CHAPTER 5

2243 Words
NAGLALAKAD na si Joey patungo sa kwarto na nakalaan para sa kanya nang may humila sa kamay niya. Agad naman na umigkas ang braso niya at akma nang paulanan ng suntok ang pangahas nang magsalita ito.  "Abigail, it's me." Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa dilim at hindi rin niya makilala ang boses nito dahil pabulong lang itong nagsalita. But she can feel in her heart na si Luis ang kasama niya.  Bumilis kasi ang t***k ng puso niya katulad nang pagtibok nito kapag magkausap sila ni Luis. At isa pa'y ito lang ang tumatawag na Abigail sa kanya.  "Luis?" Paninigurado parin niya. Ibinaba na ang depensa.  "Yeah." Paos ang boses na sagot nito.  "Anong trip mo at bigla kana lang nanghihila? Teka nga! Bitawan mo ang kamay ko." Tanong niya sa lalaki at siya na rin ang nagtanggal ng kamay nito sa braso niya.  "Kanina pa kita hinihintay."  Pilit niyang inaaninag ang mukha nito pero madilim talaga.  "Oh, bakit? Anong kailangan mo?"  "Ikaw. I need you."  "Huh? Nababaliw kana ba? Psh. Lasing ka lang. Itulog mo na yan, 'tol." Sagot niya at agad naglakad palayo sa lalaki. Mabibilis ang lakad niya at nang makarating sa kwarto ay agad na isinara niya iyon at sumandal sa likuran ng pinto.  Napahawak siya sa tapat ng dibdib dahil sa lakas ng t***k ng puso niya. She can't understand herself anymore! Ano bang nangyayari sa kanya?! Kapag nasa malapit si Luis ay daig pa niya ang nasa gyera dahil parang tinatambol ang puso niya.  "s**t! Gago yun, ah! Wala lang 'to. Ililigo ko lang 'to." Kausap niya sa sarili.  Nagmamadaling nagtungo siya sa banyo para maligo. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nasa ilalim ng shower. Basta nakatayo lang siya doon. Lumilipad ang isip.  "Ahhhhhhh!" Sinabunutan na niya ang sarili dahil sa sobrang frustration. "PUTANGINA MO, MARCO LUIS SY!"  Bakit ba kasi ganoon na lang ang nararamdaman niya sa lalaking yon?! Dapat ay hindi siya naaapektuhan! Dapat ay wala siyang ibang maramdaman kapag malapit ito kundi inis at galit!  "Joey, umayos ka! Hindi ka pwedeng magmahal! Hindi pwedeng lumambot ang puso mo! Tangina!"  She's hopeless. Puno ng galit sa sarili na sinuntok niya ang tiles ng banyo. At kasabay ng paglandas ng dugo sa kamao niya ay ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata. NAGDADALAWANG-ISIP si Luis kung kakatok ba sa kwarto ni Abigail o hahayaan na lamang niya ang babae.  Naiinis siya sa nararamdaman. Bakit ba ang lakas ng dating nito para sa kanya? Nagmumukha na siyang tanga dahil sa mga pangsusupalpal nito. Hindi niya alam kung bakit sinabi niya iyon kay Abigail kanina.  "I need you? The f**k! Saan ko galing 'yon?" Kausap niya sa sarili. Nang marealize kasi niya na yun ang sinabi niya kanina ay tinubuan siya ng hiya. Baka akalain ni Abigail na may gusto siya dito. And worst, isipin nito na manyakis siya.  Sinubukan niyang pihitin ang saradura and dang! Hindi naka-lock! Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at bago pa siya makapasok ay narinig na niya ang sigaw nito mula sa banyo.  "Ahhhhhh! PUTANGINA MO, MARCO LUIS SY!"  Mahina siyang napamura at mabilis na lumabas ng silid nito. Halos patakbo pa siyang umalis sa lugar na iyon at nagtungo sa sariling silid.  "Tangina! Paano niya nalamang ako ang pumasok?!" Nagtatakang tanong niya at naiinis na sinabunutan ang sarili.  "Argh! What should I do with you, Abigail?! Bakit mo ba ako ginugulo?" Padapa na humiga siya sa kama at isinubsob ang mukha sa unan.  KAHIT nakabenda ang kanang kamay, pinilit parin ni Joey na makapag-impake ng gamit. Pagkatapos niyang maligo sa mansyon nina Aya ay napagdesisyunan niyang umalis na doon.  Hindi na niya kayang magtagal sa isang bahay na kasama si Luis.  She's leaving. Kailangan niya munang magpakalayo. Saka na lamang siya magpapaliwanag kay Arthur.  Nang matapos mag-empake ay mabilis na i-on niya ang buong security ng bahay niya. Nang masigurong maayos na ang lahat ay lumabas na siya ng bahay bitbit ang ilang gamit at sumakay sa sasakyan.  "Where to go? s**t!" Nahampas na lamang niya ang manibela nang marealize na hindi pa niya alam kung saan pupunta.  Habang nasa kalagitnaan ng traffic ay nag-iisip siya ng lugar na gustong-gusto niyang puntahan noon.  "Argh! Bahala na!" Basta nagpatuloy lang siya sa pagdadrive hanggang marealize niya na unconsciously ay sinusundan na pala niya ang isang bus na nasa harapan.  Natawa na lang siya sa sarili at tinuloy-tuloy na ang pagsunod dito.  "Whoa!" Nasa Tagaytay na pala siya! Nagbaba lang ng ilang pasahero ang bus, pagkatapos ay muling umandar kaya sinundan niya muli ito.  Ilang oras pa ang binyahe niya, nang makaramdam ng gutom ay huminto siya sa isang convenience store.  Bago bumaba ay inilibot niya muna ang tingin sa paligid.  "Tangina! Nasa Batangas na ako?!" Gulat na bulalas niya nang makita ang karatulang 'Welcome to Nasugbu, Batangas'  Kinuha niya ang cellphone sa bag at nagsearch ng hotel na pwede niyang tuluyan. Nang may mahanap ay bumaba na siya ng sasakyan para bumili ng pagkain sa convenience store.  Namili lang siya ng toiletries, chocolates at iba't-ibang inumin. Nang makapagbayad na ay nag-umpisa na naman siyang magbyahe.  According to her map, 20minutes away lang iyon sa kasalukuyang posisyon niya. She's good with directions kaya nasisiguro niyang in less than 20 minutes ay makakarating na siya sa Matabungkay Beach Resort. Lalo na at walang traffic doon, unlike Manila.  "This is life!" Pabagsak na humiga si Joey sa kama. Nagcheck-in siya sa Matabungkay Beach Resort. Napakaganda ng tanawin mula sa balkonahe ng kwarto niya, ngunit tila hindi niya ma-appreciate ang ganda ng tanawin. Ang tanging gusto niya ay makapagpahinga. Ilang oras din siyang nagdrive bago makarating doon. Nakaramdam na din siya ng gutom pero mas uunahin na muna niya ang pagtulog.  She closed her eyes, only to be reminded by the face of the very reason why she was there.  "Tangina, Luis. Hanggang dito ba naman?!" Mahinang usal niya nang muling idilat ang mga mata. She tried closing them again, pero mukha talaga nito ang nakikita niya.  She closed her eyes again, pilit tinatanggal sa isip ang pagmumukha ni Luis. At dala marahil ng sobrang kapaguran ay nakatulog na siya.  "Abi ... Ali... Lumabas na kayo diyan. Hindi niyo ako matatakasan. Huwag nang magtago. Heto na 'ko."  Hindi malaman ng batang si Abi kung paano pa isisiksik ang munting katawan sa loob ng lumang closet ng nanay nila. Takip-takip niya ang bibig ni Ali para hindi marinig ng tao sa labas ang pag-iyak nito. Her sister was just 8 years old, habang siya naman ay 11 years old.  "Abi... Lumabas kana diyan." Nakakatakot ang boses nito. Galit na galit siya sa lalaking nasa labas. Kapag nakita sila nito ay siguradong sasaktan na naman sila nito.  She tried her best para hindi nito marinig ang impit na pag-iyak ni Ali. Alam niyang nasa malapit na lang ang lalaki sa kanila.  "Ahhhh!" Sabay silang napasigaw ni Ali nang buksan ng lalaki ang closet.  Hinablot nito sa kanya si Ali. Kitang kita ng dalawang mata niya kung paano bitbitin ng isang kamay nito ang munting katawan ni Ali.  "A-Ate A-Abi! Ateeeeee! Ate A-Abi!" Umiiyak na tawag sa kanya ng kapatid.  "H-Huwag m-mong sasaktan si Ali, please. Huwag po." Pagmamakaawa niya sa lalaki. Ngunit nanlilisik ang mga matang hinila din siya nito palabas ng closet. Hawak nito ang harapan ng t-shirt na suot niya. Inihagis siya nito sa ibabaw ng kama. Walang magawa na umiyak na lamang siya.  Lumabas ang lalaki ng kwarto, dala ang kapatid niya na umiiyak parin. Narinig niya na ikinandado nito sa labas ang pintuan ng kwarto. Nagmamadali siyang bumaba sa kama at pinagbabayo ng mga munting kamay ang pintuan.  Mula sa kinalalagyan ay dinig na dinig niya ang pag-iyak ng kapatid. Ang pagtawag nito ng saklolo. Ang pagtawag nito sa pangalan niya.  "Ate Abiiiiiiiiiii!" Tuluyan na siyang napahagulgol dahil wala siyang magawa para sa kapatid. Hindi niya alam mung ano na ang ginagawa ng lalaking iyon sa kapatid niya. Pero alam niyang nasasaktan si Ali. Damang-dama niya iyon sa bawat pagsigaw ng kapatid. Sa bawat pagtawag nito sa kanya.  Isang malakas na malakas pang sigaw ang narinig niya kay Ali.  "ATE ABIIIIIII!" Pagkatapos ay isang mahabang katahimikan.  "ALI!" Hinihingal na napaupo si Joey sa kama. Nakatakip ang isang kamay niya sa bibig para pigilan ang pagsigaw habang ang isang kamay ay nasa tapat ng dibdib.  Napanaginipan na naman niya ang kapatid. Araw-araw na lamang ay ginugulo siya ng alaalang iyon. Ang maliit na boses ng kapatid, nagmamakaawa, humihingi ng tulong.  "I'm sorry, Ali. If only Ate was strong enough that time. Sana nailigtas kita. I'm sorry, baby." Mahinang usal niya.  She closed her eyes and uttered a short prayer for her sister.  Nang matapos ay bumangon na siya at nagpasyang maglakad-lakad sa dalampasigan.  "Ate Abi, kapag nagswim ako sa ilalim ng dagat, makikita ko ba si spongebob?" inosenteng tanong ni Ali kay Joey.  "Syempre hindi. Hindi naman true si spongebob." sagot niya sa kapatid.  "Ay, sayang. Alam mo, ate, when I grow up, I want to dive and feed the fishes in the sea. I will play with them and I will fight for their rights!"  "Talaga? Nice. Kaya dapat lumaki kana agad. Bilisan mo ng lumaki! Ang liit-liit mo!" Pang-aasar niya sa kapatid at humahalakhak na tumakbo.  "Ate!" Natatawang hinabol naman siya ni Ali.  Mapait na napangiti si Joey sa alaalang iyon ng kapatid. Ali love the sea. Mahal na mahal nito ang lahat na may kinalaman sa dagat.  "I miss you, Ali. Ate loves you." Napayakap siya sa sarili nang humihip ang malamig na hangin.  Siguro nga ay nakamit na niya ang hustisya para sa kapatid, but her fight is not yet over. Iyon siguro ang dahilan kung bakit lagi pa rin niyang napapanaginipan ang pangyayaring iyon sa buhay niya. "Guide me, Papa, Mama and Ali." ISANG linggo nang nasa Batangas si Joey. Isang linggo na rin niyang pinagpaplanuhan kung paano magsisimula sa paghahanap sa mga taong nagkasala sa kanila.  Kung akala ng mga ito na matatakasan na nila ang mga kahayupang ginawa ng mga ito sa pamilya niya, nagkakamali sila. Dahil hindi pa tapos ang laban. She will fight, and will seek justice no matter what.  Naputol ang pag-iisip ni Joey nang tumunog ang cellphone niya.  "What?!" Bungad niya kay Arthur. Ito lang naman ang may lakas ng loob na bulabugin ang pagbabakasyon niya.  "Joey, listen, alam ko na may pinagdadaanan ka, and I know that this is not your obligation, but I badly need you here."  "What is it, Acosta?" Diretsong tanong niya.  "Luis needs you. I mean, he needs a bodyguard. He was almost abducted last night." sagot nito.  "Ako ba, Arthur, ginagago mo? Sa ating dalawa ikaw ang may Security Agency."  "I know. Pero hindi ko naman pwedeng basta-basta na lang ipagkatiwala ang buhay ni Luis sa mga tauhan ko. You know how much I care for my friends, right?"  "Arthur, may I remind you, hindi basta-basta ang mga tauhan mo. Kayang-kaya nilang protektahan ang kaibigan mo."  "Yeah, I know that. Pero mas mapapanatag ako kung ikaw ang magbabantay sa kanya."  "Gusto mo palang mapanatag, e 'di ikaw na lang ang magbantay sa kanya!"  "I can't. Binabantayan ko si Almira."  "Argh! Bakit kasi hindi mo pa aminin kay Almira na ikaw ang hinihintay niya?! Ang tapang-tapang mo sa gyera, pero kay Almira ang duwag mo!"  "Tss. Hindi yan ang pinag-uusapan natin. Oh, ano na? Sa'yo ko lang pawedeng ipagkatiwala si Luis."  "Hays! Ano na naman kasing ginawa ng pesteng yan at gusto na naman siyang patayin?"  "I think it's about him being the Heir of Tan&Sy. It's a Multi-Billion Company."  "Whoa! Ganoon kayaman ang tsekwang 'yon?!"  "Yeah. So?"  "Fine! Pero may kapalit ito, Art. One day, I'm gonna need your help."  "Yeah. You know I will always be here for you, Joey. Para na kitang kapatid. Simula nang ipakilala ka ni Papa sa'kin, itinuring na kitang kapatid."  "And I will forever grateful for having you and Tito. Pero bago pa tayo magdramahan dito, ibaba ko na ito dahil mag-eempake pa 'ko. Ciao!"  Inihagis niya ang cellphone sa kama at nagsimula ng ayusin ang mga gamit.  PAGKAHINTO ng elevator sa floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Luis, huminga nang malalim si Joey at confident na naglakad.  Bago pa tumungo doon ay kinundisyon na niya ang sarili. Kailangan niyang maging propesyunal. Bodyguard siya ni Luis, she will work for him kaya kailangan ay kontrolin niya ang temper niya.  "Good Morning, Ma'am. What can I do for you, Ma'am." Magalang na salubong ng sekretarya ni Luis sa kanya.  It's Grace, pinag-aralan na niya kagabi kung sinu-sino ang mga taong nakapaligid kay Luis.  "I'm Joey Salazar, Mr. Arthur Acosta appointed me as Mr. Sy's bodyguard."  "Ohh. Right. Nasabi na nga po sa akin ni Sir Arthur. Sandali lang po."  Marahan itong kumatok sa pintuan ng opisina ni Luis. "Sir, nandito na po ang bodyguard na ipinadala ni Mr. Acosta."  "Let him in." Dinig niyang sagot ni Luis.  Pinapasok na siya ni Grace. Nagpasalamat siya sa babae bago nito tuluyang isara ang pinto.  Nadatnan niya si Luis na busy sa mga kaharap na papeles. Nang mapansin nito ang presensiya niya at itinaas nito ang ulo ay nagtagpo ang kanilang mga mata.  She felt her heart skipped a beat. Nag-uumpisa na namang magrambulan ang mga paru-paro sa kanyang tiyan dahil sa simpleng pagsasulubong ng mga mata nila.  "W-What are you doing here?" Laglag ang pangang tanong ni Luis sa kanya.  "Joey Abigail Salazar, Sir. Reporting for duty."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD