PAGDATING ni Joey sa kwarto niya, nakita niyang prenteng nakahiga si Luis sa ibabaw ng kama. Not minding the guns that were scattered around the floor and her bed.
Nakakalat din ang mga damit niya sa kung saan-saan. Naghalo na ang mga madumi at malinis. And dang! May mga underwear pang nakasabit malapit sa headboard ng kama niya!
"Labas." pigil ang galit na utos niya kay Luis. Hiyang-hiya na siya at alam niyang sa mga oras na yon ay wala nang kasing pula ang mukha niya.
"Pagbilang ko nang tatlo kapag hindi ka umalis diyan, pasasabugin ko ang bungo mo!" Bulyaw niya at mabilis na kinuha ang isang baril na nakasabit sa likod ng pintuan at itinutok sa ulo nito.
Agad namang napaupo si Luis at itinaas ang dalawang kamay, tanda ng pagsuko.
"Jeez, woman! You got no chill!" Nanlalaki ang mga matang bulalas nito.
"Isa."
"Tsk! Heto na nga! Ibaba mo na 'yan!" Tumayo na ito at naglakad palapit sa kanya. Tumabi siya para padaanin ito.
"Dalawa! Bilisan mo!" Bulyaw niya dahil ang bagal nang paglakad nito.
Nang makatalikod na ito sa kanya ay napansin niyang may nakaipit sa bulsa ng pantalon nito.
"Stop!" Pagpapahinto niya sa paglalakad nito.
Lumapit siya kay Luis at mabilis na hinila ang telang nasa bulsa nito.
It's her freaking bra!
Muling uminit ang ulo niya. "Tangina ka talaga, Marco Luis Sy! Bakla ka ba, ha?! Bakit nasa'yo ang bra ko?!" Ikinasa niya ang baril na hawak at mabilis naman itong tumakbo pababa habang humahalakhak.
Mauubusan siya ng dugo sa lalaking 'yon! Pabagsak na isinarado niya ang pinto na lumikha ng nakabibinging tunog. Pagkatapos ay ini-lock niya iyon.
Nagsimulang pulutin ni Joey ang mga kalat sa kwarto niya. At habang ginagawa iyon ay patuloy siya sa pagmumura kay Luis sa utak niya.
Pinagpaplanuhan na rin niya kung paano ito papatayin!
Nang muling bumaba si Joey, naabutan niya si Luis na mukhang malalim ang iniisip. Ilang beses itong bumuntong hininga at paulit-ulit din nitong inihilamos ang kamay sa mukha nito.
"Problema mo?" Maangas na tanong niya. Umaangat ang ulo ni Luis para tignan siya. Naupo naman siya sa tabi nito.
Pinakiramdaman ni Joey si Luis na sapo-sapo parin ang ulo. Tila napakabigat ng dinadala nito.
"Uy!" Untag niya nang hindi ito sumagot.
Bumuntong-hininga muna ito bago sumagot. "Nothing." Sumandal ito sa upuan at nakatingin lang sa kisame.
"Nothing, eh, bakit ganyan ang itsura mo? Pasan mo ba ang daigdig?" She tried to lighten up the mood. Masyado kasi itong seryoso.
"Yeah. It seems like that. Argh! My life is f****d up!"
"Maka-f****d up ka diyan, wagas! Kung ang iniisip mo ang mga naghahabol sa'yo, huwag ka nang mag-alala. I'm sure, Art's doing his best. Wala ka bang tiwala sa kaibigan mo?"
"Hindi lang naman kasi yon ang pinoproblema ko." Napailing ito. "After this case, I'm gonna take a leave from this s**t!" Deklara ni Luis.
"Ano bang kaso ang hawak mo ngayon? Major-major ba lahat?" muling tanong niya, wala siyang pakielam kung makulitan man ito sa kanya.
Bahagya itong napangiti. "Not really but I have this major-major case that, if I'm not mistaken, was the reason why those bastard were chasing after me." sagot nito, imitating her major-major word.
"Ahhh. Criminal case, 'no? Sindikato ba? Galit na galit sa'yo, ah. Ang dami ng ipinadala."
"Nah. Just some greedy asshole na gustong angkinin ang lupa na kinatatayuan ng isang orphanage." sagot nito.
"Really?! Naman! 'Yang mga taong ganyan ang dapat ipinapadala sa impyerno! Tsk! How's the case? Siguraduhin mo na maipapanalo mo yan, ah!" Hindi na niya naitago ang panggigigil sa boses kaya natawa na lamang si Luis sa kanya.
"I'm about to win, we're going to win this case. Pero dahil halang ang kaluluwa ng gagong 'yon hindi siya basta-basta susuko. And he wouldn't play fair. Isa iyon sa inaalala ko ngayon. Patungo dapat ako sa orphanage dahil nahanap na ni Sister Santina ang certificate na d-in-onate nga sa kanila ang lupa, and damn! Hindi ko na alam kung okay lang ba ngayon sina Sister at ang mga bata." Ilang beses na napalunok si Luis. Parang bata ito na nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri nito.
"Saan ba 'yung orphanage na 'yan?" Tanong niya. Inihahanda ang telepono para tumawag ng mga tauhan na pwedeng magbantay sa Bahay Ampunan.
Umangat ang ulo ni Luis. "Huh?"
"Pangalan ng orphanage at kung saan ito matatagpuan." Pag-uulit niya.
"Bakit?" Naguguluhang tanong ni Luis.
"I'll send some people para protektahan ang bahay ampunan. Or kung gusto mo, tayo na lang ang pumunta ngayon?"
"Akala ko ba, delikado sa labas?" nagugulumihang tanong ni Luis.
"Yes. Pero ako naman ang kasama mo. I'm gonna keep you safe. Habang nasa pangangalaga kita, I promise, no one can hurt you."
"No one can hurt me, eh, kulang na lang patayin mo ako kanina."
Laglag ang panga niya sa sinabi nito. Pinanlisikan niya ito ng mga mata.
"Oh, tignan mo na! Safe my ass. Tsk!"
Ngumiti si Joey nang pagkatamis-tamis kahit na ang totoo ay gustong-gusto na niyang sakalin si Luis.
"Putsa! Anong milagro ito?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Luis. "Talaga bang ngumiti ka o guni-guni ko lang?"
"Tangina! Sasabihin mo ba ang pangalan ng orphanage o magdamag kang mag-iisip diyan kung okay lang ba sila?!" Naiinis na tanong niya dahil ang dami pa nitong sinasabi! May milagro-milagro pa itong nalalaman!
Pinakatitigan muna siya ni Luis, umiling-iling ito bago sumagot. "Angel's Creed."
Nang malaman ang pangalan ng Orphanage, agad na tinawagan niya si Bronx, kasamahan niya iyon sa UP na nakabakasyon sa Pilipinas. Nagbilin siya dito at inutusan na bantayan ang Orphanage.
Nang matapos niyang kausapin si Bronx, napasulyap siya kay Luis na matiim na nakatingin sa kanya.
"Oh? Ano?!" Singhal niya kay Luis. Naiiling na nag-iwas ng tingin si Luis. Pagkatapos ay titingin na naman sa kanya at muling iiling.
"Salamat, ha? Pero pwede bang pakihinaan ang boses? Medyo nakakarindi kasi."
"Aba't!"
"Please? I badly need rest. Pagod na pagod na ako tapos hindi pa ako nakakain nang maayos na pagkain."
"Aww! Kawawa naman you, 'torni! Tsk! Ako ba ginagago mo, huh? Huwag mo nga akong idaan sa drama mo! Nagpaparinig ka pa diyan! Psh!" Nilayasan niya ito at nagtungo sa kusina para maghanda ng dinner nila.
Psh! Hindi uubra sa kanya ang mga paandar nito!
NAG-UMPISA na si Joey sa paghiwa ng mga ingredients para sa tinola. Kahit naman naiinis siya sa kaartehan ni Luis, ayaw naman niyang mamatay ito sa gutom. Lalo na at nasa pangangalaga niya ito.
Isa pa'y tumawag ulit sa kanya si Arthur habang naglilinis siya ng kwarto. He asked her not to be hard on Luis. Madami daw kasi itong iniisip at hindi makakatulong ang pagtataray niya.
Now she wonder kung ano ang pinagdadaanan nito.
"Tsk! Pwede naman kasi nitong daanan lang, hindi naman kailangan magstay sa problema!" Paglilitanya niya.
"Corny mo, Joey. Corny!" Napapailing na lang siya sa pagkausap sa sarili.
Nang matapos sa paghiwa ng mga pangsahog, sinilip niya si Luis, nakita noya itong nakaupo parin sa sofa pero nakapikit na ang mga mata.
Nakatulog na ata ang walanghiya!
Isinalang na muna ni Joey ang mga lulutuin pagkatapos ay nilapitan si Luis.
Tinapik niya ito sa balikat at agad naman itong nagmulat ng mata.
Lalo tuloy sumingkit ang mga mata nito dahil sa matagal na pagpikit.
"Huwag ka diyan matulog. You can rest upstairs. Huwag mo lang papakielaman ang mga gamit ko, maliwanag?"
"Anong meron? Why the sudden change, Abigail? Kanina lang ay gusto mo na akong patayin."
"Tangina! Ang dami mong tanong! Hoy, wala tayo sa korte kaya huwag mo akong ini-interrogate diyan! Psh! Lumipat kana doon bago pa magbago ang isip ko! Tatawagan na lang kita kapag luto na ang pagkain. Medyo matagal pa kaya, go! I don't want to see your ugly face. Shooo! Go away!" Nang hindi parin ito tumayo ay naiinis na kinuha niya ang walis tambo sa likuran ng sofa at iniamba dito.
"Heto na!" Tumayo na ito at naglakad patungo sa hagdan habang may ibinubulong.
"Women! f**k! Hirap intindihin. Dinaig pa ang may sapi." bulong nito na dinig niya naman.
"I can hear you, stupid!"
"Pinaparinig ko talaga!" Padabog na umakyat ito sa taas.
"Tangina, parang bata! Tsk!"
HABANG hinihintay ni Joey na maluto ang hapunan nila, naisipan niyang tawagan si Aya. She was supposed to stay in their house but something came up. Siguradong magtatampo na ito sa kanya. Mukhang pinaglilihian pa naman siya ni Aya kahit na magpipitong buwan na ang tiyan nito.
"Joey Abigail!" nakangiwing inilayo niya ang cellphone sa tenga.
"Naman, Aya! Ang sakit sa tenga!" reklamo niya.
"It's your fault! Sabi mo pupuntahan mo ako dito. I've waited for you! Ang boring tuloy ng maghapon ko." Nakikinita na niyang nakanguso ito sa kabilang linya.
Parang bata! Magkapatid nga ito at si Luis. Parehong may pagkaisip-bata.
"Something came up and I had to deal with it, first." she explained.
"We? Baka nakipagdate ka lang, ha?" Alam niyang nakabusangot na ito ngayon.
"Iwww! Kadiri! Never!"
"Good! Basta bawal kang makipagdate sa iba. Dapat kay Kuya Luis lang. OMG! You're so bagay for my Kuya!" Tumili ito kaya muli niyang inilayo ang cellphone sa tenga.
"Tangina! Hindi kami talo ng Kuya mo, Maraya Lucia!"
"Asus! If I know, crush mo din si Kuya. Ang cute niyo kaya noon sa Hospital. Para kayong may LQ tapos after niyong mag-LQ ang sweet ni Kuya Luis sa'yo. He even stayed just to take care of you. Ayiiiieeeee!"
"Anong pinagsasasabi mo diyan? Hoy! Wala nang ibang ginawa ang kuya mo kundi pasakitin ang ulo ko. And he stayed not to take care of me! Sinermunan ako nang bonggang-bongga ng Kuya mong siraulo!"
"Sus. Echos lang ni Kuya yon! Nag-alala siya sa'yo, promise! Kung nakita mo lang ang itsura ni Kuya noong nasa operating room ka? Ay, naku! Baka maihi kana sa kilig! Iniisip ko tuloy kung kasing sweet ba ng asawa ko si Kuya? Hmm. What do you think, Joey?"
"Ewan ko sa'yo, Aya!"
"Ayiie! Speechless siya! Kinikilig!"
"Ts. Ewan ko sayo!"
"Ah, basta! Joey and Luis forever!"
"Walang Forever!"
"Meron!"
"Wala!"
"Bitter ka lang!"
"I'm not! Nothing lasts forever!"
"Meron! Ang pagmamahalan niyo ni Kuya." Tumawa pa ito nang nakakainis sa kabilang linya bago siya p*****n ng cellphone.
Nakakainis!
Mabuti na lang at walang nakakakita sa kanya. f**k! Alam niyang pulang-pula na ang mukha niya!
Shit! Bakit ba siya affected sa mga sinasabi ni Aya?!
Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit pa niya naisipang tawagan ito!
Naghahanda na si Joey para sa hapunan nang marinig niya ang yabag ni Luis. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang bagong ligo ito at suot nito ang sariling t-shirt na naiwan nito noon sa hospital at jogging pants na pag-aari niya.
"Kinalkal mo ang mga gamit ko?! Tangina! Ang tigas talaga ng ulo mo!" Naiinis na binato niya ito ng plastic na sandok na agad naman nitong naiwasan.
"Meron ka ba? Bakit ba lagi kang highblood?"
"Dahil nakakahigh-blood ang pagmumukha mo!"
"Whoah! Tinola. Real food!"
Umupo na ito sa upuan kaya agad siyang sumunod at naupo sa kabisera. Magkatapat sila kaya kitang-kita niya ang pagkislap ng mga singkit na mata nito.
"Oo. Nakakahiya naman kasi sa'yo, Kamahalan. Baka bigla kana lang maghara-kiri diyan."
Katahimikan ang sumunod na namayani sa kanila. They are both busy with their foods hanggang sa basagin nito ang katahimikan.
"I was just wondering," simula ni Luis. Inangat niya ang ulo at nakita niyang nakatingin ito sa cup board kung saan nakalagay ang mga stocks niya ng mga iba't-ibang uri ng de lata. "bakit ganyan ang mga pagkain mo?"
"Bakit? Anong masama? Pagkain din naman ang mga 'yan, ha?"
"Hindi kana man mahirap and I'm sure, malaki ang nakukuha mong sahod kay Arthur. Lalo na kay Kurt nang maging bodyguard ka ng kapatid ko. So, why? Dapat nga diba masasarap ang mga pagkain mo dahil pinagpapaguran mo ang mga 'yan? Mag-isa ka lang din nam---"
"Hindi ka talaga titigil, huh?!" Hawak niya ang bote ng patis at talagang hindi siya magdadalawang isip na ihambalos iyon sa ulo nito.
Itinaas ni Luis ang dalawang kamay. "I mean no harm, Abigail. I'm sorry kung na-offend ka. But, I am just really wondering."
"Chismoso ka lang talaga! Bakit ba kasi?! Eh, 'yan ang mga trip kong kainin!"
"Sardines?! Ang dami mong pwedeng pag-trip-an na pagkain, sardinas pa talaga?" Hindi makapaniwalang bulalas nito.
Ngumuso siya. Ano ba kasing masama sa sardinas?! Tsk!
"Okay! Okay! Wala na akong sinabi."
Naiinis na tumayo siya. "Maghugas ka ng pinagkainan!" Utos niya dito at nagmartsa palabas ng kusina.
There's something about her na kahit kailan hinding-hindi maiintindihan ng ibang tao. Para sa iba ay napakababaw niya. Well, kung alam lang ng mga ito kung bakit ang pagkain ng mga ganoon ay isa ng achievement at pribilehiyo para sa kanya.
Bago mahiga sa kama, inihanda muna ni Joey ang mga extrang kumot at unan para sa tulugan ni Luis. Inilabas na rin niya ang extrang foam para dito.
Mukhang matatagalan pa naman si Luis sa paghuhugas dahil hanggang ngayon ay dinig na dinig parin niya ang pagkalansing ng mga kasangkapan.
Iilan lang ang mga iyon at mukhang nahihirapan pa ito.
Napagdesisyunan niya na huwag ng hintayin si Luis at mauuna nang matulog. Alam naman na siguro nito ang gagawin.
At dahil medyo napagod din siya sa araw na iyon, madali na lamang siyang nakatulog.
For the first time since that 'unfortunate day' that almost ruin her life, noon pa lang hindi napanaginipan ni Joey ang bangungot ng kahapon na pilit niyang kinakalimutan.
Instead, she's having a dream of a faceless man. Hawak nito ang kamay niya habang naglalakad sila sa gilid ng dagat.
Parang may kung anong kiliti ang naramdaman niya sa kaibuturan ng puso.
"Wo ai ni." Bulong ng lalaki sa kanya.
Agad na nagmulat ng mata si Joey. Only to find out that she's not alone in her bed!
At ang hudyo ay nakayakap pa talaga sa kanya!
Joey followed her instinct, sinipa niya ang lalaki at laking gulat niya nang sumigaw ito.
"Ouch! f**k! Bakit ka ba naninipa, huh?!" Hawak ni Luis ang nasaktan tagiliran.
How could she forgot that Luis' is in her house?
"Ano ba kasing ginagawa mo sa kama ko? Pinaghanda na nga kita ng tutulugan mo!"
"f**k! Ngayon mo lang napansin na magkatabi tayo? Tangina! Kung kailan mag-uumaga na? Samantalang kanina ay payakap-yakap ka pa sa'kin?"
"Tangina mo! Hindi kita niyakap!"
"Anong hindi?! Ilang beses akong nagising dahil isinisiksik mo ang katawan mo sa'kin!"
Nanlaki ang mga mata niya. She did that?!
Para ngang natatandaan niya na may niyakap siya! Pero ang alam niya ay unan iyon!
Namula ang mukha niya. s**t! Nakakahiya!
"f**k! Nabalian ata ako. Damn!" Reklamo nito habang hawak parin ang tagiliran.
"A-Ahh. W-What s-should I d-do?" Kinakabahang tanong niya dahil mukhang totoo ngang nasaktan ito.
Imbes na sumagot ay simaan lang siya ng tingin ni Luis.
"I'm sorry, okay? Hindi ko sinasadya!"
"f**k! Uuwi na ako. Baka mapatay mo na ako sa susunod. Damn, woman, you'll be the death of me." Litanya nito at tumayo mula sa kama. Hawak ang tagiliran na naglakad ito patungo sa banyo.
Napatingin siya sa wall clock. It's 5:45am. Mag-uumaga na nga!
Tsk! Ganoon na kahaba ang oras na magkatabi sila? Bakit hindi niya agad naramdaman?
Wo ai ni
Ipinilig niya ang ulo nang sumagi sa isipan niya ang huling bahagi ng panaginip niya, but this time, boses na ni Luis ang naririnig niya.
NO f*****g WAY!