CHAPTER 4

2333 Words
"JOEY!" Napapitlag si Joey nang pitikin ni Arthur ang noo niya. Naiinis na hinagis niya dito ang fountain pen na mabilis naman nitong naiwasan.  "Are you okay? Kanina pa ako nagsasalita dito."  Huminga siya nang malalim at pinaglaruan ang mga pahina ng report na ibinigay sa kanya ni Arthur. Nasa opisina siya nito para pag-usapan ang next assignment niya para sa agency nito.  It's been a year since she was forced to take a leave from UP at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi parin siya pinapatawag ng Superior nila.  She's starting to get worried. Hindi dahil sa baka hindi na siya pabalikin sa UP because she knows that it won't happen. Natatakot siya dahil unti-unti na niyang na-e-enjoy ang buhay niya sa Pilipinas.  She's starting to feel again. Tuluyan nang nawasak ng mga tao sa paligid niya ang bakod na itinayo niya. Nagawa nang makapasok ng mga ito sa puso niya.  And she have to go back to US. ASAP. Dahil kapag mas lalo pa siyang nagtagal sa Pilipinas, alam niyang mahihirapan na ulit siyang umalis. It will be hard for her to leave her new found friends.  Si Aya, si Almira, si Kate, Arthur's friends and of course si Luis na laging nagpapainit ng ulo niya.  Isa pa'y ayaw niyang madamay ang mga ito sa gulo ng buhay niya. Darating ang araw na sisimulan na niya ang sariling laban, at alam niyang hindi magiging madali iyon.  "Okay, I get it. Is it about Luis?" agad na umangat ang ulo niya.  "Huh? Saan mo naman galing 'yan?" nagtatakang tanong niya.  "Ilang araw ka nang wala sa sarili mo, Salazar. And it started since the day Luis left your house. Now tell me, what really happened? Bakit bigla na lang umuwi si Luis without my go signal?" Seryosong tanong ni Arthur. Ang mga mata nito ay nakatutok sa kanya.  She raised her brow. "Bakit hindi siya ang tinanong mo?"  Ngumiti nang nakakaloko si Arthur. "Whoa. Both of you gave me the same answer."  "So?"  "May namamagitan ba sa inyo ni Luis?" Deretsong tanong ni Arthur.  "Tangina! Saan galing yan, huh? At kailan kapa naging chismoso?" Kinuha na niya ang folder na naglalaman ng misyon niya, pagkatapos ay tumayo at umalis na.  "I received an e-mail from Aaliyah." Napahinto siya sa pagpihit ng pintuan. Ramdam ni Joey ang paglakas ng kabog ng dibdib niya. Unti-unti siyang humarap kay Arthur.  "Hindi pa daw nali-lift ang suspension mo." And with that, nakahinga siya nang maluwag. Nakita pa niya ang pagkunot ng noo ni Arthur sa reaksyon niya.  Bago pa ito makapagtanong, pinihit na niya ang pintuan at mabilis na lumabas.  Dahil kahit siya, nagtataka kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Dapat ay malungkot siya. Dapat ay dissapointed siya. But it's the other way around. Bakit tila masaya siya?  BACK to normal ang buhay ni Luis. Pagkaalis na pagkaalis niya sa bahay ni Abigail, dumeretso siya sa Condo niya na naayos na ng mga tauhan ni Arthur.  Pagkatapos ay dumeretso siya sa MLS, ang kumpanyang minana niya sa mga magulang. Matapos niyang kausapin ang mga ilang tao, at magbilin kay Grace, sunod naman niyang pinuntahan ang sariling Law Firm.  Kinausap niya ang mga ilang kliyente, pumirma ng mga ilang papeles pagkatapos ay nagpunta na sa bahay ampunan.  He wasn't able to make it to Tan-Sy. Ang kumpanya na pag-aari ng grandparents niya sa Daddy niya. Nasisiguro niyang masesermunan na naman siya ng Lola niya.  Napapamura na lamang siya dahil sa dami ng kailangan niyang gawin. His grandma wouldn't let other people handle the Tan-Sy Empire. She wants him to give up his profession. Noon pa man talaga ay tutol na ito sa pag-aabogado niya.  Ang daddy niya ay naiintindihan siya kaya hindi nito ipinipilit sa kanya ang Sy Holdings. Pero hindi naman niya pwedeng pabayaan ang kumpanya. Gusto sana niyang si Aya na lang ang magmanage pero ayaw tanggapin ng kapatid niya.  Sumabay pa si Romeo de Luna na ngayon ay nakakulong na. Then there's Joey Abigail Salazar!  That Midget!  Mabaliw-baliw na siya at konting-konti na lang ay pwede na siyang i-admit sa mental hospital dahil sa babaeng 'yon! Paano nito nagagawang pasunurin siya sa lahat ng gusto nito?!  Sumusobra na talaga ang babaeng 'yon! Dinudurog na nito ang ego niya!  Kung hindi lang talaga siya naaakit sa maliit nitong bewang, nuncang pumayag siya na basta na lamang saktan ng Amazonang 'yon!  Marahang napamura si Luis at nanggigigil na ibinato ang hawak na fountain pen.  Bakit ba kasi niya iniisip ang babaeng iyon?! s**t!  Napatingin siya sa kandungan at sunud-sunod na napamura nang makitang gising na gising ang p*********i niya. Tangina! Kailan ba kasi babalik ang babaeng 'yon?! Kung alam lang nito kung ano ang ginagawa nito sa kanya!  Kalagitnaan ng trabaho pero hayun siya, iniisip kung paano maiilalabas ang init na nararamdaman simpleng pag-iisip sa babaeng 'yon! She's not even his type!  Napasabunot na lamang siya sa buhok bago nagmamadaling tumayo at nagpunta sa banyo.  Fuckshit talaga! Humanda talaga ang babaeng 'yon sa kanya!  NAGULAT pa si Luis nang paglabas niya sa banyo ay madatnan niya si Kurt sa loob ng opisina niya. Pinaglalaruan nito sa mga daliri ang maliit na envelope.  "Bro. What brought you here?" tanong niya sa kaibigan.  "Yo! Brother-in-Law." Tumayo ito at nakipagfist-bump sa kanya. Ang tagal mo!" Reklamo nito bago muling umupo.  "Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" hindi na niya pinansin ang pagrereklamo nito.  Iniabot ni Kurt sa kanya ang envelope. "Surprise Party for my wife. Wag kang mawawala." Sabi nito.  Kumunot ang noo niya. "Party for what?"  "I'm gonna propose again."  Napangiti siya. "Whoa. Sure. I won't miss this." Masaya siya sa nakikita sa kaibigan. Nasisiguro niyang hindi nito sasaktan ang kapatid niya.  "Anyway, bro. I thought may ka-afternoon delight ka." Sabi nito pagkatapos ay humalakhak.  "Gago! Afternoon delight ka diyan! Lumayas kana nga!"  "Balita ko, bro, tigang na tigang kana daw?" Muli itong tumawa. Umakto siyang ihahagis dito ang pen holder niya pero mabilis na nakatakbo na ito palabas.  Tangina, kung alam lang nito na ina-afternoon delight niya ang sarili niya!  And speaking of tigang, nasisiguro niyang si Arthur ang nagsabi niyon kay Kurt. Ito lang ang huli niyang nakausap sa mga kaibigan. f**k! Bakit pa kasi niya naisipan itanong dito si Abigail!  PAGKAPASOK na pagkapasok ni Joey sa isang exclusive subdivision ay pinaharurot na niya ang motorsiklo. Wala siyang pakielam kahit na magalit pa sa kanya ang mga home owners sa subdivision na 'yon. Mukha namang walang mga tao.  Kanina pa kasi tawag nang tawag sa kanya sina Almira at Kate. Pagkatapos ng mission niya ay hindi na tumigil ang dalawa sa pangungulit sa kanya. Sila kasi ang katulong ni Kurt sa pagpaplano para sa proposal nito kay Aya.  Pagdating niya sa bahay na binili ni Kurt ay agad na ipinark niya ang motorsiklo sa likuran, katabi ng mga sasakyan ng mga kaibigan nila.  Pagtanggal niya sa helmet na usot ay siya namang pagbukas ng pintuan ng kotse sa tabi niya.  "Luis!"  "Abigail!" Sabay pa nilang bulalas.  Marahang yumuko si Luis at napahawak sa sariling batok. Nakita niya ang pasimpleng pagngiti nito.  Kung hindi niya lang kilala ang lalaki ay iisipin niyang nahihiya ito.  Nang muling mag-angat ng ulo si Luis ay tinaasan niya lang ito ng kilay.  "Hi." Bati nito sa kanya and she felt her heart skipped a beat. Tangina!  Bahagya niyang ipiniling ang ulo.  "Are you okay?" Tanong ni Luis. Hindi siya agad nakasagot. Nakatingin lang siya sa mukha ng lalaki.  Gwapo din pala ang tswekwang ito.  "Abigail?" Muli niyang ipinilig ang ulo. Kailangan na ata talaga niyang matulog.  Pero ang gwapo niya talaga ngayon, s**t!  No way! Gutom ka lang, Joey! Hindi gwapo ang bakulaw na 'yan! Paano naman magiging gwapo ang lalaking yan, ang pangit kaya ng singkit niyang mata. Hindi din nakakagwapo ang natangos niyang ilong. At mas lalong hindi nakakaakit ang mga mapupulang labi nito---  "Can I ask you something?" Kumunot ang noo niya  "Nagtatanong kana." Sagot niya at inirapan ito.  "Psh. I'm serious, Abigail!" Napansin nga niyang seryoso ang mukhanito.  Umingos siya. "Serious din naman ako. Oh, sige. Ano yun?"  "Will you go on a date with me?"  Nanlaki ang mga mata ni Joey sa tanong ni Luis. Nang tuluyan na niyang ma-digest ang tanong nito ay biglang kumabog nang malakas ang dibdib niya. Walang paalam na tumalikod siya at mabilis na tumakbo papasok ng bahay.  TANGINA! ano daw?! Did he really asked me to go out with him?! Nababaliw naba ang lalaking 'yon?!  "Hey! Kanina kapa namin hinihintay! Ate Joey! Ehmeghed! I'm really excited na! I can't wait to witness Kuya's prop--- Hey, Ate Joey, are you okay? Bakit namumula ka? Oh my God! Hindi ka makahinga? Oh my God! Mamamatay kana ba? s**t!" Sunud-sunod na litanya ni Kate.  But she's right! Ramdam niyang namumula siya at hindi nga siya makahinga. But she's not dying.  "OMG, ate! What should I do?" Nakita niya na nagpapanic na si Kate kaya tumayo siya ng tuwid at hinawakan ang magkabilang balikat nito.  "Kate!" Malakas na tawag niya sa babae. Agad naman itong tumigil. "I'm fine. No need to worry." Hinihingal parin siya but she's fine.  Malalaki ang mga mata na tumango-tango ito. Napangiti naman siya at pinang-gigilin ang mga pisngi nito. Gumanti naman si Kate at kiniliti siya sa bewang.  "What the f**k?!" Pareho silang napahinto ni Kate at napatingin sa bagong dating.  Seryoso ang mukha ni Luis. Sumulyap ito sa bewang niya kung saan nakahawak parin si Kate. Pagkatapos ay sa mga kamay niya na nakahawak sa mga pisngi ni Kate.  "What's the meaning of this?" Mahinang tanong nito. Agad naman silang naghiwalay ni Kate.  "Duh! Kuya Luis it's not what you think!" Depensa ni Kate. Inirapan nito si Luis pagkatapos ay basta na lamang sila iniwanan doon.  Oh, No! Be still my heart. Naramdaman na naman niya ang kakaibang kabog sa dibdib niya.  "Why did you runaway?" Tanong ni Luis sa kanya.  Shit! Bakit nga ba?  "Answer me, Abigail!" Nakapamewang si Luis at at kunut na kunot ang noo.  "Psh. Gusto ko lang. Walang basagan ng trip." Sagot niya at nag-iwas ng tingin dito. Bakit ba kasi makatingin ito, wagas? Laglag ang panga ni Luis. Bumukas-sara ang bibig nito. Tila may gustong sabihin. "Huh! I can't believe this!"  "Psh! E 'di wag mong paniwalaan! Babush!" Agad na lumayo siya kay Luis at hinanap sina Kate.  "CHEERS!" sabay-sabay na itinaas nila ang mga baso. Napapangiti na lamang si Luis habang nakatingin kay Kurt at Aya.  Masaya siya para sa mga ito. Lalo na at kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa't-isa. And he is forever grateful to Kurt. Kung hindi dahil dito ay hindi na nila muling makakasama si Aya.  Hindi man nila nakita ang paglaki ng kapatid, masaya na sila na mabigyan ng pagkakataon na makasama ulit ito.  But damn! Inunahan na talaga siya ni Aya! Nauna na nga itong nag-asawa ay naunahan pa siya nitong magka-anak!  Unintentionally, napatingin siya kay Abigail na nakatingin din kina Kurt at Aya. His heart beat fast! At habang nagtatagal ang tingin niya kay Abigail ay mas lalong bumibilis at lumalakas ang t***k ng puso niya.  Gusto man niyang iiwas ang tingin ay hindi niya magawa. It may sounds gay but damn! Para siya nabato-balani sa ngiti nito!  "Hoy, anong pinagbubulungan niyo diyan? Shot pa, bro!" Sabay-sabay na napatingin sina Kurt, Aya at Abigail kay Zeke. Napaiwas naman nang tingin si Luis nang napasulyap sa kanya si Abigail.  "So, who's next?" Tanong niya sa mga kaibigan.  "Definitely not me!" Agad na sagot ni Zeke. Napailing na lang sila sa mabilis na sagot ng kaibigan.  "Si Kuya Luis!" Tumatawang turo sa kanya ni Aya. Napailing na lamang siya sa biro ng kapatid.  "Nah, ni wala nga akong girlfriend, eh." Sagot niya habang nakatingin kay Abigail. Nag-iwas naman agad ng tingin sa kanya si Abigail.  Wait! Did she blushed? Bahagya siyang napangiti sa naisip at hindi na ito nilubayan ng tingin.  "Oh, baka naman ikaw, Almira?" Si Kurt.  "Malay natin." Dinig niyang sagot ni Almira.  Patuloy parin siya sa pagtitig kay Abigail. At pansin niyang hindi na ito kumportable sa pagkakaupo.  "Naks! Nagpakita na ba yung nangako sayong pakakasalan ka?" Tukso ng kapatid niya kay Almira.  "Hindi, ah. Hindi na magpapakita sakin yon, and besides matagal ko na siyang kinalimutan. Wala naman siyang isang salita, eh. Tsaka nakakahiya naman kung ako pa ang magpapaalala sa pangako niya, diba, Colonel Arthur Acosta? Joke! I'm dating someone."  "Hmm. Mukhang si Joey ata?" Napatingin siya sa kapatid.  "Nah, walang forever. Hindi ako mag-aasawa." Sagot ni Abigail.  Nagulat na lamang siya nang parehong tumingin sa kanya si Kurt at Aya.  "What?" Tanong niya sa dalawa. Tumawa lang ang mga ito.  Muling bumalik ang tingin niya kay Abigail. And to his surprise ay nakatingin din ito sa kanya.  He winked at her na ginantihan naman nito ng pag-irap.  Bahagya siyang natawa sa ginawa nito. Nilagok niya ang alak na hawak at muling nakinig sa usapan ng mga kaibigan.  "Nararamdaman ko na talaga na ikaw ang susunod, bro." Turo ni Art kay Zeke.  "Gago! Kapag nagkapakpak na ang baboy at nagkatenga na ang manok, dun ako mag-aasawa. Pangako yan! Ipupusta ko lahat ng ari-arian ko." Kumpiyansang sagot ni Zeke.  "Can't wait for the day you'll fall madly deeply in love." Sabi ni Kurt kay Zeke.  "Kadiri ka 'tol! Anong pinakain mo diyan, Aya?" Tanong ni Zeke kay Aya.  "You wouldn't want to know, bro." Sagot ni Kurt dito.  "Iwww. The truth is, ako talaga ang next." Si Kate.  "What the f**k?!" Galit na tanong ni Kurt dito. "Subukan mo lang Christine Kate, gugulong ang ulo ng lalaking yon. Ang bata mo pa!"  Narinig niya ang paghalakhak ni Joey kaya muli siyang napatingin dito.  At kitang-kita niya ang pagkindat nito kay Kate! Nagtagis ang bagang niya at sinamaan ng tingin si Abigail. Nagpatuloy sa pagdidiskusyon sina Kurt at Kate pero siya ay nagngingitngit ang damdamin!  Kaya ba ayaw nitong makipagdate sa kanya dahil babae ang tipo nito?  TANGINA! It can't be! Sa kanya lang si Abigail! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD