Kabanata 5

2869 Words
Heartless "Where are you, Gabriella?" Bigla nalang lumabas sa stereo ang boses ng pinsan ko habang mabilis pa rin akong nagmamaneho at hinahabol ang sasakyan na nasa harapan ko na hindi ko hinahayaang makawala. "I'm chasing my boyfriend, Cole." Malakas ang boses na sagot ko rito dahil sa prustrasyon at inis na lumulukob sa akin. How dare him do this to me? "W-what?! Who?" Muling tanong nito at rinig ko ang pag-usad ng sasakyan sa kabilang linya. He probably got a car or called his brother to pick him up because his car just got car-napped. "I'm driving, Cole! Don't talk to me. Mierda! I can't lose him!" The car in front of me are continue to speeding up. Habang hinahabol ko ito ay lalo naman niyang binibilisan ang takbo na siyang lalong nagpapainit ng ulo ko at nagpapakulo sa dugo ko. "Dammit, Gabriella! Who are you chasing?" Boses iyon ni Cale na bahagyang nagpatahimik sa akin. "You have so many boyfriends, you stubborn brat." Kaagad din akong nakabawi sa boses nito at tinapakan pa lalo ang gas upang mas bumilis ang takbo ng sasakyan. "It's none of your business, morons. I'm chasing my boyfriend." Shit! Malapit na niya akong matakasan. I would never let you scape from me, baby. "Don't use that none of your f*****g business on me, Gabriella." Boses iyon ni Cale at kapagkuwan ay boses naman ni Cole ang pumalit. "Are you chasing Reid—" "Shut up, morons!" Pagpapatigil ko sa mga ito. "Kapag hindi pa kayo tumigil ay ibabangga ko itong sasakyan na ito!" pagbabanta ko, "Don't try me. I don't joke around." Ilang sandali pa ay natahimik na ang mga ito at narinig ko ang tunog ng pagpatay ng tawag. Napabuga nalang ako ng hinga ng mawala ang mga ito. Itinuon ko ang paningin sa sasakyang hinahabol ko. Kanina ko pa napapansin na pilit ako nitong nililigaw ngunit hindi niya ako magawang maiwala. You can't speel awesome without ME! Kapagkuwan ay pumasok ito sa isang kilalang subdivision. Ang walanghiya! Kila Arie lang pala ng punta, kung saan saan pa dumaan. Why did I even forget that he came to fetch Arie, dapat pa la ay nauna na ako. Pinatigil ako ng guard na siyang ikinainis ko. Ngunit nang makitang ang dating guard ito ay lumabas ako ng sasakyan nang nakangiti. "Hi, Manong Carding." Nakangiting bati ko rito. "Oh kayo ho pala, Ma'am Gabby." nakangiting sabi nito, "Nagmamaneho ho pala kayo." "May hinahabol ho kasi ako." "Ay, ganoon ho ba. Pasok na ho, Ma'am." "Salamat, ho." Agad akong pumasok sa sasakyan at buti nalang ay walang nakakalat na mga tao sa daan dahil halos paliparin ko ang sasakyan maabutan lang ang kaniya. Huminto ito sa tapat ng bahay nina Arie. Lumabas ako ng sasakyan kasabay ng paglabas ni Arie. Hindi lumabas ang halimaw at nanatili lamang sa loob ng kaniyang sasakyan. Walang emosyon akong naglakad patungo doon. Nagsalubong pa ang mga mata namin ni Arie ngunit nang makita ang blangko kong mukha ay pumasok na lang ito sa loob ng bahay. Kaagad kong binuksan ang passenger's seat ng sasakyan ng boyfriend ko at ibinagsak ang sarili sa upuan doon. "What are you doing, Miss?" Tanong nito habang nakatingin sa akin. Sinalubong ko ang kaniyang mga mata saka umirap. Isinandal ko ang aking likod sa upuan at ipinikit ang mga mata. That was one hellish drive. Thankfully my cousins taught me how to drive and one taught me how to drive if you wanna die easily and effortlessly. "Who are you?" Muling tanong niya na ikinakulo ng dugo ko. Is he pretending again that he didn't know me? I really hate him. "Do I know you—" "Shut up, Montefalcon." Iminulat ko ang aking mga mata at pinukol siya ng matalim na tingin. Mainit pa ang ulo ko at pagod ako sa mamaneho dahil sa kaniya. "Nababaliw ka na ba, Miss?" Tanong nito, hindi alintana ang aking matalim na mga mata. "Bigla ka nalang pumapasok sa sasakyan ko—" Mariin akong napapikit. "I told you to shut the fuckin' up!" Napahawak ako sa sintido ko saka sinalubong ang kaniyang mga mata. "Hindi mo ba alam kung gaano mo ako pinagod? Pwede namang dumiretso kina Arie ngunit kung saan saan ka pa dumaan. Nakakaasar!" Nagsalubong ang kilay nito at lumalim ang gatla sa noo. "What are you talking about, Miss? Hindi nga kita kilala at ngayon lang kita nakita," "Don't f**k with me, Montefalcon!" Pamumutol ko sa sinasabi niya,"Stop pretending that you don't know me because I know that you are lying!" Umigting ang panga nito at napahawak sa sintido. "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Miss—" "I told you, don't f**k with me—" "I don't know you—" "I'm your girlfriend. Dammit!" Natahimik siya sa sinabi ko habang ako ay malalim ang paghinga habang matalim ang mga mata na nakatingin sa kaniya. Unti unting bumalik ang pagkakakunot ng noo nito at nagsalubong ang kilay sa akin. "Hindi nga kita kilala, kaya paano kita magiging girlfriend?" "Argh!" Napasabunot ako sa buhok ko saka pinukol siya ng masamang tingin. "I hate you!" "Nababaliw ka na." "Magmaneho ka," utos ko. "Lumabas ka na." Muli kong sinalubong ang singkit niyang mga mata. "Dalian mo!" Kapag nagpatuloy siya sa pagtanggi sa akin ay baka talagang makalimutan ko na sayang ang lahi niya at magilitan ko siya. "Lumabas ka na nga, I don't have anything to do with you." "Magmaneho ka nalang at huwag mo na akong galitin pa." Umiling lang ito at tumingin sa daan saka pinaandar ang sasakyan at nagmaneho na. Humalukipkip lang ako habang deretso ang tingin sa daan. Napapansin ko ang pasimple nitong pagbaling sa akin. "Ano?" Pasinghal na tanong ko. Bahagya itong napangiwi at inis na bumaling sa akin. "Can you lower down your voice!" he hissed, "Napakalapit ngunit kung makasigaw. Magseatbelt ka." Ibinalik nito ang tingin sa daan habang umiiling at bumubulong bulong pa ang walang hiya. "Baliw talaga." Hindi ko nalang siya pinansin at ibinaling nalang ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan dahil baka kapag nag-usap kami ay mauuwi lang iyon sa sigawan. I still hate it that he's denying me and pretending he doesn't know me at all. Kumukulo parin ang dugo ko. Hindi na rin ito umimik at hinayaan lang ako. Mabilis ang pagpapatakbo nito ng sasakyan ngunit wala akong pakialam. I can even drive faster than this without thinking twice about my life and the possibilities of what may happen to me. Huminto ang sasakyan at napamulat ako ng mata. Nagsalubong ang kilay ko nang huminto iyon sa tapat ng gate ng St. Fatima Academy kung saan ako nag-aaral. I looked at him flatly and caught him looking at me. "Anong ginagawa natin dito?" Kupagkuwan ay may pumasok sa isip ko na ikinasama ng tingin ko sa kaniya. "Huwag mong sabihing hinihintay mo iyong babae mo," "Tumigil ka nga, baliw na babae." May bahid ng inis ang mukha at ang boses nito. "Hinahatid lang kita rito dahil dito ka nag-aaral." "Ayaw ko dito. Umalis tayo dito." Humalukipkip ako sa kinauupuan. "Lumabas ka na, may gagawin pa ako at wala akong oras para sayo." I may acting all tough ngunit napatahimik ako ng huling sinabi niya. "Keizha Gabriella Cortez, just call me Gabby. The woman you asked to be your girl and stupidly said yes." Walang emosyon ang mukha na sinalubong ang mga mata niya. "Ngayong kilala mo na ako ay magmaneho ka na paalis sa lugar na ito." Napabuntong hininga ito at kinabig ang manibela ng sasakyan. "Saan ka nakatira? Ihahatid na kita." Nag-iwas ako ng tingin dito at humalukipkip saka ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. "Just drive away from this place and don't yoh ever deny me." Lumingon ako sa kaniya. "Because the last time I checked I have a boyfriend and his name is Reid Montefalcon. You." Ang kaniyang mga mata ay blangko at ang mukha ay ubod ng suplado na pinatunayan ng kaniyang ugali. Sinandal ko ang aking ulo sa upuan at ipinikit ang mga mata. Humuhupa na ang inis ko at unti unti ko nang napapakalma ang aking sarili. At ngayon ay nararamdaman ko na ang pagod dahil sa pagmamaneho ko kanina at ang pagod dahil sa tranquilizer na nagpatulog sa akin ng tatlong araw. Sleeping pills and liquors can make me fall asleep. Liquors can make me fall asleep but it also bring nightmares. While sleeping pills can make me fall asleep without having a nightmare but it causes fatigue and it tires me even more. And the tranquilizer can make me calm and make me sleep for a day or more. Napamulat ako ng mata at napatingin sa labas ng bintan ng sasakyan. Hindi na pamilyar sa akin ang daan na aming tinatahak ngunit wala akong maramdaman na takot at pag-aalala na baka kung saan niya ako dalhin. Ang mga gusali at mga sasakyan na nadaraanan namin ay tila isang magandang tanawin sa para sa akin. Inabot ko ang kaniyang stereo at nagplay ng kanta. At hindi ko mapigilan ang mapangiti nang marinig ang unang kantang nagplay doon. It's All Time Low! "I got your picture, I'm coming with you. Dear Maria count me in. There's a story at the bottom of this bottle and I'm the pen." Mahinang pagsabay ko sa kanta habang nasa nadaraanan namin ang tingin at ginagawa pang drums ang mga hita na bahagyang tinatapik. I just love the song. I don't know where he's taking me but I'm enjoying everything I'm seeing in this ride. From the households, people, kids and pets. The flowers and the clear view of the sunset where the sun in now setting in. I don't even know that there are still places like this here. Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan at nilanghap ang sariwang hangin mula sa labas. Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na nang may isang bata ang kumaway sa akin habang matamis na nakangiti. Sinabayan pa ito ng kanta sa stereo na siyang nagpapagaan ng pakiramdam ko. May nadaanan kaming isang mahabang lawa kung saan ay nagrereflect ang ganda ng kahel na kalangitan. Kung alam ko lang na may ganitong lugar dito ay dito ko nalang sana piniling tumira. The calmness and beauty of this place can help me recover from depression. "Let's stop here for a moment. I'm hungry." Hindi ito umangal at ihininto lang sa gilid ang sasakyan. Tumingin ako sa backseat at naalala kong wala nga pala akong dalang kahit na ano. "Hindi ka pa ba bababa, Miss?" Sumimangot ako sa kaniya. "Stop calling me Miss, I have a name and it's Gabby." Maiikot ko pa ang mga mata. Sinisira niya ang kagandahan ng lugar. "And I am your girlfriend and as my boyfriend it's your obligation to open the door of the car for me." "Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi mo ako—" "Sige ituloy mo at sisipain talaga kita paalis dito sa sasakyan mo at makikipagbreak na ako sayo." "Hindi mo ako matatakot." "Huwag mo akong sinasagot." Inikutan ko ito ng mga mata. "Lumabas ka na lang at pagbuksan mo ako ng pinto." Tinignan lang ako nito ng masama saka inalis ang seatbelt na suot at lumabas ng sasakyan saka umikot papunta sa gawi ko. Lihim nalang akong napangiti. I can really order this monster around to do my biddings. Kanina ko pa iyon napapansin. Inalis ko ang seatbelt ko nang pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nagsalubong ang kilay nang makita ang lukot niyang mukha. Lumabas ako ng sasakyan at hinawakan ang pulsuan niya saka nagtungo sa isang stand ng mga street foods sa gilid kung saan ay pinagbabawalan ako ni Mama na kumain dahil marurumi daw ang mga iyon. And maybe now that I am just looking at those, Mama will pull my hair and drag me away from here. Tinignan ko iyon isa isa. Mayroong kulay puti na pabilog, may pahaba na kulay brown, may parang bola na maliit na bilog ma kung white, may maliit na manok na kulay orange, mayroon ding kulay orange na egg na parang nilaga at inalisan ng shell, may squid na may harina yata na nakabalot. Sa kabilang gilid naman kung saan ay may nag-iihaw mayroong parang small intestine na kulay orange siya at nakatuhog sa stick, mayroon ding hotdog na nakatuhog sa stick, may square na black na may maliliit na butas butas kung saan ay tatlo ang nakatuhog sa stick, mayroon ding maliliit na parang sobrang liit na egg na nakatuhog, may head din ng chicken na nakatuhog at iyong barbecue lang yata ang alam kong pagkain na narito at iyong hotdog. Inosente akong lumingon sa singkit na halimaw na nakamasid lang sa akin at sa mga pagkain. Nang mapansin niya iyon ay nagtaas ito ng kilay. Lumapit ako sa kaniya at bumulong. "Nakakain ba talaga itong mga foods na ito?" Tanong ko saka itinuro ang mga pagkain. "I mean, hindi ba siya dangerous? Kasi look," hinila ko siya palapit doon saka muling bumulong, "They look yummy yet scary. This is my first time seeing foods like this," Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang pagkalam ng sikmura ko. Hindi nga pala ako nag breakfast at milkshake lang ang ininom ko kaninag lunch dahil wala akong gana, epekto ng gamot. Kumunot ang noo niya at pinitik ang noo ko saka hinila ako sa harapan ng mga parang fried na foods. Kumuha siya ng stick at binuksan iyong glass na takip ng kulay white na thing na bilog parang coin. Tumuhog siya ng marami doon at pinahawak iyon sa akin. "What is this?" Tanong ko habang sinusuri ang pagkain. "This is called fishball, Miss." Sagot nito saka kinuha ang pinahawak sa akin saka inilagay ang itinuhog sa paper na lalagyan at naglalagay ng sause na kulay brown doon. Muling bumalik doon at kumuha ng plastic cup at nilagyan ng kulay brown na thing na pahaba saka nilagyan din ng niya iyon ng sause saka bumili ng bottled water saka nagtungo sa akin. "Tara doon." Turo niya sa bench sa ilalim ng puno hindi kalayuan sa amin. "What's that?" tanong ko saka itinuro ang kulay brown na pahaba sa loob ng plastic cup. "Saang lupalop ka ba ng mundo nanggaling upang hindi mo malaman ang mga ganitong pakain." He hissed then show the thing to me. "This is called kikiam, Miss." "Safe ba talaga siyang kainin?" Tanong ko pa habang sinusuri ang mga pagkain. "Ititinda ba nila iyan kung hindi?" Sinamaan ko siya ng tingin at hindi na pinansin. Kinain ko iyong tinatawag niyang fishball. It's really yummy as it looks but I think this is not dangerous. Hindi naman siguro niya ako pakakainin ng ganitong pagkain kung hindi. Inubos ko ang lahat ng fishball at kikiam na binili niya hanggang sa maramdaman ko ang pagkabusog. Nang matapos iyong kainin ay bumaling ako sa kaniya na nakamasid lang sa akin. "Get me some water." Lukot ang mukha na kinuha nito ang bottled water sa tabi niya at iniabot iyon sa akin. I looked at him flatly. "Nakikita mo naman siguro na may mga hawak ako, hindi ba?" Puno ng sarkastikong sabi ko. "Pwede mo namang kunin muna lahat ng hawak ko," Napatigil ako sa pagsasalita nang buksan niya iyon at maingat na inilapit sa bibig ko upang makainom ako. Uminom naman ako doon at nang matapos at kinuha niya ang hawak ko at itinapon sa basurahan na malapit. "Napakaliit na bagay ay pinapalaki." Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Anong ibinubulong bulong mo diyan?" Nag-iwas lang ito ng tingin at supladong tumingin sa pambising na relo saka bumaling sa akin. "Magdidilim na rin, hindi ka pa ba uuwi, baliw na babae?" Tumingin ako sa paligid. "Uuwi na." Tumayo ako saka bumaling sa kaniya. "Tara na." Nauna na ako sa sasakyan at hinintay siya bago pumasok. Nang makalapit siya sa akin ay basta nalang itong umikot sa driver's seat ngunit bago ito pumasok ay tumingin muna sa akin. "Ano pang hinihintay mo diyan, Miss?" Nakakunot ang noong tanong nito. "Pumasok ka na kung ayaw mong iwan kita dito." Humalukipkip ako at pinukol siya ng masamang tingin. "Pagbuksan mo ako ng pinto dahil girlfriend mo ako at boyfriend kita. That's your obligation!" "Baliw na babae." Nailing lang ito saka pumasok na sa loob ng sasakyan. Ako naman ay nanatili lamang na nakatayo doon sa gilid habang nakahalukipkip. Madilim na ang paligid at ang mga lampshade nalang dito sa park ang nagbibigay ng liwanag sa lugar. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng driver's seat at iniluwa niyon ang supladong mukha ng boyfriend kong halimaw. "Hindi ka talaga papasok, Miss?" Tanong nito na may bahid ng pagkainis ang boses. "Open the door for me first." Bumuga lang ito ng marahas na hininga saka umigting ang panga. Kapagkuwan ay muli itong bumaling sa akin. "Bahala ka." Sabi lang nito at pumasok na sa loob ng sasakyan. Pinaandar niya iyon at walang sabi sabing iniwan ako sa gilid ng madilim na park na halos walang katao tao. Napaawang ang labi ko habang nakatingin sa sasakyan niyang nawawala sa paningin ko. Kumuyom ang magkabila kong kamao at lukot ang mukha na sumigaw. "You heartless monster!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD