Kabanata 6

2728 Words
Obligation "Good morning, Nanny!" Masayang bati ko sa babaeng nag-alaga sa akin mula pagkabata nang madatnan ko ito sa kusina na naghahanda ng agahan. Niyakap ko siya mula sa gilid at hinalikan sa pisngi. Nakangiti itong humarap sa akin. "Good morning, Gabby-baby." pinisil niya ng ilong ko,"Ang aga yata ng alaga ko ngayon." Naglakad ako patungo sa fridge at kumuha ng fresh milk mula doon saka nagsalin sa baso bago hinarap si Nanny Alicia. "I'm just on the mood to be a diligent student today, Nanny." Sabi ko habang umiinom ng fresh milk. "By the way, is Kuya Joe already arrived from his leave?" Tinapos nito ang pagluluto saka na nanunuri ang tingin na ibinigay nito sa akin. "Bakit nararamdaman kong nagsisinungaling ka?" nagtaas ito ng kilay, "Hindi sa school ang punta mong bata ka 'no?" Napakagat ako sa pang-ibabang. Why do Nanny Alicia always finds out when I am lying. Para bang alam na alam niya na ang bawat kilos ko at ang mga salitang nagtatago sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. She's more a mother to me than my real mom. At hindi ako magtataka kung mas kilala niya pa ako kaysa sa ina ko. "Keizha Gabriella." Pagbanggit nito sa buong pangalan ko. "Alam kong kaya mo tinatanong si Joe ay dahil pagtatakpan ng isang iyon ang kalokohan mo." Nag-angat ako ng tingin dito saka napasimangot. "Fine, Nanny." Sinalubong ko ang tingin niya saka lumapit sa kaniya at yumakap sa kaniyang braso. "I'm going to my boyfriend's place to wake him up." Nagsalubong ang kilay nito. "Sinong boyfriend mo?" "Iyong sinasabi ko sayo the last time, Nanny. The boiling hot chinky eyed guy." Sagot ko sa tanong nito at unti unti namang naghiwalay ang kilay nito. "Iyong nakalimot sayo?" Tanong niya na ikinasimangot ko. "Nanny naman." reklamo ko, "Stop reminding me my karma." "Naniniwala ka na ngayon na nakalimutan ka ng lalaking iyon?" May bahid ng panunudyo ang boses na tanong nito. Tumango ako. "I don't see any lies in his eyes when I read them like how you taught me." Sumimangot ako. "He can't really remember me." "Hindi ka naaalala ngunit boyfriend mo parin?" Nagtatakang tanong niya habang inaayos ang buhok ko. "Itinatanggi niya at ayaw niyang pumayag ngunit wala siyang magagawa. Ako ang masusunod dahil ako naman ang nakakaalala." Sagot ko na ikinailing na lang nito. Inubos ko ang fresh milk sa baso at sakto namang pumasok ang personal driver ko na ilang linggo ding nawala dahil nagfile ito ng leave dahil nagkasakit daw ang anak nito. "Magandang umaga, Kuya Joe." Bati ko rito,"Alis na tayo." "Ang aga naman yata, Miss Gabby. Sigurado ka bang sa school ang punta mo? Mag-aalas sais imedya palang yata." Kinuha ko ang bag ko sa gilid at ngumiti sa kaniya. "May pupuntahan ako, Kuya Joe. Kailangan ay maaga ako doon." Hindi na ito nagtanong pa at sumunod nalang sa akin matapos kong magpaalam kay Nanny Alicia at nagtungo na sa parking lot. Nakahanda na ang sasakyan na madalas naming gamitin. Pumasok ako doon at ilang sandali lamang ay umuusad na iyon palabas ng gate ng mansion at palabas ng subdivision. Ibinigay ko ang address ng condominium building kung saan siya nakatira at hindi naman nagtanong ng kung ano si Kuya Joe. Nasa labas lamang ng bintana ng sasakyan ang aking tingin. Hindi ko maiwasang mapangiti at mainis nang pumasok sa aking isipan ang nangyari nang nagdaang gabi. That chinky eyed guy is really a monster, he's really proving his monstrous personality and I don't know if I will laugh or what when he came back for me at the exact time to calm me and pulled me away from depression. Yakap ko ang sarili habang nakaupo sa gilid ng kalsada. Walang masyadong dumaraang taxi sa lugar na ito at kung mayroon man ay wala din akong pera at kahit na gusto kong magpasundo sa mga pinsan o sa driver namin ay hindi ko rin magawa dahil wala akong dalang cellphone. Yumuko nalang ako at bahagya pang napapakamot sa mga binti at braso dahil sa napakaraming lamok na kumakagat sa akin. Sigurado ako na bukas ay mamantal ang balat ko at kakailanganin ko namang magsuot ng mahabang medyas at kahit na anong makapagtatakip sa namamantal kong balat gaya noong sumama ako sa camping. Bahagya akong nakasandal sa isang poste ng lampshade habang nilalamok. Niyakap ko nalang ang aking tuhod at ibinaon ang mukha doon. Wala pa naman akong suot na long sleeve dahil hinubad ko iyon kanina sa school dahil mainit at hindi proper uniform ang suot ko kaya't nilalamok ang mga binti at hita ko. That heartless monster. I will going to kill him! Anong klase siyang boyfriend? At talagang iniwan niya nga ako dito at hindi na binalikan. Nakakaasar, maflat sana ang gulong ng sasakyan niya sa daan. Bwiset! No one had ever do this to me. At iyong unang taong gumawa sa akin nito ay iyon pa talagang nag-iisang taong hinayaan kong umangkin sa akin. Nag-angat ako ng mukha upang magkamot at napatigil nang tumambad sa akin ang malungkot na lugar kung saan ay narito ako at mag-isa. The thought of me being this hopeless right here in this place is making me feel sad. Then suddenly the feeling of hopelessness and unimportance are eating me. Hindi ko namalayan ang biglaang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ang malulungkot na alaala ay bumabalik sa aking isip na siyang lalong nagpapalakas sa pagbuhos ng aking mga luha. Ibinaon ko ang aking mukha sa aking mga braso na nakayakap sa aking tuhod. I hate being alone. I hate being like this. I hate being left behind. Why do depression need to occur at situations like this? Narinig ko ang paghinto ng isang sasakyan sa aking harapan ngunit hindi ko iyon binalingan dahil nag-uumpisa na namang manakit ang ulo ko. Mariin akong napapikit habang lumuluha hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar na boses na siyang nagpakalma at humila sa akin sa labis na kalungkutan. "Miss." I can't be mistaken. That's Reid, he came back. Hindi ako nag-angat ng tingin dito, natatakot na makita niya ang mga mata kong luhaan. "Miss." Muling tawag nito at nakita ko mula sa ibaba ang pagluhod niya sa harapan ko. "Hey." Naramdaman ko ang kamay nito sa aking braso. "Hey, Miss. Talk to me." Hindi parin ako nag-angat ng tingin dito at nanatili lamang sa ganoong posisyon. Naramdaman ko ang pagpatong isang tela sa aking balikat at braso na kanina pa nilalamok. "Look at me." Marahan ngunit pilit na inaalis niya ang aking braso na nakayakap sa aking mga tuhod upang mag-angat ng tingin. At nang maalis niya iyon ay kaagad akong yumakap sa kaniyang leeg at ibinaon ang mukha doon bago pa man niya makita ang mukha ko. Kapagkuwan ay naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere at ang pagpangko nito sa akin. Ibinuksan niya ang pinto ng sasakyan at idiniposito ako doon, nang aalisin na niya ang aking mga braso sa kaniyang leeg ay mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko doon. "I need to drive, Miss." mahinahon ang boses nito, "Let go." Hindi ako nakinig dito at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya at lalong diniinan ang mukha sa kaniyang leeg habang ang kaniyang mga braso ay nasa aking beywang. "Miss, let go. I need to drive. Late na." "N-no." Nauutal na sabi ko habang nasa ganoong posisyon parin. Hindi na ito nagsalita pa at hinayaan nalang ako. Nanatili lang kami doon nang nasa ganoong posisyon hanggang sa maramdaman ko ang pagdalaw ng antok at ang tuluyan nitong paghila sa akin. Nagising ako sa marahang pagtapik sa aking pisngi. Unti unti akong napamulat ng mata at nasalubong matalim na mga mata at supladong mukha ng singkit na halimaw. "Anong oras na?" Tanong ko na napahikab pa habang nag-uunat ng mga braso. "Nasaan ako?" "It's already passed 10:00 PM, Miss." sagot nito. "Narito ka sa loob ng sasakyan ko at narito tayo sa tapat ng bahay mo." Lumabas siya ng sasakyan at umikot papunta sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at sinamaan ito ng tingin. "Sinabi ko bang iuwi mo ako sa bahay namin?" Sinalubong niya ang matatalim kong mga mata. "Hindi mo sinabi ngunit kailangan mo nang umuwi. Alangan namang iwanan kita sa kung saan." Bahagya itong yumukod at pinasok ang kalahati ng katawan sa sasakyan at inalis ang seatbelt ko. Lumabas din ito at hinawakan ako sa braso palabas ng sasakyan ngunit humalukipkip lang ako at nagmatigas. Ayaw kong umuwi dahil siguradong kakailanganin ko nanamn ng sleeping pills upang makatulog at hindi dalawin ng depresyon. "Ayaw ko dito." Nilingon ko siya "Just take me home to your place." Bumuga ito ng marahas na hininga. "Stop being stubborn, Miss." Umigting ang panga nito. "Kapag hinayaan kitang matulog ngayong gabi sa condo ko, baka pagkalipas ng dalawang linggo ay nagduduwal ka na at nagdadalang tao." Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. "W-what?" Kapagkuwan ay sinamaan ko ito ng tingin. "You p*****t monster!" Blangko ang mukha na tinignan ako nito. "Nagsasabi lang ako ng totoo. Alangan namang mag jack'n poy tayong dalawa sa ganito kalamig na panahon." Ibinaon ko ang sarili sa upuan saka napatingin sa harapan. "Ayos lang. Boyfriend naman kita at siguradong handa mo akong panagutan." Ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya. "Let's go to your place." Umigting ang panga nito saka muling napabuga ng marahas na hininga at nagpakawala ng mahina ngunit malutong na mura. "Hindi ka talaga bababa?" tanong nito at umiling lang ako. Mahina akong mapatili nang pangkuin ako nito na parang isang sako ng bigas sa balikat upang mailabas sa sasakyan at ibinaba ako sa harapan ng gate ng aming bahay. "I hate you!" Sigaw ko sa kaniya. Hindi ako pinansin nito at bumalik lang sasakyan nito at may kinuhang kung ano sa backseat at pagbalik nito ay hawak na nito ang bag ko at ang mga libro ko. "Heto." Iniabot niya iyon sa akin. "Nakakahiya naman kung mauuna pa iyang mga gamit mo sa pag-uwi kaysa sayo." Puno ng sarkasmo ang boses niya. Nakasimangot ko iyong kinuha sa kaniyang kamay. Kapagkuwan ay nakapamulsa itong tumingin sa akin. "Pumasok ka na sa loob." Hindi ko na hinintay na ulitin niya iyon at binuksan ko na ang gate gamit ang susi na nasa ilalim ng paso ng halaman. Ngunit bago ako tuluyang pumasok ay humarap ako sa kaniya. "We should consummate our relationship." Sabi ko habang walang emosyon ang mukha nito na nakatingin sa akin. "So, do your obligation as a boyfriend to me and I'll do mine." "Ilang ulit ko bang kailangang sabihin sa iyo na hindi mo ako boyfriend. At isa pa wala akong girlfriend na baliw." Inikutan ko lang ito ng mata. "Whatever you say." Pumasok na ako sa loob at isinara ang gate ngunit hinintay ko munang makaalis ang sasakyan nito bago ako pumasok sa loob ng bahay. He's not that heartless as I think of him. "Nandito na tayo, Miss Gabby." Napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita ang driver ko. Kinuha ko ang gamit ko at inayos ang sarili saka lumabas ng sasakyan. "Huwag mo na akong hintayin, Kuya Joe. May maghahatid na sa akin papunta sa school mamaya." Tumango lang ito at sumaludo na siyang ikinatawa ko ng mahina. Kumaway lang ako dito bago pumasok sa building. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang floor kung saan naroon ang condo unit niya. I can still remember the unit where I woke up that morning. Room Number 3901. Nang bumukas ang elevator ay kaagad akong lumabas at nagtungo sa pinto niya. Hindi naman nakakalito dahil dalawang room lang ay mayroon sa palapag na ito at siguradong napakaluluwang ng loob ng bawat unit. Ilang beses kong pinindot ang doorbell nito at ilang minutong naghintay doon sa labas habang nakatayo. At nang bumukas ang pinto ay tumambad sa akin ang suplado nitong mukha at ang singkit na mga mata ay mas maliit pa, magulo din ang buhok nito at halatang kagigising lang. He's just wearing a simple v-neck shirt and sweatpants ngunit bakit kaya niyang painitin ang malamig na umaga. "What are you doing here, Miss?" Hindi ko pinansin ang tanong nito at inikutan lang siya ng mata saka itinulak upang makapasok ako sa loob. Hinubad ko ang high heeled boots na suot ko saka naglakad patungo sa living room niya at ibinagsak ang sarili sa mahabang sofa. "Ano bang ginagawa mo rito?" muling tanong nito, "Nababaliw ka nanaman ba? Napakaaga." Umayos ako ng upo saka pinagkrus ang mga braso sa aking dibdib at pinagpatong ang mga hita. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang suplado niyang mukha. "Ihatid mo ako sa school." Sabi ko habang nakikipaglaban ng titigan sa kaniya. Nagsalubong ang kilay nito. "Say that again?" Umikot ang mata ko rito. "Bingi ka ba? Ang sabi ko ihatid mo ako sa school." "Nababaliw ka na ba? Bakit naman kita ihahatid? Ano ako? Driver mo?" Puno ng pagkainis ang boses nito. Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Boyfriend kita and it's your obligation to drive me to school and take care of me." Umigting ang panga nito habang nakapamaywang sa harapan ko. "Ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo na hindi mo ako boyfriend at hindi kita girlfriend dahil wala akong girlfriend na baliw." Pinulot ko ang throw pillow sa tabi ko at malakas iyong ihinagis sa kaniya. "Nakakaasar ka talaga. Bwiset ka!" Sigaw ko habang ihinahagis sa kaniya ang mga throw pillows aa tabi ko. "Girlfriend mo nga ako at boyfriend kita. Ihahatid mo ako dahil iyon ang obligasyon mo." Nalukot ang mukha ko. "Wala akong paki kung naaalala mo ako o hindi!At kung hindi mo talaga maalala ay ipapaalala ko sayo." Tumayo ako saka naglakad palapit sa kaniya at walang sabi sabing sinapo ko ang batok at pisngi niya at iginiya siya sa akin. Then without any word I crash my lips against his, throwing him off guard. I felt him stilled at a moment when I moved my lips against his. I closed my eyes, enjoying the sweetness of his lips. I bit his lower lip to make it parted and make him kiss me back, just seconds later I found my self snaking around my arms around his neck as he gave back my kisses with the same ferocity. His hands are both holding and gripping my waist, while my legs are wrapped around his waist while our lips are moving against each other with softness and passion. He bit my lower lip and I can't help but to let off a soft moan as his hands are gently and softly caressing my waist and my back. He entered my mouth with his tongue, fueling the burning sensation inside me. He sucked my tongue as I battled with his. Tongue sucking, lip lapping and breathe mixing. Naramdaman ko ang paggalaw niya at bahagyang paglalakad. Narinig ko rin ang pagkabasag ng kung ano ngunit hindi ko iyon binigyang pansin dahil sa sensasyong labis na bumubulag at kumakain sa akin. He pinned me to the wall while we're still sharing the agressiveness and ferocity of our kisses. His lips are travelling from my lips down to my jaw then my earlobe that made me bit my lower lip because of the sensation it's giving me. And his lips was about to travel down my neck when the doorbell rang, making us both stopped and stilled. I opened my eyes and met his sharp eyes with a flashing desire on it. He's letting off a harsh breath. Inalis ko ang pagkakapulupot ng aking mga hita sa kaniyang beywang at nanghihina kong ibinaon sa pagitan ng kaniyang leeg ang aking mukha. I heard his raging breath. He let out a harsh one and silently curse. Muling tumunog ang doorbell. Inalis ko ang pagkakabaon ng aking mukha sa kaniyang leeg at sinalubong ang kaniyang mga mata. Ang talim ng kaniyang mga mata ay aking nilabanan. Gamit ang nakapulupot na braso sa kaniyang leeg at inilapit ko pa siya sa akin. I bit my lower lip and rolled my tongue over it. My eyes darted at his wet and sexy looking lips before I look in his sharp eyes who's now staring intently at me. I dropped at soft kiss in his lips then smirked at him. "That kiss was the start of your obligation to me, Reid Montefalcon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD