ILANG level na ang nalampasan ni Luis sa game na nilalaro nang mapansing hindi pa rin bumabalik sa kwarto si Abigail.
Nakita niya ang pagsilip nito kanina sa kanya ngunit masyado niyang siniseryoso ang paglalaro kaya hindi na lamang niya ito pinansin. Ang akala niya kasi ay may nakalimutan lang ito sa ibaba.
Tumayo siya para sana silipin ito sa ibaba nang biglang sumarado ang pintuan nang akmang itutulak niya iyon.
He tried his very best ngunit hindi niya nagawang buksan iyon. Ilang beses niyang pinagsisipa at pinagbabayo ang pintuan ngunit nanatili iyong nakasarado.
"f**k, Abigail! This isn't f*****g funny! Open this damn door!" Puno ng inis na sigaw niya. Hindi niya alam kung naririnig siya nito ngunit patuloy lang siya sa pagsigaw.
Nang manakit ang lalamunan ay tinawagan niya ito gamit ang cellphone ngunit tanging operator lang ang naririnig niya.
"f**k, Abigail!" Paulit-ulit na d-in-ial niya ang numero nito pero wala siyang napala.
"f**k! f**k! f**k! This is f*****g bullshit!" Nagpupuyos ang kalooban niya. Ilang beses pa niyang pinagsisipa at pinagsusuntok ang pintuan dahil sa galit na nadarama.
"Humanda ka sa'kin, Abigail! Damn you! I'm gonna f**k you real, real hard! f**k!"
Hinihingal na naupo siya sa gilid ng kama at galit na galit na nilamukos ang bedsheet. Nanginginig ang buong kalamnan niya sa ginawa ni Abigail.
Siguraduhin lang nito na may saysay ang dahilan nito sa pagkukulong sa kanya dahil kung hindi, baka kung ano ang magawa niya sa babaeng iyon.
"f**k!" Pabagsak na humiga siya sa ibabaw ng kama at paulit-ulit na minumura ang babae sa isip niya.
Ipinikit niya ang mga mata at pilit na pinapakalma ang sarili. But damn that girl! Talagang sinagad na siya nito! Ito na mismo ang nagsabi na safe siya sa bahay na iyon so there's no f*****g reason para ikulong siya nito!
"f*****g shi—" Naputol ang pagmumura niya nang bumukas ang pintuan. Mabilis na bumangon siya. "Where the f**k—A-Arthur..." Natigil siya sa pagsasalita nang imbes na si Abigail ay si Arthur ang bumungad sa kanya.
"What are you doing here? Where's Abigail?" Magkasunod na tanong niya.
Imbes na sumagot ay pumasok si Arthur sa loob ng kwarto at inilibot ang tingin sa kabuuan niyon.
"Bro, f**k! I'm talking to you."
Hinarap siya ni Arthur at napailing-iling nang makita ang namamaga niyang kamay. "You tried to open the door?" Tanong nito.
Kumuyom ang mga kamay niya. Hindi inalintana ang pagkirot ng mga iyon. Muling nabuhay ang galit nang maalala ang pagkakakulong sa kwartong iyon.
"That woman!" Nanggagalaiting usal niya.
"Hindi mo mabubuksan nang basta-basta ang pintuang 'yan. The security system of this house is on, kahit bomba ay hindi ito kayang pabagsakin. Anyways, I'd like to personally inform you that your condo and penthouse were all clear. Pwede ka nang bumalik. Ako na ang maghahatid sa'yo at ipapakilala ko na din ang bagong bodyguard mo."
Biglang nagpantig ang tenga niya sa mga huling sinabi nito.
"New bodyguard?"
"Yes. Joey's out." Parang sinakal ang puso niya sa sinabi nito.
"Wha—Why? Ba-Bakit? A-Anong... paanong..." Hindi siya makahanap ng sasabihin. Paulit-ulit na tumutunog sa isip niya ang sinabi ng kaibigan.
Joey's out. Joey's out. Joey's out.
"I-I can't understand, bro. What happened? May nangyari ba kay Abigail?"
"Of course not, bro. Joey's safe and sound. It's just that..." Napatigil si Arthur sa sasabihin, parang nag-alinlangan itong sabihin sa kanya ang dahilan.
