Kabanata 4

3110 Words
Chase Itinulak ko pabukas ang pintuan ng bahay namin. Isang palasyo siguro kung para sa iba ngunit kulungan naman para sa akin. Bahagyang umiikot ang aking paningin habang naglakad paakyat sa hagdan patungo sa aking silid. Dim na ang lights sa bahay at wala nang mga katulong na sumalubong sa akin ngunit alam kong mayroon ngayong nakatingin sa akin at mamaya ay tatawag nanaman ang aking ina. "Gabriella, diyos ko kang bata ka, baka malaglag ka diyan!" Napatigil ako sa paghakbang sa bawat baitang ng hagdan nang marinig ang boses na iyon. Umikot ako upang makita ito at nadatnan itong nagmamadaling umaakyat ng hagdan papunta sa akin. Napangiti ako sa kaniya. "Nanny Alicia," Ibinuka ko ang aking mga braso at kaagad na yumakap sa kaniya nang makarating ito sa akin. Isinandal niya naman ako sa kaniyang dibdib at iginiya paupo sa baitang ng hagdan. "Anong nangyari?" Tanong niya habang hinahaplos ang aking buhok. Tahimik lang ako na nakayakap sa kaniya. I've never hugged my mom like this and I've never felt her heartbeat like this. I don't have any memory of being this close to my mother. Nanny Alicia is my Nanny since I was a child and for me she's my Mom. "Gusto mo bang magkwento?" Muling tanong nito sa malambing na boses. Ang boses na noon pa man ay siya nang humehele sa akin. "Ayos lang naman kung ayaw mo." Lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya. "A guy got my attention." paninimula ko, "I've never wanted anyone then he came and I was just like," Napatigil ako saka napakibit balikat. "I don't know." Mahina itong natawa. "Finally, we're now talking about boys." Napakunot ako ng noo at nag-angat ng tingin sa kaniya. "What do you mean, Nanny?" Ngumiti ito at pinisil ang ilong ko. "Ito ang unang beses na nagkwento ka tungkol sa ganiyang bagay." Sabi niya saka nagtaas ng kilay, "Dalaga na talaga ang baby Gabby ko." I looked at her flatly. "This is not the first time we talked about boys, Nanny Alicia." "Pero ito ang unang beses na nagsabi ka tungkol sa isang lalaki na nakakuha ng atensyon mo at hindi iyong mga lalaking nakilala mo kung saan at kinalimutan mo rin tapos ay nagpupunta sayo at sinasabing boyfriend mo sila." May pinupunto ang tono nito. Napanguso ako. "Okay." Pinisil niya ang ilong ko. "Proceed to your story, gusto kong malaman kung sino itong lalaking nakakuha ng atensyon ng mapili kong alaga." "I saw him at the club and he got my attention, he just suddenly became the apple of my eye. He has this chinky eyes and monstrous aura but he's boiling hot. Then the next morning I just found myself underneath the blanket, only with my undies, and, ahm, a guy beside me." Nagsalubong ang kilay nito at may kung ano sa tingin niya. "I know that look, Nanny. No, nothing happened." "Buti naman. Know your limits, okay?" Tumango ako. "Anyway, proceed to my story." ipinaglatuloy ko ang kwento, "I woke up next morning with this guy, I went home to Cole's, wala akong maalala sa lahat ng nangyari nang gabing iyon. Then days after, I remembered that he asked me to be his girlfriend and I said yes. Naghintay ako, Nanny. But he didn't came to me o even contacted me." Napanguso ako. "At kanina lang, nakita ko siya sa clubhouse, akala ko ay lalapitan niya ako but no, iyong ibang babae ang nilapitan niya and he just walked passed me like I'm a stranger and no one." Malungkot itong ngumiti sa akin. "Nakalimutan ka niya—" "No, Nanny. He promised—" "—gaya nang kung paano ka nangako sa mga lalaking kinalimutan mo rin?" Natigilan ako sa sinabi niya. Kung totoo man iyon, then this is my karma? "At ikaw na rin mismo ang nagsabi na nang magising ka ay wala kang maalala hanggang sa ilang araw muna ang lumipas bago mo iyon maalala." Hinahaplos niya ang buhok ko habang sinasabi anv opinyon. "Paano kung iyon lang din ang sitwasyon niya. Hindi ka niya maalala. Pareho kayong lasing at malaki ang posibilidad na iyon ang dahilan." Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Bakit hindi mo na lang din siya kalimutan." Umiling ako. "Ayaw ko," "Gusto mo ba siya?" pamumutol nito sa akin. Umiling ako. "I don't like him, Nanny." Ibinaling ko ang aking tingin sa baba ng hagdan. "I want him," "Hindi mo hahangaring makuha ang isang bagay na hindi mo naman gusto, Gabby." Muli niyang pamumutol sa akin. Bumaling ako sa kaniya. "I want him, Nanny. And once I want something I'll do anything just to hold it in my arms." "Hindi siya isang bagay, Gabby." "I want him, Nanny." pagdidiinan ko iyon, "If he can't remember that I'm his girlfriend then I'll make him remember. I'll chase him until I finally get to hold and cage him in my arms." Walang emosyong sabi ko habang nakatingin sa kawalan. "Ano nga ba ang makukuha mo kung mapapasayo ang isang bagay na hindi mo naman gusto? At bakit ka magpapakahirap na ikulong siya sayo kung alam mo namang hindi rin mauuwi sa maayos ang pinaghirapan mo?" Tumingin ako sa kaniya. "I just want to feel to be his arms before my freedom inside the jail ended, Nanny." "You like him, Gabby baby." Malambing ang boses na anito saka ngumiti sa akin. "Stop denying it." "I have a rule, Nanny. No falling, just playing." ngumiti ako sa kaniya, "I told you, I just want him to be all mine, because he really is mine." Hindi na nagtagal ang aming pag-uusap at pinapasok na ako nito sa aking silid upang makapagpahinga. It really feels so nice opening up to her. Ibinagsak ko paupo ang aking sarili sa pahabang sofa nang makapasok ako sa aking silid. Wala na ang alak sa aking sistema ngunit ang init na dulot nito ay narito parin sa aking katawan. Pilit kong hinila ang aking sarili patungo sa banyo at hinubad ang lahat ng saplot sa aking katawan saka pumailalim sa malamig na tubig mula sa shower. Ipinikit ko ang aking mga mata at ilang beses na huminga ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili. The sight of him escorting that girl outside the Clubhouse makes my blood boil and made me see red. I hate it when other people's touching and taking what's mine. It makes me want to punch someone straight in the face. Tinapos ko ang aking pagligo at inabot ang roba sa rack saka isinuot iyon. Tinuyo ko ang aking buhok at walang buhay na lumabas ng banyo, nadatnan ko ang aking cellphone sa ibabaw ng kama na walang tigil sa pag-iingay. Nilapitan ko iyon at kinuha saka sinagot ang tawag. "Mama," "You are really shameless." Salubong nito sa akin. Hindi ako magtataka kung maraming masasakit na salita ang matatanggap ko mula sa kaniya. At hindi na rin ako magugulat na alam niya ang lahat ng mga pinaggagagawa ko rito sa Pilipinas at alam kong nalalapit na ang katapusan ng kalayaan sa loob ng bilangguan na ibinigay niya sa akin. "How dare you go to places like that?!" Pagalit ang boses nito, she's drunk again. "That's not how a proper and educated lady act! You're a Lady from the House Cortez and a member of Zachariah family! You should act like a proper lady not a b***h! How dare you shamelessly act like that and embarrassed me and our family! What if someone from here saw you in places like that?" "You're a disgrace in this family! You don't know anything but to cause troubles and shame! Such a shameless piece of idiot you are! You are nothing but a shame!" Dagdag pa nito at napakagat nalang ako sa labi. I can't talk back at her because she is my mother and that's an act of rudeness in our family. I can't fight back and defend myself because I was nothing but a shame in our family. "Collect yourself and fix your attitude, Gabriella. I don't have a b***h of a daughter." Tumango lamang ako na para bang kaharap ko lamang ito. "You only have months and don't disappoint me." Walang emosyon akong napakagat ng labi. "I understand, Mama. I won't disappoint you." "Good. Because once you disappoint me, pack up your things, forget that you have a family and suffer alone with your conscience." Pagkasabi niyon ay pinatay na nito ang tawag. Mapakla akong natawa at mapait na napangiti. Lumuwag ang hawak ko sa cellphone at nalaglag iyon sa kama. Parang sirang plaka na paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang lahat ng masasakit na salitang binitiwan nito. A lone tear fell from my eyes. Every painful words she told me a while ago and even since then came back to my mind, holding and squeezing heart, piercing it with million of needles and stabbing it with a hundred of knives. Dapat ay sanay na ako sa mga salitang iyon, ngunit hindi. Dahil sa bawat sandaling maririnig ko iyon mula sa kaniya at sa tuwing bumabalik ang mga iyon sa isipan ko ay para akong mababaliw at mawawasak dahil sa sakit. Ang sakit at takot, ang pighati na dulot ng nakaraan ay bumabalik lahat sa isipan ko na para bang kahapon lang iyon nangyari. Isa isa kong nakikita sa isipan ko ang mga pangyayari at ang sakit ay kinakain na ako. Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa sakit na lumukob dito sa ulo ko at kasabay niyon ang sakit na para bang may kamay na humahawak sa bagay na nasa dibdib ko at dahan dahan iyong pinipilipit. Ang isang patak ng luha na nalaglag mula sa mga mata ko ay nasundan pa at hindi na tumigil sa pag-agos. Nahanap ng mga kamay ko ang cellphone na nalaglag at ibinalibag iyon sa pader, unti unti akong napapaupo sa sahig habang ang lahat ng bagay na nahahawakan ko ay ihinahagis ko, umaasa na maari nitong alisin ang sakit at patigilin ang pagbabalik ng nakaraan sa aking isip. Malakas akong napahiyaw dahil sa sakit at pilit na inabot ang gamot sa loob ng bag. Ibinuhos ko ang laman ng bag hanggang sa mahagilap ko doon ang isang parisukat na puting bagay, kaagad ko iyong binuksan at ininom ang tatlong tabletas na naroon. Huminga ako ng malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. Ngunit hindi gaya ng dati na nagagawang pawiin ng gamot ang sakit at napapatigil nito ang patuloy na pagpasok ng mga alaala at napapakalma ako nito, ngayon ay wala itong epekto. Inabot ko ang syringe sa drawer na nakahanda ano mang oras at itinusok iyon sa aking balat. Then suddenly my vision swayed and blurred. The pain is fading and I'm slowly becoming numb. Until I got completely lost in oblivion. "Ayos ka lang ba?" Tanong ng pinsan ko nang sunduin niya ako sa bahay upang pilitin na pumasok sa eskwela ngayong araw. Ilang araw na din akong hindi lumalabas ng kwarto. I'm thankful because Nanny Alicia didn't forced me or interrogated me, dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya kung magtanong man ito. There's no one in that house, not my friends and even my family knew what I've been going through. Yes, I am suffering from depression for five years now and only my psychiatrist knew about this thing. What happened last night wasn't new to me, mayroon pa ngang mas malala doon at sa tuwing inaatake ako ay ako at ako lang ang nagbibigay ng gamot sa sarili ko. I never lived a perfect life, not like how people around me knew about me. For other people's eyes, being a Cortez is something to be proud of and being part of the Zachariah family is envious, but not for me. Being in this family is actually a curse. This family for me is a jail, a luxury jail but not as luxury as my freedom. "Gab," Napatigil ako sa pag-iisip at napalingon kay Cole nang magsalita ito at kalabitin ako mula sa driver's seat. Lumingon ako sa kaniya. "Ano?" "Sigurado ka ba na wala kang sakit." Tanong nito saka igilinid sa kalsada ang sasakyan at sinalat ang noo. "You're not sick but you're not the usual brat I know." Inalis ko ang kaniyang palad sa aking noo at inikutan siya ng mata. "Just continue driving, Cole." Humalukipkip ako at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. "Late na ako." Tinawanan lang ako nito at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Ilang sandali lamang ay huminto ito sa gate ng school kung saan ako ay nag-aaral. Nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. Napansin ko ang paghinto ng mga estudyante na papasok na ng school. Napaikot nalang ako ng mata nang makita ang iba na mukhang kinikilig pa at hindi mapakali. Napabaling ako sa malanding nilalang sa harap ko na pangisi ngisi pa. "You look like an idiot." Komento ko rito. Lalong lumaki ang kaniyang ngisi at kumindat pa ng bumaling sa akin. "I'll fetch you later, wait for me." "Kaya ko namang umuwi." Tumaas ang kilay nito. "I've been missing in action on you this past few days, I just want to make it up to you." Sabi nito saka hinalikan ako sa noo. "Wait for me stubborn brat." Tumango lang ako at pinanood itong makapasok sa sasakyan at makaalis bago ako naglakad papasok sa paaralan. Ang mata ng mga estudyante ay nasa akin at iyon ang pinaka nakakainis, kaya ayaw ko na hinahatid ako ng mga pinsan ko dahil napagkakamalan silang boyfriend ko. That's the reason behind the rumors that I am a playgirl, well, I have not so many boyfriends. But, basta. "Where have you been?" Salubong na tanong sa akin ni Arie nang makaupo ako sa upuan ko. "Went to a three days vacation somewhere." Pagsisinungaling ko. Hindi na niya kailangang malaman na nagkulong ako sa kwarto at nilalabanan ang depresyon sa loob ng tatlong araw na iyon. "Hindi ka manlang nag-aya." Nakangusong sabi nito at palihim nalang ako napatawa ng mapakla.. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Aless at kasunod nito ang prof. kaya't tumahimik na kami at nag-umpisa na itong magturo. Pilit kong nilalabanan ang antok hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na naman ako sa klase. Ginising lang ako nung dalawa nang maglunch break na at muli nanamang nakatulong sa afternoon class at nadatnan ko nalang ang sarili ko sa detention room. "This is not the first time you slept during class hours, Ms. Cortez at kung magpapatuloy kang ganito ay kailangan ko nang makausap ang mga magulang mo." Walang emosyon ang mukha ko at bahagya pang humihikab habang nakatingin ako sa may katandaang lalaki na siyang counselor para sa detention. Hindi na ito bago sa akin, dahil halos buwan buwan kong nabibisita ang silid na ito. Antok at nababagot lang akong tumango. Hindi na ako nagtagal doon at pinagsabihan lang ako gaya ng madalas nilang gawin ngunit hindi ako binigyan ng parusa dahil dumating si Cole at siya ang kamausap sa counselor. "Be thankful that Cale, is busy at the moment." Sabi niya habang naglalakad kami palabas sa gate ng school. "Kung hindi ay gigisahin ka 'non at siguradong ilang sermon din ang matatanggap mo." Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad dahil naiirita ako mata ng mga estudyante na nakamasid sa amin. "Gabby!" Napaangat ako ng tingin sa tumawag sa akin nang makalabas kami ng gate. Mabilis na naglakad si Arie palapit sa akin. "Hey, Arie!" bati ni Cole rito. "Hey, you've been MIA this past few weeks." ani Arie saka ngumisi dito. "What are you doing here, moron?" "Fetching our stubborn baby here and saving her ass from the punishments for sleeping all day in every classes." Paliwanag na umakbay pa sa akin. Tumawa si Arie. "She's always sleeping at almost every classes everyday anyway." Bumuntong hininga lang ako at walang emosyong tumingin sa kanila. "What can I do? Ang boring ng mga klase nila kaya ay nakakatulog ako at hindi ko iyon kasalanan, kasalanan ng mga prof. Kung hindi nakakaantok ang klase nila ay hindi ako makakatulog." "Her reason is even unbelievable." Si Arie na bahagya pang napaikot ang mata. Then our conversation interrupted by a very familiar voice. "Arie." Napaangat ako ng tingin dito at napalingon naman si Arie sa kaniya. "Reid!" "Reid." Sabay na ani Arie at Cole. Wait, magkakakilala ba sila. Napunta dito ang paningin ko at tinanguan lang nito ang pinsan ko saka bumaling kay Arie. "Are you here to fetch your girlfriend, Reid?" Tanong ni Arie habang nakangisi at palihim na bumaling sa akin. Kumunot ang noo ng singkit na lalaki. "What do you mean? I don't have any girlfriend." Napa 'o' si Arie saka tumaas ang kilay at napangisi nang tumingin sa akin saka muling binalingan ng tingin ang kaharap. "Really?" tanong niya rito habang ako ay nakamasid lamang. "I don't do girlfriend shits, Arie." Sagot nito na ikinapantig ng tenga ko. "So, why are you here?" Tanong ni Arie. Namulsa lang ang lalaki bago nagsalita. "The morons are busy studying and I am the only one who's free to pick you up." Naramdaman ko ang bahagyang pagkulo ng dugo ko dahil sa sinabi nito. He's fetching other girl when his girlfriend is here in front of him and he didn't even manage to glance at me. Even just a glance! Para lamang akong isang hangin doon sa harapan niya. "Let's get going then." Tumango ito kay Arie samantalang si Arie ay bumaling sa akin. "Mauna na ako, Gabby. Let's meet nalang tomorrow or later at the clubhouse if you don't have anything to do." Tumango lang ako dito habang nakakuyom ang kamao dahil sa lalaking hindi manlang ako binalingan at nasa pinsan ko ang tingin. "Cale is looking for you, man." Sabi at tinapik ang balikat ni Cole saka pinagbuksan si Arie ng pinto at nang makasakay ito sa driver's seat ay kaagad na nagmaneho paalis. Napapikit ako habang nakakuyom ang kamao at mahinang napahiyaw sa inis. Naihagis ko rin ang purse na hawak ko dahil sa inis. "Hey, Gab. Okay ka lang?" Iminulat ko ang aking mga mata at nasa dinaanan nito ang tingin. "That boiling hot chinky eyed geek is really making my blood boil." Hindi ko na pinansin ang pinsan ko na nagtatanong at hinablot ko nalang ang susi ng sasakyan nito sa kaniyang kamay at sumakay sa sasakyan saka pinaharurot iyon at iniwan siya. "Reid Montefalcon." Mahinang bulong ko nang mahanap na ang sasakyan nito. I was driving at the limit. Chasing his car who's speeding up now. You want a chase. Then I'll give it to you. "Let's start the chase now, my monster of a boyfriend."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD