"Joey Abigail Salazar, Sir. Reporting for duty."
Gusto nang matawa ni Joey sa hitsura ni Luis. Pero pinipigilan niya ang sarili dahil nangako siya na seseryosohin niya ang trabahong iyon. Hindi niya hahayaang mahaluan ng kahit na ano ang pagtatrabaho niya kay Luis.
Isinantabi niya ang lahat ng emosyong nararamdaman dito. Kailangan ay manatili ang employer-employee relationship sa pagitang nilang dalawa.
"Right." Tanging nasambit ni Luis nang makabawi ito. "I think you already know the reason why you're here."
"Yes, Sir. Mr. Acosta already explained everything to me."
Muling bumalik ang pagkakakunot ng noo nito.
"Any problem, Sir?" Magalang na tanong niya.
"Don't call me Sir." Utos nito. Mababakas ang pagkainis sa boses.
"I'm sorry, Sir. But as your employe--"
"Excuse me, Sir. Miss Joey." Sabay silang napatingin kay Grace na siyang pumutol sa sasabihin sana niya.
"What is it?" Tanong ni Luis sa sekretarya.
"Princess called, Sir. She's asking if you will attend the meeting." Saad ni Grace na nagpalipat-lipat pa ang tingin sa kanilang dalawa ni Luis.
"Yeah. Wala naman na akong kailangan gawin ngayon dito, right?"
"Yes, Sir. I cancelled all your appointment for that, Sir." Nakangiting sagot ni Grace.
"Alright! Thanks, Grace."
"One more thing, Sir." Nakangiwing pahabol ni Grace.
She find her cute with her facial expressions.
"What?" tanong ni Luis matapos siyang taasan ng kilay nang makita nito ang pag-ngisi niya kay Grace. Agad naman siyang nagseryoso.
"Your grandmother will be there, too."
"f**k!" Nafu-frustrate na inihilamos ni Luis ang mga kamay sa mukha.
"When did she arrived?" tanong ni Luis. Nagkibit-balikat lang si Grace pagkatapos ay nagpaalam ng lumabas.
Nanatiling nakatayo si Joey sa harapan ni Luis na ngayon ay hindi na mapakali.
"Sir ..." tawag pansin niya dito.
Inayos lang ni Luis ang ilang mga papeles pagkatapos ay kinuha ang briefcase.
"Let's go." Yaya nito sa kanya at nauna nang naglakad.
Nagkibit-balikat na lamang siya at sinundan ito.
HABANG lulan ng elevator, hindi maiwasan ni Joey na pagmasdan ang kabuuan ni Luis sa salamin ng elevator.
Nakayuko ito kaya hindi nito nakikita ang ginagawa niya.
Parang ibang tao ang Luis na kasama niya sa Luis na nakasama niya noon sa bahay niya. Napakaseryoso ni Luis, hindi katulad noon na maloko at parang laging nakikipaglaro.
Nang makarating sila sa basement, nauna na itong maglakad sa kanya patungo sa kotse nito.
Hinabol niya ito at hinawakan sa balikat. Bahagya pa itong napaigtad sa ginawa niya.
"What?" Tanong nito matapos sulyapan ang kamay niyang nasa balikat parin nito.
Tila napasong agad na binawi niya kamay at inilahad dito ang palad.
Nagsalubong ang kilay nito. "Huh?"
"Where's your key, Sir?"
"W-What? Why would I give you my key?"
"Malamang po, ako ang magda-drive." Sarkastikong sagot niya.
"No. Ako ang magmamaneho." Pinatunog na nito ang sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. "Hop in."
"Sir, it's my job to drive you---"
"Your my bodyguard, right?"
"Exactly! Kaya ako ang magmamaneho para masiguro na safe ka---"
"Magkaiba ang bodyguard sa driver, Abigail. Ako ang magda-drive. Period."
"Tangina! Alam ko po ang pinagkaiba ng driver sa bodyguard, Sir. Ang sa akin lang, ako na ang magda-drive para masigurado ko na safe kang makarating sa pupuntahan mo. Hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari habang nasa daan tayo. Paano kung tambangan tayo sa daan at ikaw ang nagmamaneho? Alam mo ba kung anong gagawin mo, ha? Let me remind you, Mr. Sy, I am here to keep you safe, and to be able to do that, you have to- no, you need to follow my orders kung gusto mo pang mabuhay. Hindi lang ako basta-basta bodyguard, for your information, Sir. Kaya kung ayaw mo sa mga patakaran ko, maghanap ka ng ibang bodyguard mo!" Mahabang litanya niya at iniwanan ito.
Habang naglalakad palayo dito ay gusto niyang kutusan ang sarili. "That was so unprofessional, Joey! Huwag kang magpapadala sa emosyon mo!" Bulong niya sa sarili.
"Abigail!" Napahinto siya nang tawagin siya nito. Hindi siya lumingon kaya muli itong sumigaw. "Abigail, f**k!"
Nagpatuloy na siya sa paglalakad.
"Fine!" Sigaw nito. Muli naman siyang napahinto. "Ikaw na ang magdrive!" Sumilay ang ngiti sa mga labi.
"C'mon, Abigail! Here's the key. I'll let you drive my car." Sigaw ulit nito.
Ibinalik niya ang seryosong mukha bago humarap at naglakad pabalik dito.
Tangina! Ang arte pa kasi!
Nang makalapit ay muli niyang inilahad ang kamay. Napipilitang iniabot nito ang susi sa kanya.
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo, Sir."
"Stop calling me Sir!" Naramdaman niya ang pagkainis sa tinig nito.
"K." Kibit-balikat na sagot niya.
"Abigail!" Nanlaki ang mga singkit na mata ni Luis.
"It's Joey, Bossing!" Tinalikuran na niya ito at nauna nang sumakay sa kotse nito.
PAGPASOK nila sa opisina ni Luis sa Tan-Sy Empire, sinalubong sila ng isang matandang babae na galit na galit ata sa kulay pula. Mula ulo hanggang paa ay pula ang suot nito.
Mukhang sinesermonan nito ang babaeng kausap.
Nang makita sila nito ay agad na tinaasan siya nito ng kilay at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
Agad namang lumapit ang kawawang babae na sinesermunan nito kay Luis.
Kailanman ay hindi naconscious si Joey sa hitsura at kasuotan niya. Wala naman kasi siyang pakielam kahit ano pang sabihin ng ibang tao tungkol sa kanya. Pero nang mga sandaling iyon ay gusto niyang umalma. Anong karapatan nitong tignan siya na parang isang taong hindi katanggap-tanggap sa paningin nito?
"Who are you?" Tanong ng matandang babae sa kanya. Lalo pang naningkit ang singkit na nitong mga mata. Lumapit ito sa kanya.
"Grandma!" Bulalas ni Luis.
"Don't Grandma me, Marco Luis! Who's that stupid woman?!"
Nagpantig ang tenga niya sa narinig. Did she just called her stupid?!
Papalag na sana siya nang hawakan ni Luis ang kamay niya. Nagulat man ay hindi siya nagpahalata.
Pagtingin niya sa Lola ni Luis ay masama ang tingin nito sa kanilang dalawa. Lalo na sa kamay niya na hawak ni Luis. Gusto niyang hilahin ang kamay ngunit ayaw siyang pakawalan ni Luis.
May mga sinabi ang Lola ni Luis sa wikang Chinese ngunit hindi siya makasunod dahil sa sobrang bilis nitong magsalita. Putak ito nang putak. Gusto na sana niyang sumabat dahil sa matalim na tingin na ibinabato nito sa kanya.
Nasisiguro niya na minumura na siya nito.
"Tangina! May Alien dito." Mahinang usal niya. Pero mukhang narinig iyon ni Luis dahil nakita niyang napangisi ito kaya natawa siya.
"What's funny, woman?!" Tanong sa kanya ng matanda. Pulang-pula ang mukha nito.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Napapatanong sa isip kung anong problema ng matanda sa kanya.
Ah, siguro ayaw nito sa suot niya. Kung ito kasi ay nakapula mula ulo hanggang paa, siya naman ay nakaitim.
"Abigail, just wait for me outside. Kakausapin ko lang si Grandma." Agaw ni Luis sa atensyon niya.
"K." Sagot niya. Nang muli niyang sulyapan ang Lola nito ay masama parin ang tingin nito sa kanya.
Nakaisip tuloy siya ng kalokohan.
"Hanggang sa muli, Madam! Ciao!" Paalam niya sa matanda. Kinindatan niya ito at sumaludo pa.
Bago tuluyang makalabas, narinig pa niya itong nagsasalita sa wikang hindi niya maintindihan.
Paglabas ni Joey sa opisina ni Luis, nakasalubong niya si Bagwis.
"What are you doing here?" Nagtatakang tanong niya sa tauhan ni Arthur.
Bilang sagot ay itinaas nito ang brown envelope na hawak.
"Did he asked you to investigate someone?" Diretsong tanong niya.
"Yup! Medyo matagal na din 'to. It took me a lot of time to finally figure things out. And medyo nahirapan ako." Paliwanang ni Bagwis.
"Really?! Ikaw mahihirapan? Sounds interesting, huh? May I know what's that report all about?" Pagtatanong niya kahit alam naman niyang confidential iyon.
"It's about his sister."
"Aya?" Kunot-noong tanong niya. Bakit naman paiimbestigahan nito si Aya?
"Yup! I'm sorry, but, I can't tell you. Mauna na 'ko." Paalam nito at pumasok na sa opisina ni Luis.
"Wait!" pigil niya kay Bagwis. "Kausap niya si Lady in Red. Bawal istorbuhin."
"Lady in Red?" nagtatakang tanong nito.
"Lola niyang masungit na galit na galit sa pula."
Nanlaki ang mga mata ni Bagwis. "Oh, nevermind. Saka ko na lang ipapakita ito. Sige, mauna na 'ko."
Tinanguan lang niya ito.
Nang makaalis na si Bagwis, naglakad-lakad si Joey sa Lobby ng opisina ni Luis. Ininspeksyon niya ang paligid at tinignan kung nakabukas ba ang mga CCTV camera sa palagid.
Nang matapos ay naupo na lang siya sa isang couch malapit sa lamesa ng sekretarya ni Luis. Wala ang babae doon dahil narinig niya na inutusan ito ni Luis na i-represent ito sa meeting.
Napapaisip tuloy siya. Hindi kaya may sa-demonyo ang Lola ni Luis at hindi Alien language ang naririnig niya dito kundi dasal para sunduin na siya ni Kamatayan?
Natawa na lamang siya naisip. Sinusumpong na naman siya ng kabaliwan niya!
Nagulat si Joey nang bumukas ang pintuan ng opisina ni Luis. Lumabas mula doon si Lady in Red na nakabusangot ang mukha.
Normal face na ata iyon ng matanda.
"You!" Duro nito sa kanya. Kunot naman ang noo niya. "I will never ever accept you in my family!" Galit na galit na usal nito. Pagkatapos ay dumeretso na sa elevator.
Napamaang siya sa sinabi nito. Ano namang pakielam niya kung hindi siya nito matatanggap sa pamilya nito? Hindi naman siya sa buong pamilya nito nagtatrabaho. Si Luis lang ang binabantayan niya at hindi ang buong pamilya nito.
Nang muling tumunog ang elevator, inihanda na niya ang sarili sa pagsagot sa matanda kung sakaling naisipan nitong bumalik. Ngunit imbes na ang matanda, si Bagwis ang lumabas mula sa elevator.
Nang makita siya ay ngumisi ito. "Hi, Miss Bodyguard. Nakasalubong ko si Lady in Red sa baba." Natatawang sabi nito.
Natawa naman siya. "Pasok kana, ako muna ang secretary ni Don Luis ngayon."
"Thanks, Joey!"
"Ah, Bagwis!"
"Hmm?"
"Pakibantayan muna si Don Luis, bibili lang ako ng coffee sa baba."
"Sure."
Pagbalik ni Joey sa opisina ni Luis, nadatnan niya itong parang pinagsakluban ng langit. Tila pasan nito ang lahat ng problema.
"Everything's fine?" Tanong niya. Wala na si Bagwis kaya mahina siyang napamura.
Gago yun, ah! Iniwan ang pinapabantayan niya!
"No. Everything's a mess! f**k!" Sinapo ng mga palad nito ang ulo. "s**t! f**k!" Tinabig nito ang mga gamit na nakalagay sa table nito kaya nagkalat ang mga papeles.
"B-Bossing! Ano bang problema mo?!" Naiinis na tanong niya.
Kinuha nito ang envelope na nakita niyang hawak kanina ni Bagwis. Ibinagsak ni Luis iyon sa harapan niya.
Kinuha niya iyon at tinignan ang mga larawan, pagkatapos ay binasa ang written report.
Nalaglag ang panga niya sa nabasa. Report iyon tungkol sa pagkawala noon ni Aya.
"D-Diba ito ang Lola mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya nang mabasa ang pangalan ng lola nito sa isang papel kung saan naka-attach ang larawan ng masungit na lola nito.
Mukhang tama siya na may sa-demonyo nga ata ang Lola nito.
Imbes na sumagot ay tumayo si Luis at dire-diretsong lumabas.
Nagmamadali naman niya itong sinundan.
This is war!
"HOW could you do this to us?!" Ibinagsak ni Luis sa harapan ng Lola niya ang mga reports na nakalap ni Bagwis.
He hired one of Arthur's best men to re-investigate the case of his sister. Hindi kasi siya mapalagay sa katotohanang hindi nahanap ng mga investigators na h-in-ire ng pamilya ang kapatid.
Hindi siya matatahimik lalo na at nalaman niya na nagtanong noon si Aya kung bakit hindi siya hinanap. Kung bakit sa kabila ng yamang taglay ng pamilya nila ay hindi ito nahanap.
At ngayong nalaman na niya ang katotohanan, parang muling gumunaw ang mundo niya. Knowing that his grandma was the person behind the abduction of his sister.
Ito din ang dahilan kung bakit kahit anong gawin ng mga magulang niya ay hindi nahanap si Aya. Binabayaran nito ang mga investigators. Hinaharangan nito ang mga reports ng mga detectives.
"Don't use that tone on me, Marco Luis!" His grandmother hissed on him. "These are non-sense." Ibinalik lang nito ang mga papeles sa envelope.
"No, Grandma! Those are not just non-sense!" Sumabog na ang tinitimping galit. "You hide Aya to us! You know very well how losing Aya ruined our lives! You know what we went through, Grandma! Alam mo kung paano gumuho ang mundo namin sa pagkawala niya." Alam niyang pulang-pula na ang mukha niya. Nanginginig ang buong kalamnan niya sa galit.
Tahimik lang ang lola niya. Walang emosyon ang mga mata.
"Grandma, Answer me!" Hinampas niya ang lamesa. Lumikha iyon nang malakas na kalabog ngunit walang nagbago sa mukha ng Lola niya.
"Why did you do that, Grandma? M-My Mom almost die..." Gumaralgal ang boses niya. Remembering those days. "..Dad went crazy.. I-I can't even talk to him.."
"And you lost your family." Dagdag ng Lola niya.
"And it's all because of you! Dahil itinago mo sa amin ang kapatid ko!"
When they lost Aya, he lose his family, too. Sa murang edad, nasaksihan niya kung paano nabago nang pagkawala ni Aya ang buhay nila. Inatake sa puso ang mommy niya, laging naglalasing ang daddy niya. Hindi na niya makausap ang mga ito. He was ten and all alone.
"Itinago mo sa amin ang kapatid ko! Para saan, ha?! Para saan?!"
"I did that for you, Luis! I did that for our family. You're mother cheated on your Dad! Aya's not your sister!"
"What?! How could you say that? Hanggang ngayon, pinaghihinalaan mo pa rin ang mommy ko? Why can't you just accept that Dad loves Mom? Hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang issues mo, Grandma?"
"Stop this non-sense, Marco Luis! Everything I did before was all for you."
"No, Grandma! You did that for yourself! Para sa mga paniniwala mo! Dahil sa mga putanginang businesses mo!"
"Don't you dare, Marco Luis Sy! If it's not for my businesses, you'll never experience this kind of life! All the luxuries! And if it's not for me, your parents wouldn't care about you! Ikaw kalimot na pa'no ikaw balewala magulang mo?"
No, he would never forget those times. Those times that he was all alone. Nung mga panahong mag-isa siya sa madilim na kwarto, umiiyak, tinatawag ang mga magulang ngunit walang dumating isa man sa mga ito. He would never forget those days.
"P-Pero, G-Grandma, nangyari lahat ng i-iyon dahil sa'yo. Nabalewala ako dahil hinahanap nila ang kapatid ko! Na hindi sana mangyayari kung hindi mo minanipula ang lahat!"
Noong mga panahon na iyon, ang Lola niya ang kumalinga sa kanya. Ito ang nagbigay ng atensiyon na hindi niya makuha sa mga magulang.
"You would never understand me, because you were blinded by your emotions. I told you before, Luis, don't let your emotions take over you. It will only ruin you. See? It's happening right now. You even forget the things I did for you. You let your emotions ruin you."
"Ang lupit mo, Grandma! You are horrible! Hindi ko alam na ganyan ka kasama! Kadugo mo din si Aya. Dugo at laman mo. How could you do that to your own grandchild?!"
He can't believe it! Ang Lola niya na nag-aruga sa kanya, ang Lola niya na hinahangaan niya ang siya palang puno't dulo ng lahat ng kaguluhan sa pamilya niya. At ang masakit pa, kung umakto ito ay parang wala lang dito ang ginawa.
"She's not my grandchild! You're Mom cheated on your dad! You are my only grandchild!"
Parang paulit-ulit na sinaksak ang puso niya sa sinabi nito. Nasasaktan siya para sa ina. Nasasaktan siya para kay Aya. Ang kapatid niya na walang kamalay-malay. Nagdusa ito dahil sa sariling lola.
"T-Then forget me as well. If you can't accept my sister, then forget about me, too! D-Dahil simula sa m-mga oras na i-ito, wala ka ng apo."
Pinunasan niya ang mga luhang namalibis sa kanyang mukha at taas noong lumabas sa bahay nito.
HABANG nagmamaneho, hindi mapigilang sulyapan ni Joey si Luis. Hindi niya alam kung anong nangyari sa pagkausap nito kay Lady in Red. Pero nasisiguro niya na hindi naging maayos ang pag-uusap nang dalawa dahil na din sa hitsura ni Luis. Mukha itong pinagsakluban ng langit at lupa. Malayo ang tingin, malalim ang iniisip at mabigat ang atmosphere sa paligid nila. Damang-dama niya ang pinagsamang galit, lungkot, sakit sa aura nito.
Kaya imbes na iuwi ito sa bahay nito, dinala niya ito sa isang mataas at tahimik na lugar.
Nagulat pa si Luis nang pagbuksan niya ito ng pinto. Tama nga siya na wala ito sa sarili. Ni hindi nga nito napansin na dinala niya ito sa lugar na iyon.
"What are we doing here?" tanong nito.
"Maglalabas ng sama ng loob. C'mon!" Hinila niya ang kamay ni Luis kaya wala na itong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Dinala niya ito sa dulo ng bangin.
"I'm not suicidal, Abigail!"
"Psh! C'mon, isigaw mo na lahat ng gusto mong sabihin."
"What?! No way!"
"Psh! Bahala ka nga diyan!"
"Abigail! Tara na! Delikado talaga ang mga alam mo!"
Hindi niya ito pinansin. Bagkus ay sumigaw siya nang malakas na malakas. "Hoy! Matandang galit na galit sa pula! Bakit ang sungit-sungit mo?"
Nagulat si Luis sa ginawa niya. "What the hell, Abigail!"
"Oh, c'mon! Dali na, isigaw mo na ang nararamdaman mo. I'm here. I will listen to you."
Mukhang wala parin itong balak kaya nagtangka siyang sumigaw ulit, ngunit nagulat siya nang unahan siya ni Luis.
"GRANDMA! ANG SAMA-SAMA MO! SARILI MO LANG ANG INIISIP MO! YOU ARE SELFISH, GRANDMA! I HATE YOU! I HATE YOU! I HATE YOU!" Hinihingal si Luis nang matapos ito.
"Go on, Bossing."
Pero imbes na sumigaw, napaluhod si Luis sa damuhan. Lalapitan na sana niya ito nang makita niyang yumuyugyog ang mga balikat nito.
"P-Paano ko ipapaliwanag sa mga magulang ko ang lahat ng mga nalaman ko? Paano ko sasabihin kay Aya na ang sariling Lola niya ang may kagagawan ng lahat?"
Saksi si Joey noong mga panahong hindi matanggap ni Aya ang mga magulang. Ang tanong ni Aya noon, bakit daw sa kabila ng yaman ng mga magulang ay hindi ito nahanap? Ngayon ay may sagot na. And it will be very painful for Aya kapag nalaman na nito ang lahat.
"At hindi man lang iyon pinagsisisihan ni Lola! Hindi man lang siya nakonsensiya sa sinapit ng apo niya?! She's heartless! She ruined our lives! Lumaki akong sinisisi ang mga magulang ko dahil wala silang nagawa para mahanap ang kapatid ko! Pagkatapos ay malalaman ko na ganito? Of all people, si Grandma pa talaga."
Nakikinig lang si Joey. Hinayaan niya na lang si Luis na mailabas ang laman ng puso nito.
Alam niyang masakit ang pinagdadaanan nito. He was betrayed by his own family. Alam niya kung gaano kasakit iyon. Alam niya. Dahil dumaan na siya sa ganoon. She was betrayed by her family, too.
Nilapitan niya si Luis, lumuhod siya sa harapan nito. Itinaas niya ang ulo nito.
"Bossing ..." Pinunasan niya ang mga luha sa mukha nito. Pagkatapos ay mahigpit na niyakap.
Nang tila mahimasmasan na si Luis, ito na mismo ang kusang lumayo sa kanya.
"I'm sorry." Bulong ni Luis.
"It's alright." Nakangiting sagot niya.
"You saw me cry. Nakita mo kung gaano ako kahina."
"No, you are strong, Bossing. Pinatunayan mo lang sa akin na totoong lalaki ka. Because real men do cry. Real men are not afraid to show their emotions. Isa pa, okay lang namang maging mahina paminsan-minsan. Kayallang, paminsan-minsan lang, ha? Huwag mong araw-arawin."
Napangiti naman si Luis sa huling sinabi niya.
"Ayan! Ngumiti ka din. Mas gwapo ka kapag nakangiti, Bossing. Nawawala ang mga mata mo."
Huminga nang malalim si Luis. "Paano na lang ako kung wala ka, Abigail?"
"Baka nagsuicide kana, Bossing."
"Baka nga."
"Ay, grabe siya! Tara na nga, Bossing! Gabi na, oh! Ay, wait! Are you sure okay ka na?" Tanong niya kay Luis.
"Hindi pa."
"Huh! Hindi ka pa okay?!"
"I think, I need one more hug from you."
"Suntok, you want?" Iniumang niya ang kamao sa mukha nito. "Abuso ka na, Bossing. Isang hug lang ang for free. Yung kasunod, may bayad na."
"Then, I'll pay. I want another hug from you, Abigail. Because your hug soothes my heart. It feels like everything's fine when you're in my arms."
"Huh? Seryoso, Bossing?"
"Yeah, so, how much?"
"Ten Million." Biro niya.
Inilabas ni Luis ang cellphone mula sa bulsa, nagdial ito, pagkatapos ay inilagay sa tapat ng tenga ang cellphone.
"Hello, DM? Wire Ten-Million Pesos to Joey Abigail Salazar's account. Ask Arthur for the info. Thanks."
"What the f**k!" Bulalas niya. Hindi makapaniwala sa ginawa ni Luis.
"So, where's my hug?" Tanong ni Luis. Inilahad pa nito ang mga kamay.
"Gago ka ba?! Nagbibiro lang ako!"
"But I am serious." Lumapit si Luis sa kanya at mahigpit na niyakap siya.
"B-Bossing..."
"Thank you, Abigail. Thank you for bringing me here. Thank you for listening. Thank you for making me feel okay."
Mas humigpit pa ang yakap ni Luis sa kanya. Itinaas niya ang mga braso at inilagay paikot sa bewang nito.
Yeah, sometimes, a hug is all we need.
PAG-UWI nina Joey at Luis sa Penthouse ng huli, agad na pumasok si Luis sa kwarto nito. Iniwan siya nito na hindi alam kung saan matutulog.
"Gago yun, ah! Pagkatapos nang lahat-lahat, iiwanan lang ako dito?!" Galit na nagmartsa siya patungo sa kwartong pinasukan nito.
Nang nasa tapat na siya ng pintuan, saka naman bumukas ang pinto.
Nagkagulatan pa sila ni Luis.
"I'm sorry, Abigail, nilinis ko lang saglit ang kwarto. Come in."
"Huwag na. Saan ako pwedeng matulog?"
"Since isa lang ang kwarto dito, share tayo. But don't worry, sa couch ako. Baka balian mo na naman ako."
Natawa siya sa sinabi nito. Agad naman siyang pumasok at iginala ang mga mata sa kabuuan ng kwarto nito.
Too masculine.
Itinuro ni Luis ang banyo sa kanya habang ito naman ay naligo sa banyo sa labas.
Pagkatapos niyang maglinis ng katawan, naabutan niya si Luis na nakabaluktot sa couch.
"B-Bossing..."
"Hmm?"
"Huwag ka ngang magpakabayani diyan! Malaki naman ang kama mo, tabi na lang tayo."
Agad namang bumangon si Luis at humiga sa kama. "Thanks, Abigail! Goodnight!"
Nagtalukbong na ito kaya hindi na niya nasabi ang mga rules niya.
Naiiling na lang na tumabi siya dito at naglagay ng unan sa pagitan nila.
Subukan lang nitong dumikit sa kanya, babaliin niya lahat ng buto sa katawan nito.
"Woooh! So much for my first day at work!" Mahinang usal niya at hinayaang hilahin siya ng antok.