"What? C'mon, tell me! Ikinulong niya ako dito at alam ko na hindi niya basta-basta na lang gagawin iyon!"
Nagitla si Arthur sa pagsigaw niya. Pagkatapos ay naniningkit ang mga matang tinitigan siya.
"Are you making a move on Joey?"
Hindi siya kaagad nakasagot.
"What if I am?" Tinitigan niya si Arthur sa mata.
Nagulat na lamang siya nang kuwelyuhan siya ni Arthur.
"f**k! How dare you, Sy?! Alam ko ang likaw ng bituka mo! f**k! 'Tangina! Sinabi ko na sa'yo noon, hindi kita pakekielaman sa pambababae mo, huwag lang sa mga kapatid ko."
"What?! Kapatid?" Naguguluhang tanong niya. Matagal na niyang kaibigan si Arthur at isa lang ang alam niyang kapatid nito. Si Altheia lang, ang kakambal nito.
Padaskol na binitawan ni Arthur ang damit niya. "Sina Mommy at Daddy ang guardian ni Joey. It's a long story. Basta she's my sister, kaya huwag ang mga kapatid ko, bro. Dahil kahit kaibigan kita, papatayin kita kapag sinaktan mo isa man sa kanila."
Nakipagtagisan siya ng titigan kay Arthur. "I'm serious with Abigail."
Umiling si Arthur. "Kilala kita, Luis. Baka gusto mong isa-isahin ko sa pagmumukha mo ang lahat ng mga kagaguhan mo sa mga babae?"
"Aaminin ko, gago ako noon. Pero hindi na ba pwedeng magbago? I'm serious with Abigail, Arthur. At kung totoo ngang kilala mo ako, sana alam mo na hindi ko gagawin ang lahat ng ito kung naglalaro lang ako. Alam mo na hindi ko kailangang magpakahirap nang ganito kung gusto ko lang ng babaeng paglalaruan. Hindi ko kailangan mameke ng death threats para lang mapalapit sa isang babae. Ngayon sabihin mo sakin, sa palagay mo ba, laro pa rin ito?"
Nakita niya ang pasimpleng pag-iwas ng tingin ni Arthur.
"Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, Arthur. It's f*****g different this time."
"Siguro nga seryoso ka, Luis. But I'm sorry to tell you this, Joey's not coming back."
Parang sinasakal ang puso niya sa sinabi ni Arthur. Parang mauubusan siya ng hininga. Parang sasabog ang puso niya sa sakit dahil sa tono ng pananalita ni Arthur. Ganoon na ganoon ang tono nito kapag seryosong bagay ang pinag-uusapan.
"W-Why?" Nagawa niyang itanong kahit na may bumibikig sa kanyang lalamunan.
"May mga bagay na hindi mo na kailangan malaman. Ready your things. Aalis na tayo."
"No! You tell me! Hindi ako maniniwala sa'yo. Babalik si Abigail! Hindi niya ako pwedeng iwan nang ganito!"
"She already did." Ani Arthur at lumabas na.
Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Kaya ba ganoon na lang ang pakikitungo sa kanya ni Abigail? Kaya ba niyayasiya nitong lumabas kagabi? And the kiss? Kaya lang ba nito ginawa ang lahat ng iyon dahil iiwanan na siya nito?
"f**k! Abigail! f**k! Ahhhhh!" Sumigaw siya nang malakas para ilabas ang sakit na nararamdaman.
"No! I'm not leaving. Hihintayin kita dito, Abigail. Hindi sa ganito lang tayo magtatapos. Hindi ako papayag." Puno nang diin na kausap niya sa kawalan.
"Hey, Art. Naihatid mo na ba siya?" Tanong ni Joey kay Arthur sa kabilang linya. Katatapos lang niyang ayusin ang mga gamit sa condo nito. She will stay in his place for awhile.
Her house will only remind her of Luis at nasisiguro niya na hindi siya makakapagtrabaho nang maayos kapag nag-stay siya sa bahay niya.
"I'm still here. Katatapos ko lang kausapin. I think, he's packing his things."
"Okay. Thank you, Art."
"Are you sure about this, Joey?"
"Of course! Napag-usapan na natin 'to 'di ba?"
"Joey..."
"Hmm?"
"Ang akala niya ay fake death threats pa rin ang natatanggap niya. Hindi mo ba sinabi sa kanya ang tungkol sa ginawa ng lola niya?"
"Hayaan mo siya, mas okay nga na yun lang ang alam niya. Basta pabantayan mo siya nang maayos kina Bronx. And yung tungkol sa lola niya, hindi ko na sinabi. Ayokong isipin niya na 'yun ang dahilan kung bakit ako umalis."
"Paano kung na-inlove na pala sa'yo si Luis? And he doesn't want to leave dahil gusto niyang hintayin ang pagbabalik mo?"
Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. "Nababaliw ka na ba? Alam mo naman na babaero ang kaibigan mo. At siya? Ma-i-inlove sakin? Malabo ata 'yan, brad. Saka sa palagay ko, gustong-gusto na niyang makalayo sakin, baka nga nagsasaya pa 'yan nang sabihin mong hindi na ako ang bodyguard niya."
Lies. Alam niya na hindi ganoon ang magiging reaksiyon ni Luis. Paulit-ulit paring bumabalik sa isip niya ang mga katagang sinabi nito sa kanya.
"Don't leave me, Abigail."
Paulit-ulit. Parang sirang plaka. Kinukonsensiya siya sa ginawang pag-iwan dito nang walang paalam.
Hindi nagsalita si Arthur sa kabilang linya.
"Art?"
"Take care always, Joey." Tanging nasabi ni Arthur at pinatay na ang tawag.
Napabuntong-hininga na lamang siya.
"It's for the best, Luis. I'm gonna miss you, Bossing."
Pinipigilan ni Joey ang mapaiyak habang nakatanaw sa isang malaking bahay na nagsilbing tahanan ng kanyang pamilya noong nabubuhay pa ang mga ito.
Fifteen years was never enough to make her forget everything that happened in that house. Kailanman ay hindi mabubura sa isipan niya ang masalimuot na pangyayari sa buhay. Kahit gusto na niyang mag-move on, hindi niya magagawa hangga't hindi niya nababawi ang lahat ng ninakaw sa kanila. At hindi siya titigil hanggang hindi siya nakakabawi sa mga taong nagnakaw ng kabataan niya.
"Kaunting panahon na lang, mama at papa, mababawi ko din ang bahay natin, I will relive all the good memories and forget all the bad. I promise, I will bring back the joy in this house. Babawiin ko ang lahat at bibigyan ng hustisya ang nangyari sa pamilya natin. Guide me, papa, mama and Ali."
Nang akmang aalis na siya ay nakita pa niya ang paglabas ni Marga sakay ng kotse nito. Mabilis na nagtago siya sa mga halaman ng katabing bahay. Nang tuluyan nang makaalis ang pinsan ay muli siyang lumabas at pinagmasdan ang bahay
Mapait na napangiti siya. She used to play with Marga, they share their toys with each other. Pero isang araw, bigla na lang nag-iba ang pakikitungo ng pinsan sa kanya. Pinagsisira nito ang mga laruan niya. They started fighting over petty things. Nakikipagpaligsahan ito sa kanya sa lahat ng bagay. At mas lalo pang nagkalayo ang looob nilasa isa't-isa nang sunud-sunod na mangyari ang delubyo sa pagitan nila.
Humugot nang malalim na hininga si Joey para maalis sa nakaraan ang isip. Inilabas niya ang cellphone upang tawagan si Bronx.
"B." Bungad niya nang sagutin nito ang tawag niya.
"Yes, my lovely J?" Malambing na sagot ni Bronx.
"Tigilan mo ako, gago!" Angil niya.
"Highblood ka na naman."
"Nakaka-highblood ka kasi! Anyways, natatandaan mo pa ba 'yung picture na ipinakita ko sa'yo noon? 'Yung dalawang babae?"
"Of course! Ako pa ba? Your Aunt and Cousin, right?"
"Yup! Can you do me a favor?"
Natahimik sa kabilang linya si Bronx.
"B? Still there?"
"Yeah. Naniningil ka na ba?"
"Yes."
"Alright. What is it?"
"Just follow her around."
"Boring. Wala bang mas exciting?"
"Alright. Befriend her. Ikaw na bahala."
"'Yan! Ganyan!"
"Thanks, B."
"Anytime, my baby love."
"Gago." Nangingiting ibinaba niya ang cellphone.
Sumilip-silip si Joey sa loob ng bahay, at nang masigurong wala ng ibang tao, sumapa siya sa hindi kataasang pader at tumalon papasok. Dahan-dahan na naglakad siya patungo sa likod bahay. Todo iwas siya sa mga cctv camera na nakakalat sa paligid.
"Just one look." Pangungumbinsi niya sa sarili bago dumeretso sa backdoor ng kusina, laking pasalamat niya na hindi iyon naka-lock.
Gustong maiyak ni Joey nang muling makatapak ang mga paa sa loob ng dating tahanan.
Halos walang ipinagbago ang kusina. Kahit na maraming taon na ang lumipas, tandang-tanda pa rin niya ang bawat sulok niyon.
Hinaplos niya ang island counter, doon sila nagbo-bonding ng ina at kapatid. Tinuturaan sila nitong magbake na hindi naman niya natutunan dahil hindi niya hilig. She'll rather play with her father's toy car collections.
Sumisikip ang dibdib niya sa mga alaalang sabay-sabay na bumabalik. Hindi pa rin matanggap ng puso niya na na isang iglap lang, nawala ang lahat sa kanya.
Bago pa sumambulat ang pinipigilang emosyon, mabilis na nilisan niya ang dating tahanan.
"Babalik ako. Babawiin kita.
"That was an immature act, Joey!" Napapikit na lamang si Joey sa lakas ng impact nang pagkakabukas ni Arthur sa pintuan ng kwarto na tinutuluyan niya.
Kasalukuyan siyang nagtatanggal ng mga prosthetics sa mukha. She used her acting talent and disguised as a socialite in an event na dinaluhan din ng Tita Margie niya.
She intentionally poured wine on her Aunt. At nang magalit ito sa kanya at nagtatalak, pinatulan niya ito at ibinulgar sa lahat ng mga tao sa event na financially unstable na ang mga ito.
Which is true dahil ayon kay Bronx, problemado ang mag-ina dahil isa-isa nang nagpupull-out ang mga investors sa kumpanyang pinamumunuan ng mag-ina.
"Stop it, Arthur." Walang ganang sagot niya.
"You are better than that! Hindi ganyan ang pinlano mo noon. Hindi ganyan mag-isip ang Joey na kilala ko. So you better pull yourself up and f*****g go back to your senses dahil kung hindi mo aayusin ang sarili mo, ako mismo ang tatapos sa paghihiganti mong ito. I will do it my own way at sinisigurado ko na wala ka nang magagawa pa."
Natigilan siya sa sinabi ni Arthur kaya hinarap niya ito.
"No, Arthur! This is my fight! Hindi ka makekielam hangga't hindi ko hinihingi ang tulong mo!"
"Let's see, Joey. Kung ipagpapatuloy mo ang mga walang kwentang pinaggagagawa mo, trust me, I will f*****g do it."
"No! I will do the revenge with my own way, Arthur! At wala kang magagawa para pigilan ako. Gaganti ako sa paraang gusto ko at sa paraang masasatisfy ako." Aniya at tumayo para maghilamos ng mukha.
Naramdaman niya ang pagsunod ni Arthur.
"Sa paraang gusto mo? Sa paraang makakasatisfy sa'yo? Hindi ba't parang tumulad ka rin lang sa kanila sa mga pinaggagagawa mo, ha? Hindi paghihiganti ang ginagawa mo, Joey!"
"Stop it, Arthur." Seryosong bulyaw niya at lumabas ng banyo. Unti-unting gumuguhit sa puso niya ang mga sinasabi nito. Masakit magsalita si Arthur. Sanay na siya. Pero mas masakit ang mga sinasabi nito ngayon dahil tungkol iyon sa pamilya niya at sa kanya.
"Ginagawa mo lang silang kaawa-awa sa mga mata ng mga tao. Masaya ka ba na napapahiya sila sa mga tao, ha? Does it satisfy you?" Puno ng sarkasmo ang mga salita ni Arthur. Nang-uuyam, nanglilibak.
"Akala mo ba madali lang sa'kin ito, ha? Kung ako lang gusto ko nang kalimutan ang lahat! I wanted to start a new life! Pero hindi ko magawa kasi pinipigilan ako ng nakaraan ko. I've tried to forget everything, alam mo 'yan. Pero sa gabing matutulog ako at bumabalik sa isip ko ang mga nangyari, para akong bumabalik sa mga araw na 'yon! Seeing my mother fighting for her life. My sister being raped by my own uncle. At ang sarili ko na lumalaban para hindi mangyari sa'kin ang lahat ng iyon." Sumabog na ang emosyong matagal na niyang pinipigilan. Mga pinaghalong sakit, galit, at pangungulila.
Nanghihinang napaluhod siya sa sahig. "Pagod na pagod na ako. Ayoko na. Gusto ko nang itigil ito pero hindi ko magawa kasi alam ko na hindi sila matatahimik. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nababawi ang lahat. Akala mo ba ginusto ko ito? Hindi, Arthur! God knows how I badly want a normal life. Araw-araw, Arthur, paulit-ulit akong namamatay. Sa mga gabing hindi ako makatulog, kapag naririnig ko ang munting iyak ni Ali, yung paghingi niya ng tulong, yung pagsigaw niya ng saklolo, paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko. Ngayon sabihin mo sa'kin, mali ba ang ginawa ko? Mali ba na iparamdam ko sa kanila ang sakit na nararamdaman ko?"
Tahimik lang si Arthur na nakamasid sa kanya. Ilang beses na nagbukas-sara ang bibig nito.
"Nung isang araw, nagpunta ako sa bahay, at alam mo ba kung sino ang nakatira doon, ha? Si Marga! Ang kapal ng mukha niya! Paano niya naaatim na tumira sa bahay kung saan binaboy ng ama niya ang nanay at kapatid ko?"
"J-Joey..."
"Bakit gano'n? bakit ang unfair naman ata? Ako ang naagarabyado pero bakit ako ang nakakaranas nang ganito? Bakit sila masayang nabubuhay, bakit sila nakakatulog nang payapa habang ako hirap na hirap? Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito? Bakit, Art? Buhay ako, pero yung puso ko patay na."
"At alam mo ba kung ano ang mas masakit? S-Si Marga, nabubuhay ng normal. Kapag may problema siya, may natatakbuhan siya. Samantalang ako, kinuha na nila lahat. Wala akong pamilya. Minsan naiisip ko na sana, sana hindi na lang ako naglaban noon, sana hinayaan ko na lang na patayin ako ni Tito. Eh,'di sana hindi ko na nararamdaman ang lahat ng sakit. Sana kasama ko na ngayon ang pamilya ko."
Lumuhod sa harapan niya si Arthur at niyakap siya nang mahigpit.
"Kaya nga ako nandito, 'di ba? Pamilya mo ako. Kami nina Dad, Mom at Theia. Lagi lang kaing nandito para sa'yo. Kapag mayb problema ka, kapag may kailangan ka, kahit gaano pa kami ka-busy, kahit gaano pa kalayo sina Dad, kahit nasa gitna pa ng Doctor's Conference si Theia, tatakbo kaming lahat papunta sa'yo. Because we're family. And family stick together through thick and thin. Hindi ka nag-iisa Joey. Kasama mo kami sa laban mo. Alam mo 'yan. Kaya huwag na huwag mong sasabihin na wala kang pamilya. Kasi nasasaktan ako. At siguradong masasaktan din sina Dad."
"Ang sakit-sakit pa rin, Art! Ang sakit-sakit pa rin! Sana namatay na lang ako noon."
"No... No, Joey. Don't think that. You are here for a reason. Buhay ka ngayon at may kakayahan para makuha ang hustisya na nararapat sa pamilya mo. You should be thankful for that. Huwag mong isipin na pinapahirapan ka ng mundo. Inihahanda ka lang para sa mas malaking laban ng buhay mo. God give you this life because He knows you're strong enough to live it."
Iniangat ni Arthur ang ulo niya at sinapo ng mga palad nito ang magkabilang pisngi niya. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo noon na hindi mo naman kailangan magpagod pa. I told you, just sit back. Hintayin mo ang karma na gumanti para sa'yo. At tignan mo ang nangyayari sa kanila ngayon. Isa sa mga araw na 'to, mababaliw-baliw na sila sa kakaisip kung saan sila kukuha ng pambayad sa mga utang nila. Isa sa mga araw na ito, hindi na sila makakatulog sa dami ng mga problema nila. At huwag mong kaiinggitan ang pinsan mo, dahil siya, magsisimula pa lang ang kalbaryo. Ikaw, nalampasan mo na. Napatunayan mo kung gaano ka katapang at kalakas. Ngayon naman, panoorin natin kung paano nila haharapin ang mga problemang sila din mismo ang may gawa."
Unti-unting gumaan ang pakiramdam ni Joey dahil sa mga sinasabi ni Arthur.
"Ilang buwan na akong hindi makatulog nang maayos. Ang hirap, Art. Sobrang hirap." Nakalabing sumbong niya kay Arthur habang pinupunasan nito ang mga luha niya.
Simula nang hindi na niya nakakatabi sa pagtulog si Luis, hindi na ulit siya nakatulog nang maayos. Kapag nasa malapit lang ito siya nakakatulog nang maayos.
"Gusto mo bang tawagan ko si Theia?" Tanong nito.
Umiling lang siya.
"Okay. I'll sleep with you, then." Deklara ni Arthur. Binuhat siya nito at dinala sa kama.
Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig dito.
"What? Dati na tayong nagtatabi sa pagtulog. Don't tell me, ayaw mo na akong katabi ngayon?" Ani Arthur.
"Arthur!" Napapahiyang nag-iwas siya ng tingin.
"Ayaw mo na ba akong katabi ngayon?" Tanong pa nito.
"Hindi naman sa gano'n! Hindi na kasi tayo katulad ng dati, Art. Matanda na tayo and this is awkward."
"Awkward? Don't tell me, hindi ka pa nakakapagmove-on sakin?"
Namula siya sa sinabi nito at napakagat-labi na lang.
"JOEY!" Bulalas ni Arthur nang hindi siya sumagot.
Napahalakhak na lamang siya sa reaksiyon nito. Para na tuloy siyang baliw. Kanina lang ay para siyang batang pumapalahaw sa pag-iyak, ngayon ay tumatawa siya na parang wala ng bukas.
"Ang kapal talaga ng mukha mo, Arthur. Hanggang ngayon ay feeler ka parin? Feeling mo naman ang gwapo-gwapo mo, 'no? Hoy, para sabihin ko sa'yo. Ilang linggo lang ang itinagal ng pagkakagusto ko sa'yo. Narealize ko kasi na ang pangit mo pala."
"Pangit? Ako pangit? Wow! Kaya pala nag-iyakan kayo ni Aaliyah nang sabihin ko na may iba akong mahal." Ngising-aso si Arthur.
"Hoy! Anong nag-iyakan? Si Aaliyah lang ang umiyak!" Depensa niya.
"Talaga lang, ha? Kaya pala ilang araw mo akong hindi pinapansin noon."
"Ang kapal mo! Mas gwapo naman sa'yo si Lu—" Hindi sinasadyang nakagat niya ang dila kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin.
Sa sobrang sakit ay napapakit at napangiwi pa siya.
"Uyyyyy. Ikaw, ha? Mas gwapo sakin si Luis? Naks! In-love ang kapatid ko." Anito.
Muli siyang napangiwi ngunit hindi na dahil sa dilang nasaktan kundi dahil sa huling sinabi nito.
Naalala niya ang araw na na-friendzoned si Aaliyah habang siya ay na-sisterzoned.
"Gago! Uwi ka na nga. Bantayan mo na si Almira mo."
"Sus. Selos ka lang."
"Duh! Kapal. Alis na!"
"Ayaw."
"Alis na dali! Matutulog na 'ko."
"No. Dito na lang muna ako."
"Bahala ka diyan!" Aniya. Naramdaman niya ang pagtabi ni Arthur sa kanya. Ngunit ilang minuto pa lang itong nakahiga ay tumunog na ang cellphone nito.
Sunud-sunod na nagmura si Arthur at nagmamadaling nagpaalam sa kanya.
Tatawa-tawa lang siya dahil sa bilis ng mga kilos nito. Ang hinuha niya si Almira ang tumawag ditto o kaya naman ay isa sa mga bodyguards ni Almira.
Nang mag-isa na lamang siya muli na naman niyang naramdaman ang lungkot.
She's all alone again.
She suddenly missed Luis. "Kapag natapos ko na ito, Bossing, babalikan kita. Sana lang ay may babalikan pa ako."