NAGISING si Joey dahil sa pakiramdam na may nakatitig sa kanya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at ang gwapong mukha ni Luis ang sumalubong sa kanya.
"Good Morning." Nakangiting bati nito nang makitang gising na siya.
"Aga mong manggising, Bossing." Inayos niya ang kumot sa katawan at muling pumikit.
"Hindi naman kita ginising, ah."
"You're staring at me."
"Because you look cute when you're asleep. Mukha kang maamong tupa."
"Baliw ka talaga!" Nangingiting sagot niya. Pilit ikinukubli ang kilig.
"At ang bait mo when you're half asleep, unlike when you're fully awake. Ang Amazona mo."
"Kulang ka lang sa tulog, matulog ka pa." Aniya. Tinapik pa ang espayo sa kama.
"I did not sleep." Natatawang sagot nito.
Agad niyang iminulat ang mga mata. She's now fully awake. "Why?"
Nagkibilit-balikat lang si Luis. "Excited. Come, I cooked breakfast." Yaya nito sa kanya.
"Nagluto ka? Weh? In-order mo lang niyan, eh. Naku, huwag ako, Bossing." Hindi naniniwalang sagot niya. Bumangon na siya at inayos ang pagkakatali ng buhok.
"Ako nga ang nagluto. And mind you, hindi ako nakasunog." May pangbubuska sa tinig nito.
Muntik na naman kasing masunog ang pritong manok na ulam nila kagabi.
Umingos siya. "Yabang mo, ah!"
"C'mon, I have to go to the Firm and MLS, I'll file a leave." anito. Napangiti naman siya sa sinabi nito.
Mabuti na lang at nakinig ito sa kanya na pansamantalang magleave sa trabaho. Imbes na mabawasan kasi ang mga problema nito dahil sa pagquit nito sa Tan&Sy ay mas lalo pang nadagdagan dahil sa Lola nito at ang kung sino mang nagpapadala ng death threats dito.
Sabay na nagtungo sila sa dining table kung saan nakahanda na ang mga niluto nito.
"Wow!" Bulalas niya nang makita ang mga iniluto nito. "Yung totoo, Bossing, breakfast lang ba 'to o hanggang hapunan na natin? Ang dami mong iniluto!"
Umupo na siya sa harap ng hapag kainan, umupo na din si Luis sa harapan niya.
"Napansin ko kasi na malakas kang kumain kaya dinamihan ko na."
"Nilalait mo ba ako?"
"Of course not! Nagsasabi lang ng totoo."
"Aba't!" Itinutok niya dito ang sandok. "Umayos ka, sasapakin kita."
Naiiling na lang si Luis sa kanya habang pangiti-ngiti siyang pinapanood.
"Gustong-gusto mo talaga ang prito, no?" Nakangiting tanong ni Luis.
Napatigil naman siya at nilunok ang kinakain. Kapagkuwam ay napangiti. "Simula kahapon, prito ang kinakain natin." Natatawang sabi niya.
"Yeah, magmumukha na tayong pinirito niyan." anito.
"Sige, mag sabaw naman tayo mamaya. Anong gusto mong ulam, Bossing?" Tanong niya at nagpatuloy sa pagkain.
"Ikaw." Nasamid siya sa isinagot nito.
Inabutan siya nito ng juice na agad niyang ininom. Nang maayos na ang pakiramdam ay sinamaan niya ito ng tingin.
"Ngingiti-ngiti ka diyan!" Sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng mesa.
"Aww!" Daing nito.
"Buti nga sa'yo!"
Luis smirked at her. "Pikon." anito.
"Che! Isip bata."
"Pikon."
"I so hate you!"
"I so love you."
"Ano?!" Nanlalaki ang mga matang tanong niya.
"Ang sabi ko, ang pikon mo! Kumain kana dahil pupunta pa tayo sa opisina." Anito at nagpatuloy sa pagkain.
Isinawalang bahala na lang niya ang narinig dahil baka nagkamali lang talaga siya ng dinig.
O baka nag-iilusyon lang siya.
Nang matapos kumain ay nag-unahan pa sila sa pagliligpit.
"Let me." Aniya, pilit hinihila dito ang mga pinagkainan.
"No, maligo kana."
"Ako na kasi! Ikaw na nga ang nagluto."
"Ikaw din naman ang nagluto kahapon pero ikaw parin ang naglinis ng mga pinagkainan natin."
"Fine! Tigas talaga ng ulo mo!"
"Aling ulo?"
"Huh? May ibang ulo ka pa ba?" Aniya at kunwaring ininspeksyon ang mga balikat at gilid ng leeg nito.
"Of course! Gusto mong makita?" Nang magbaba ito ng tingin ay saka lang niya naintindihan ang sinasabi nito.
"Gago ka, ha! Manyak! Manyak! Tangina ka!" Pinagpapalo niya ito gamit ang sangkalan.
"Ouch! Stop it, babe. Ouch!" Pilit nitong iniiwas ang katawan.
"Anong babe?! Ginawa mo pa akong baboy!" Hinihingal na singhal niya.
"Ayan, napagod ka tuloy." Kinuha nito ang sangkalan sa kanya at inilagay iyon sa lababo. "Kulang ka na sa exercise, Abigail. Gusto mo, exercise tayo?" Nagniningning ang mga mata ito kaya alam niyang kalokohan na naman ang sasabihin nito.
"Mag-exercise kang mag-isa mo! Baka gawin pa kitang punching bag diyan, gago!" Nilayasan niya ito at nagtungo sa kwarto niya para maligo.
Habang nasa biyahe patungo sa Firm ay kinukulit siya ni Luis.
"Abigail, kausapin mo na kasi ako. Sorry na." Anito, diretso lang ang tingin niya sa daan at hindi ito pinapansin.
"Abigail..." tawag ulit nito.
"Abigail naman. Kausapin mo na ako, please?" lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Bibitawan mo ako o ibabangga ko ang sasakyan?"
Tila napasong agad na binawi ni Luis ang kamay. Nakabusangot na nag-ayos ito ng upo.
Minsan napapaisip na lang si Joey kung si Luis nga ba talaga ang kasama niya. Hindi kasi ganoon kung umakto ang Luis na nakilala niya noon.
Pagdating nila sa basement ay agad na bumaba si Luis, pabagsak pa nitong isinara ang pinto kaya mas lalo siyang nainis dito.
Nang makapag-park na siya ay agad na sinundan niya ito ngunit mabilis na nakasakay na ito sa elevator. Matatagalan pa siya kung hihintayin pa niyang bumaba ulit ang lift kaya naghagdan na lamang siya patungo sa lobby at doon sumakay ng elevator.
Pagdating niya sa opisina ni Luis ay busy na ito sa pagkausap sa mga tauhan nito sa Law Firm. Ang hinuha niya ay ipinapasa na nito ang mga kasong hawak sa mga ibang lawyer.
Naupo na lang siya sa visitor's lounge at inilabas ang cellphone para maglaro. Ngunit ilang sandali lang ay may nag-pop na message sa cellphone niya.
Mabibilis ang kilos na tinakbo niya ang fire exit, tinalon na niya ang mga hagdan para mabilis na makarating sa basement.
Naabutan niya ang ang mga tauhan ni Arthur na may hawak na tatlong lalaki. Hinihingal na lumapit siya sa mga ito.
Bukod sa kanya ay nagtalaga pa nang limang tauhan na magbabantay kay Luis si Arthur. Hindi na nila sinabi iyon kay Luis dahil ayaw na nilang mag-alala ito.
Inutusan niya ang isa na pumanhik sa taas para bantayan si Luis, ang isa naman ay inutusan niyang tumungo sa CCTV room para burahin ang lahat ng mga footages.
"Ipasok niyo na ang mga 'yan." Utos niya sa dalawang lalaki. "Let's go, Bronx."
Si Bronx ang nagtext sa kanya kanina, ito kasi ang team leader ng grupo. Sumakay na sila sa sasakyan nito at nagtungo na sa safe house ni Arthur para interogahin ang mga ito.
Habang nasa sasakyan ay itinext niya si Luis.
'I'll be out for a while, please be nice to your bodyguard.'
Ilang segundo lang ay nagreply na ito. Napakunot-noo pa siya dahil nasisiguro niyang nasa meeting pa ito.
'What the f**k?! Saan ka nagpunta?!!!!!'
'None of your business'
Nagring ang ang cellphone niya at si Luis ang tumatawag.
"Saan ka pupunta?!" bungad nito pagsagot niya. Mabuti na lang at hindi pa niya nailalagay sa tapat ng tenga ang cellphone.
Napahalakhak si Bronx sa tabi niya. Marahil ay narinig nito si Luis.
"What the?! Sino ang kasama mo, Abigail?!" Nailayo niya cellphone sa tenga.
"Pwede pakihinaan ang bos—"
"Lalaki ba ang kasama mo?! f**k! Bumalik ka dito ngayon din!"
Nagpipigil ng ngiti si Bronx kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"Kumalma ka nga, Bossing!" Aniya.
"Paano ako kakalma kung— f**k! Let me go! I need to follow Abigail!" Dinig niyang bulyaw nito sa kabilang linya.
Narinig pa niyang kausap nito si Rexel, ang lalaking inutusan niyang magbantay dito.
"Bossing, listen to me, may aayusin lang ako saglit. Madali lang ito—"
"NO! Bumalik ka ngayon din." Matigas na sagot nito.
Napabuntong hininga na lang siya at pinatay ang tawag. Pinatay na din niya ang cellphone.
"Tawagin mo si Rexel, sabihin mo patulugin muna si Luis." Aniya at tumingin sa labas ng bintana.
Naguguluhan na si Joey sa mga inaakto ni Luis. Napapansin niyang napapadalas ang paglalambing nito sa kanya. Kahit na madalas ay nag-aaway sila, ayaw na ayaw nitong nalalayo sa kanya. Madalas pa ay sumusunod na lang ito sa lahat ng mga gusto niya kahit na ayaw naman talaga nito.
Naiinis na siya sa sarili dahil umuusbong ang munting pag-asa sa puso niya na may gusto si Luis sa kanya.
She like him, alright. Pero ayaw niyang palawakin pa ang nararamdamang iyon. She's not yet complete, at hindi siya makukumpleto hanggang hindi niya natatapos ang misyon niya. At ipinangako niya sa sarili na hindi siya iibig hangga't hindi niya natatapos ang sariling laban.
Mukhang mali ang desisyon niyang bantayan si Luis. Ngunit wala siyang magagawa dahil katulad ni Arthur, ayaw din niyang iasa sa iba ang kaligtasan nito.
"We're here, Joe." Tinapik siya ni Bronx sa balikat.
"Stop calling me Joe, you asshole!" Inismiran niya si Bronx at nauna nang maglakad papasok ng safe house.
"Oh, I'm sorry, Abigail." Anito.
"Huwag mo ng dagdagan ang init ng ulo ko, Bronx. Joey ang itawag mo sakin at wala ng iba pa."
"Ahh. So, siya lang ang pwedeng tumawag ng Abigail sa'yo?"
"Tangina, Bronx! Titigilan mo ba ako o gusto mong putulin ko ang dila mo?"
"Chill, J. Ang init ng ulo mo."
Hindi na niya ito pinansin at dumeretso na sa tatlong lalaki na nagsusumiksik sa pader. Nakatali ang mga kamay ng mga ito,nakatakip ang mga mata at nakaduck tape ang bibig.
Inilabas niya ang baril at isa-isang tinanggal ang piring sa mata nang tatlong lalaki. Pagkatapos ay hinila ang mga duck tape sa bibig ng mga ito.
Sabay na nagsalita ang dalawa. Humingi ng tawad at nagmamakaawang huwag sasaktan.
"Shut up!" Natilihan ang dalawa. "Now tell me, sinong nag-utos sa inyo na sundan si Luis?"
"Wala po akong alam diyan, Ma'am! Basta po sinabi lang sa'kin ni Botchog na may raket kami. Parang awa mo na Ma'am palayain mo na ako."
"Sinong Botchog?" Aniya.
"Ako po, Boss. Hindi ko naman po alam, Boss kung sino ang nag-utos si Jack po ang kausap nila Ma'am." Sagot nang lalaking nagpakilalang Botchog.
"I guess you're Jack." Aniya sa isa pang lalaki na hindi nagsasalita at masama lang ang tingin sa kanya.
Kinuwelyuhan niya ito at hinila palayo sa dalawa na nagsimula na namang magsalita nang kung ano-ano.
Dalawang magkasunod na putok ang pinakawalan niya sa uluhan ng dalawa. Natahimik ang mga ito at puno ng takot na napadausdos pababa.
"One more word, sa ulo niyo na tatama ang mga bala ko." aniya at muling hinarap ang lalaking nagngangalang Jack.
"Sino ang boss mo?" Mahina ngunit madiin na tanong niya.
Imbes na sumagot ay nginisihan lang siya nito.
Sa hitsura nito ay wala itong balak na sumagot kaya dinaplisan niya ang balikat nito.
"Ahhhhhh! Putangina mo kang babae ka!" Namalipit ito sa sahig.
Nilapitan niya ito at diniinan ang tama nito kaya lalo itong napasigaw.
"Oh, ano? Ngumisi ka pa! Tangina mo!" Aniya habang dinidiinan pa lalo ang sugat nito.
"Putangina mo! Puta ka! Puta!" Sinampal niya ito gamit ang baril.
"Mas puta ang ina mo! Gago ka, ha?!"
Jack smirked at her. "Puta ka. Pumayag ka ngang makipaglive-in kay Luis, diba?" Nang-uuyam ang tinig nito.
Malakas siyang tumawa. "Gago! Saan mo napulot ang kalokohang 'yan?" Natatawa paring tanong niya.
Bahagyang nawala ang galit niya dahil sa sinabi nito.
"Huwag mo nang ikaila! Sa bahay ka ni Luis nakatira, nakikita ko lahat ng galaw niyo!"
"Ow. Stalker. Now, tell me. Sinong nagbigay ng access sa'yo sa penthouse ni Luis?!"
He smirked at her again. Nagmamalaki ang tingin nito. "Si Mary Sy."
Nagitla siya sa narinig. Sinakal niya si Jack at itinutok sa ulo nito ang baril.
"Huwag na huwag kang magsisinungaling dahil hindi ako mangingiming patayin ka!"
"A-Arck S-Si... Ackkkk.."
"Sino?!" Pinakawalan niya ang leeg nito. Nag-uubo ito at namula ang buong mukha.
"S-Siya nga. S-Si Mary S-Sy. A-Ang lola ng b-boyfriend m-mo."
Mabilis na tumayo siya at tinawagan si Arthur. Agad naman nitong sinagot ang tawag niya. Sinabi niya dito ang nalaman at nagsabi ito na pupunta doon.
Nang matapos ay binalikan niya si Jack.
"Why? Bakit ito ginagawa ni Mary Sy?! Sa kanya din ba galing ang mga death threats?!"
"Anong death threats? Walang ganoon! Pinapasundan niya kayo dahil alam niyang nagsasama kayo sa isang bubong. Ayaw sa'yo ni Mary Sy dahil pera lang ang habol mo sa apo niya. At alam mo ba kung anong hiniling kong kapalit sa kanya? Ikaw. Ang katawan mo. Papapaligayahin kita sa kama. Gagamitin ko ang katawan mo araw-araw, oras-oras at minuminuto—"
Sumabog ang tinitimping galit niya sa narinig. Walang awang pinagsusuntok niya si Jack. Binugbog niya ito at hindi tinigilan kahit wala na itong malay. Tatlo na ang pumipigil sa kanya ngunit hindi parin siya tumitigil.
"What the f**k, Joey!" Sumulpot si Arthur sa tabi niya at buong lakas siyang hinila palayo sa walang malay na katawan ni Jack.
"Bitawan mo ako, Arthur! Papatayin ko ang gagong 'yan!"
"Stop it, Joey! Balikan mo na si Luis. Ako na ang bahala dito."
"No! I'm going to kill that f*****g maniac! Pupulbusin ko ang lalaking yan!"
Inutusan ni Arthur ang mga tauhan na alisin doon si Jack.
Pinulot niya ang baril sa sahig at bago pa mahablot sa kanya ni Arthur iyon ay mabilis na binaril niya ang p*********i ni Jack.
Nilapitan siya ni Arthur at inagaw ang baril sa kanya.
"Joey, f**k! Tumigil kana!"
"No!" Gusto pa niyang lapitan si Jack ngunit unti-unting nanlambot ang katawan niya.
Memories keep flashing on her mind. Mga tagpong gustong-gusto na niyang ibaon sa limot. But her mind doesn't let her. Bumabalik at bumabalik ang mga iyon.
"Abi, I'm done with your little sister. Ikaw naman ngayon. Mahina ang kapatid mo, Abi. Nakaisa lang ako. Ikaw, pagsasawaan kita, Abi. Gagamitin ko ang katawan mo katulad ng ginawa ko sa nanay mo at sa kapatid mo."
"Ahhhhh!" Sigaw niya. Napahawak siya sa ulo at sinabunutan ang sariling buhok.
"Putangina niya! Putanginaaaaa!" Mahigpit na niyakap siya ni Arthur at sa balikat nito, nag-iiyak siya. Just like the old times.
"SAAN KA GALING?!" Salubong ni Luis kay Abigail nang sumulpot ito sa opisina niya.
Imbes na sumagot ay tinaasan lang siya nito ng kilay.
"I'm asking you, Abigail!" Bulyaw niya.
"Inaayos ko ang mga problema mo, punyeta ka! At alam mo ba kung anong nalaman ko, huh?!" Ganting bulyaw sa kanya ni Abigail.
"What? Anong nalaman mo?" Malakas na kumabog ang dibdib niya.
Napansin niya ang pag-aalangan sa mukha nito. "C'mon, Abigail. Tell me!"
"Someone's after you not because of your businesses and your cases. It's because of me."
"What do you mean?"
"This mean, I am resigning as your bodyguard."
"No way!" Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib niya. "N-No, you're not resigning. I won't let you!"
"You have to! Dahil parehong mapapahamak ang buhay natin."
"I will protect you!" Aniya pero tinawanan lang siya ni Abigail. He felt insulted.
Inayos na niya ang mga gamit at walang sabing lumabas ng opisina niya.
Hindi na siya nakapunta sa MLS dahil maghapon niyang hinintay ang pagbabalik nito. He can't concentrate with his job knowing that Abigail's with some other guy.
"Saan ka pupunta?" Kunot-noong tanong ni Joey nang makitang bihis na bihis si Luis.
Dahil sa nalaman nila, minabuti ni Arthur na magstay na lang si Luis sa bahay niya. Doon ay walang ibang makakapasok. She activated the security of her house.
"Going out for a drink."
"Whoa. Bakit? Pinayagan na ba kitang lumabas?" Tanong niya at nameywang sa harapan nito.
"I don't need your permission, Abigail."
"Oh. Wow!" Sarkastikong sabi niya, kapagkuwan ay nagseryoso. "Walang lalabas. Stay here. If you want to drink, may alak dito."
"Listen, Abigail. I need to think." Mukhang problemado ito.
"Bakit? Sa bar lang ba gumagana ang utak mo na hindi ka pwedeng mag-isip dito?"
"f**k! I need to go. So get out of my way."
"Ano ba kasing gagawin mo sa bar?!" Naiinis na bulyaw niya nang bahagyang hawiin siya ni Luis para makadaan ito.
"Mag-iinom."
"May alak naman dito. Dito kana lang uminom."
"Iba parin sa bar! Madilim, may music."
Mabilis na nagtungo siya sa switch at pinatay ang ilaw. Binuksan niya din ang stereo.
"Oh, ano pa?! Bwisit ka!" Aniya at mabibilis ang galaw na kumuha ng alak at baso sa kusina.
"What the! You don't understand, Abigail!" Pinanlakihan siya ng mata ni Luis.
"Tangina mo! Walang lalabas."
"Wala namang babae dito."
"Anong akala mo sakin, lalake? Gago ka, ah!"
"Abigail!"
"Don't Abigail me. Subukan mong lumabas, pasasabugin ko ang ulo mo."
"f**k this!" Binato nito nang malakas ang nakadisplay na figurine sa dingding.
Dahil sa lakas ng impact ay nagreact ang security ng bahay niya. Naglabasan ang mga nakaset-up na baril sa dingding, naging pula ang kulay ng mga ilaw at na-activate ang lahat ng security features niyon.
"What the f*****g f**k!" Nanlaki ang mga singkit na mata ni Luis. "What the f*****g hell!"
"Subukan mong lumabas, uubusin ko ang bala ng lahat ng mga baril na yan sa katawan mo." Seryosong banta niya.
"W-Why .... W-What the..." Napailing-iling si Luis at tila hindi makapaniwala sa mga nakikita.
"Go on, gusto mo nang mamatay, 'di ba? Labas na."
"f**k!"
"So?" taas-kilay na tanong niya.
"Fine! I'm staying!" Anito at naupo sa sofa. Nakabusangot na nagsalin ito ng alak sa baso at agad na inubos ang laman niyon.
"Make them gone, please." Tukoy nito sa mga baril na automatic na tumutok dito.
"Aligael Joyce." Aniya at bumalik sa normal ang bahay niya.
"Who's Aligael Joyce?" Tanong ni Luis matapos inumin ang pangalawang baso ng alak.
Imbes na sumagot ay inagaw niya dito ang baso na sinalinan nito ng alak. Katulad ng ginawa nito ay inisang lagok niya ang laman niyon.
Pagkatapos ay siya na mismo ang nagsalin ng alak sa baso at muling ininom iyon.
"Abigail, stop it! Malalasing ka—"
Pinutol niya ang pagsasalita nito sa pamamagitan ng halik.
"A-Abigail..." Ungol ni Luis sa pangalan niya nang putulin niya ang halik. Nagkatitigan sila, it's as if their eyes we're glued to each other. No words came out from them.
Nang magtagal ay sabay pa silang napangiti dahil sa nangyari. Ipinatong niya ang ulo sa balikat ni Luis.
"I owe you a date, right?" aniya. Hinahalik-halikan ni Luis ang buhok niya.
"Yeah." sagot nito.
"Tara, let's date." Yaya niya kay Luis.
"At this hour?" sumulyap pa si Luis sa wallclock.
It's almost eleven in the evening.
"Yeah. C'mon!" Hinila na niya si Luis patayo. Kumuha lang siya saglit ng jacket para ipatong sa suot na black t-shirt at black leggings.
Walang nagsasalita sa kanila ni Luis habang naglalakad sila palabas ng village. They were holding each others hand na parang mawawala ang isa kapag may bumitaw.
Nang makalabas na sila ng village, agad na sumakay sila sa pampasaherong jeep na naghihintay sa 'di kalayuan.
Mabuti na lang at kaunti lang silang pasahero kaya maluwag pa ang jeep.
"Is it your first time?" tanong niya kay Luis dahil para itong bata na first time makakita ng isang bagay.
"Yeah."
"Kaya pala." Natatawang sabi niya. Kumuha siya ng pera sa pitaka ni Luis na hindi pa niya naibabalik at nagbayad sa driver.
"Nasa 'yo pala 'yan." Tukoy ni Luis sa pitaka nito.
"Ah, yeah. Nakalimutan mo na?"
"Sort of. I thought, naiwala ko."
"Grabe! Ang yaman mo talaga! Alam mo ba kung magkano ang nakita kong pera dito?" aniya. May mga lilibuhing papel kasi ang pitaka nito at sa tingin niya ay nasa thirty thousand pa iyon.
"Silly." Ipinalibot nito ang kamay sa bewang niya at inihilig ang ulo niya sa balikat nito.
Nang makarating sila sa food park ay narinig niya agad ang pagrereklamo ni Luis sa ungol nito.
"This is not what I planned for our first date." Anito.
Natatawang pinisil niya ang matangos na ilong nito. "Don't worry, we'll make this a memorable one."
Una nilang pinuntahan ang bilihan ng barbeque. Umorder siya nang sampung isaw. Pinaghatian nila ni Luis ang mga isaw na wala nang nagawa kundi kainin ang mga iyon.
Inisa-isa nila ang lahat ng tindahan habang masayang nag-uusap ng kung ano-ano.
Nang matapos na nila lahat, niyaya niya si Luis sa McDonalds para bumili ng sundae. Ito na ang nag-order sa counter. Naupo siya malapit sa glass wall at tinignan si Luis na seryoso ang mukha habang nag-o-order.
And as she stared at Luis, she was reminded why she's doing that with Luis. She was reminded by the talk she had with Arthur.
The very reason why she did that 'thing' to Jack. The reason why she's being bitter about life. Arthur made her realized that it's time to face her own demons. She did it again. Halos makapatay na naman siya dahil sa personal na issues sa buhay. Ganoon din ang nangyari noon sa isang misyon niya under UP kaya pinilit siyang magbakasyon ng superior niya.
Siguro nga, it's time to finally face those people who ruined her family, those who ruined her life. Para matahimik na ang buhay niya. Para mapalaya na niya ang kapatid at ang mga magulang. At para sa mas ikabubuti ng buhay niya.
"In-love ka na ba?" Nagulat siya nang magsalita si Luis sa harapan niya. Hindi niya napansing nakalapit na pala ito.
"Baliw. Thank you!" Aniya at nilantakan na ang hot fudge sundae.
Nang matapos kumain ay napagpasyahan nilang umuwi na.
Something's wrong. Luis can sense it. Hindi gagawin ni Abigail ang lahat ng iyon nang dahil lang sa wala. Malakas ang kutob niya and he doesn't like it.
Ayaw man niyang isipin but it feels like Abigail's giving him that time like it's the last time that they will be together.
Habang naglalakad sila pauwi ay lumilipad ang isip niya. Gusto niyang magtanong, gusto niyang malaman kung bakit bigla na naman itong nagbago, but he's afraid. Afraid to ruin the moment. Afraid to hear Abigail say it right in front of his face, but most of all, he's afraid to know the truth because he knows, it will break his heart.
Naglinis lang sila saglit ng katawan pagkatapos ay magkatabing nahiga sa kama ni Abigail.
Mahigpit na niyakap niya ito mula sa likuran. Ipinatong niya ang ulo sa balikat nito. "Don't leave me, Abigail." Napapitlag ito sa sinabi niya kaya mas lalo lang niyang napagtanto na tama ang hinala niya.
"What are you saying? Of course I'm not leaving, bahay ko kaya 'to." Natatawang sagot nito ngunit dama niya ang kaba sa boses nito.
Mas hinigpitan niya ang yakap kay Abigail at hindi niya ito pinakawalan kahit na nagrereklamo na ito.
He can sense it. He's starting to lose Abigail. He's losing the battle. Hindi pa siya nakakapag-umpisa sa laban, but it's feels like game over na agad.
KINAUMAGAHAN, wala na si Joey sa tabi niya. Kaagad na binalot ng kaba ang buong pagkatao ni Luis. Tinignan niya ito sa banyo pero walang tao doon, nang akma na siyang lalabas para tignan ito, saka naman bumukas ang pinto at pumasok si Abigail
Nakahinga siya nang maluwag at nakangiting niyakap ito. "Akala ko umalis ka."
"Huh? Saan naman ako pupunta?" natatawang tanong ni Abigail.
"I don't know. Saan nga ba?" Balik tanong niya. Nag-iwas ng tingin si Abigail.
"Ewan ko sa'yo! Kung anu-ano ang naiisip mo. Tara na nga, breakfast is ready."
Nauna nang lumabas sa kanya si Abigail, sinundan lang niya ito ng tingin. Dapat masaya siya sa trato nito sa kanya. Pero bakit parang mali? Bakit natatakot siya sa mga pwedeng mangyari?
TAHIMIK na nag-aalmusal sina Joey at Luis. Nagpapakiramdaman sila, walang may nais na maunang magsalita. Paminsan-minsan ay nagkakasalubong ang tingin nila pero sabay din silang nag-iiwas ng tingin.
"This is awkward." Aniya.
"It is." Ibinaba ni Luis ang mga kubyertos at matiim na tinitigan siya.
"What?" Taas kilay na tanong niya.
"What's happening, Abigail?"
"Huh? Saan?"
"You know what I am talking about."
"B-Bossing..."
"f**k! I don't wanna hear it." Tumayo si Luis at iniwan siya doon.
Napapailing na lang na niligpit niya ang mga pinagkainan nila. Bakit pagdating kay Luis naduduwag siya? It's f*****g simple! Magpapaalam lang siya na magreresign na siya. And he can't do anything about it dahil si Arthur naman talaga ang kausap niya sa kasong iyon.
Nang matapos sa ginagawa, sinilip niya si Luis sa kwarto. Nakahiga ito at seryosong kaharap ang cellphone. Sa palagay niya ay naglalaro ito.
Walang ingay na pinindot niya ang on ng cctv camera sa kwarto niya para mabilis niyang malaman kapag nagtangka itong lumabas, pagkatapos ay pumasok siya sa isang secret room para kumuha ng ilang mga gamit.
Naka-activate ang security ng bahay kaya nasisiguro niya na walang ibang makakapasok kung hindi si Arthur.
"I'm sorry, Luis." Bulong niya. Sumakay na siya sa kanyang motorsiklo at pinaharurot iyon palayo.