NAALIMPUNGATAN si Abigail dahil sa nag-iingay na cellphone. Tinapik niya ang katabi para gisingin.
"Bossing, ang ingay!" Reklamo niya nang hindi man lang ito gumalaw.
Nagpatuloy parin sa pag-ring ang cellphone kaya naiinis na dinampot niya iyon at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ang caller.
"Hoy! Ayaw ka niyang kausapin kaya huwag ka ng tawag nang tawag! Umagang-umaga, istorbo ka! Bwiset!" Litanya niya at pinatay na ang tawag. Ibinalik niya sa pagitan ng unan nila ni Luis ang cellphone nito at muling natulog.
Hindi niya alam kung ilang minuto na ang nakalipas nang muling magring ang cellphone nito. Ang balak niya ay itapon na iyon pero naunahan siya ni Luis.
"Hello?" dinig niyang bati ni Luis sa kausap. "What?! Alright. But please tell her that she should find someone else to manage her company. I'm out. Bye."
"Sino 'yon?" Inaantok pa na tanong niya.
"Si Princess. Sinagot mo daw ang tawag ni Grandma?"
Nagising ang diwa ni Joey. Nanlaki ang mga mata sa tanong ni Luis. "Si Lady in Red ang tumatawag kanina?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yeah."
"Bakit daw?"
"I don't know. Maybe checking if I'm still doing good after what happened."
"Bakit? Itinakwil kana ba ni Lady in Red?"
"What? Of course not!"
"Weh?"
"Hindi nga." Tumayo na si Luis at dumeretso sa banyo.
Agad naman niya itong hinabol at naabutan niya ito na naghuhubad ng t-shirt.
Hindi niya pinansin ang mga abs nito at nagpatuloy sa pag-iintriga.
"Oh, baka naman ikaw ang nagtakwil kay Lady in Red?"
Hinarap siya ni Luis at ipinatong ang braso sa hamba ng pintuan. Nagflex ang mga muscles nito kaya nagbaba siya nang tingin. Na agad din naman niyang pinagsisihan dahil ang six pack abs nito ang sumalubong sa kanya pati na rin ang umbok sa pagitan ng mga hita nito.
Sanay naman siyang nakakakita nang ganoon dahil halos lalaki ang mga nakakasama niya sa trabaho. Ngunit ewan ba niya kung bakit iba ang dating ni Luis sa kanya.
"Eyes up, Abigail." She was stunned. Hindi siya nakagalaw kaya ito na mismo ang nag-angat ng ulo niya.
Nagsalubong ang mga mata nila at kitang-kita niya ang pagkinang ng mga mata nito. Napapahiyang nag-iwas siya nang tingin.
"Gusto mong sumabay?" Tanong nito. Itinaas-baba pa nito ang mga kilay.
"Gago! Sapakin pa kita diyan!" Sagot niya at tinalikuran ito.
Habang naliligo si Luis, napagpasyahan ni Joey na i-check ang kabuuan ng bahay ni Luis. Isa-isa niyang tinignan kung maayos ba ang pagkakalagay ng mga CCTV camera sa kabuuan ng penthouse. Sinubukan niya din kung gaano katatag ang mga grills sa bintana at tinignan ang mga posibleng daanan ng mga gustong pumatay kay Luis maliban sa elevator. Patago siyang naglagay ng mga baril sa iba't-ibang panig ng penthouse. Nag-isip na din siya ng mga escape plans kung sakaling magkagipitan.
Nang matapos sa ginagawa, bumalik na si Joey sa kwarto. Nang nasa tapat na siya ng pintuan, nakarinig siya nang mahihinang tunog ng mga kasangkapan sa kusina. Idinikit niya ang tenga sa pintuan, dinig pa niya mula sa loob ang lagaslas ng tubig.
"f**k!" Mahinang mura niya. Kinuha niya ang isang baril na initago niya sa ilalim ng lamesa na kinalalagyan ng mga frames.
Walang tunog na naglakad siya palapit sa kusina.
Nadatnan niya sa kusina ang isang babaeng tanging panty lang ang suot. Pagiling-giling pa ito habang may kung anong hinahalo sa bowl.
"Tangina!" Mura niya.
Gulat na napatingin sa kanya ang babae. "Who are you?!" Galit na tanong nito sa kanya. Hindi man lang ito nag-abalang takpan ang mga naghuhumiyaw na dibdib nito.
"No, who are you? At anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at itinaas ang hawak na baril.
"What the f**k! Are you crazy?! Ibaba mo ang baril na 'yan!" Nanlalaki ang mga mata ng babae.
"I'm asking you, sino ka?! Anong ginagawa mo dito?" Bulyaw niya.
"What the hell is happening here?" Sabay pa silang napatingin ng babae kay Luis.
"Honey!" Mabilis na lumapit ang babae kay Luis. Agad na lumingkis ang mga braso nito sa lalaki.
"What the! Why are you naked? Lauren? Louise? f**k! What's your name again?"Tanong ni Luis sa babae. Inilayo ang katawan dito. "Never mind. Anong ginagawa mo sa bahay ko?"
"I was about to surprise you! It's been a long time, honey." Muling iniyakap ng babae ang braso kay Luis. Not minding her naked breast.
Pilit na inilalayo ni Luis ang katawan ngunit pursigido ang babae.
"Abigail!" Tawag ni Luis sa kanya nang hindi na niya makaya ang nakasusukang tagpo.
"Tangina mo! Ginusto mo 'yan! Bahala ka sa buhay mo! Malandi!"
Nagpupuyos ang kalooban na pumasok siya kwarto nito at pumasok sa banyo para maligo. Pilit iwinawaglit sa isip ang mga nabubuong tagpo sa utak niya.
"Tangina! Gagawin din kaya nila ang ginawa noon nina Kurt at Aya sa Hospital? Magrarakrakan din kaya sila? Tangina! Hindi naman maganda ang bruhang 'yon! Puro dibdib lang! Wala palang taste sa babae ang Luis na 'yon! Tangina niya! Kadiri!"
Nang matapos maligo, nagulat pa siya nang maabutan si Luis na nakaupo sa gilid ng kama.
Tinaasan niya lang ito ng kilay.
"A-Abigail, about the girl, s-she's not my girlfriend. She's just a former--"
"f**k buddy?" patuloy niya sa sinasabi ni Luis.
"P-Parang ganoon. Pero dati pa 'yon. Matagal na--"
"It's okay, Bossing. You don't have to explain. Wala akong pakielam kahit kanino ka pa makipag-s*x. Basta mag-ingat ka lang. Sa sitwasyon mo ngayon, maraming mga inosente ang pwedeng madamay."
"Abigail..." Hindi maituloy-tuloy ni Luis ang gustong sabihin.
"It's Joey, Bossing."
"f**k this! Nothing happen, okay? Pinaalis ko din siya agad!" Paliwanag nito.
"Ow-kay. So?" walang emosyong sagot niya. Bakit ba kasi nagpapaliwanag pa ito sa kanya? Wala naman siyang pakyelam kung meron o wala mang nangyari sa kanila ng babaeng puro dibdib lang.
"f**k! You don't believe me." Usal nito.
"So? Ano naman kung maniwala ako o hindi?"
"Wala nga kasi! Pinaalis ko din siya agad. Kahit na itanong mo pa sa mga guards o kung gusto mo i-review mo ang mga cctv's--"
"Oh, tapos? makikita ko ang nakakadiring katawan ng babaeng 'yon? Hay, nako! Ewan ko sa'yo, Bossing. Papasok ka ba sa opisina o hindi?"
"Dammit!" Mabibigat ang mga paang naglakad ito patungo sa walk-in closet nito. Nagkibit-balikat lang siya at nauna ng lumabas ng kwarto.
Katahimikan ang bumalot sa pagitan nina Joey at Luis. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang magsalita.
Patungo sila sa Law Firm ni Luis. Hindi niya alam kung doon nga ba talaga ang punta nito, pero dahil wala naman itong sinasabi, at hindi din naman ito nagrereklamo, patuloy lang siya sa pagdadrive.
Nang makarating sila sa opisina nito, humahangos na sinalubong sila ni Grace.
"Sir! Nagkaabot po sa opisina mo sina Miss Camille at Miss Angie" Pagbabalita ni Grace kay Luis.
"What? Who the hell are they?" Kunot-noong tanong ni Luis.
"Sir?" Laglag ang panga ni Grace.
"Sino sila? At bakit nasa opisina ko sila?"
"S-Sir ... Si Miss Camille po yung naka-date mo dati. Anak po ni Congressman Salve? Si Miss Angielyka naman po, nakadate niyo din before. Anak po ni Attorney Anthony Garcia."
"f**k! Ang tagal na nun! Bakit sila nandito? Sabihin mo na busy ako at hindi ako dumaan dito."
"Eh, Sir. Nagkakasagutan na po."
"f**k! Call the security!"
"H-Heto na nga po, S-Sir." Nanginginig ang mga kamay na nagdial si Grace sa Telepono.
"Abigail..." Nang sulyapan niya si Luis ay parang nagpapasaklolo ang itsura nito.
"Tangina kasi! Ang landi!" Mahinang bulong niya habang naglalakad papasok sa opisina nito.
Pabalang na binuksan niya ang pinto kasabay nang pagbunot niya ng baril sa tagiliran.
Naabutan niya ang dalawang babae na mainit na nagsasagutan. Nanlilisik ang mga mata ng mga ito sa isa't-isa. Kuntodo postura pa ang mga ito at tila nagpapaligsahan pa kung sino ang may mas malaking dibdib.
"Excuse me, mukhang nagkamali kayo ng lugar na pinuntahan. Wala dito ang hinahanap niyo, try niyo sa mga bar diyan sa tabi-tabi, baka nandoon.""
Tinitigan siya ng dalawa mula ulo hanggang paa.
"Huwag niyo akong titigan ng ganyan, baka hindi ako makapagtimpi sa inyo. Kaninang umaga pa ako naasar sa lahi niyo!" Bulyaw niya sa mga ito sa nanlilisik na mga mata. "Aalis kayo dito o gusto niyong ako mismo ang kumaladkad palabas sa inyo?"
"Who do you think you are, b***h?!" Singhal ng isang babae na blonde ang buhok.
"Oh, believe me, you wouldn't want to know." Sagot niya. Sakto namang pumasok si Luis kasama ang dalawang security.
"Luis!" "Sweetheart!"
Sabay na bulalas ng dalawa. Nagtangka pang lumapit ang mga ito kay Luis ngunit naging maagap siya.
"Sige, lumapit kayo sa kanya. Nang bangkay na kayong makauwi sa inyo."
Tinignan niya nang masama si Luis na amaze na amaze pa sa panunuod. Tuwang-tuwa pa talaga ang gago!
"Get out. At huwag na huwag na kayong babalik. Guards." Nagwawala ang dalawa nang isama na ng mga gwardiya palabas.
Nang tuluyan nang makaalis ang mga ito, si Luis naman ang hinarap niya.
Nawala ang ngisi sa mga labi nito nang tignan niya ito nang masama.
"W-What?" Tanong nito.
Sumambulat ang inis niya dito. "PUTANGINA MO! ANG LANDI-LANDI MO! ILAN PA, HA?! ILAN PANG MGA BABAE MO ANG DARATING DITO AT SA BAHAY MO?! ANO, PAGPUNTA NATIN SA MLS, MAY BABAE NA NAMANG NAGHIHINTAY SA 'YO DOON?! TANGINA MO! PROBLEMADO KA PA SA LAGAY NA IYAN, HUH?! EH, PAANO NA LANG KUNG WALANG NAGHAHABOL SA'YO NGAYON? PAANO NA LANG KUNG WALANG GUSTONG PUMATAY SA'YO? EDI ORAS-ORAS IBA-IBA ANG MGA BABAE MO?!" Mahabang litanya niya. Nakangiwi lang si Luis.
"PAGKATAPOS AY NAGTATAKA KA PA KUNG BAKIT ANG DAMING GUSTONG PUMATAY SA'YO?! EH, GAGO KA PALA! ANAK NG MGA MATATAAS NA TAO ANG BINABANGGA MO! SINONG MATUTUWA SAYO, HUH?! PAGANAHIN MO NAMAN ANG UTAK MO! HUWAG PURO t**i! TANGINA! PURO LIBOG KASI ANG INAATUPAG! MAGHANAP KA NG IBANG BODYGUARD MO, GAGO!"
Walang lingon-likod na naglakad siya palabas ng opisina nito. Ilang beses siya nitong tinawag pero desidido na siyang umalis.
"Miss Joey!" Namumutlang tawag sa kanya ni Grace.
Hinarap niya ang sekretarya ni Luis. "At ikaw naman! Kapag alam mo na fling ng boss mong mahilig, huwag mo nang papasukin sa opisina niya! Kilala mo naman sila, diba?! O kung hindi naman, tignan mo lang ang dibdib nila! Kapag malaki paniguradong babae iyon ng boss mong mahilig sa malalaking dibdib! Letse!"
Dumeretso na siya sa elevator. Nakasakay pa niya ang mga empleyado sa building na 'yon.
"Oh, anong itinitingin-tingin niyo diyan?!" Bulyaw niya. Kanya-kanya namang iwas ng tingin ang mga ito.
Pagdating sa Parking lot, pinaandar niya ang makina ng sasakyan, pero nanatili lang siyang nakaupo.
Hindi niya maintindihan ang sarili! Bakit galit na galit siya?! Labas na sa trabaho niya ang pakikipag-fling ni Luis. Pero bakit apektado siya?
"Tangina! Hindi tama 'to!" Naiinis na kinatok niya ang sariling noo. Pagkatapos ay paulit-ulit na iniuntog ang ulo sa steering wheel.
"Joey, ang tanga mo! Akala ko ba, walang personalan?! Bakit ganyan ka umakto?" Tanong niya sa sarili.
Naiinis at nahihiya siya sa inakto sa harapan ni Luis.
"Tangina! Baka kung anong isipin ng gagong 'yon! Argh! Joey Abigail Salazar! Hindi kana naman nag-iisip! Inuna mo na naman ang bunganga mo!"
Naiinis na sinabunutan niya ang sarili.
Ilang sandali pa, sunud-sunod na tumunog ang cellphone niya. Nang tignan niya ay galing lahat iyon sa unregistered number.
'Abigail, where are you?'
'I'm sorry, Abigail'
'Come back, please!'
'Abigail... I'm sorry'
'I'm sorry'
'Abigail'
'Come back, please. Ikaw lang ang gusto kong maging bodyguard.'
'Abigail, gusto mo na ba akong mamatay?'
'Wala na akong bodyguard'
'Sorry na. Balik ka na.'
"Tangina! Gago talaga!" Nangingiting usal niya. Pinatay na niya ang makina ng sasakyan at nakangising lumabas.
"Tangina! Bakit hindi kita matiis na gago ka?!"
"Abigail!" Nagliwanag ang mukha ni Luis nang makita siya nito. Tumayo ito at sinalubong siya. Yayakap pa sana ito sa kanya ngunit agad na iniamba niya ang kamao.
"Subukan mo."
"Psh. It's Lunch time, what do you want to eat?" tanong nito. Ang bilis ng oras.
"Jollibee." Sagot niya.
"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Tsk! Nagtatanong ka, ngayong sinagot kita, hindi ka maniniwala?!"
"Talaga, sinagot mo na ako?" nakangising tanong ni Luis.
"Tangina! Umaayos ka!" Bulyaw niya dito.
Natawa lang si Luis at niyaya na siyang lumabas.
PAGPASOK pa lamang nina Luis at Abigail sa Jollibee, pinagtinginan na agad sila ng mga crew. Kanya-kanyang bati ang mga ito sa kanila.
He even saw some of them gushing over him. Pinili ni Abigail ang branch na iyon dahil wala daw masyadong tao kapag ganoong oras. Unlike sa ibang nadaan nila na umaapaw ang mga costumers.
Agad na dumeretso sila sa counter. Agad na binati sila ng cashier.
"What's yours, Abigail?" Tanong niya.
"Jolly Spaghetti, Champ, Cheeseburger, Sunday, C1 two pieces. and Pineapple Juice."
"Ma'am Thigh part po ba or Breast part?"
"Thigh" sagot ni Abigail.
"No. Breast part." Kontra niya.
"Thigh!"
"Breast!"
"Ah, Ma'am, Sir, both are available po." Nakangiwing sabad ng cashier.
"Alright. Breast part."
"Thigh nga!"
"Breast part, Miss."
"Tangina mo! Manyak ka talaga! Pati ba naman sa manok breast pa din ang gusto mo?! Kumain kang mag-isa! Letchugas ka!" Nagdadabog na iniwan siya ni Joey sa counter at naupo sa pang-apatang mesa sa bandang dulo. Nakasimangot na nakatanaw ito sa labas.
"Hala ka, Sir. Nagalit na si Ma'am." Napangiwi siya sa sinabi ng cashier.
"Pagpasensiyahan mo na, Naglilihi kasi ang Misis ko." Aniya. Lumapad naman ang ngiti ng cashier. "Kaya po pala. Pagbigyan mo na, Sir."
"Ano pa nga bang magagawa ko?" Natatawang sagot niya at inorder lahat ng gusto ni Abigail.
NANG ilapag na ni Luis ang mga pagkain sa mesa, pinilit niya ang sarili na huwag itong lingunin. Kahit pa gutom na gutom na siya at amoy na amoy na niya ang mga pagkain sa harapan.
"Abigail, here. Thigh part na ang in-order ko. C'mon, let's eat." tawag sa kanya ni Luis.
Nanghahaba ang ngusong inirapan niya ito.
"Abigail ... Sorry na. I was just teasing you. C'mon, lalamig na ang mga ito."
"Psh! Nakakainis ka! Palagyan kaya kita ng breast sa noo mo! Tignan ko lang kung matuwa ka."
Natatawa lang si Luis sa kanya. Inihalo nito ang Jolly Spaghetti pagkatapos ay iniabot sa kanya.
"Here, kain kana. Hindi pala tayo nakapag-breakfast kanina." Sabi pa nito.
"Sinong may kasalanan?" Sarkastikong tanong niya dito.
"I'm sorry. Bumabawi na nga, oh."
Inirapan lang niya ito at nagpatuloy sa pagkain. Hindi sila nakapagbreakfast dahil sa babae nito na nagpunta sa penthouse.
"After this, deretso na tayo sa MLS. May mga pipirmahan lang ako, then we're done. Saan mo gustong pumunta?" Basag ni Luis sa katahimikan.
"Hindi tayo pupunta sa Tan&Sy?" Nagtatakang tanong niya.
"Nah, I quit."
"Seryoso?"
"Yeah."
"Dahil ba 'to sa nalaman mo?"
"If she can't accept my sister, she should start looking for a heir."
"Ganun lang yon? We're talking about a billion dollar company here, Bossing."
"So? Kailan pa naging mas importante ang kayamanan kesa sa pamilya?" Taas-kilay na tanong nito sa kanya.
"Sabagay. Hindi ka nga pala katulad ng pamilya ko." Bulong niya.
"What?"
"Ah, wala. Ang sabi ko tama yang ginawa mo. Susuportahan kita diyan." Nakangiting sagot niya.
"Thanks, Abigail."
"So, anong balak mo niyan?" Tanong niya ulit kay Luis.
"Saan?"
"Sa nalaman mo? Sasabihin mo ba sa parents mo? Kay Aya? I'm sure, magtataka ang mga parents mo sa pagquit mo sa Tan&Sy."
"I'll just cross the bridge when I get there."Sagot ni Luis.
Hindi na lamang siya nag-usisa pa. Alam naman niyang naguguluhan pa ito sa mga pangyayari sa buhay nito. nagkasabay-sabay ang mga problema nito. Dumagdag pa ang mga babae nito.
TANGINA! ANG LANDI KASI!