CHAPTER 2

2742 Words
"Cancel all my appointment, Grace. I have some important things to do." Utos ni Luis sa sekretarya pagkalabas niya ng opisina.  "But--" Bago pa makatutol si Grace ay nagmamadali na siyang sumakay sa elevator. Kailangan niyang makipagkita sa kliyente niya dahil mukhang nakagawa ng paraan ang mga inihahabla nila para maibasura ang kasong inihain nila. "f**k! Sinusubukan talaga nila ako!" Patungo siya sa Angel's Creed. Ang bahay ampunan na tinutulungan niya sa isang kaso. Pinapaalis na kasi ang mga ito sa lupang kinatitirikan ng ampunan. The land was formerly owned by the late Veronica de Luna. She donated the land to the Orphanage. Pero interesado ang asawa nitong si Romeo de Luna sa lupa dahil walang awa nitong binabawi ang lupa mula sa mga madreng nagpapatakbo ng bahay ampunan. And Romeo will do anything para mapasakamay nito ang lupa. At hindi siya papayag na mangyari iyon! Nasisiguro niyang gagamitin lang nito ang lupa sa kasamaan! Lalong bumilis ang pagpapatakbo niya sa sasakyan dahil sa galit na nararamdaman. He can still remember the time when their family visited the orphanage, habang nagkakasiyahan ang lahat ay nakita niya ang lungkot sa mukha ni Sister Santina, ang namamahala sa ampunan. At dito nga niya nalaman ang binabalak ni Romeo de Luna.  Simula nang bumalik sila ng mga magulang mula sa China, regular ang pagbisita nila sa ampunan para magbigay ng donasyon at pasayahin ang mga bata. Iyon na lamang ang naisip na paraan ng mga magulang para maibsan ang pangungulila nila noon kay Aya, ang kapatid niyang ninakaw sa kanila. Malapit na siya sa ampunan nang makita ang puting van na kanina pa niya napapansing nakasunod sa kanya. Pilit niyang inaaninag ang mga sakay nito dahil iba na ang pakiramdam niya. Ilang beses na siyang nakatanggap ng mga death threats. Binabalaan siya na huwag ng makielam pa sa kaso ng bahay ampunan.  Alam niyang galing iyon kay Romeo de Luna dahil kung sa legalidad lang naman, alam nitong wala itong panama sa kanya. He aced his batch bar exam at lahat ng kasong nahahawakan niya ay naipapanalo niya. At alam niyang hindi iyon lingid sa kaalaman ni de Luna that's why the freaking old man is playing dirty! He shrugged the threats off, knowing na pananakot lamang ang mga iyon. Pero mukhang hindi na sa pagkakataong iyon dahil naaninag niyang hindi lamang isa o dalawa ang sakay ng puting van na iyon.  Agad na pinaharurot niya ang sasakyan at kinuha ang baril mula sa secret compartment. Iniliko niya ang sasakyan, kailangan niyang mag-iba ng daan! Kung tao nga ni de Luna ang mga iyon ay nasisiguro niyang alam ng mga ito na sa ampunan siya putungo.  "f**k!" Nasundan na siya ng mga ito at pinapaputukan na ang kotse niya! His favorite car! His f*****g baby Maraya! He even named his f*****g car after his sister pagkatapos ay papuputukan lang ng mga ito?! Binuksan niya nang kaunti ang bintana ng kotse at inilabas ang kamay para gumanti ng putok habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa daan at panaka-nakang sumusulyap sa rearview mirror. "f**k!" Madami ang mga iyon at alam niyang hindi niya kakayanin ang mga ito kaya binilasan na lamang niya ang pagpapatakbo ng sasakyan pagkatapos ay nagsend ng distressed signal kay Arthur.  "What the f**k!" Two cars were chasing him! "s**t!" Nagtagis ang bagang niya nang makitang sabay-sabay na pinapaputukan na siya ng mga ito.  Nagpaikot-ikot siya sa mga kalsada, pinapasukan niya lahat kahit na ang mga maliliit na eskinita para lamang mailigaw ang mga ito. Nakalabas siya sa isang malaking daan, ngunit nasundan pa siya ng isang kotse. He went full speed, nakakasabay pa rin sa kanya ang kotse kaya lumaban siya ng barilan sa mga ito.  Paulit-ulit na nagpapasalamay siya at naging kaibigan niya si Arthur. Ito ang nagturo sa kanya ng proper aiming para tamaan ang mga moving objects. Sigurado siyang natamaan niya ang driver at iba pang sakay nito. Nagpagewang-gewang ang kotse at bumangga sa isang malaking puno. "Tangina!" Bulalas niya nang makita ang puting van na papalapit. Muli niyang pinaharurot ang sasakyan "Motherfucking s**t!" Isang humaharurot na motorsiklo ang pasalubong sa kanya! May hawak na baril ang rider at nasisiguro niya na kung siya ang target nito ay siguradong hindi na niya maiiwasan pa ito! Gayunpaman ay inihanda na niya ang sarili sa kung anuman ang pwedeng mangyari. He even muttered a short prayer na kailanman ay hindi niya naisip na magagawa niya!  Ngunit 'tila mabait sa kanya ang pagkakataon dahil imbes na paputukan siya ay nilagpasan siya ng rider at kitang-kita niya kung paano maniobrahin nang maliit na katawan nito ang motorsiklo paikot habang pinapaulanan ng bala ang puting van na ngayon ay nakahinto na lamang sa gitna ng daan. "What the f**k?!" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Saka na lamang niya namalayan na nakahinto na lamang pala siya sa gitna ng daan habang pinapanood kung paano bumaba mula sa motorsiklo ang rider at may kung anong sinilip sa van.  Sa hinuha niya ay sinigurado nito na wala ng buhay sa mga taong laman ng van. Nang mukhang satisfied na ito, lumapit ito sa sasakyan niya at kumatok sa bintana.  Hindi nakakasiguro si Luis  kung kalaban ba ang rider o kakampi kaya hindi niya ito pinagbuksan bagkus ay inihanda niya ang sarili sa pagtakas at pinalitan ang magasin ng baril niya. Pero bago pa niya mapaandar ang kotse ay binasag na ng pangahas ang bintana ng kotse niya.  Agad niyang itinutok dito ang baril niya, but to his amusement, inagaw nito sa kanya ang baril at parang laruan lamang ito na kinalas-kalas nito! "You're going to die kung ganyan ka kabagal kumilos." Nagulat siya dahil ang akala niyang lalaki ay babae pala! And her voice is familiar!  Freaking familiar!  "Labas!" Utos ng babae sa kanya. "Nasisiguro ko na may back-up pa ang mga yan, kaya kung gusto mo pang mabuhay, sumama ka sa'kin at huwag na huwag kang aangal dahil ako mismo ang papatay sa'yo." "What?! Who the f**k do you think you are, woman?" Inis na usal niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya nang kakaibang inis nang marinig ang boses ng babae.  Tinanggal ng babae ang suot na helmet kaya kitang-kita na niya ang itsura nito. Nalaglag ang panga niya. Hindi makapaniwala sa nakikita. "I-Ikaw--" Hindi na niya maituloy ang sasabihin. Fuck! The hot and sexy and the freaking bodyguard of his sister is the one who f*****g saved his ass!  "The one and only. Kaya lumabas kana diyan dahil putangina, kanina pa ako nagugutom!" Sagot nito.  Fuck! Ito nga babaeng iyon! Ang babaeng walang habas siyang pinagmumura nang magkagulo noon sa hospital kung saan tinangkang patayin si Aya. The badass bodyguard! Joey Abigail Salazar! Walang sabi-sabi nitong binuksan ang pintuan ng kotse niya at parang batang kinaladkad siya nito patungo sa motorsiklo nitong nakaparada sa 'di kalayuan. Sumakay si Joey Abigail sa motorsikolo, "Sakay!" Bulyaw nito sa kanya kaya wala siyang nagawa kung hindi umangkas sa likuran nito. Sunud-sunod ang pagmumura ni Luis nang pinaharurot na ni Joey Abigail ang motorsiklo. Mas nakakatakot pa ang pagmamaneho nito kumpara sa naranasan niya kanina. Mahigpit na kumapit siya sa maliit na bewang nito, parang may sinasabi pa si Joey Abigail pero hindi na niya marinig dahil sa bilis nang pagpapatakbo nito. Well, as if he cares! Nag-eenjoy siya sa pagpisil sa maliit na bewang nito lalo na kapag bigla itong lumiliko. f**k! Muling nabubuhay ang pagnanasa niya sa babae na una niyang naramdaman noon sa hospital! - PAGDATING nina Joey sa dalawang palapag na bahay niya ay agad na bumaba siya mula sa motorsiklo, ipinarada niya ito sa harapan ng bahay na nagsisilbing garahe. Dumeretso siya sa loob. Agad namang sumunod sa kanya si Luis at saktong pag-tapak ng mga paa nito sa loob ng bahay niya ay agad itong nakatikim ng suntok sa tiyan mula sa kanya. Napaigik si Luis at halos mamilipit sa sahig habang sapo-sapo ang nasaktang tiyan. "What the f**k is that punch for?" Hindi maipinta ang mukha nito pero ang mga mata ay matalim na nakatingin sa kanya. "Akala mo ba ay palalagpasin ko lang ang ginawa mo kanina, huh?! Tangina mo! Manyak! Pakyu ka nang sagad!" Naiinis na bulyaw niya dito at kung hindi lang siya naaawa sa itsura nito ngayon ay pinagtatadyakan niya pa ito! Pumasok siya sa kusina at iniwan itong nasa sahig parin. Ang akala ata nito ay hindi niya nararamdaman ang pagpisil-pisil nito sa bewang niya at ang marahang paghaplos ng kamay nito sa tiyan niya kaninang nagbabyahe sila! Kung hindi lang inihabilin ni Arthur na iuwi niya muna si Luis sa bahay niya ay nuncang isama niya ito doon! Baka hinayaan na lamang niya ito sa daan para abutan ito ng mga naghahabol dito. And that f*****g ungrateful brute even violated her!  Well not really! But f**k! Hanggang sa mga oras na iyon ay nararamdaman parin niya ang palad nito sa kanyang beywang. That asshole!  Naghanda si Joey ng makakain nila ni Luis. Nagbukas siya ng isang malaking de lata ng sardinas at nagsandok ng kanin mula sa rice cooker.  Kakain na dapat siya kanina nang matanggap niya ang tawag ni Arthur at ibigay ang location ng kaibigan nito. Kailangan daw nito ang tulong kaya nagmamadali siyang rumesponde. Hindi naman niya alam na si Marco Luis Sy pala ang kaibigan na tinutukoy ni Arthur. Ang kuya ni Aya na sobrang OA!  Hindi niya makakalimutan ang pagmamaliit nito sa kakayahan niya! Hindi porke't babae siya ay hindi na niya kayang protektahan ang kapatid nito. Ang hayop na yon! Akala mo kung sinong gwapo! Iyakin naman!  Bahagya siyang natawa nang maalala ang itsura nito noon. They were in Tagaytay at nagmamakaawa ito kay Kurt na payagan itong makausap si Aya. "f*****g gayshit!" Natatawang bulong niya habang itinatabi ang mga maruruming kasangkapan. Nakakahiya naman sa bisita niya. "I'm leaving." Napapitlag si Joey nang magsalita si Luis sa likuran niya. Muntikan na niya itong hagisan ng kutsilyo na nasa abot kamay lang niya. "No way. Ang bilin ni Arthur ay dumito ka muna." sagot niya at muli itong tinalikuran.  "But I can't just leave my car there. That's my favorite car and before I forgot! You, midget! Why do you have to f*****g break my window, huh?! Alam mo ba kung magkano ang halaga niyon, ha?! f**k! My baby!" Litanya nito. Humarap siya kay Luis. "I don't know and I don't care! And what the hell? Tama ba ang narinig ko? You f*****g called me a midget?!" Nanlilisik ang mga matang tanong niya dito. "So what---" "Aba't, putangina mo ka! Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita?! Maka-midget ka diyang gago ka, ha!" Joey's 5'7 in height at kung sa height nga nito na sa tingin niya ay nasa 6'1 ay di hamak na mas maliit siya. Pero hindi siya midget! Mas matangkad pa nga siya sa kapatid nitong si Aya! Sasagot pa dapat ito nang tumunog ang cellphone nito na agad naman nitong inilabas mula sa pantalon at sinagot. "Arthur...." Nakita niya ang pagkunot ng kilay nito. Pagkaraan ay sunud-sunod na nagmura. "Fine! f**k, bro! Take care of my baby. Call my secretary at alam na niya kung sino ang tatawagan."  Napahilamos ito sa mukha pagkatapos ay huminga nang malalim. "Yeah. Yeah. Sure. Thanks, bro. Yeah, kahit labag sa loob ko. Damn!" Pinatay na nito ang tawag pagkaraan ay pinatay ang cellphone. "Arthur told me to stay here with you habang inaayos niya ang mga nangyari." Pagbibigay alam nito sa kanya. "f**k! Tangina talaga!" Mura niya. Ginawa pa siyang babysitter ni Arthur! Nagring ang cellphone ni Joey at nang makitang si Arthur iyon ay agad niyang sinagot at lumayo kay Luis. "Tangina mo, Acosta! Ano na naman ito?" Bungad niya kay Arthur na natatawa lang sa kabilang linya. "It's just for a day or two, Salazar! Para namang bago sayo ang ganito. We're friends, right? Luis is in danger, ni-ransack ng mga kaaway niya ang condo at ang penthouse niya. Let him stay with you." paliwanag ni Arthur. "Tangina, ano pa nga bang magagawa ko? May bayad ito, Acosta!" Tumawa lang si Arthur, "Si Sy ang singilin mo, Salazar. Tagapagmana 'yan kaya ingatan mo." Sabi pa nito at walang paalam na pinatayan siya ng telepono. Binalikan ni Joey si Luis sa kusina at naabutan niya itong nakatayo parin sa harap ng lamesa at masama ang tingin sa mga kawawang isda. "Oh, ano pang itinatayo mo diyan? Kain na." Umupo na siya sa upuan at nagsimulang magsalin ng kanin sa plato at kumuha ng ulam. Pagkatapos ay naka-kamay na sumubo siya ng pagkain. Si Luis naman ay pinapanood lang siya kaya naman pinanlakihan niya ito ng mata. "Kakain ka ba o hindi?" Seryosong tanong niya dito. Naiinis na naman siya sa kumag! "Are you freaking serious?! Papakainin mo ako nang ganito?" Kitang-kita niya ang pandidiri sa itsura nito na mas lalong nakadagdag sa pagkainis niya. "Aba! Tangina ka pala, eh! Kung ayaw mong kumain, huwag kang kumain! Ang kapal ng mukha mong laitin ang pagkain ko! Pasalamat ka nga at pinapakain ka! Hoy, para sabihin ko sa'yo, kung hindi dahil kay Arthur at sa kapatid mo, hinayaan na kitang mamatay kanina! Tangina ka, ah!" Sunud-sunod na litanya niya. Huwag na huwag nitong papaandarin ang pagiging RK nito sa kanya dahil talagang makakatikim ito!  "f**k! I'm not gonna eat t-that ... that freaking fish with tomato sauce! I'm gonna buy my own food!" Sagot ni Luis at nagmartsa palabas ng kusina. "Bumili kana din ng kabaong." Malakas na sigaw niya para marinig nito. Narinig naman niya ang mga yabag nito pabalik sa kusina.  "What the f**k?! Anong gagawin ko sa kabaong?!"  "Gagagamitin mo, ano pa ba? Malakas ang loob mong lumabas, 'di ba? Eh, 'di ihanda mo na din ang mga gagamitin mo sa burol mo! Oh, and barong tagalog suits you well." Sagot niya at nagpatuloy na sa pagkain ng sardinas.  Laglag ang panga nito. "Oh, ano? Akala ko ba bibili ka ng pagkain mo? Alis na, dali! Goodluck!" Nang-uuyam pa na dagdag niya at muling nagpatuloy sa pagkain. "Bilisan mo! Sasamahan mo ako!" Sabi nito at umalis sa kusina. "Tangina mo! Manigas ka diyan sa gutom!" Bulong niya at mas lalo pang tinagalan ang pagkain. Pagkatapos magligpit at maghugas ng sandamakmak na hugasin, lumabas si Joey para silipin ang bwisita niya. Naabutan niya itong prenteng nakaupo sa sofa at nanonood ng tv sa sala habang kumakain ng chocolate. Chocolate?! Tangina! "Sinong nagsabing pwede mong kainin yan, ha?!" Halos maputol ang litid niya sa lakas ng sigaw niya. Bahagya lang nagulat si Luis at parang walang narinig na muling ibinalik ang atensiyon sa tv.  Napasulyap siya sa malaking lagayan niya ng Chocolate Stone. Pero halos wala ng laman iyon!  "Putangina! Bakit mo inubos ang mga chocolates ko?! Tanginaaaaaaa!" Malakas na muling sigaw niya. Parang sasabog ang mundo niya. Ang mga chocolates niya! "f**k! Can you stop shouting, woman! Para chocolate lang, nagkakaganyan ka? Ibibili pa kita ng sampong sakong ganito. Tsk!" "Eh, gago ka pala! Bahay ko 'to at may karapatan akong sumigaw kung kailan ko gusto!" "Bakit inaangkin ko ba? Tsk. Ingay mo. Ohh," Ibinalik nito sa lagayan ang ilang pirasong chocolates na hawak nito at iniabot sa kanya ang lagayan. "Nagutom kasi ako kaya ito na lang ang kinain ko, hindi ko naman kasi inakalang magugustuhan ko ang lasa. Kasalanan mo naman kasi lahat. Ang bagal mong kumain, sinabi ko naman sayong samahan—aray! You midget!"  Hinambalos niya sa ulo nito ang plastic na lagayan niya ng chocolates. Galing pa sa Middle East ang mga chocolates na iyon!  "'Tang*na mo! Lumayas ka sa pamamahay ko, ngayon din!" "Hoy, Abigail! Hindi kana nakakatuwa, huh?! Kanina mo pa ako sinasaktan! Tangina! Ang sakit ng ulo ko!" Reklamo nito habang hawak ang parte ng ulo nito na hinambalos niya. "Bagay lang sayo 'yan! Magnanakaw ng chocolate! At hindi Abigail ang pangalan ko! Joey! Joey! JOEY!" Muling sigaw niya. This brute is getting into her nerves! Parang maiiyak na siya sa sama ng loob. Anong karapatan nitong kainin ang mga chocolates niya?  "May tanong ako." Deklara nito. Relax na ang mukha nito at mukhang seryoso na.  "What?" masungit na tanong niya. Ang atensiyon ay nasa iilang pirasong chocolates pa rin. "Nakalunok ka ba ng megaphone?" Tanong nito at bago pa niya muling mahambalos ay tumakbo na sa hagdan at pumanhik sa second floor. Nanlaki ang mga mata niya. "f**k! TANGINA!" Bulalas niya at mabilis na sumunod dito. Nag-iisa lang ang kwarto sa taas at hindi nito pwedeng makita ang kwarto niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD