CHAPTER 1

1494 Words
"TANGINA! tangina talaga!" Sunud-sunod na mura ni Joey habang naglalakad pabalik sa rooftop ng Hospital kung saan naka-confine si Aya, ang asawa ng kabigan ni Arthur na binabantayan niya. Tinawagan niya si Arthur. "Tangina, Arthur!" Bungad niya pagkasagot na pagkasagot nito sa tawag niya. Naging sunud-sunod pa ang pagmumura niya habang naghahabol ng hininga. "What happened? May problema ba?" Tanong nito.  "Walang problema! Pero 'tangina! Ang sabi ko sa'yo gusto ko ng action, pero 'tangina, ibang action pala ang meron dito!"  "Wait, what the hell are you talking about?" Naguguluhang tanong nito. Naririnig pa niya mula sa kabilang lionya ang pagmamadali sa kilos nito. "Damn it! Yung.... s**t!" Naramdaman niyang muli ang pamumula nang maalala ang tagpong nasaksihan. And damn! She's hyperventilating!  "Teka, umayos ka nga. Anong nangyayari sa inyo diyan? I'm on my way there."  "Huh? Huwag na! Paalis na din kami niyan. The chopper's waiting at the rooftop. Ano lang..." Hindi niya malaman kung paano ipapaliwanag kay Arthur ang nasaksihan. "Yung... yung kaibigan mo at ang asawa niya, nagrarakrakan sa loob ng hospital suite! Tangina, kitang-kita nang dalawang mata ko!" Hiyang-hiya siya sa nakita at wala na atang mas pupula pa sa mukha niya. Humalakhak naman sa kabilang linya si Arthur. "'Langyang Anderson yan. Hindi pa magaling ang asawa'y binanatan agad. Anyway, masanay ka na. They're newly weds. Ganyan talaga." Sabi nito at muling humalakhak.  Pinatay na niya ang tawag at nagpatuloy na sa pagpanhik sa hagdan patungo sa rooftop. May elevator naman pero dahil sa nasaksihan ay mas pinili niyang maghagdan na lamang.  "Miss Salazar, okay ka lang? Nasaan na sina Sir Kurt?" Salubong sa kanya ng piloto. Pupunta sila sa Tagaytay para doon na magpahinga si Aya.  "N-nasa baba pa. M-may inaayos lang. Whoooo! Ang init dito, 'no?" Sabi Kausap niya sa piloto habang pinapaypayan ang mukha gamit ang mga kamay. Kumunot naman ang noo ng piloto dahil obviously mahangin sa roof top at malamig ang simoy ng hangin. Umiiling na lang ito at pumasok na sa chopper. Siya naman ay hinintay ang mag-asawa. Damn it! Papaano niya haharapin ang mag-asawa na hindi maaalala ang nakita niya?  ACTIONLESS ANG pag-i-stay nina Joey sa Tagaytay. Pero imbes na mainip ay nag-enjoy siya doon. For the first time in her life, nagpasalamat siya na wala siya sa giyera, operation o ano pa mang hilig niya na kinakailangan ang baril, bomba at kung anu-ano pang mga armas.  The Anderson's made her feel at home kahit na bodyguard lang siya ni Aya. They were so generous and kind to her na parang gusto na lamang niyang tumira doon.  Si Aya ay parang kaibigan ang turing sa kanya. Sobrang napalapit ang loob niya dito. Si Kate naman na mukhang socialite ay napakabait at sobrang down to earth. Hindi mo iisipin na galing sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya ito. Katulad na lang ngayon, kahit hindi siya mahilig sa pagsa-shopping ay kailangan niyang sumama sa mga ito dahil narin trabaho niya ang protektahan si Aya. Pero hindi niya inaasahan na sa tianggihan sila pupunta.  Halos lahat ng mga tao ay sa kanila nakatingin, kaya todo bantay siya sa dalawa. Sa uri ng trabaho niya, hindi siya pwedeng basta-basta nalang nagtitiwala. May mga taong kunwaring humahanga lang, pero ang totoo ay may masama nang balak.  Natigil siya sa pagmamasid sa paligid nang tawagin siya ni Aya. Kunot noong lumapit siya dito at may iniabot itong dress sa kanya.  "What do you think?" Tanong ni Aya. May hawak itong dress na katulad ng iniabot nito sa kanya. Si Kate din ay may hawak ng kaparehong dress, tanging kulay lang ang pinagkaiba.  "Okay lang, sino bang magsusuot?" Tanong niya.  "Ikaw!" Sabay na sagot ng dalawa. Muntik na niyang mabitawan ang damit sa narinig.  Tangina! Niloloko ba siya ng dalawang ito?! Hindi siya nagsusuot ng ganoon! Nang huli siyang magdress ay noong may mission siya sa Russia! At ilang taon na ang nakakalipas.  "C'mon, I'll pay!" Sabi ni Kate at lumapit na sa tindera. Nakipag-unahan naman si Aya dahil nagbigay daw ng pera si Kurt.  Hawak parin niya ang dress at hindi makapaniwalang binili talaga ng dalawa iyon para sa kanya.  Tangina, anong gagawin niya don?  "Ma'am, ibalot ko na po." Taaag ng tindera sa kanya, wala na siyang nagawa kundi ang iabot dito ang dress. Nang maisilid na iyon sa plastic na may hello kitty ay mas lalo pa siyang napangiwi.  "f**k you, Acosta!" Mahinang bulong niya at iniisip na kung paano niya isasalvage ito.  Naglakad-lakad pa sila, nang makita ng dalawa ang bilihan ng mga pantulog ay hinila siya ng mga ito.  "What do you think, Joey?" Tanong sa kanya ni Kate. Hawak nito ang button down pajamas na Frozen characters ang design.  "Bagay sayo." Sagot niya. "No offense meant, pero please lang, hindi ako nagsusuot ng ganyan kaya kung iniisip niyo na bilhan ako, wag na. Okay na 'tong ..... 'tong dress na to." Pagpapauna niya.  "Ooops! Bawal tumanggi!" Sabi ni Aya at nagpatuloy sa paghahanap ng pambatang design. Nagkakatawanan pa ang dalawa dahil maging si Kurt ay balak pagtripan ng mga ito. MATAPOS ANG KATAKOT-TAKOT na pagsa-shopping nina Aya at Kate, nagpasya nang umuwi ang mga ito na labis na ipinagpasalamat ni Joey. Kung magtatagal pa kasi sila doon ay baka iwanan na lang niya ang mga ito. Na-stress siya sa mga pinaggagagawa at pinagbibibili ng dalawa. Pero hindi naman niya maikakaila na nag-enjoy siya sa pakikipagkulitan sa mga ito. Pagdating nila sa bahay ng mga Anderson, narinig nila ang malalakas na boses na nagmumula sa loob. Naging alerto siya, ang kamay ay nakahawak na sa baril na nasa tagiliran niya. Sinenyasan niya ang dalawa na mauuna siyang pumasok. Pero mukhang hindi siya naintindihan ng dalawa o sadyang pasaway lang ang mga ito dahil dire-diretsong pumasok ang mga ito sa loob. "Hi, Kuya! We're home!" Masiglang bati ni Kate kay Kurt. Napailing na lang siya. Masisiraan siya ng ulo kung araw-araw niyang makakasama si Kate. Ipinalibot niya ang tingin. Nakita niya si Zeke, kaibigan nina Kurt at Arthur. May kasama itong lalaki na ngayon lang niya nakita. Pinagmasdan niyang mabuti ang estranghero. His chinky eyes caught her attention. Napakurap-kurap pa siya nang mapansin na may pagkakahawig ito kay Aya.  Nang pakilala ni Kurt ito kay Aya, napaisip siya dahil familiar ang pangalan nito. Marco Luis Sy. Saan nga ba niya nabasa ang pangalang iyon? Natigil siya sa pag-iisip ng nang makita ang pagkahulog ng katawan ni Aya kasunod ang sabay-sabay na pagsigaw ng nga kasama nila sa bahay. PABABA NG HAGDAN si Joey nang marinig ang pagsisigawan nina Kurt at Luis. "No! You f*****g tell me, Anderson! Is she my sister?!" Maluha-luhang tanong ni Luis.  Hindi sumagot si Kurt. She was about to butt in when Luis talked again. "Kurt, please! I need to know. Is she my sister? Siya ba ang rason kaya gusto mo akong makausap?" Nagsusumamo ang mga mata ni Luis. Sunud-sunod na tumulo ang luha ni Luis nang bahagyang tumango si Kurt. She felt something in her heart. Bakit parang gusto niyang maawa dito? "God! Oh, God! I-I need to see h-her! We need to talk!" Nagtangkang umakyat si Luis pero agad na napigilan niya ito nang makita niyang umiling si Kurt. "Who are you?" galit na tanong ni Luis sa kanya. Hawak niya balikat nito. "Aya's bodyguard." Sagot niya, inilabas niya ang baril at itinutok dito. "Nagpapahinga si Aya, bawal istorbuhin." "No, I need to talk to her. A-Ang.. Ang tagal namin siyang hinanap." Nabasag ang boses nito. Hindi siya nagpadala. Bagkus ay nakipagtagisan siya ng titigan dito. Pinatigas niya ang loob para hindi maawa dito. But the emotions in his eyes soften her heart. Damn! This can't be happening! Walang ano man o sino man ang pwedeng makapagpalambot sa puso niya! Ang lakas ng t***k ng puso niya and she can't f*****g take her eyes off of his!  "Please?" mahinang bulong ni Luis. Nanlalambot ang mga kamay ni Joey! Unti-unti niyang ibinaba ang baril. "Bumalik kana sa taas, Joey. Ako na ang bahala dito." utos ni Kurt sa kanya. Ayaw man ay kailangan niyang sumunod. Unti-unti siyang lumayo kay Luis. Pero nang nasa puno na siya ng hagdan, muli siyang sumulyap dito. Their eyes met. Parang may kung anong humaplos sa puso niya, gusto niyang samahan ito patungo kay Aya. Gusto niyang makita pa ito. 'UMAYOS KA, JOEY ABIGAIL!' kastigo niya sa sarili. "Damn you, Acosta! Anong trabaho 'tong binigay mo sakin!" Mahinang bulong niya. SUMISIKIP ang puso ni Luis sa mga nangyayari. They found his long lost sister, ngunit tila ayaw naman nito sa kanila. It's been twenty f*****g years since his sister was taken away from them. At ngayong nasa harapan na nila ito, ni hindi man nila ito mahagkan at mayakap. Napapaisip tuloy siya, nasa tabi-tabi lang pala ito, bakit inabot pa nang ganoon katagal bago nila ito nakita. At si Kurt pa talaga ang nakahanap sa kapatid niya! Anong ginawa ng mga private investigator na h-in-ire ng pamilya niya? There's something wrong. At aalamin niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD