CHAPTER 8

2897 Words
WALA nang ibang narinig si Joey mula kay Luis kung hindi ang pagrereklamo nito. Magsimula nang tumuntong ang mga paa nila sa maputik na sahig ng palengke, puro mura at pagrereklamo na lang ang lumabas sa bibig nito.  Magtatatlong linggo na siyang nagtatrabaho bilang bodyguard nito ngunit hanggang sa mga oras na 'yon ay wala pa ata silang napagkasunduan. Lahat na lang ay pinagtatalunan nila.  "Kapag ako nainis sa'yo, Bossing. Tatahiin ko ang bibig mo! Ang arte mo!" Pabulong ngunit madiin na usal niya.  "Bakit kasi isinama-sama mo pa ako dito. Akala ko ba hindi tayo pwedeng maglalabas?" Naiiritang tanong nito sa kanya. Gusot ang mukha nito.  Sinabi kasi niya dito na hindi muna sila pwedeng maglalabas dahil nag-umpisa na namang magpadala ng death threats ang mga kaaway nito. Hinahanap pa ng mga tauhan ni Arthur ang mga pinagmumulan ng mga sulat. Paminsan-minsan ay palihim na tumutulong siya kapag tulog na si Luis. Tinatakasan niya ito at kinukulong sa penthouse nito. Ngunit sinisigurado naman niyang safe parin ito.  "Kaya nga sa palengke tayo nagpunta, diba? Kasi walang mag-iisip na ang Bilyonaryong si Marco Luis Sy ay nasa palengkeng ito."  "I'm not a Billionaire!"  "Weh? Maniwala ako sa'yo. Tagapagmana ka nga nang lahat ng ari-arian ng pamilya mo."  "I quit, remember? Tsaka huwag na nga nating pag-usapan 'yan. Nakakairita! Let's just finish this. I can't stand the f*****g smell!"  "Arte mo, Bossing! Malamang nasa isdaan tayo, malansa talaga! Tara na nga!"  Nagpatuloy na sila sa pamimili ng mga stocks nila. Dinamihan na niya ang mga pinamili dahil nasisiguro niya na hindi papayag si Luis na bumalik pa sa palengkeng iyon.  "Bossing, kumakain ka ba ng ganito?" Tinuro niya ang mga Tilapia.  "No—"  "Ah, basta. Kakainin mo lahat ng iluluto ko." Putol niya sa sagot nito.  "Nagtanong ka pa." Sarkastikong sagot ni Luis. Nginisian niya lang ito at nagkilo na ng Tilapia. Pumili na din siya ng iba't-ibang isda.  "Pera, Bossing?" Inilahad niya ang kamay. Agad namang iniwas ni Luis ang katawan dahil sa basang kamay niya.  "Arte." Bulong niya.  "In my pocket." Ininguso pa nito ang bulsa.  "Malansa ang kamay ko."  "Maghugas ka. I can't just put these down. Ang dumi ng sahig." Itinaas nito ang mga plastic na dala.  Nakihugas siya ng kamay sa tindera pagkatapos ay ipinasok ang kamay sa bulsa ng shorts na suot nito.  "f**k! Basa pa ang kamay mo!" Reklamo ni Luis. Inirapan niya lang ito at kinuha na ang wallet nito.  Nang makapagbayad ay isinauli niya ang wallet nito ngunit hindi nito tinanggap.  "Ikaw na humawak." Sagot nito at nauna nang maglakad sa kanya.  "Need help, Bossing?" Tanong niya kay Luis dahil bitbit lahat nito ang mga pinamili nila.  Hindi siya pinansin ni Luis at nagpatuloy lang ito sa paglalakad.  "Hey, Bossing, bibili pa tayong prutas at gulay."  "What the! Hindi pa tapos?" Mababakas ang inis sa mukha ni Luis.  "Wala pang gulay." Nakalabing sagot niya. Agad naman umayos ang mukha ni Luis at napabuntong-hininga na lamang.  "Fine." Sumusukong sagot nito.  Napangiti naman siya at isinukbit niya ang kamay sa braso nito. "Tara, doon tayo!" Itinuro niya ang bilihan ng mga prutas.  "Bossing, mahilig ka ba sa prutas?" Tanong niya kay Luis para matantiya niya kung gaano kadami ang bibilhin niya.  "Not really." sagot naman nito.  "Ay. Oh, ano na lang gusto mo?"  "Ikaw."  "What?!" Nag-iwas ito ng tingin. "Ikaw, kung anong gusto mo." ulit nito sa sagot.  "Labo mo talagang kausap, Bossing!"  Tinutulungan siya ng binatilyong tindero sa pagpili ng mga prutas. Ang hinuha niya ay anak ito ng may-ari ng stall.  "Pomelo, ate. Masarap 'to. Galing Davao. Mura na lang ito, sa'yo. Dalawa na kunin mo, libre na lang ang isa, maganda ka naman." Anang binatilyo na nagpapacute pa sa kanya. Natatawa na lamang siya sa lalaki.  "Excuse me," Naramdaman niyang tumabi sa kanya si Luis. "Kaya kong bayaran ang mga prutas, kaya huwag ka nang magpacute sa asawa ko."  "Bossing!" Pinanlakihan niya ng mata si Luis. Pagtingin niya sa binatilyo ay namumutla na ito dahil sa talim ng tingin ni Luis dito.  At kahit na hindi pa siya tapos sa pagpili, binayaran na niya ang mga prutas at hinila palayo sa stall si Luis.  "Nababaliw ka na ba, Bossing?! Wala namang ginagawang masama yung bata!" Sita niya kay Luis.  "Anong wala? Hindi mo ba napapansin na nagpapacute sa'yo ang lalaking 'yon?!"  "So? Ano naman ngayon?" Naiinis na tanong niya. Wala naman sa kanya iyon dahil wala siyang balak pumatol sa mas bata sa kaniya.  "f**k! Kung wala lang sa'yo yun, sakin meron!" Nauna na itong naglakad sa kanya.  "Huh? Bakit siya affected?" Naiinis na hinabol niya ito.  "Oy, Bossing! Hindi pa tayo tapos! Wala pang gulay!" Habol niya dito. Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Mas binilisan pa niya ang paglalakad para maabutan ito.  "Grabe ka, Bossing! Trip mo ba yung bata? Bakit ka nagkakaganyan?" Tanong niya dito nang makahabol siya.  "Seriously, Abigail? What do you think of me? A freaking gay?!" Alam niyang nagtitimpi lang ito ng galit.  "Eh, bakit ganyan ka makareact? Nagtatanong lang, eh. psh!" Inirapan niya ito.  "O baka gusto mong patunayan ko sa'yo na straight ako?" nakangisi na ito.  "Suntok, you want? Bahala ka nga diyan! Ay, wait! Magkalinawan nga tayo. Kailan pa kita naging asawa, huh?!" Naiinis na tanong niya dito nang maalala ang sinabi nito sa binatilyo.  Imbes na sumagot ay nag-iwas lang ng tingin si Luis.  "Oy, kinakausap kita!" Hindi makatingin sa kanya si Luis at napapansin njyang namumula ang mukha nito.  "Ay, ewan ko sa'yo, Bossing! Kainis ka!" Sa pagkakataong iyon, siya naman ang nang-iwan dito. Dumeretso siya sa bilihan ng gulay at binili na lahat ng kakailanganin niya. Nakasunod lang sa kanya si Luis at hindi niya ito pinapansin.  Nang matapos na sa pamimili, naglakad na siya patungo sa parking lot ng palengke.  "Abigail, ako na magbubuhat niyan." tukoy ni Luis sa mga gulay.  Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.  "Abigail, mabigat ang mga 'yan. Ako na lang." Pangungulit nito. Pilit na kinukuha ang plastic sa kanya.  "I can manage, Bossing. Magaan lang ito." Sagot niya.  "Anong magaan? That's almost five kilos, Abigail!"  "So? Yung fifteen kilos nga, nabubuhat ko. Ito pa?" Nakataas ang kilay na sagot niya. Itinaas pa ang plastic ng mga gulay.  "Fine!" Nakabusangot na pagsuko nito.  Nang marating nila ang kotse ni Luis, agad na pinatunog niya iyon. Ngunit nang akmang pipihitin na nito pabukas ang pintuan ng backseat, agad na pinigilan niya ito.  "What?"  "Kalmadong itinuro niya ang papel na nakaipit sa windshield wiper."  "f**k!" Mura nito. Pinalayo niya ito sa kotse at kinuha ang papel.  "Tangina!" Inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng parking lot.  "What is it, Abigail?" Tanong ni Luis.  Imbes na sumagot ay kinuha niya ang cellphone at agad na nagdial.  "Abigail, c'mon, what is it?" pangungulit ni Luis habang may kausap siya sa cellphone.  Nang matapos ay agad na ibinaba niya ang cellphone at tinignan si Luis.  "Hindi tayo pwedeng bumalik sa bahay mo, Bossing." Ipinakita niya dito ang sulat na nakita sa kotse nito.  It's a letter with another threat. Ang kaibahan lang sa mga nauna ay may picture ito sa penthouse, at halatang bago lang iyon dahil katatapos lang nilang magredecorate ng penthouse ni Luis.  "f**k! Akala ko ba safe na sa Penthouse?" Tanong ni Luis.  "Akala ko din. C'mon, sa bahay na muna tayo. In five minutes, darating na ang isa sa mga tauhan ni Arthur para dalhan tayo ng sasakyan." Sagot niya habang nagmamasid sa paligid.  Mukhang mag-uumpisa na ang adventure nila ni Luis dahil nasisiguro niyang hindi lang basta-basta ang nasa likod ng lahat ng mga pagbabanta sa buhay nito. Nakuha nitong mapenetrate ang state of the art security ng building kung nasaan ang penthouse ni Luis.  Ilang minuto pa ay dumating na si Rob kasama nito si Bronx na mukhang bored na bored sa buhay. Lumapit sa kanya si Bronx at may ibinulong sa kanya. Natatawang iniabot niya dito ang sulat. May ibinulong ulit ito sa kanya kaya pabirong sinapak niya ito. Nagpaalamanan na sila ni Bronx. Kinuha niya kay Rob ang susi ng kotseng dala ng mga ito at ibinigay naman ang susi ng kotse ni Luis dito. "Let's go, Bossing. Si Bronx na ang bahala sa kotse mo." Yaya niya kay Luis at nauna nang sumakay sa driver seat.  Ipinasok lang ni Luis ang mga pinamili nila sa backseat bago naupo sa shotgun seat.  "Kailangan kapag magbubulungan, sobrang dikit?" "Huh? Anong problema mo, Bossing?" tanong niya dahil nakabusangot na naman ito.  "Wala!"  "Oh, bakit sumisigaw ka? Nagtatanong lang, eh!" Nagdrive na siya palayo sa lugar na iyon.  Pasulyap-sulyap siya sa rearview mirror para masiguro na walang makakasunod sa kanila.  Tahimik lang si Luis ngunit nakabusangot parin ang mukha nito.  Hinayaan na lamang niya ito dahil baka iniisip lang nito ang death threats.  PAGDATING  nila sa bahay niya, agad na inayos niya ang mga pinamili nila. Si Luis naman ay naupo sa sofa at nilantakan ang mga chocolate stone niya.  "Bossing, huwag mong ubusin yan!" Nakasimangot na usal niya. Hindi siya pinansin ni Luis at nagpatuloy lang ito sa pagnguya.  Habang naghahanda ng pananghalian nila, panaka-naka niyang sinisilip si Luis dahil baka inubos na nito ang mga chocolates.  Nang mapansin ni Luis ang ginagawa ay lumapit ito sa kanya at sinubuan siya ng chocolate. Agad naman niyang tinanggap iyon.  "What's that?" Tukoy nito sa iniluluto niya.  "Malamang gulay." pabalang niyang sagot. Alam naman na kasi nito ay nagtatanong pa.  "I mean, anong iluluto mo?"  "Pritong isda, pritong talong at pritong talbos."  "Yan ang ulam natin?!"  "Yes. May problema ba?" Taas kilay na tanong niya.  "Sana ay kumain na lang tayo sa labas!"  "Alam mo, ikaw, ang gastos-gastos mo. Hindi ka ba marunong magtipid? Kahit naman bilyonaryo ka, mauubos din naman ang pera mo sa sobrang gastos mo. Dapat nga kuripot ka kasi may lahing Chinese ka."  "Hindi ako magastos. Pinagpaguran ko naman ang mga pera ko, e 'di ipambibili ko na lang nang masarap na pagkain."  "Anong masarap sa mga pagkaing hilaw sa resto? Kahit naman po pinaghirapan mo, dapat po isipin mo naman ang future mo. Paano kung maubos ang pera mo, anong ipambubuhay mo sa mga anak mo? Sa pamilya mo?"  "Don't worry, Abigail. Kahit araw-araw pa tayong kumain sa resto, hindi ako maghihirap, kaya parin kitang buhayin kahit may sampung anak tayo."  "Ano?" Tanong niya dahil hindi niya masyadong narinig ang huling sinabi nito dahil sa ingay ng piniprito niyang isda.  "Wala. Here." Iniamang nito sa bibig niya ang mga chocolates na agad naman niyang kinain.  "Thanks." aniya kahit na puno pa ang bibig. Natigil siya sa pagnguya nang punasan nito ang gilid ng bibig niya.  Kumabog nang malakas ang dibdib niya. Nagliparin ang mga paru-paro sa tiyan at damang-dama niya ang tila kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya.  Fuck! This can't be.  Nakatulala lang siya kay Luis na patuloy lang sa pagnguya. Nang muli nitong iamang ang kamay sa bibig niya ay tinanggihan na niya iyon.  "Mamaya na lang. Baka hindi na tayo makakain ng lunch."  "Right." Ibinaba na nito ang lagayan ng chocolate sa lamesa. "Hey, how can I help?" Tanong nito sa kanya.  "Seryoso? Tutulong ka?" Natatawang tanong niya. Pilit iwinawaglit ang kakaibang pakiramdam.  Ngumuso lang si Luis na lalong nagpangiti sa kanya.  Bakit ang cute nito kapag ginagawa iyon?  "Okay, here. Hiwain mo lang ang mga ito." Ibinagay niya kay Luis ang mga talong at itinuro dito ang gagawin.  "Like this?" Ipinakita ni Luis sa kanya ang ginawa. Nang tumango siya ay nagpatuloy ito sa ginagawa.  "What's that smell?" Tanong ni Luis na nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Hindi niya napansin napatulala na pala siya dito.  Nang mapagtanto kung ano ang naaamoy nito ay mabilis na tinungo niya ang burner kung saan siya nagpiprito ng isda.  "Oh, my God! Nasunog na!" Bulalas niya nang makita ang nangingitim ng isda. Agad na inihaon niya iyon mula sa mantika.  Natatawang lumapit sa kanya si Luis. "What the hell, Abigail! You murdered the freaking fish!" Natatawa paring usal nito habang amused na amused na nakatingin sa isda.  "Argh! Kasi naman, eh! Doon kana nga lang sa sala. Ako na ang bahala dito." Napapahiyang pagtataboy niya kay Luis.  "Uyyy, nadidistract siya." Panunukso ni Luis sa kanya.  "Oo, nakakadistract ang kapangitan mo! Alis na!"  "No. Nadidistact ka sa kagwapuhan ko. Ang hot ko ba? Umamin ka."  "Alis kana nga! Kainis ka naman, eh!" alam niyang namumula na ang mukha niya.  "Aminin mo munang nadidistract ka sa kagwapuhan ko."  "Nababaliw ka na ba?"  "Oo. Baliw na baliw sayo."  "Aalis ka ba o hindi?!" Itinutok niya ang kutsilyo dito.  "Sus. Indenial pa, eh! Akala mo siguro hindi ko alam na nakatitig ka sakin, no? Aminin mo na kasi Abigail."  "Oo na nga, diba?! Ulit-ulit? Alis na."  "Talaga?! f**k!" Ito naman ang namula. Pagkatapos ay ngumisi nang pagkalapad-lapad.  "I knew it!" Sabi pa nito bago tuluyang umalis.  Napapailing na lang siya sa inaakto ni Luis. Napakaseryoso nito pero madalas talaga, isip bata ang kumag.  Nang matapos nang mailuto lahat ni Joey ang ulam nila, tinawag na niya si Luis sa sala. Naabutan niya ito na naglalaro ng soda crush sa cellphone nito.  "Uy, may ganyan ka pala, Bossing?"  "Yeah, I saw you playing this kaya na-curious ako. Ang serious mo kasi sa paglalaro." Sagot nito habang nakatutok parin sa nilalaro.  "Mamaya na 'yan, Bossing. Let's eat. Eleven thirty na." Yaya niya dito. Agad namang binitawan ni Luis ang cellphone at sumunod sa kanya.  Nang nasa hapag kainan na sila, nagtatakang nakatingin lang si Luis sa kanya.  "Bakit?" tanong niya.  "Magkakamay tayo?"  "Yup. Mas masarap kapag nagkakamay. Don't tell me hindi ka marunong?"  "Marunong ako!" Sagot ni Luis at nagsimula nang kumain. Ngunit natawa siya dahil halatang hindi ito marunong at pinipilit lang nito na magkamay.  "Ganito kasi 'yan, Bossing." Itinuro niya ang tamang pagkain ng nakakamay.  Sinubukang gawin ni Luis iyon ngunit hindi talaga nito magawa.  "Ganito lang, oh." Muli niyang ipinakita dito kung paano at mas pinabagal ang pag-galaw ng kamay.  "Damn! I really can't do it! Hayaan mo na lang ako sa ganito." Sabi ni Luis.  "Fine!" Natatawang sagot niya. Para lang kasi itong dumadampot ng kung ano at isinusubo iyon.  "Stop laughing, Abigail. I'm trying here, oh " nakanguso na si Luis.  "Try harder, Bossing." Hindi na siya nito pinansin at nagpatuloy ito sa pagkain ng nakakamay in his own way.  PAGKATAPOS maligo ni Luis, agad na tumabi siya kay Abigail sa kama nito.  "What are you playing?" Tanong niya dito nang makita na iba na naman ang nilalaro nito. Sa bahay nito sila matutulog dahil mas safe doon.  "Blossom Blast. Teka, why are you here? Doon ka sa sofa."  "What?! Dati naman tayong magkatabi matulog, ha?"  "Sa bahay mo lang iyon, Bossing. Hindi pwede dito." Sagot nito.  "What?! Anong kaibahan sa bahay ko at dito? Psh! Ah, basta! Tabi tayo. Period." Sagot niya at isiniksik ang sarili kay Abigail.  "Bossing, ano ba! Lumayo ka nga! Kainis ka namang tsekwa ka, eh!" Pilit na inilalayo siya ni Abigail.  "No. Sabihin mo munang tabi tayo." Pangungulit niya. "Ayaw."  "Edi ayaw ko ding lumayo."  "Bossing!"  "Sabihin mo muna!"  "Fine! Tabi tayo!"  "Alright." Bahagya siyang lumayo kay Joey. Nagpagpatuloy naman ito sa paglalaro.  Nakisilip siya sa screen ng cellphone nito at pinanood ang paglalaro nito sa mga bulaklak.  "May I try?" tanong niya nang hindi nito matapos-tapos ang isang level.  Agad namang ibinigay sa kanya ni Abigail ang cellphone at ito naman ang nanuod sa kanya.  Sa sobrang lapit ng katawan nila ay amoy na amoy na niya ang buhok at shower gel nito. He has his own shower gel at her house kaya magkaiba ang gamit nila.  "Whoa! Nice!" Sabi nito nang matapos niya ang level na hindi nito natapos.  Kinuha na nito ang cellphone at nilaro ang panibagong level.  "Let's play a game, Abigail. Singkataasan tayo ng score. Yung matatalo, may consequence." Aniya.  "Anong consequence?"  "It's up to the winner in every level."  "Alright! Deal."  Naunang naglaro si Abigail sa kanya nang matapos ay isinulat niya sa papel ang score nito para hindi makalimutan.  Sa first game ay natalo siya ni Abigail, ang consequence nito sa kanya ay sumayaw siya ng Watch me Whip/Nae. Sa second game ay panalo na naman ito, ang consequence nito sa kanya ay maglipstick siya na hindi pwedeng tanggalin hanggang hindi sila matapos.  Nanalo ulit ito sa third game at ang consequence niya ay i-text niya ang mga kaibigan at sabihing bakla siya.  "Are you serious, Abigail?!" Hindi makapaniwalang bulalas niya.  "Yup! Sino ba pasimuno ng game na 'to?"  "Fine! Humanda ka once I won!" Aniya at nag-umpisa nang tumipa ng text message para sa tatlong kaibigan.  'I'm gay.'  "f**k!" Mura niya nang sunud-sunod na magreply ang tatlong kaibigan.  'I knew it!' Si Zeke  'What the f**k, bro?!' Si Arthur  'Does my wife knows about this?' Si Kurt  Tawa-tawa lang si Abigail na nakikibasa sa mga text.  Sa fourth game nila ay siya na ang nanalo.  "Umayos ka, Bossing." Banta ni Abigail sa kanya dahil alam niyang kumikinang ang mga mata niya.  "Let's have a date tomorrow." Aniya.  Napanganga si Abigail. "Seryoso?"  "Very much."  "Nag-a-adik ka ba?! Anong date ka diyan?! Hindi pwede!"  "It's your consequence. Sinunod ko lahat ng gusto mo, Abigail. Huwag kang madaya." Aniya.  "Fine! Let's have a date tomorrow. Pero ako ang mamimili!"  "As you wish. So, next game?" Aniya.  "Ayoko na! Bwisit ka!" Inirapan siya ni Abigail at nagtalukbong ng kumot.  Napangisi na lamang siya.  Finally!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD