Chapter 4

2026 Words
Selene understands her brother Eos. She does, truly, but there really are things that cannot go on his way every single dang time. Mahal niya ito pero talagang hindi uubra sa kanya ang kahit anong irason nito sa kanya. It is about time for him to go on a vacation and she means it. Hindi na nito pwedeng ipagpaliban ang pagpapahinga. Simula noong maging CEO silang pareho ng kompanya, kahit kailan ay hindi pa itong kumuha ng leave. Maliban sa normal na holidays na required itong kunin dahil pagagalitan na ito ng kanilang ina kapag hindi ito nakitang umuwi, wala na talaga itong balak huminto sa pagtatrabaho. Wala namang mali sa pagiging workaholic. Ganoon rin naman siya at hindi mawawala sa kanila ang pagpa-prioritize ng mga kaganapan nila dito sa kompanya. How can they not be? Their whole company has been their passion over all these years! Pero hindi talaga iyon sapat na dahilan para hindi na ito magpahinga; at naii-stress na talaga siya sa kakulitan at katigasan ng ulo nito! “Is it really because you wanted him to simply rest, or you actually want to see him settled down?” Iyon na ang tuluyang nagpahinto sa kanya sa paglalakad niya paikot-ikot sa loob ng opisina. Wala ng iba pang mambabara sa kanya kung hindi ang nag-iisang matalik nilang kaibigan na si Akio. Ito lang naman talaga ang may lakas ng loob na sampalin sila ng katotohanan tuwing kailangan. Ito ang walking “truth hurts” dahil hindi talaga itong pe-preno sa mga bagay na dapat nilang marinig na magkapatid. That is right. Akio is not simply her best friend, but “their” best friend. Kahit na nga ba dalawang taon ang tanda nila kay Eos, hindi naman iyon masyadong malayo para hindi sila maging close sa isa’t isa. Sa katunayan pa nga ay mas madalas siyang napagkakamalan na kakambal ni Eos! Kasa-kasama na talaga nila si Akio at hindi na mahihiwalay sa kanila. Pero mabalik siya sa topic, hindi naman iyon ang gusto niya… siguro? Hinarap niya ito. “Alam mo, ang KJ mo!” Tumawa ito at hindi nag-abalang harapin siya at sa magazine na hawak pa rin nito nakatingin. “I’m just saying. Hindi ka naman magiging ganito kung talagang gusto mo lang siyang magpahinga. If you really, simply, just wanted him to go on a vacation, you could have already sent him somewhere; but you didn’t. Here you are still thinking what you could actually do because you want him to settle down in general.” Points taken and dang well received. Naiinis siyang wala talaga siyang laban sa binatang it, at sino ba naman kasi ang lolokohin niya? Gaya ng sinabi nito, kung talagang gusto niyang magbakasyon lang talaga ang kapatid, kayang-kaya niya itong ipatapon kung saang bansa at sabihing business-related iyon kahit alam nilang lahat na hindi. “A more serious question though, why do you suddenly want to push him to settle down?” Doon pa lang siyang hinarap ng binata. Heto na nga ang gusto niyang iwasan. Hindi naman siya natatakot sa tanong na iyon pero alam niyang sobrang babaw lang kasi ng rason niya at sa malamang na malamang ay mapapagalitan lang siya nito. Bumuntong-hininga siya at umupo na ulit sa tabi nito. Paano niya ba ipapaliwanag ang sarili niya kung alam na alam rin niyang walang malalim na dahilan ang mga gusto niyang mangyari? Hindi lang iyon, lalo siyang makakatikim ng mahabang sermon dahil nagsimula ang lahat ng ito sa isang i********: post na nakita niya! “The more you’re prolonging this, Selene, the more you’ll likely think of a lousy reason that could get you more in trouble.” “Fine!” Agad niyang pagsuko bago pa ito may masabi. “Ito na nga, sasabihin naman! Ang atat mo!” Syempre, tama na naman ang binata. Walang point ang maghanap pa siya ng kahit anong rason maliban sa kung ano ba talagang totoo. Huminga siya ng malalim at ihinanda ang sarili bago sabihin ang lahat. It was nobody’s fault but hers. Nagsimula kasi talaga ang lahat ng hindi niya sinasadyang mapindot ang profile ng ex-girlfriend ni Eos habang nags-scroll siya sa i********:. She could have easily left her profile there and then, but she did not. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya talagang in-stalk niya pa ito. Faith Allen has been Eos’ everything. Saksi siya kung paano mahalin ng kapatid ng dalaga. How could she not when the same woman is his brother’s first everything? High school nagkakilala ang dalawa pero college naging official. Maayos naman ang lahat, walang problema, walang kahit anong naging hadlang sa relasyon nila. Gusto niya ang dalaga para sa kapatid niya at maging ang mga magulang nila ay approved sa buong relasyon nila at sa kahit ano pang plano nila. Buong akala pa nga niya ay malapit ng ikasal ang dalawa… “So, you mean to tell me, you saw Faith’s post about returning to the country soon and that just simply ignited your will to have Eos settle down.” Wala siyang ibang nagawa kung hindi nagpakawala ng isang buntong-hininga. “Is it so wrong for me to do that? I know controlling anyone’s life can never be justified, pero ate lang naman akong may pake sa kapatid ko. I can’t see Eos suffer again because of her.” Totoong sobrang gusto niya ang dalaga para sa kapatid pero naging saksi rin siya kung paano nasaktan ang kapatid niya. It is not her story to tell anymore, but from her point of view, being the older sibling, she would not want to bare the pain of seeing Eos hurt ever again. Naghahanda na siyang mapagalitan sa mga masasama niyang balak. In fact, she has been waiting for Akio to give her the life lessons on why she should not do this and just leave Eos alone. Ready na siya… pero walang sermon ang dumating. Mukhang malalim ang iniisip ng binata at hindi siya makapaniwala na hindi siya diretsahang pinagalitan nito. “What is your plan exactly?” “Oh my G—Akio! You’re with me this time?!” ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ Huminga ng malalim si Eos at binagsak ang sarili sa swivel chair niya. Katatapos lang ng isa nilang meeting pero alam niyang hindi iyon ang nagpa-drain sa kanya maghapon. It was all because of his older sister Selene, who he cannot figure out what is going through her mind for suddenly insisting that he should take a break. Nagbabakasyon naman siya, iyon nga lang ay tuwing holidays lang kasi required silang umuwi sa mga magulang nila. Sapat na bakasyon na talaga sa kanya ngayon at hindi naman sikreto sa kanila na mas gusto niyang magtrabaho, kaya nga hindi niya maintindihan kung ano talaga ang meron sa ate niya. Papagalitan man siya nito kasi hindi siya kumukuha ng vacation leave pero ngayon lang talaga ito handang awayin siya para magbakasyon. His thoughts were only interrupted when his intercom rang. “Hey, boss, Lady Maria just called in to set an appointment, preferably today. Shall I put her in?” Nakalimutan niyang matapos nga ang meeting sa araw na ito, wala na siyang ibang schedule. “Sure, she can come in anytime she wants.” “Got it, boss!” Isa si Lady Maria sa mga pinakamalapit nilang kaibigan at walang kaso kung gusto siya nitong puntahan. In fact, if he wanted to meet him even he has his appointments full for today, may kakanselahin talaga siya doon para makita ang dalaga. It is not everyday that she would ask for his time like this. Kaya naman totoong pagbibigyan niya ito kahit na nga ba busy siya o hindi. Lucky for them both, wala na talaga siyang naka-schedule. Magsa-sampung taon na sila sa industriya at isa na sa mga kinokonsidera niyang “added rewards” ang pagkakaroon ng mga kaibigang kagaya ni Lady Maria. The main reward, of course, is actually doing what they love and where their passion lies. Isang dating aktres ang kanilang ina bago ito magpasya na mag-asawa at magkaroon na ng pamilya. Alam naman nilang wala itong pinagsisisihan sa naging desisyon pero naging mutual agreement na nilang magkapatid na gumawa ng tribute para rito. Hence the creation of their company. Buhay na talaga nila ang nilaan nila para dito at masaya na lang siya na lahat ng pagod nila ay nauwi sa lahat ng meron sila ngayon. Hindi niya namalayan ang oras at bago niya pa mapagtanto ay nandito na ang bisitang hinihintay niya. Maliban na si Lady Maria ang isa sa mga pinakamalapit nilang kaibigan, hindi lang sa loob ng industriya maging personal na rin, isa talagang malaking personalidad ang dalaga sa industriya nila. Isa ito sa mga pinakakilala ngunit pinaka-misteryoso ring sponsor. Name it and she has it. Ang lahat ng talents niyang naging sponsor ang dalaga ay sobra-sobra ang pinagbago sa buhay at kalagayan ng career. She is like the blessing bringer and he wishes that he is kidding about it, but he really is not. Napakalaking swerte mo na kung ang dalaga ang mags-sponsor sayo. “Oh my, maling timing ba ang pagpunta ko?” Agad siyang tumayo para puntahan ang dalaga at humalik sa pisngi nito. “There is no such thing as bad timing when you’re involved and fully know it.” Natawa ang dalaga at hinampas ang dibdib niya. “Nako, sabi ko na nga ba favorite mo ako.” Ngumisi siya doon. “Of course.” Nang nakaupo na sila ay doon niya pa lang tinanong ang dalaga kung ano ang pakay nito sa kanya. Wala namang masama kung nandito lang talaga ang dalaga para bisitahin siya pero sa aura ng dalaga ay kabisado na niya ito. “Hindi ko alam kung thankful akong you know me too well, pero, tama nga naman, there is no use if I don’t go straight to my point.” Dapat ba siyang kabahan o hindi? “I am about to invade one of your employees' lives.” ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ Hindi sinabi ni Lady Maria kay Eos kung sino sa mga empleyado niya ang balak nitong sponsor-an. By employee, she could mean anyone and not only their talents. Siguro hindi sponsor-an ang tamang term pero hindi rin talaga niya mabigyan pa ng ibang term ang planong gawin ng dalaga. Sigurado naman siyang hindi mapapahamak ang kahit sino sa mga empleyado niya basta ang dalaga ang nagsabi. Don’t get him wrong, he appreciates the heads up of her ever mysterious plan; hindi nga lang niya maintindihan kung bakit kailangan nitong ilihim sa kanya kung sino iyon. Dalawa na tuloy ang dapat niyang isipin ngayon. Isa ang tungkol dito. Pangalawa naman ang pangungulit ni Selene sa kanya. Speaking of, tinignan niya niya ang envelope na binigay sa kanya ni Lady Maria. Matagal na niyang alam ang tungkol sa club nito pero ngayon lang niya in-entertain tanggapin ang imbitasyon nito. Literal na sulat kamay ang laman noon at hindi na siya nagulat sa detalye na binuhos ng dalaga para dito. If he formally accepts this invitation, it would be like shooting two birds with one stone. Hindi na niya kailangan na makipag-away sa ate niya tungkol sa pagbabakasyon niya at mapagbibigyan na niya ang kaibigan na puntahan ang club nito. Win-win situation lang ito at wala siyang pagkatalo. This way too, he can ensure that he would enjoy it because if there is one thing that Lady Maria is very constant of, that is the fact that she will never disappoint. Desidido na siyang pag-isipang mabuti ang lahat, pero hindi na naman niya namalayan ang oras at sa malamang at sa malamang ay siya na lang ang nag-iisa sa kompanya. He was just about to leave when he noticed that there was a cubicle still with it’s light on. Ang mga cubicle na ito ay para sa mga general project managers ng kompanya nila para sa mga paper works ng mga ito. Naglakad siya papunta doon para gisingin na ito at isabay pauwi. To his surprise, it was Mayumi—his sister’s favorite employee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD