba'ng bawasan?"
Nagkibit-balikat siya. "Well, ipapakulong kita kung ganoon."⁶
"Don't do that sir, please! Babayaran ko na po pero partial p*****t po," sagot ko.
Saglit siyang nag-isip. "Okay,"
"Thank you, sir!"
Kinuha niya ang number ko at kinuha ko rin ang number niya upang magkaroon kami ng pag-uusap about sa pagbabayad.
Pagdating ko sa bahay agad kong kinuha ang passbook ko. Six hundred thousand lang ang laman ng passbook ko kung mababawasan ng three hundred mas lalong mahihirapan akong makabayad sa utang namin.
Nahilamos ko ang mukha ko sa inis ko. "Ang gaga mo kasi! Kaya ka laging nahihirapan,"
Hindi ko napigilan umiyak sa inis. Nagbihis ako ng damit at pagkatapos ay patihaya along humiga sa kama. Binuksan ko ang cellphone ko at aksidenteng na-scroll ko ang numero ng lalaking nakabangga ko. Wala sa isip kong tawagan siya. Huli na para umatras dahil sinagot niya ang tawag.
"Who are you?" tanong ng lalaki.
Boses pa lang niya guwapo na kaya lang hindi mabait sa katulad kong maganda.
"Good afternoon sir, gusto ko lang sana sabihin na hindi ako makakabayad ⁶6⁶⁶ng half p*****t sa nasira niyong kotse, wala akong ipon," alibi.
"I see… I have an offer for you, if you do it well, hindi ko na sa'yo pababayaran ang pagpapa-ayos ng kotse ko,"
Napatayo ako sa narinig ko at sinandal ko ang likod ko sa dashboard ng kama ko.
"Ano po 'yon sir?"
"May masquerade party akong pupuntahan tonight. I need a girlfriend to come along with me, busy kasi ang girlfriend ko kaya ikaw ang gagawin kong substitute?"
"Yes sir!" walang pag-aalinlangan kong sagot.
Mas gusto kong magpanggap na girlfriend kaysa mabawasan ang ipon ko. Isa pa, ilang oras lang naman akong magiging girlfriend niya.
"Okay, susunduin kita sabihin mo sa akin kung saan ka nakatira."
"No need sir, ibigay niyo na lang ang address ng venue ng party at doon lang po tayo magkita," sagot ko.
Mahirap na baka budol 'to e, kailangan pa rin mag-ingat.
"No problem, I'll text you, bye!" He cut the call.
Pagkababa ko ng cellphone ko agad naman siyang nag-text sa 'kin at ibinigay ang address. Dahil nakalimutan kong tanungin ang name niya. Mr Shades ang nilagay kong name niya sa contact ko.
Pagsapit ng alas-siyete ng gabi ay umalis na ako ng bahay, sinadya kong maging maaga dahil baka abutin ako ng traffic. Naka-black fitted dress ako na backless, sa harap naman ay off shoulder. Nang nasa tapat na ako ng sikat na hotel tinawagan ko ang si Mr Shades. Ngunit bago pa niya sagutin ang tawag ko nakita ko na ang ford mustang niyang paparating. Huminto ito sa tapat ko. Naka-black tuxedo siya na white ang ilalim at may necktie na kulay red. Nakasuot ito mg mask na tulad ng kay Zoro.
Kung gaano ka-gwapo ng sasakyan niya gano'n din ang may ari. Parang gusto ko tuloy agawin ito sa girlfriend niya.
"Hey? Are you okay?" He asked.
"Ay! Sorry!" Sabay iwas ko ng tingin sa kanya.
"Let's go!" Where is your mask? tanong niya sa 'kin.
"A-Ahh, nakalimutan kong dalhin ang mask ko,"
"I see…"
Bumalik siya sa kotse niya pagbalik niya may hawak na siyang mask na katulad ng sa kanya.
"Here, suotin mo ito,"
"Thanks!" sinuot ko iyon.
"Better, let's go!"
Humawak ako sa braso niya habang papasok kami ng hotel pagpasok namin may hinatid na kami ng isa sa mga empleyado ng hotel sa pagdarausan ng party.
Huminga ako ng malalim habang naglalakad kami papunta sa maraming tao. Mabuti na lang at nakatakip ang mga mata namin hindi nila ako makikita.
"Where we going?" tanong ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at pagkatapos ay pumunta kami sa bakanteng table. May waiter na lumapit sa 'min para magbigay ng pagkain.
"Just eat," sabi niya.
"Hindi na ako nagpapilit pa dahil gutom na rin ako kaya kumain na ako,"
Dahil hindi kumakain ang kasama ko. Nawalan ako ng ganang kumain. Nahihiya na akong kumain lalo na at pinapanood lang niya ako habang kumakain.
Nagpatugtog ng sweet dance music kaya naman isa-isang pumunta sa gitna ang magpa-partner.
"Shall we dance?" sabay lahad niya ng kamay niya.
Bilang substitute girlfriend kailan kong sumunod. Tumango ako at pagkatapos ay pumunta kami sa gitna. Hinawakan niya ang bewang ko, ang kamay ko naman ay nakahawak sa balikat niya.
Nakatingin siya sa'kin habang sumasayaw kami ng sweet sa saliw na musika ng Remember me this way
Hindi ko alam kung bakit wala akong nararamdaman pagka-ilang sa kanya. Habang nagsasayaw kami. Hindi kami nag-uusap dalawa dahil wala naman kaming dapat pag-usapan.
Pagkatapos ng sayaw inikot ni Mr Shades ang mga mata niya sa paligid pagkatapos hinawakan niya ang kamay ko at naglakad papunta sa isang table kung saan puro mga lalaki ang naroon.
"It's that you, Mate?" Sabi ng lalaki na nakatakip ng mask rin ang mga mata.
"Yes, Mate," sagot ni Mr Shade.
"Mate, sino 'yang kasama mo?" tanong ng isang lalaki na nakasuot ng red polo.
"My girlfriend," sabay kabig sa'kin palapit sa kanya.
Tipid akong ngumiti sa kanila. Mas maganda na rin na hindi ko sila kilala at hindi nila ako kilala.
"We are not believe you," sabi ng isa.
Nagulat ako nang bigla akong hinalikan ni Mr.Shade sa labi. The first thing that came to my mind was to slap him, pero hindi ko nagawa dahil maraming taong nakatingin sa 'min.
"Whoa!" sigaw ng mga lalaki.
"Naniniwala na kayo?"
"Excuse me, pupunta lang ako ng comfort room," sabi ko, limang minuto ang lumipas noong halikan niya ako.
"Sure,"
Hindi ko na hinintay si Mr. Shades na sumagot dahil diretso na ako sa female comfort room at doon ako umiyak.
Hinalikan ako ng lalaking hindi ko kilala. Kasalanan ko kasi pumayag ako na sa gusto niya.
I wiped away my tears after going out of the comfort room paglabas ko nakita ko si Mr Shade nag-aabang sa akin.
Pilit ang naging ngiti ko sa kanya kahit ang totoo ay gusto ko siyang sampalin.
"Let's go!" sabi niya.
"Kailangan ko ng umuwi," sabi ko.
"Nag-uumpisa pa lang ang party,"
"Mr Shade, ang sama kasi ng pakiramdam ko," alibi ko.
Huminga siya ng malim. "Okay, ihahatid na kita,"
Tumango ako pagkatapos ay pumihit ako patalikod sa kanya at lumabas kami ng hotel.
"Thank you," sagot ko. Tumalikod na ako sa kanya upang sumakay sa kotse.
But I was surprised when he suddenly pulled me closer to him. He grabbed my waist and kissed me. tinulak ko siya pero mas malakas siya sa 'kin. One of his hands was holding my ass, and he was squeezing it.
Huminto siya sa paghalik sa 'kin nang maramdaman niyang tumutulo ang luha ko.
Sinampal ko siya ng malakas. "I'm not prostitute!" sabay sakay ko ng kotse ko.