Chapter 2

1218 Words
Mali pala ang sinabi ni Mayumi sa kanyang sarili; hindi nga pala siya “no boyfriend since birth”. In fact, sa halos walong taon na niyang nagtatrabaho para sa Aitana Entertainment, tatlong taon nga pala doon ang ginugol niya para sa pagpapa-katanga niya sa dating nobyo niya noong nasa college pa lang siya. Ang masakit pa nga ay literal na hindi tuloy-tuloy na tatlong taong iyon. Patalon-talon na break-up and make-up ang nangyari sa kanila hanggang ini-untog na niya ang sarili niyang hindi pwedeng gaga lang siya hanggang-hanggang para sa lalaking iyon. Ang punto lang niya ay maliban sa lalaking iyon na kulang na lang ay maging dahilan ng talagang pagkabaliw niya, wala na siyang naging kahit sinong nobyo pa. Totoo ang sinabi niyang hirap na hirap siya sa buhay niya dahil nga araw-araw siyang napapalibutan ng naggagandahang at nag-gwagwapuhang mga artista at modelo. Hindi naman niya sinabi ito na parang sabihing sa itsura lang siya tumitingin, ang gusto niya lang sabihin ay dahil nga sa nature ng trabaho niya, ang hirap talagang ibaba ng standards niya pagdating sa itsura ng kung sino man ang future kasintahan niya. Sinong mag-aakala na itong mga iniisip niya ngayon ang magpapa-kalma sa kanya? Kahit paano ay bumaba na ang altapresyon niya dahil sa nangyari kanina lang. “Miss Mayumi!” Tuluyan ng naputol ang lahat ng iniisip niya nang sa wakas ay dumating na ang alaga niyang si Anne. Sikat itong singer at ngayon ay nasa pagmo-modelo sa malalaking brands ang peg nito. Kamakailan rin ay naging extra ito sa isang pelikula na naging dahilan para sa commercial na ishu-shoot nito ngayon. Hindi pa naman late ang alaga niya, sa katunayan nga at fifteen minutes early rin ito. Nakaka-proud lang sa part niya dahil sa wakas ay natuto na itong maging maaga; noon ay ito ang isa sa mga pinakanagpapasakit ng ulo niya. She was not Anne’s initial project manager; ipanasa lang ang dalaga sa kanya ng biglang umalis ang may hawak dito sa hindi na niya maalalang rason. Anne was a troublemaker and she does not know anymore where to start with her antics. Ang pinakamahalaga naman na ngayon ay nagbago na talaga ang dalaga. Ngumiti siya at tinanggap ang naglalambing na yakap ng alaga niya. “Akala ko aawayin ko na naman ang PA mo kasi male-late ka na naman e.” Tumawa ang dalaga. “Mami naman!” Hindi naman totoo na inaaway niya ang mga personal assistants ng mga alaga niya. Hindi niya kahit kailan gagawin iyon ng walang malalim na dahilan dahil alam na alam niya kung gaano kahirap ang magbantay at mag-asikaso ng mga kilalang personalidad. Ang away sa kanya ay katumbas lang ng mape-pressure sa pagtatanong gaya ng kung nasaan na sila at kung bakit wala pa rin sila sa set ng project. Hindi agad humiwalay ang alaga niya sa kanya at talagang yumakap sa kanya habang naglalambing pa na miss na miss raw siya nito. Natawa na lang siya dahil wala yata sa mga alaga niya ang hindi ganito ka-clingy. Not to mention that they are shamelessly doing this in public without a care in the world. Isa pang nakatawa ay ang laging kinauuwian na posisyon niya sa mga alaga niya. Ikaw ba naman ang mga makakita ng matangkad na tao na nilalambing ang wala pa sa balikat lang nilang manager. Nang pakawalan na siya ng dalaga ay masigla na itong nagpaalam na pupunta na ito sa hair and make-up station. Para lang itong isang cellphone na na-low battery at nag-charge sa kanya. “Sobrang close niyo po talaga sa mga alaga niyo ‘no?” Napalingon si Yumi sa nagsalita; isa ito sa mga staff ng project. Ngumiti siya at tumango. “Hulaan ko, nakita mo na rin ako sa ibang mga alaga ko ‘no?” Sa sinabi niyang wala talaga sa mga alaga niya ang hindi clingy, seryosong literal ang meaning noon. Anong issue-issue? Kahit kailan ay hindi naging kaso sa kanya at sa mga alaga niya ang pagiging mga clingy ng mga ito sa kanya. Mapa-babae, mapa-lalaki, lahat-lahat sila ay talagang nanay ang turing sa kanya; at walang pakundangan na bigla-bigla na lang maglalambing. Syempre, hindi naman dahil doon sila sanay, doon na rin sanay ang lahat. Sila naman naman yata ng mga alaga niya ang ganoon; kaya naman hindi na bago sa kanya na nagugulat ang lahat ng mga unang nakakakita sa kanya at sa mga alaga niya sa mga ganoong moments. “O-Opo! Nagulat po talaga kami noong una pero napansin namin na mas clingy pa sa inyo ang mga babaeng talents niyo.” Napakamot siya ng batok doon. Ano pa nga ba ang ine-expect niya? Hindi naman ito ang unang beses na isipin ng iba na hinaharot niya ang mga alaga niya lalo na ang mga lalaki. Hindi na masyadong nakipag-chikahan ang staff sa kanya dahil tinawag na ito. Siya naman ang naiwan para hintayin matapos ang shoot. Hindi naman siya required mag-stay gaya ng balak niyang gawin ngayon pero wala rin naman siyang gagawin sa opisina dahil tinapos na niya ang lahat ng paperworks niya kahapon. Malamang ay may panibago na naman siyang report na kailangang tapusin pero masyado ng advance lahat ng pagpapasa niya, mabuti naman at ipagpaliban na niya ang araw na ito. “Umamin ka sakin, mami. Anong nangyari sayo bago ka pumasok dito?” Hindi niya namalayan na kakaisip niya ng kung ano-ano ay nasa harapan na pala niya ulit si Anne. Fifteen-minute break nito. Ngumisi siya. “Paano mo naman nasabi na may nangyari kanina? Ikaw ‘ha, chismosa.” Natawa ang dalaga. “Mami naman! What I mean to say was that it was so evident that something was bothering you when we came in. Ang expressive kaya ng mukha mo, mami, at hindi mahirap na malaman kung may nangyari sayo.” Bigla siya doong napabuntong-hininga. “May sira-ulo kasi akong na-meet kanina.” Natawa lalo ang dalaga doon. “Sira-ulo talaga? Bakit? Dali, mami, make chika!” Paano ba namang hindi niya tatawaging sira-ulo ang babaeng iniligtas niya kanina. Sira-ulo talaga iyon in all the ways possible! Sino ba naman ang mag-o-offer ng pera matapos na matapos kang mailigtas sa muntik ng nangyaring aksidente?! Tawa ng tawa ang alaga niya sa kwento niya at siya naman itong kinakalma ulit ang sarili niya dahil talagang nag-init ang dugo niya sa dalagang iyon. Muntik na itong maaksidente at kahit kailan ay hindi niya gugustuhin makakita ng live na aksidente. Tapos, sa lahat pa ng pwede nitong unang sabihin, ang una pa talagang lumabas sa bibig nito ay magkano ba ang kailangan nitong bayaran sa kanya! Sira-ulo talaga! “Pero wait lang mami, didn’t you mention that ‘that’ woman you saved had a tattoo on her neck?” “Oo, bakit? Kilala mo ba?” Totoong may tattoo sa leeg ang dalagang iniligtas niya. Mahirap ma-miss out iyon dahil ulo iyon ng ahas na para bang ang katuloy ng tattoo nito ay nasa likod niya. “Hindi ako sure, mami, because that person could be anyone; pero may isa lang kasi akong kilalang may ganoong tattoo sa society natin. Maybe it was just a funny coincidence.” Society meaning showbiz industry. “Sino ba ‘yung kilala mo?” “Are you familiar with Lady Maria, mami?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD