MAYUMI’S POINT OF VIEW
✦
“You saved my life. How much do I need to pay you?”
Sa lahat ng una kong maririnig galing sa muntik ng maaksidente, ang tanungin ako kung magkano ang presyo ng pagligtas sa kanya ang isa sa mga hindi ko inaasahan at lalo hindi ko inaasahang magpapagalit sa akin ng ganito. Ang kaba at adrenaline rush ko kanina ay tuluyan ng napalitan ng galit.
“Siraulo ka ba?!” Lumayo ako sa kanya ng konti dahil baka konting galaw niya lang ay yugyugin ko siya ng magising siya!
Lasing ba itong babaeng ito? Sa tingin ko naman hindi kasi hindi naman siya amoy alak. Mukha siyang nasiraan ng bait talaga sa tanong niya pero hindi naman siya mukhang literal na siraulo. Kung tutuusin… Binigyan ko ang sarili ko ng ilang minuto para kumalma at tinignan siyang mabuti.
Kung sino man ang babaeng ito, sigurado na akong kasama lang siya sa society. Society meaning ang buong entertainment industry. Hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng pakiramdam kong nasa maliit na circle lang kami pero wala talagang space sa pagdududa ko. Hindi lang basta ordinaryong mamamayan ang dalagang ito.
Para bang nahimasmasan na rin siya sa tanong niya. “Sorry, I didn’t mean to startle you that way. It’s just that…”
Hindi ko namalayan na may ilan-ilan na ang pinapanood kami. Gusto kong tuktukan ang sarili ko dahil makaagaw pansin nga naman kasi talaga ang sigaw ko sa kanya. Lalong hindi na ako magtataka kung may biglang aawat sa amin dahil mukha naman talaga kaming nag-aaway nito.
Huminga ulit ako ng malalim at tuluyan ng ni-let go ang galit ko. “B-Basta sa susunod mas mag-ingat ka na lang. Sorry kasi nasigawan kita pero, just in case na sa ganito ka sanay, hindi normal na presyuhan mo ang kahit sino na nagligtas sayo. Aalis na ako ‘ha. Utang na loob ‘wag ka munang magpapakamatay ngayon kasi hindi ko kakayanin.”
Umalis na ako kahit na nga ba labag sa loob ko. Gusto kong siguraduhin na hindi siya magpapasagasa ulit pero ayoko ng makipagtalo sa kanya dahil baka ako na ang ma-late sa trabaho ko.
Hindi naman siguro siya magpapakamatay, ‘di ba?
☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀
“Are you familiar with Lady Maria, mami?”
Bago ko pa masagot ang tanong ni Anne ay bigla na ulit siyang pinatawag. Ako pa mismo ang ang nag-cheer sa kanyang bumalik na sa trabaho at pwedeng-pwede namang mamaya na lang kami mag-chika-han.
Totoo ang sinabi ni Anne na masyado akong expressive pero mas totoo naman na lahat silang alaga ko, mas kilala pa yata ako kaysa sa sarili ko. Alam agad nila kung may problema ba ako o kung may mga iniisip ako. Siguro talaga ito na ang proof namin na maganda talaga ang relasyon ko sa mga alaga ko.
Hindi na mawawala sa isip ko ang tungkol sa babaeng niligtas ko, at kung totoong personalidad rin siya sa showbiz… Sigurado akong narinig ko na ang pangalang Lady Maria noon pero hindi ko alam kung saan at kung anong koneksyon ang meron siya.
Naputol rin ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita kung sino ang tumatawag sa akin!
“Hello po, M-Ma’am S-Selene…”
✦
Merong dalawa, hindi, merong tatlong boss ang Aitana Entertainment. Ang main bosses naming sila Sir Eos at Ma’am Selene, at ang unofficial boss namin na si Sir Akio. Kahit sino ang banggitin mo sa tatlong iyan, alam na agad namin na sila ang bosses ng buong kompanya.
Noong nagbabalak pa lang akong pumasok sa kompanya, kahit na alam kong suntok sa buwan ang pangarap na iyon, kinilala ko na talaga silang tatlo ng mabuti para alam ko rin kung anong klase ng mga tao ang mga magiging boss ko kung sakali. Alam ko noon na wala akong karapatan na maging choosy dahil naghahangad na nga ako ng mataas, pero importante rin kasi talaga sa akin na malaman kung anong klase ng mga boss ang hahawak sa akin.
Ang mga nalaman ko na nga rin ang dahilan kung bakit mas nagpursigi akong makapasok.
Magkapatid sina Sir Eos at Ma’am Selene, si Ma’am Selene ang mas matanda pero sa totoo lang ay mas madalas pa silang napagkakamalan na kambal. Hirap na hirap ako noon na makakuha ng impormasyon kay Sir Eos kasi laging sinasabi ng mga magazines na “cold” at parang “masungit” nga raw siya. Hindi kagaya ni Ma’am Selene na kahit sa mga tsismis ay talaga mabait ang pagkaka-describe sa kanya. Maliban sa personalities nilang dalawa, ang naging rason ko talaga para i-push ang pag-a-apply ko ay ang mga goals nila bilang kompanya at kung gaano kaganda ang kabuuang turing nila sa mga empleyado nila.
Noong nakapasok na ako at nagsimulang magtrabaho, doon ko lang na-discover sa sarili ko na kaya pala ganoon ang mga sinasabi kay Sir Eos dahil ang mga empleyado lang nito mismo ang nakakaranas kung gaano ito kabait at ka-down to Earth. Sa labas ng workplace nila ay talagang napagkakamalan na lang itong snob.
Si Sir Akio Takahashi naman, unofficial boss ang tawag namin sa kanya dahil siya ang main secretary s***h right-hand man s***h manager s***h babysitter ng dalawa naming big bosses. Ang mga term na iyon ay mismong galing kina Sir Eos at Ma’am Selene Hindi rin lingid sa kaalaman namin na sa labas ng trabaho nila, best s***h childhood friend rin kasi ng magkapatid ang binata. Hindi gaya ng dalawa, si Sir Akio talaga ang legit na mukhang masungit pero malalapitan pa rin naman ito.
Worth mentioning nga rin pala na ang tatlong boss namin na iyan ay talagang mga mukha ng kompanya. Hindi lang dahil sa achievements ng mga ito bilang mga boss namin kung hindi dahil na rin sa gandang mga tao nito.
It is worth mentioning that their foreign beauties really shine through!
Spanish sina Sir Eos at Ma’am Selene, Japanese naman si Sir Akio. Kulang ang sabihin na talaga namang sobrang ganda at gwapo ng tatlo! Inaabangan pa nga naming lahat na masama sila sa mga magazine issues dahil talaga namang parang modelo namin ang mga ito.
Wala talagang makakasisi sa akin kung bakit kasama talaga ang itsura sa standards ko. Literal na araw-araw na nga akong napapalibutan ng mga magaganda at mga gwapong personalidad, idagdag pa ang mga boss namin!
Pero kahit na nga ba alam kong mabait naman sila at approachable, wala pa rin sa isip ko na makakausap ko sila one by one. Gaya na nga lang nitong si Ma’am Selene…
✦
“Hello, dearest, I just called because I was meaning to ask you if you have a favorite talent.”
Napa-kamot ako doon ng batok. Sobrang random ng dahilan ng pagtawag ng boss ko na na-speechless ako.
Bigla namang natawa si ma’am na alam sigurong hindi ko alam ang isasagot ko. “No worries! Wala namang right or wrong answer. I just wanted to prove something so I need your answer.”
Mas lalo akong na-pressure sa isasagot ko! Nakakaloka!
Huminga ako ng malalim bago sumagot. “M-Ma’am, wala po kasing akong favorite.”
Ipinaliwanag ko kay Ma’am Selene na parang mga anak ko na ang mga talent ko at kahit na nga ba analogy lang iyon, ganoon talaga ang turing ko sa kanilang lahat. Ibig sabihin, bilang nanay nila, wala talaga akong favorite kasi mahal ko naman sila equally. Pero sobrang random talaga ng tanong na napapaisip ako kung hidden test ba ito ng mga boss namin!
“Hmmm, does that mean wala kang ire-recommend sa akin kapag sinabi kong may special project tayo?”
Huminga ulit ako ng malalim. “Hindi naman po sa ganun, ma’am. If meron pong special project, I will thoroughly ask for details po. I know my talents well enough and they trust me back as equally na alam ko po kung sinong io-offer ko sa inyo once I know what the special project needs.”
Bigla na naman natawa si Ma’am Selene kaya akala ko mali ako ng sagot! But it sounded like she was talking to someone too. Nang bumalik na ulit sa’kin ang atensyon ni ma’am, kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti siya. “It’s biassed of me to have my favorite but you, Yumi, is my favorite manager ever. Thank you for entertaining me. Bye now!”
Ganoon lang ay natapos na ang tawag namin ni ma’am.
Gulong-gulong ba ako? True naman. Naintindihan ko ba kung anong purpose ng tawag ng boss ko? Hindi ako aamin pero hindi. Kinilig ba ako na marinig na favorite ako ng nag-iisang Selene Aitana? Aba, mainit pa rin ang buong pagkatao ko dahil doon!
Sobrang distracted ako na hindi ko namalayan na patapos na pala ang shoot ng alaga kong si Anne… at hindi ko na nasagot ang tanong niya kung pamilyar nga ba ako kay Lady Maria.
☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀
“Lady Maria is a very mysterious business tycoon, mami. Alam ng lahat na sobrang yaman niya pero walang nakakaalam ng mga main businesses niya. Maliban na lang siguro sa main bosses natin kasi parang ganoon ang kailangan mong level para malaman ang mga impormasyon ni Lady Maria.”
Nag-insist na ako kanina kay Anne na pwede naman siyang umuwi at magpahinga pero mas nag-insist siya sa akin na pag-usapan nga raw namin si Lady Maria dahil mas importante iyon sa pahinga niya. HIndi naman ako nakatiis dahil sobrang curios ko na rin kung sino nga ba si Lady Maria. Lalo na na the more na dine-describe niya ang dalaga, the more na nagiging ito ang dalagang niligtas ko nga. Sabi ko nga pwede namang ipakita sa’kin agad ng alaga kong ito kung anong itsura ng dalaga pero surprise nga raw at mas mabuting pag-chika-han muna namin kung sino nga raw ito.
Doon ko na lang rin na-realize na gusto talaga akong kasama ng baby damulag na ito kaya pumayag na ako.
So far, ang alam ko pa lang kay Lady Maria ay totoong nasa circle ng showbiz siya at isa ito sa mga pinakamayamang sponsors. The term “sponsor” has a lot of meaning especially in our field, pero ang pagiging “sponsor” nito ay ang isa sa pinakamalaking uri ng sponsorship sa lahat—ito ay ang personal sponsorship mula dito. Kapag may personal sponsorship ka mula sa isang malaking sponsor, alam mo ng secured na ang project na gagawin mo, or kung talagang mahal na mahal na ka ng sponsor mo, mismong career mo na ang pinag-uusapan dito!
“There is one thing that common people in our circle know though.” Pagtutuloy ni Anne. “Have you heard of Mistress Peitho’s Crib, mami?”
Nang sabihin niyang hindi ay agad nitong ipinaliwanag sa kanya kung ano nga ba ang tinutukoy nito. Ang Mistress Peitho’s Crib ay isang exclusive club para sa hand-picked guests nito. Ayon kay Anne, walang membership-membership ang club na iyon dahil literal na “chosen ones” lang ang makakapunta, at walang iba kung hindi si Lady Maria ang mag-iimbita.
“I don’t think this was also supposed as secret as Lady Maria’s other businesses, mami, kasi hindi ko naman ‘to malalaman kung ganun na nga ang kaso. Ang sabi ng mga na-invite na, literal na handwritten invitation letter ang matatanggap mo, tapos from them on, kapag nag-decide kang tanggapin ang invitation, wala ka ng po-problemahin at ma-e-enjoy mo na ang isang totoong paradise.”
Mistress Peitho’s Crib equals paradise.
In short, sobrang big shot talaga si Lady Maria.
“Pero moment of truth na! Ipapakita ko na siya sayo, mami, kasi alam ko talagang siya ‘yung niligtas mo…”
Bigla akong kinabahan.
Bakit ba parang nagde-delikado ako kung si Lady Maria nga ang iniligtas ko kanina?
☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀
Sa dinami-dami ng picture na ipinakita sa akin ni Anne, hindi ko pa rin sigurado kung si Lady Maria nga ang iniligtas ko. Pero mas tama sigurong sabihin na in denial akong si Lady Maria nga iyon. Hindi ko naman kasi alam kung bakit kabado ako!
“‘Nay, ‘tay, nakauwi na po ako!”
“Mayumi, anak, may order ka ba? May nilagay ang tatay mo dyan sa taas ng ref. Package para sayo.”
Hindi ko alam pero iyong kaba ko kay Lady Maria, nagtuloy sa narinig ko!
Dali-dali kong kinuha ang sinabi ni nanay at lalo akong kinabahan ng sinimulan ko na iyong buksan…
“Mahabagin…”
Kulang ang sabihin kong nanlamig ang buo kong katawan—ang laman ng package na iyon ay walang iba kung hindi ang isang envelope.